"Success in life can never be an accident. It is the result of right decisions at the right time. Champions are not the people who never fail, but the people who never quit."
WAITING SHED
Ni: Arvin U. de la Peña
Araw-araw ay laging sa waiting shed si Jeremy. Isang labing dalawang taong gulang na bata.Hiwalay ang kanyang magulang. Siya ay nasa pangangalaga ng kanyang ina na isang labandera sa kaninong bahay lang. Hanggang grade 5 lang siya sa elementarya.
Sa waiting shed ang ginagawa niya ay nagpapasakay ng mga pasahero. Kapag pumapara ang jeep sa waiting shed ay papasakayin niya agad ang mga tao na sasakay. Ang iba naman minsan hindi nakakasakay dahil walang bakanteng upuan. Minsan siya ay binibigyan ng kaunting pera ng driver ng jeep at minsan naman hindi. Ayos lang sa kanya kung hindi man bigyan ng pera sa pagpapasakay. Mayroon din naman siyang mga paninda na iba't ibang klase ng candy at sigarilyo. Kahit paano ay kumikita siya sapat para may maibigay sa ina at ng may makain sila.
Kung tag-ulan naman siya ay may payong na para sa mga sasakay na pasahero. Kapag hihinto ang jeep sa waiting shed ay papayungan niya ang tao na sasakay para hindi mabasa. Sa ginagawang pagpapasalamat ng pasahero doon ay naaantig ang damdamin niya. Nasisiyahan siya kapag pinapasalamatan. Minsan ang pasahero na pinapayungan niya para sumakay ay inaabutan siya ng pera kapag nakaupo na.
Sa araw-araw na ginagawa iyon ni Jeremy na nagpapakita ng magandang ugali at kabaitan umulan man at umaraw ay may nakapansin sa kanya na mag-asawa na mayaman pero walang anak. Kinumbinsi siya na sa kanila tumira at papag-aralin pa hanggang sa kolehiyo. At ang ina niya ay sa kanila na rin titira at magiging katulong sa bahay ng sa ganun ay hindi sila maghiwalay. Susuwelduhan pa ng malaki ang ina niya. Walang pag-aalinlangan na si Jeremy ay pumayag sa alok dahil pangarap din niya ang makaahon sa hirap. Ganundin din naman ang ina niya.
Bawat isa sa atin ay may ambisyon. Kung ang ating hangad ay mistulang nasa waiting shed at hindi nasisikatan ng araw. Hindi nagkakaroon ng liwanag para iyon makamit ay huwag lang mag-alala. Dahil darating din ang araw na makakamit iyon basta maging masipag at desidido lang na iyon ay makamtan. Huwag lang panghinaan ng loob. Sapagkat sa pagbiyahe sa tagumpay ay hindi lahat nakakasakay agad.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
36 comments:
Tama.Basta gawin mo ang isang bagay ng buong puso at may galak.makikita ito ng iba at na parang ilaw na maliwanag sila mismo ang mabibighani sa taglay mong mahika na dadamay sa marami pang iba sa iyong paligid.
Kailangan talaga natin maging matatag sa mga pagsubok at wag mawalan ng pag-asa, ang saya at tagumpay ay makakamit natin kung pagsisikapang mabuti, hindi man agad-agad pero sa tamang panahon.
... kailangan kaibigan di mawalan ng pag-asa ... basta go lang ng go!...
PS. sorry for the late visit.. mabuhay ka Arvin :)
Sapagkat sa pagbiyahe sa tagumpay ay hindi lahat nakakasakay agad.
--gusto ko yan!!!
check na check! ;p
Agree, and I believe na ang level ng pagsubok ay dipende sa taong kayang magdala nito. Walang di kayang pagsubok pag binigay n sau! Aja!
I couldn't agree with you more on the quotes Arvin...miss ko ang waiting shed....ehehehe!
@Diamond R............sa madaling salita kung nagpapakita tayo ng maganda para sa mata ng tao ay nakakaimpluwensya tayo sa kanila na maganda rin ang gawin sa buhay......
@Talinggaw...........tama ka diyan......ang mga dagok na dumarating sa ating buhay ay may katapusan din....huwag lang mag alala dahil kung may hinaharap kang pagsubok ay mayroon din naman ang iba.....hindi nag iisa sa problema....baka nga ang iba ay mas malala pa ang problema...
