"Power corrupts. Knowledge is power. Study hard. Be evil."
PAARALANG CORRUPT
Ni: Arvin U. de la Peña
Malupit! Ganyan kayo na paaralan na naniningil ng pera sa pamamagitan ng sekyu bilang multa sa mga nahuhuli sa pagpasok sa paaralan na mga estudyante sa umaga. Mahal na nga ang tuition fee niyo ay ginaganun niyo pa ang mga nahuhuli sa pagpasok na estudyante. Anong klase kayong paaralan.
Sa ginagawa niyo sa pagsingil ng pera kung may nalelate ay nagpapakita kayo ng pagka corrupt. Parang kulang pa sa inyo ang perang tuition fee ng mga estudyante. Hindi nakapagtataka na may mga taong nagiging kurakot talaga kung makapagtrabaho na dahil naranasan ng sa paaralan pa lang habang nag-aaral pa ay kinucorrupt na. Hindi kayo magandang halimbawa na paaralan.
Kayo na paaralan isipin niyo sana na may mga estudyante na may ginagawa pa bago pumasok sa paaralan. May mga estudyante na mula pa sa malayong lugar. Mayroong mga estudyante na pinapaaral, na bago pumasok sa paaralan ay tatapusin muna ang gagawin sa umaga sa bahay kung saan siya nakatira. Dahil doon ay hindi maiwasan ang hindi ma late minsan. Pero kayo na paaralan, ano ang ginagawa niyo? Hindi niyo iyon iniisip. Maki pera kayo na paaralan. Ang perang pinapasingil niyo sa sekyu ay baon na iyon na puwedeng makabili ng kung ano.
May panahon na tag-ulan talaga. Umaga pa lang ay umuulan na. Dahil doon ay kulang ang mga sasakyan o kaya mahirap ang makasakay papunta ng paaralan. Oo, ang iba ay may payong at naglalakad na lang papunta sa paaralan iyon ay dahil malapit lang ang kanilang bahay. Pero paano ng mga nasa malayong lugar talaga. Hindi puwedeng maglakad dahil aabuin ng baka sobra isang oras. Ang mga estudyante na iyon ay naghihintay muna ng masasakyan. At sa paghintay ay umaabot ng ilang minuto bago makasakay dahilan para ma late.
Kayo na paaralan baguhin niyo na sana ang patakaran na iyon. Nagpapakita iyon ng pagka sakim. Nagpapakita ng pagkagahaman sa pera. Hayaan niyo ng ang mga estudyante na malelate ay makapasok sa paaralan ng hindi sisingilin. Nang sa ganun ay hindi kayo pagdudahan na hangad ay makalikom ng maraming pera. Dahil hindi iyon mabuti para sa inyo lalo at relihiyoso ang namamahala sa inyo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
32 comments:
another great article arvin....thanks sa visit!
Nice post Arvs, keep them coming..
Pinagkakaperahan ang mga late.ay di tama yan.aba aba aba
Huh?! Grabe naman pati ba naman pagiging late pumasok sa school eh magbabayad ka na diyan sa atin. Aba! hindi nga naman tama yan. Tama lang itong tula mo kaibigang Arvs sana mabasa nila ito para matauhan hehehe. Goodluck at naway patuloy ka pang magsulat ng magagandang poem na katulad nito. :-)
im with you, may iba pa cgurong paraan para madisiplina ang magaaral maliban sa ganyan
talaga may ganitong school? owvers?
Pero okay lang naman kung sa ganung paraan madidisiplina ang mga bata. Pero sana mga estudyante din ang magbebenefit dun sa mga multa.
Tama dapat student's funds nalang yung collections ng pera... haist!
wala ka pa ding kupas kuya arvin! :) Sana mabasa ng DepEd at CHED to. hehe
Malaking abuso nga ang ginagawa nang eskwelahan kung ganun ang nangyayari. Nakakalungkot nga kung ganuon. Salamat sa salaysay. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
Anong school namn kaya yang corrupt na yan! hmmm
@Dhemz.................salamat sa iyong sinabi.....
