"Let the people know the truth and the country is safe."
PHILIPPINES, THE PLACE YOU WANT TO BE
Ni: Arvin U. de la Peña
Sa Pilipinas madaming Funloloko na nangyayari. Araw-araw iyon sa iba't ibang lugar. Makikipagkaibigan ang isang tao tapos pagkakatiwalaan naman. Tapos pagtagal ay lolokohin ang nagtiwala sa kanya. Masakit kung may kasamang pera sa funloloko. Pagnanakawan pagkatapos na pagkatiwalaan. Halimbawa na lang ay iyong tungkol sa katulong sa bahay. May mga nagiging katulong sa bahay na pagtagal ay pagnanakawan ang kanilang pinaglilingkuran at hindi na magpapakita. Isa pang halimbawa ay iyong tungkol sa pag-iibigan. May lalaki na nagiging taksil sa kanyang kasintahan dahil may nahanap na iba. Pagkatapos na makuha ang gusto sa babae ay unti-unting iiwasan dahilan para pagtagal ay maghiwalay. Ganundin naman sa babae. May mga babae na kahit may boyfriend na o asawa ay nagkakagusto pa rin sa ibang lalaki. Sa ganun ay nababalewala ang sumpaan sa isa't isa na magmamahalan habang buhay.
Sa Pilipinas madaming Fundaraya na nagaganap. Lalong-lalo na kung eleksyon. Manalo lang ay walang pakialam kung makasakit man ng kapwa. Sa fundaraya ay maraming paraan. Ang iba ay ballot switching. Nariyan din ang fundaraya na kung tawagin ay dagdag-bawas at marami pang iba na paraan sa fundaraya sa eleksyon. Sa paaralan din naman ay mayroon fundaraya. Sa pag eksamin ang iba ay mayroon kodigo na doon nakasulat ang maaaring sagot sa pagsusulit.
Sa Pilipinas madaming Funanakot sa kapwa. Napakaraming hambog o siga sa kalsada. Akala nila kung sino sila na mayabang. Nariyan din ang funanakot para sa mga negosyante o mayaman na tao ng mga rebelde na kung hindi magbigay ng pera ay may mangyayaring masama. Ang mga funanakot sa kapwa ay nagbibigay ng pagkabahala para sa isang tao. Hindi mapalagay dahil sa tinakot.
Sa Pilipinas madaming Fungagaya para sa iba. Likas na kasi sa mga Pinoy ang walang originality. Halimbawa ng fungagaya para sa album ng mga artist ng sindikato. At iyon ang humahawak ng mga pirated VCD/DVD. Kahit anong raid pa ang gawin ay hindi pa rin nasisiwalat ang sindikato. Isang halimbawa din ay fungagaya para sa porma ng isang tao. Kung ano ang nakita sa tv o pelikula dahil patok ang porma ay gagayahin.
Sa Pilipinas marami ang Funanabotahe. May mga patimpalak na nagiging controversial dahil sinabotahe ang resulta pabor para sa isang tao. Kung sino ang karapat-dapat na magwagi ay hindi nagwawagi dahil may tao na gagawa ng paraan para hindi siya ang manalo.
Sa Pilipinas madami ang Fungingikil. May mga tao na dahil nasa katungkulan ay hinihingan ng kung ano ang isang tao. Kung ano ang hiningi ay pagbibigyan naman lalo na kung maimpluwensya.
Sa Pilipinas madami ang Fungungurakot. Kurakot dito, kurakot doon. Kakurakutan kahit saang lugar. Nariyan ang fungungurakot ng ilang opisyal ng gobyerno. Higit sa lahat fungungurakot ng ibang mga politiko. Kung anu-anong ginagawa ng ibang mga politiko na corrupt sa kanilang lugar na pinagsisilbihan para makapangurakot. Makakapal ang mukha ng mga politiko na iyon na corrupt. Dahil kahit sila ay pinandidirihan na ay nakakaya pa rin na humarap sa publiko at tumakbo uli sa halalan. Sobrang kapal ng mukha dahil kung kailan malapit na ang eleksyon saka mag-uumpisa ng proyekto
Sa Pilipinas madami ang Fungongotong. At iyon ay tungkol sa ibang mga pulis na kung tawagin din ay kotong cops. May mga pulis na ang ibang mga vendor ay hinihingan nila. At siyempre ang vendor ay magbibigay naman dahil kung hindi siya magbigay ng pera ay hindi siya makakapagtinda na kikita siya ng pera. Kawawa sila na mga vendor dahil konti na nga lang ang kita ay hihingan pa. May fungongotong din para sa mga hinuhuli na mga sasakyan.