@Vernz.........pero may ibang tao na dahil hindi makayanan ang problema ay may kung ano na ginagawa......
@hana banana.......salamat sa pag agree mo sa huling salita para sa sinulat kong ito......
@Untied Escape..........yah, may mga tao na ang pagsubok na binigay sa kanila ay nakaya nilang malampasan kumpara sa iba na parehong pagsubok pero hindi nalampasan.......nasa diskarte na rin ng tao kung paano niya malalampasan ang suliranin na dumating....
@Dhemz............ganun ba.....hmmmmm...siguro noong narito ka pa sa Pilipinas sa inyo ay malapit sa inyo ang waiting shed.....o kaya doon ka sa waiting shed naghihintay ng masasakyan para sa pag punta ng paaralan o sa anong lugar.........o di naman kaya sa waiting shed kayo tumatambay ng mga barkada mo.........
ang ganda ng kwento!
inspiring...
p.s. mejo matatagalan pa bago ako makagawa ng kanta..busy si teacher clai
tc God Bless! ^_^
aww..very inspiring post.
thanks.. na-add na po pita...
We have to act in order to achieve what we want!
Nice and very inspiring post. Love the quotes too.
Have a blessed weekend.
Sorry for the late visit.
nandito ako kuya, and is following you. :) salamat sa pagbisita sa blog ko.
http://rolynjane54.blogspot.com
tama, ang kasipagan may kapupuntahan sa bandang huli, ganun duin ang katamaran, either you choose which future would you wanna hold. nice story arvs:)
what if may dumating na bagyo at masira ang waiting shed na pinagsisilungan mo? :D
anyway! nice one =), as usual :D
@Clai Estabillo............salamat sa iyong sinabi.....bihira lang ako gumawa ng ganitong klase ng kuwento na nagbibigay inspirasyon para sa iba......naaantig ang damdamin nila.......ganun ba.....okey lang....wait na lang ako....
@missblogchic............thanks...... how are you now....thanks for visiting my blog..........
@Arvy Creencia............salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo....add din kita....
@anney..........siyempre naman.....dahil kung uupo lang ay walang mangyayari.....kilos pa rin matupad man o hindi ang nais sa buhay.....
@eden.............ang quotes na iyan ay send lang din sa akin sa cellphone.....mahilig ako mag save ng magagandang quotes.....okey lang.....
@Orange Pulps...........salamat...tingnan ko blog mo kung naroon na ba ako sa blog list mo.......di ko alam kung nag exchange link na ba tayo.....
@Albert Einstein.........salamat sa ganyan.......marami na akong napuntahan na nagpost ng tungkol sa 11.....di ko alam kung kung mag post ako niyan at sumagot....
@Yen............ang picture ng waiting shed na iyan ay sa lugar mo.....nakuha ko lang sa google ang picture na iyan....
@Mai Yang...........iyon ang mahirap kasi wala ng mapagsisilungan.....guguho ang pangarap....
Hi Arvin. I tagged you!
http://missacidic.blogspot.com/2012/02/11-random-things-about-me.html
Visiting you back, Arvs!
Have a nice day
Ganda ng kwento ni Jeremy, dapat hindi makuntento lng kung mahirap ka wala ka ng gagawin .. Dapat talaga lagi natin kaakibat ang pagiging masipag mayaman man, may kaya mahirap eto lng magiging sagot sa ating tagumpay s buhay kasipagan.
@itin...........salamat sa pag tagged mo sa akin niyan....puntahan ko ang blog mo at basahin ang post mo ng ganun........di ko alam kung mag post ako ng ganyan....
@Marvin...........katulad ng sikat na sikat ngayon sa NBA na si Jeremy Lin.....di talaga akalain na sisikat talaga siya.......binalewala ng ibang team sa NBA siya at sa college........ayos lang ako......
@eden.........thanks.....
@wOrkingAthOmE.........salamat at nagandahan ka sa sinulat kong ito na kuwento.....maganda ang sinabi mo....mahirap man o mayaman dapat ay kumilos pa rin para sa buhay.........para sa ikauunlad pa......
Post a Comment