Saturday, April 21, 2012

Suwerte


"To work all the time is to be incredibly lucky."

SUWERTE
Ni: Arvin U. de la Peña

Umaga pa lang ay nasa pantalan na si Melchor. Ganundin din naman ang iba pa. Sa pantalan ang ginagawa ay namimingwit ng isda. Minsan ay marami ang nabibingwit na isda, minsan naman ay kaunti lang. Suwertihan lang talaga. Sa hapon ay ganundin ang ginagawa ni Melchor. Ang mga nabibingwit na isda ay iyon ang ulam nila. Kung konti lang ang nabingwit at kulang sa kanila ay bumibili siya ng ibang makakain.

Kapag tapos na siya sa pantalan sa umaga ay uuwi sa kanila at ang asawa niya na lang ang bahala sa pagluluto. At siya ay mag sideline para sa pamamasada ng tricycle. Isa lang ang anak nilang mag-asawa at iyon ay tatlong taong gulang na babae. Kapos sila sa pera kaya kumakayod talaga si Melchor. Ang asawa niya  ang nag-aalaga sa kanilang anak.

Para sa anibersaryo ng kanilang lugar ang kasalukuyang butihing Mayor nila ay nagpatimpalak. Sa patimpalak kung sinuman ang makakahuli ng maraming isda sa loob ng dalawang oras ay siyang panalo. Ang premyo ay 10, 000 pesos para sa mananalo.
Lahat na mahilig mamingwit ng isda ay tuwang-tuwa dahil ang patimpalak na iyon ay una pa lang sa kanilang lugar. Ang mga nagdaang Mayor ay hindi iyon ginawa.

Araw ng patimpalak ay marami na ang nasa pantalan na mahilig mamingwit. At iba naman ay titingin lang. Ang mga pinasali sa patimpalak ay iyong mahilig lang talagang mamingwit ng isda na halos araw-araw ay nasa pantalan. Hindi pinasali ang bago lang na mamimingwit. Dahil may alam ang organizer kung sila sino ang dapat kasali, sa pakikipagtulungan  sa mahilig mamingwit kung sinu-sino sila lagi sa pantalan.

Sa pag-umpisa ng patimpalak ilang minuto lang ang nakakalipas ay nakabingwit na agad si Melchor. Nasundan pa iyon ng nasundan na lagi siyang nakakabingwit ng isda. Hindi katulad noong walang patimpalak na bihira lang siyang makahuli. At sa pagtapos ng oras para sa patimpalak ang itinanghal na panalo ay si Melchor. Umuwi si Melchor sa kanila na may dalang trophy at perang 10, 000 pesos. Labis ang tuwa ng kanyang asawa sa kanyang pagkapanalo dahil matutupad na rin ang pangarap niya na makapagtayo ng munting tindahan sa kanilang bahay.

Ang suwerte ay minsan lang dumating sa buhay ng tao. Kung datnan ng suwerte ay dapat bigyan ng halaga ang nakamit. Kung sinuwerte at nagkaroon ng maraming pera dapat ingatan na hindi maubos. Huwag maging maluho. Ilaan ang pera para sa maganda. At kung sinuwerte naman dahil tumaas ang posisyon sa trabaho ay huwag magyabang. Panatilihing maayos ang pakikutungo sa kapwa ng sa ganun kung ikaw ay bumaba sa puweso ay papansinin ka pa rin nila na nasa ibaba.

27 comments:

Dhemz said...

tama ka Arvin....what a great composition...enjoy the rest of the weekend...salamat sa dalaw!

Ishmael F. Ahab said...

Gaya ng sinasabi ng iba, "kapag ukol ay bubukol".

'yan nagka-"bukol" si Melchor.

anney said...

Tama ka na minsan lang dumating ang swerte kaya dapat pakaingatan. Bigla ko tuloy naalala ko tuloy yung lalaking nanalo sa lotto sinuwerte kaya nga lang di nya iningatan ang kanyang napanalunan kaya naubos din at naghirap.

Noblesse Key said...

Hay, ako, kailan pa kaya susuwertihin...

Opportunity knocks only once so grab and never let go of it.

Spanish Pinay said...

Minsan, ang swerte na dumarating ay hindi madaling makilala bilang swerte... minsan nagbabalatkayo bilang mahirap na oportunidad o disgrasya kaya´t madalas iniiwasan natin. Kailangan marunong tayong kumilala ng swerte at tanggapin ito ng buong tapang at ng may pasasalamat.

Spanish Pinay

kimmyschemy said...

kaya nga we have to watch out for every opportunity and grab each..

a visit from kim!