Sa Pilipinas madami ang Fun. Marami ang nakakatuwa sa Pilipinas dahil lahat ay maaari mong magawa na sa ibang bansa ay hindi mo magagawa. Ngunit mas marami ang hindi natutuwa dahil sa mga pangyayari bawat araw. Sa Pilipinas na bansa ni Jose Rizal. Sa Pilipinas na bansa ni Lapu-Lapu. Sa Pilipinas na bansa ko ay Philippines, the place you want to be.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
24 comments:
Hi Arvs! Marami talaga "fun" sa ating Pilipinas na mahal, meron maganda at meron din fungit, kaya ako dun na lang sa maganda titingin para hindi masira araw ko. Pero siempre, kapag may nakita tayong fungit na gawain eh sitahin at isumbong natin sa kinauukulan, hindi naman lahat sa gobyerno ay mukhang kotong at kurakot. :)
~Talinggaw~
hahaha, this article is nice
daming "fun" ah... made me smile.. Thanks for the post Arvs..
kaya nga it's more fun in the Phil eh. haha..san ka pa? lols
Marami talagang fun sa pinas... may totoong fun at may fungit... ganyan din sa ibang bansa... may totoong fun, may fungit kahit sa bansang mayayaman at advanced. Pero ang nakakapaghiwalay ng Pilipinas sa ibang bansa sa kabila ng mga pintas dito ay dahil ang Pinas ay akin.. .sarili kong bansa... aking pinaggalingan.
Spanish Pinay
Tama Arvs, daming "fun" sa atin. Hindi na siguro yan mawawala.
Miss na miss ko na ang Pinas. Tagal ko na di naka uwi.hehehe
Awww.. Only in the Philippines.. Sa Fungagaya- oo mahilig tayo manggaya pero tingin ko kadalasan nagiging intrumento lang ang pinoy ng mga ibang lahi- lalo sa mga sindikato, dalasan ang utak nyan ibang lahi..Mas mahilig nga lang bumili ang pinoy ng "gaya", kasi mura. kaya dito sila nag invest.. hehe..
@The PinayWanderer.........kahit naman siguro sino ay sa maganda talaga titingin kasi masakit sa mata kung sa pangit titingnan......may mga sumbong din naman na inaaksyunan talaga.....pero mayroon din naman hindi....
@reese.............salamat sa sinabi mo......
@Umma.........kulang pa nga iyan,hehe........mabuti naman at napa smile ka sa sinulat kong ito.....napasaya kita....
@Mai Yang..........haha.....oo nga ano.....pero gaya ng nasabi ko madami din ang hindi fun sa mga nangyayari.....
@Spanish Pinay.........siyempre naman kasi bansa mo nga iyan at ikaw ay nasa ibang bansa.........kahit paano ay may malasakit ka sa mga pangyayari sa bansang Pilipinas....
@eden............talagang hindi na mawawala............naka ugat na kasi ang ganun.......kailan naman ang balak mo pag uwi..........
@mayen..........mautak kasi ang mga pinoy kaya kinukuha ng ibang sindikato mula ibang bansa...iba na rin kasi ang nakakatipid kaya bumibili na lang ng mula sa ibang bansa na mga gamit katulad ng sa ukay ukay kasi mura na nga ay may maganda pa....
Kahit saan maraming ganyan.Pero dahil akoy abala sa buhay hayaan na lang natin silang having fun sa kung saan sila masaya.Mapapagod din ang mga yan.
cheers Arvs. Ngayon ko lang napansin ang bago mong header.
Ganon talaga...
hi, follower mo na ako, na add na rin kita sa blog list mo... di ako makaleave ng message sa chat box mo :D
Pakid add po ako bilang http://tim-charlotteivymarie.blogspot.com/ Thanks!
It's more fun in the Philippines talaga! Tangkilikin ang sariling atin!
@Diamond R.................oo nga eh......mahirap silang pigilan kasi kasiyahan nila iyon.......yup, binago ko po ang header ng blog ko...
@Tim............salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo....add din kita....
@anney...............isang dahilan kung bakit hindi umuunlad ang ating bansa dahil hindi tinatangkilik ang sariling atin.....mahilig tayo sa mga bagay na galing ibang bansa....kasi imported....
@Marvin............salamat....kumusta na......salamat sa muli mong pagbisita sa blog ko.....
@eden............walang anuman iyon.....thanks din sa iyo...
Hindi ko pa napapanuod yung slogan nang Department of Tourism na "It's More Fun in The Philippines" pero sa ganang akin ay mas maganda pa rin at siyempre libre yung dating nabuong slogan nang DOT nung panahon ni Dick Gordon na "Wow Philipiines." Napakaganda at very exotic ang dating nang WOW Philippines at very original pa. Lahat nang rehiyon natin ay ibinabando nuon. Hindi ko nga lang maintindihan na sa bawat pagpapalit nang administrasyon ay pinapalitan din ang lahat nang mga naunang proyekto na maaaring mapakinabangan pa naman. Ganun kasi tayo, crab mentality kaya hindi tayo umaasenso. Bukod sa mga tourism advertising campaign here and abroad ay dapat atupagin muna nang gobyerno yung ating infrastructures at tourist facilities na ni desenteng toilet ay halos wala tayo. Natatawa sa atin ang mga bisitang dayuhan kapag nakikita nilang sa tabi lang nang kalye umiihi ang maraming Pinoy. Ang bentahe naman natin ay yung ating hospitality sa mga bisita at yung kaalaman nating makipagusap sa ingles. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
its more fun talaga in the Philippines. Kidna-fun, holda-fun, carna-fun. LOL, just kidding. Mahal ko ang Pilipinas, di ko lang magawang mahalin lahat ng narito.
Post a Comment