☆♥Shydub♥☆ said...
bilis talaga ng utak mo gumana Arvin pagdating sa tula, kakabilib. pwedi mag request ako ng Friendship
September 1, 2011 4:51 PM"The hardest part about being friends, is loving you so much."
PAGKAKAIBIGAN
Ni: Arvin U. de la Peña
Kung mayroon problema nagdadamayan
Suliranin sa isa't isa may karamay
Todo suporta bawat isa binibigay
Kahit na ano basta sa kaibigan.
Pagdadamayan ay walang katapusan
Sumpaan pinagtibay na ng panahon
Pagkakaibigan hindi basta magtatapos
Kaya o hindi pilitin na makatulong.
Pag magkasama sinusulit ang araw
Para bang hindi nagkita ng matagal
Walang sawang kuwentuhan at usapan
Nangyayari sa pagkikita na minsan lang.
Nagkakalayo man sa puso naroon
Pag-alala bawat isa araw-araw
Kamustahan hindi nakakalimutan
Dinadaig pa ang isang magkapatid.
43 comments:
Amen! Bawat tula talaga na gawa mo Arvs ay matalinhaga. Tiyak ko na matutuwa si Shydub at magugustuhan niya ito. Tama ka ang totoong magkaibigan dinadaig pa ang magkapatid at minsan pa mas pinagkakatiwalaan pa natin sila kesa sa sariling pamilya :-)
well written, keep it up:) liked your blog
ang sarap ang talaga magkaroon ng tunay na kaibgan...
ang galing ng tula...
musta arvs?
Awww isang kang mabuting ka blogmates arvin, at pinagbigyan mo talaga ang request ko haha salamat ng marami.
Bawat katagang inilalarawan mo tungkol sa magkakaibigan at makabuluhan. sabi nga it takes one to know one, kaya isa kang mabait at mabuting kaibigan para malaman kung ano ang pagkakaibigan. salamat sa tula arvin at sa walang tigil na pagbisita sa blog ko. kudos to you my friend.
thanks for the visit arvs..
http://getitfresh.blogspot.com/
galing nman [sarap tlga pag ky kaibigan na maasahan]
ahehe - ang kulit naman ng poem :) btw: pano po ba mag exchange link?
Nice poem, Arvs!
Thank you for the visit.
yan ang tunay na kaibigan, till the end
Another great composition!
isa ka talagabg alamat kuya arvs! award!
hi, added you already named, writter feelings. thanks for adding me as well!
@Sam D..............salamat sa sinabi mo....nakakainspire ang sinabi mo.......yup, matutuwa iyon kasi napagbigyan ko siya.....matagal din bago ko na grant ang kanyang request.....may magkakapatid na nag aaway away talaga......minsan sa kaibigan natin nasasabi ang problema o nais kaysa sa ating kapatid....
@A Mom.............thanks....
@JaY RuLEZ............oo naman kasi halimbawa mahirap kayong pamilya at kailangan ng tulong ng halimbawa kailangan ng pera ay sa kaibigan tayo nakakahiram.....hindi sa kapatid kasi wala rin.....ok lang po ako....
@Shydub...............walang anuman iyon......basta mag request ay pinagbibigyan ko talaga....ang iba nga lang natatagalan kagaya ng sa iyo....ilang buwan din ang lumipas,hehe.....salamat.....walang anuman iyon........pag mag blog hop kasi ako madami akong napupuntahan na mga kaibigan dito sa blog.....kasama ka na.....
@katy.............okey....thanks also to you for visiting my blog......
@palakanton..........tama ka diyan.....ang tunay kaibigan ay nasa likod talaga lagi anuman ang mangyari......nagtutulungan kahit may kalaban ang isa.....handang makipaglaban para sa kaibigan....
@Christeen............punta ka sa design ng blog mo........click mo ang add a gadget....tapos madami kang makita na puwedeng malagay sa side bar ng blog mo.....ang Blog List na makita mo ay click mo iyon....pag makita na ay click mo ang add to list at doon copy paste mo ang blog site na nais mong malagay....click add.....tapos save....iyon na......malaman mo na lang iyon doon....
@eden..............thanks at muli nagustuhan mo ang sinulat ko....walang anuman iyon.....
@Keatodrunk............bawat tao siguro ay may isang kaibigan na hindi nang iiwan.........kahit ano pang mangyari at pagbabagong maganap sa buhay....
@anney.............salamat....kumusta ka na diyan....
@jhengpot............ganun ba......salamat naman kung iyan ang palagay mo sa akin......puntahan ko ang blog mo kasi may sinabi kang award,hehe.....
@A Mom..............thanks for adding my blog to your blog list...
hmmm...baka pwede rin ako magrequest ng tula hahaha!
Galing talaga .. Very well said arvin salamat sa visit.
Ikaw na tol Arvs ang makata hehehehe... Keep it up!
Thanks sa visit, Arvs! Have a great weekend.
ayay! ang galing mo talaga Arvin....some friends are worth keeping and some are just -------...lol!
d pa ako nakapag request ah...nyahahha!
dont understand it
but i like the song
Lovey-dovey this, Arvin.
Na-imagine ko lang, kapag ka-kwento kita ng harapan, siguradong priceless moment yan.
Ipagpatuloy mo lang kaibigan. Mahal ka namin.
@reese............pagbibigyan po kita......katulad ng iba na napagbigyan ko......
@wOrkingAthOmE.........thanks.....angmga nagrerequest ang isang dahilan kung bakit naiinspire ako magsulat.....kasi para sa kanila iyon na tumitingin sa blog ko.....
@Piush Trivedi............thanks for visiting my blog......
@jedpogi.........nakakahiya naman,hehe..........madami dito sa blog na nakikita ko na poems din ang post........pero hindi lagi.....
@eden............ganun din sa iyo.....walang anuman iyon......
@Dhemz...........tama ka.....kasi may mga tao na nagiging kaibigan pero pagtagal ay nag tratraydor.....marami ang ganun.....mga ahas na kaibigan kasi nanunuklaw...
@SM..........ic.....for sure you are a foreigner.......the background music is a nice song......
@Hi! I'm Grace..........ganun ba.....mabuti kung may panahon na mag meet tayo.....pero magkalayo tayo eh,parang mahirap mangyari.....buti kung nasa cebu ako.....
wow, galing talaga..as always. :)
Thanks for the visit, Arvs.
nice one, Arvs!
Kaibigang matalik ko rin si Shy (Shiela sa tunay na buhay). Isa siya sa pinakamabait at totoong tao sa blog world. Hindi siya plastic. Ipinagmamalaki kong siya ay kaibigan ko. Salamat sa lathalain at tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
Post a Comment