Sunday, April 8, 2012

Salamat Sa Minsan

Una sa lahat nais kong magpasalamat kay Umma sa pag send niya uli ng bayad na $30 para sa pag lagay ko ng badge ng dalawa niyang blog sa sidebar ng blog ko.

"There will be a time you need to give up a person inspite of your Great Feelings. Because love is not enough to maintain a relationship. Sometimes you need to pull yourself back to a normal life. No risk, No sacrifices, No heartache. A person once said, Love is like a basketball, you need to call Time out when you know it's time to Rest."

SALAMAT SA MINSAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Salamat sa minsan minahal mo ako
Araw at gabi ako ay masaya
Walang masyado na dinaramdam
Dahil ikaw ay nasa tabi ko lang.

Salamat sa minsan pinaglaban mo ako
Magulang mo ay sinuway para sa akin
Sa kabila na ako ay ganito lang
Mas pinili mo akong pakisamahan.

Salamat sa minsan sinamahan mo ako
Ginabayan pagharap sa mga pagsubok
Hindi man ako perpektong tao
Nagtiis at nagtiyaga ka para sa akin.

Salamat sa minsan binigay mo ang lahat
Kahit marami mas guwapo na nanligaw sa iyo
Ako ang sinagot mo araw ng mga puso
Wala kang pagsisisi sa pasya mong iyon.

Salamat sa minsan naging tayong dalawa
Batid ko ang lahat sa atin alaala na lang
Kung bibigyan pa ako ng isang pagkakataon
Puso mo hindi ko na sasaktan.

47 comments:

icedgurl said...

trekking your blog!!! salamat sa pagbisita! Na-add na kita sa must-see blogs list. :-)

cheers!
..TREK..

Anonymous said...

Nice poem kuya </3

iamjessiegarcia said...

dugtungan ko lang...

Salamat sa pagkakataong naging masaya ang abang puso ko
Panandalian man ang naging pagsuyo
Isang napakagandang alaalang mababaon
Hanggang sa muli sinta ko

^^

ArJee said...

nice poem.. cheers to the people we love and loved us in return..

Spanish Pinay said...

nice poem. Love the title :)

Spanish Pinay

anney said...

Nice poem though a bit sad at di nagkatuluyan.

Mai Yang said...

yeah, salamat sa minsan!

wow huh, $30 para sa badge lang. awesomeness! ^_^

eden said...

Nice poem but sayang di nagkaka tuluyan.

Yen said...

ibig ba sabihin nyan move on kana ngayon? happy for you.Asan na yung x mo ngayon? sana ni share mo sa knya tong link malay mo ma realize nya love ka pa pla niya. haha (gatong e no)

Unknown said...

ikaw na ang may sponsor. galing.

Maganda ang tula, kaso malungkot.

Dapat talaga pahalagahan ang mga taong nagmamahal sa atin, kasi baka minsan lang magkamali ay hindi na maibalik muli ang dating pagmamahal.

jelai said...

naks naman! napaka touching lang! :)

Kristeta  (kalokang Pinay) said...

nice poem though a bit sad...

rahul khan said...

Nice poem with a pretty girls photo. sell my house

Chubby Singson said...

wow!

ramdam ko ang emosyon sa tula na to.

very well written dude!

: )

Arvin U. de la Peña said...

@icedgurl.............thanks at muli ay napuntahan mo ang blog ko...ok...mabuti at nasa blog list mo na ang blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@SPICA......salamat sa sinabi mo...kapag nag blog hop ako ay puntahan ko ang blog mo...

Arvin U. de la Peña said...

@iamjessica.............wow...
napakaganda ng naidugtong mo......puwede iyon na dugtungan mo pa at isang tula mo na iyon na sinulat....galing mo rin...

Arvin U. de la Peña said...

@arjee............thanks...sa iyo salamat din at napuntahan mo ang blog ko....tama ka diyan...dahil sila minsan nagpaligaya sa buhay natin...

Arvin U. de la Peña said...

@Spanish Pinay...........sa iyo ay salamat din sa sinabi mo....siguro noon nangyari na sa iyo ang tungkol sa sinulat ko,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@anney..........nagkatuluyan naman pero naghiwalay din dahil nakasakit sa minamahal...

Arvin U. de la Peña said...

@Mai Yang..........siguro naka relate ka sa sinulat kong ito dahil minsan may minahal ka tapos hindi naging kayo.....opo kasi isa ko siyang advertiser....dalawang taon na niyang pagbigay sa akin ng 30 dollar para sa dalawang badge ng blog niya na nilagay ko sa sidebar ng blog ko...

