Tuesday, March 20, 2012

Libro

"What we learn from school is only the theory. It is actually the experience that teach us the real learning."
LIBRO
Ni: Arvin U. de la Peña

Malaki at mabigat ka pa sa notebook
Mga mag-aaral marami sa iyo nalalaman
Lahat na nakasulat sa iyo ay may kabuluhan
Kung wala ka hindi kumpleto ang pag-aaral.

Sa paaralan ikaw ang pinakaimportante
Halos lahat ng itinuturo mula sa iyo
Malaki ang naiaambag mo na kaalaman sa bawat nag-aaral
Sa pagtatapos ng pasukan marami ang natututunan.

Binabasa ka ng ilan kapag walang magawa
Kumukuha sa iyo ng kaalaman
Ang iba naman gabing-gabi natatapos kang basahin
Lalo na kung may pagsusulit na naghihintay.

Libro napakahalaga mo sa mga estudyante
Dinadala man sa paaralan o sa bahay lang
Bawat pahina mo ay may kabuluhan
Gabay sa pangarap na nais matupad.

48 comments:

J.Rylie.C said...

Hi Akesha, I love her!

eden said...

Ang cute ni Akesha. Beautiful photo of her.

Tama, Arvs..mahalaga talaga ang libro.

Salamat sa dalaw.

Mel Avila Alarilla said...

Napakalaki talaga nang pakinabang natin sa libro lalo na nung hindi pa uso ang computer, internet at e-book. Thanks for the post. God bless you always.

Yen said...

Libro mahilig ako diyan:) dami ko dito nyan tambak mga review materials din, hehe.
masarap mag aral kesa mag trabaho.

Kristeta  (kalokang Pinay) said...

Awww super cute naman. =)

Unknown said...

ang cute, dapat tlga nasasanay magbasa ang mga bata...

Sam D. said...

Sobrang mahala nga talaga ang libro sa isang mag-aaral nakakalungkot nga lang kasi parang unti-unti ng nawawala ito dahil sa ating modernong ebooks and apps. Salamat pala sa palagian mong pagsuporta sa blogs ko. Mag-iingat ka lagi :-)

jedpogi said...

walang kakupas kupas tol arvs...

Dhemz said...

reading is really important...I used to love reading when I was younger, pero ngayon paminsanminsan lang!

thanks ulit Arvin for featuring Akesha....:)

Kim, USA said...

Ang cute naman nang model mo Arvin ^_^

Arvin U. de la Peña said...

@Ms. Burrito........kung di ako nagkakamali ay nagkita na kayo ni Akesha........

Arvin U. de la Peña said...

@eden...........ang picture na post ko ang siyang pinili ko para sa blog.....may iba kasing picture na may hawak din na libro pero ang post ko ang nagustuhan kong ilagay.....sobrang mahalaga ang libro....lahat ng paaralan may libro..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla........tama ka....ang iba makapagbasa lang ng libro ay humihiram sa library......at pag humiram ay siyempre ilista ang pangalan ng humiram....may mga paaralan din kasi na ang libro ay binebenta at iyong walang pambili ay nagtiyatiyaga na lang sa paghiram..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen..........ano ang mga libro mo....baka mga novels ang marami,hehe.....good luck sa pag review mo......

Arvin U. de la Peña said...

@Kristeta..........maraming beses ko ng naging model ang nasa picture....siguro nakita mo na rin ang ibang post ko na siya ang model....

Arvin U. de la Peña said...

@Untied Escape.......may mga bata na mahilig na talagang magbasa ng libro....mayroon ding hindi pero paglaki ay mahilig ng magbasa ng libro kasi gusto na hindi mahuli sa klase, tumaas ang grades.....

Arvin U. de la Peña said...

@Sam D........ganun pa man ay hindi masyadong mawawala ang libro.....dahil may mga mag aaral pa rin na hindi makabasa sa ebook o ano pa.....katulad ng sa internet....may mga tao na hindi marunong mag computer...

Arvin U. de la Peña said...

@jedpogi.........maraming salamat....

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz.........ganun....siguro naging honor ka lagi habang nag aaral pa.....walang anuman.....pasensya at naabala kita na mag picture kay Akesha....

Arvin U. de la Peña said...

@Kim, USA..........yah.....maraming beses ko na rin siyang naging modelo at lahat talaga ay cute ang tingin sa kanya....maganda pang bata...

eden said...

Thank you for the visit, Arvs.

w0rkingAth0mE said...