@Umma.............kumusta ka na Umma.....thanks sa pagbasa mo nitong sinulat kong ito....
@Diamond R...............talagang di tama......sadyang may ganun na paaralan......dapat pinapaasok ng hindi na sisingilin pa....
@Sam D.............depende lang sa paaralan.....may paaralan na ganun ang patakaran ng namumuno......
@keatondrunk............oo naman....puwedeng ang ma late ay mag push up kung lalaki at kung babae naman ay kung anong parusa....puwedeng magwalis o anu pa...hindi kuhaan pa ang perang dala ng konting halaga.....
@jhengpot............may ganun po....hindi ko alam kung saan napupunta ang perang nakukuha sa mga nalelate....basta ang alam ko ay may bayad kung ma late kasi may tinanungan ako.....
@Untied Escape.............mabuti kung doon nga mapupunta para sa mga estudyante din ang pera.......kaso hindi ko alam eh....baka sa bulsa lang,hehe.....
@Deej Ecdao.........kahit pa siguro mabasa ay wala rin silang magagawa lalo kung private school..............
@Mel Avila Alarilla........pang aabuso nga iyon.....kahit konting halaga lang ang hinihingi ay mahalaga pa rin iyon sa mga estudyante......kino corrupt na sila habang nag aaral pa...iba talaga dito sa Pilipinas........
@anney.............iyon ang hindi ko puwedeng sabihin dito......pero kung mag message ka sa email ko ay sasagutin ko iyan.......
Nakakahiya bilang Pilipino ang mga school na ganito! Sana naman matauhan sila... kawawang mga estudyante... :(
I just added you on my blog list!
Spanish Pinay
Ano? Late na nga, pagbabayarin pa? hala!
INDUST...so many of us have seen that..DOUST- DOST- DUST...and all the with ZOODUCE- REDUCKLE -with ZOORT.
But what is even more shocking is the fact that rap subscribed to it with BERRIRO and CARTER FOUNDATION as POPERS!
And now, that POP GOES the WEASEL in WEASER have totally turned the tables on QUEEN!
And ,wouldn't you know it, that means major figures like
SEACREST- STING- ONO- have SUMAR SUMANDO
and MUSSEC they got to discuss with BALLYMICHAEL- in TORMORE.
EL SALVADOR.
Who knew ROB LOWE was part of the act?
CARMEN- JONES- RUSH- DASSAULT- CARON- SLY- DISNEY and unfortunately, IRENE.
And everyone was with RICK the PRICK and JECTOD- JEB BUSH.
Meron bang ganoon dyan, Arvs. Sana ma investigate ito sa Department of Education.Di tama yang ginagawa nila.
Salamat sa visit.
Uy ano ba ito? I'm all for discipline but this is something else! Bakit kaylangang singilin ang mga estudyante? Hay... Sana ay mabago ang gawaing ito!
BTW, thanks for dropping by & for following. =)
@Spanish Pinay.........oo nga eh.....pero patakaran nila iyon.....sinusunod na lang kasi wala naman choice.....pero hindi talaga maganda ang patakaran nila.....
@Vivian..............opo.....akala siguro ng pamunuan ng paaralan ay maraming pera talaga ang mga estudyante nila.........
@Michelle..............thanks for visiting my blog................
@eden..........mayroon po....bukod sa aming lugar ay mayroon din siguro sa ibang paaralan.......wala sigurong magagawa kasi patakaran ng private school............
@Kristeta..............may iba ngang paraan ang mga estudyante para madisiplina para hindi na siguro ma late.....katulad ng kaunting punishment.....pero singil na lang ng pera ang ginagawa kasi kailangan yata ng pera ng paaralan,hehe....
nice one! happy monday!
nice post thanks for share
Generic Viagra
Post a Comment