Arvin U. de la Peña said...

@eden..........kung hindi nagbigay ng kasakitan sa minamahal ay tiyak na hindi maghihiwalay.....minsan ang pagtitiwala ay nasosobrahan at niloloko na pala...

Arvin U. de la Peña said...

@Yen............matagal na akong nakapag move on....tiyak ay mababasa niya ito kasi mag message ako sa kanya na basahin...

Arvin U. de la Peña said...

@mayen...............opo at kahit paano ang padala niyang payment ay pambayad na sa pag internet,hehe......may mga tao na kapag nagkamali ang mahal nila ay hindi na pinapatawad...hiwalay agad..

Arvin U. de la Peña said...

@jelai.............ganun ba...di ko iyon sadya,hehe......may mga sinulat pa ako na matouch ka talaga....

Arvin U. de la Peña said...

@Kristeta............thanks....para rin ito talaga sa mga tao na iniwan ng kanilang mahal dahil sila ay may ginawang hindi maganda...

Arvin U. de la Peña said...

@rahul khan............she is really beautiful....she is the girl in the sidebar of this blog of mine..

Arvin U. de la Peña said...

@Ers...........maraming salamat sa sinabi mo....puntahan ko rin ang blog mo kapag nag blog hop ako....

Unknown said...

another nice poem...
hahaha, natawa naman ako sa comment mo

Maria Gemma Hilotin said...
This comment has been removed by the author.
Maria Gemma Hilotin said...

sad naman to... sana madami ka din natutunan sa pagsasama nyo.. at maging gabay mo un para sa mas maayos na susunod mong makarelasyon. (hirap tagalog lol!)

thanks for visiting my site!.. :)

Sam D. said...

Nakakaluha naman itong poem mo Arvs. Tama silang lahat sayang talaga at hindi sila nagkatuluyan sa kabila ng sacrifices na ginawa nung isa. :-(

eden said...

thanks for the visit, arvs. have a great weekend.

kimmyschemy said...

very touching!

a visit from the Story Teller!

Tal said...

kakalungkot naman ang tulang ito! pero ganon talaga ang buhay, kapag may nakasakit at may nasaktan, mas malamang na di talaga maganda ang maging ending. :)

Mel Avila Alarilla said...

Masaya ngang alalahanin na minsan ay naging kayong dalawa. Hindi nga lamang naging mabait sa inyong dalawa ang kapalaran dahil kayo ay nagkahiwalay din. Salamat sa tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Arvin U. de la Peña said...

@reese..........thanks.....hehe...

Arvin U. de la Peña said...

@Gemma/My Dailies........medyo nakakalungkot nga ang sinulat kong ito.....marami na rin akong naisulat na nakakalungkot ang dating,hehe....sa bawat pagsasama na nauuwi sa hiwalayan ay mayroon talagang natutunan sa nangyari......ok naman ang pag tagalog mo.......

Arvin U. de la Peña said...

@Sam D..........very touching nga ang itong post kong ito....pasensya na sa mga nagbasa kung naantig man ang damdamin nila.......kahit gaano pa kahirap ang ginawa para sa mahal ay may time talaga na magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan dahilan para maghiwalay..

Arvin U. de la Peña said...

@eden............walang anuman...muli ay salamat at pinuntahan mo ang blog ko para magbasa sa sinulat ko..

Arvin U. de la Peña said...

@simply kim........yup, ang mga nakakabasa nito ay tiyak makaramdam ng lungkot...

Arvin U. de la Peña said...

@Talinggawa.............tama ka sa sinabi mo...lalo na kung ang sinaktan ay mahirap sa kanya ang magpatawad.....tiyak hindi na talaga pakikisamahan dahil sinaktan siya..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla.......tama ka....alaala man lang ang natitira sa amin ay kahit paano nakakabigay pa rin ng kasiyahan sa akin....i miss her..

eden said...

Thanks sa visit, Arvs!

Noblesse Key said...

Naks, ang makata naman...lab life!!!

Dhemz said...

awwwwwwww...wala talagang makakapantay sa pagiging thoughtful ni sistah Umma...:) good for you Arvin....:)

ganda nang model...great job!

Armored Lady said...

Its really hurtful when someone you know becomes somebody you knew...

pero hindi mawawala ung memories
laging naaalala...
tatawa ka na lang pag dating ng araw
kasi naging masaya ka dahil dun sa 'MINSAN' na panahon na un..

^_^