Tama .. super important ang books .. Anyway, cute ng model ... Always read books akesha

Aleah said...

Ang cute naman ng model mo :) Syempre nakakarelate ako, mahilig din ako magbasa!

eden said...

thanks for the visit, arvs!

kimmyschemy said...

book lover/collector ako, at masaya ako na maging ang mga anak ko ay mahilig sa libro.. at sana, makapag publish din ako ng sarili kong libro, hehe..

bumista ang Story Teller!

at baka naman pwedeng paki-LIKE ITO, salamat!

Mitch said...

Ganda ng panimula. Maraming libre pero the best teacher pa rin ang experience!

Ishmael F. Ahab said...

Libro ang isa sa paborito kong bagay sa paaralan. Nauubos yung oras ko minsan sa pagbabasa nito.

Unknown said...

nice read bro!

Anonymous said...

iba talaga ang libro..kaakibat ito sa paghubog ng ating kaalaman at pagkatao!

katulad ng dati..napahanga na naman ako ng iyong mga tula!

Arvin U. de la Peña said...

@eden..........thanks for visiting again my blog......

Arvin U. de la Peña said...

@wOrkingAthOmE........importante talaga dahil ang guro sa libro din kumukuha ng itinuturo niya sa mga estudyante......laging magbabasa ng libro si Akesha kasi ang mommy niya mahilig din magbasa ng libro...

Arvin U. de la Peña said...

@Aleah...........maraming beses ko ng naging model ang batang babae na nakita mo...........paborito ko siyang model....

Arvin U. de la Peña said...

@simply_kim............ganun ba....ako sa ngayon di ako mahilig magbasa ng libro.....kung magbasa man ako ng libro noon ay may kaugnayan lang sa pag aaral....kung ibang libro medyo nagbabasa lang ng kaunti....sana nga makapag publish ka ng sarili mong libro na ang laman mga sinulat mo....

Arvin U. de la Peña said...

@Mitch.......salamat sa sinabi mo....talagang ganun.....real learning ang experience sa pag work....

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab.......ganun.....siguro matalino ka sa klase.....at madami ang nalalaman...

Arvin U. de la Peña said...

@Keatondrunk...........thanks sa sinabi mo.....lahat tayo ay nakapagbasa ng libro..

Arvin U. de la Peña said...

@JaY RuLEZ............tama ka diyan sa sinabi mo....natututo tayo dahil sa libro.....salamat sa sinabi mo tungkol sa mga sinulat ko..

Malou said...

Libangan ko noon ang pagbabasa ng libro pero hindi na masyado ngayun. Facebook naman ang pinagkakaabalahan:-)

anney said...

Importante talaga ang libro sa bawat mag aaral at nakakatulong ito ng malaki para mapalawak ang kaalaman ng bawat estudyante.

Sendo said...

ang laki na ni akesha :)

and hey....books build lives, worlds, and the impossible. that's how amazing they could be :)

Unknown said...

korek, uper importante ng books, hindi lang kaalaman ang nabibigay nya kundi entertaiment. Alam mo na mga nobela at inpirational books. Hindi ko alam kung paano makakasurvive ang student ng walang libro. Although may ibang school na ngayon na high-tech at gumagamit na ang electronic book instead of classic books. Pero ako mas prefer ko pa din ang mga papel na pahina, kesa sa electronic pages (kung yun nga ang term dun)

nga pala ang cute ng picture.. Tsaka si little girl ang cute!!

Yen said...

Hello arvs, mga pang business book and karamihan kung libro saka inspirational. At acctg books din ,hehe

Arvin U. de la Peña said...

@Malou.............haha....dami nga ngayon ang nahuhumaling sa facebook kaysa libro......pati elementary na estudyante ay may facebook na rin...

Arvin U. de la Peña said...

@anney.............tama ka diyan sa sinabi mo.......dahil sa libro ang mga tao ay may nalalaman na hindi rin lang mula sa guro...

Arvin U. de la Peña said...

@Sendo............yah.....malaki na nga siya....at tiyak magaling iyan sa klase.......

Arvin U. de la Peña said...

@mayen.............dahil din sa libro ang mga kuwento doon na nakasulat minsan ay sinasadula.....lalo na iyong mga kuwento na tungkol sa alamat......siguro ang nakita mong picture ay nakita mo na rin dati...ilang beses ko na rin siyang ginawang model..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen............ganun ba.....ano kaya ang mga business book mo.....

Spanish Pinay said...

ganda naman ng picture :) and good poem about books!

Spanish Pinay