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz..........maraming salamat sa sinabi mo.....laging masaya ang weekend ko,hehe.....walang anuman...ikaw din diyan enjoy lagi..

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab........ang kasabihan nga na iyan ay nangyari para sa sinulat kong kuwento....marami ng nangyari sa ganun....ibat ibang pagkakataon para kahit paano ay umunlad ng konti...

Arvin U. de la Peña said...

@anney..............nabalitaan ko ang istorya niyan sa isang kaibigan sa panonood niya ng news sa tv....ilang milyon din ang napasakamay niya pero hindi yata umabot ng 5 months ay ubos na.....pero sabi ay hindi raw siya nagsisisi kasi ginasto niya ang pera na nasiyahan naman siya....

Arvin U. de la Peña said...

@Noblesse Key..........malapit ka ng suwertihin,hehe...........pero may mga tao na kung suwertihin at nagkapera ay walang pakundangan kung gumasto....inom dito, inom doon, sugal dito, sugal doon at kung ano pa......

Arvin U. de la Peña said...

@Spanish Pinay...........maganda ang sinabi mo.......may mga binibigay talaga na oportunidad sa isang tao pero tinatanggihan....at kapag tinanggap ng iba ay suwertihin ang tumanggap dahilan para magsisi ang tumanggi ng oportunidad......sabi nga nasa huli ang pagsisisi....

Arvin U. de la Peña said...

@simply kim..........sa buhay ay sadyang may mga tao na tumatanggi para sa pagkakataon na binibigay.....hinahayaan na lang dahil may sarili din siyang gusto.....

eden said...

Tama ka Arvs sa lahat na sinasabi mo. Sana dumating din sa aking ang suwerte. hehehe

TAMBAY said...

maswerte nga si melchor. siguro dahil na din sa kaynang kasipagan kaya ganon ang swerteng nangyari sa kanya. mabuti ang ganon.

may tinatawg din tayong malas na kabaligtaran ng swerte. pero hindi naman siguro kamalasan nga ang mga negatibong nangyayari sa isang tao. naaring naayon din ito sa kantang mga ginagawa.

magandang lathalaib sir arvin..

magandang araw sayo :)

Lady Fishbone said...

:)

Mel Avila Alarilla said...

Ang bawat tao ay may kanya kanyang swerte. Kailangan nga lang nating pagyamanin at pangalagaan ang swerteng dadating sa buhay natin dahil maaaring hindi na maulit pa iyon. Salamat sa magandang kwento na may aral sa buhay. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

eden said...

Thanks for the visit.

Sam D. said...

Walang kupas at walang tatalo saiyo sa paggawa ng Filipinong tula kaibigan Arvs. Keep it up and regards to your family

Unknown said...

Swerte parin ang karamihan di lang nila alam.

Arvin U. de la Peña said...

@eden......salamat...bakit naman...palagay ko nga napakasuwerte mo sa ngayon...

Arvin U. de la Peña said...

@ISTAMBAY..........ang kasipagan ng isang tao ay may magandang naghihintay talaga pag dating ng tamang araw.....ganun ang nangyari tungkol kay Melchor sa sinulat kong kuwento......sa kapabayaan ng tao minsan nagiging malas siya.....maraming salamat sa sinabi mo...

Arvin U. de la Peña said...

@Jessica.........kumusta ka na sa ngayon......minsan napupuntahan ko pa rin ang blog mo....hindi ko alam bakit malas ka sa pag ibig,hehe....lagi ka na lang nahihiwalayan.....

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla.......tama ka....minsan ang suwerte ng isang tao ay matalgal nga lang na nakakamit.....ang iba dahil sa kahihintay sa suwerte na hindi dumarating sa kanya ay gumagawa na lang ng hakbang para sakali maka jackpot....halimbawa magnakaw o mangholdap ng malaking halaga....sa ganun ay sinuwerte sila...kung hindi nga lang mahuli....

Arvin U. de la Peña said...

@Sam D...........madami pang iba na magaling magsulat.....basta ako sinusulat ko lang ano ang pumasok sa isip ko...

Arvin U. de la Peña said...

@Untied Escape...........may kanya kanya tayong buhay....may pinanganak na mahirap o mahirap......sa pagkaintindi ko ay pinanganak na mayaman na ang pamilya ay masuwerte na talaga dahil sa paglaki niya ay hindi siya pagod masyado o kaya ang gusto ay nakakamit agad.....samantala kung mahirap ng isilang ay lalaki siya na may pakikipagsapalaran sa buhay para umasenso...

eden said...

Hi, Arvs!

Just visiting you again! Have a great weekend.

Kim, USA said...

Very inspiring Alvin. Love the photo.


SWF