Monday, February 13, 2012

Mukhang Pera

"Honesty is the best policy - when there is money in it."

MUKHANG PERA
Ni: Arvin U. de la Peña

Kailangan ba na magmukhang pera ang isang tao para sa lalong ikararangya ng buhay niya? Nakakalungkot isipin na may mga tao na nasa gobyerno ang kailangan pang mangurakot o pumasok sa isang transaksyon na ang pagpayag nila ay kapalit ng napakalaking halaga.

Halimbawa na lang ay sina dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo, dating first gentlemen Jose Miguel Arroyo, dating COMELEC chairman Benjamin Abalos, at dating DOTC secretary Leandro Mendoza. Sila ay mayaman na. Mayroong pera na kung anong gustuhin nila pati mga anak ay maibibigay. Kayang kumain ng masasarap na pagkain na ang mga iyon na pagkain ay pangarap lang ng mga mahihirap. Kayang pumunta sa iba't ibang lugar at magpakasarap doon na ang mga lugar na iyon ay sa panaginip lang naaabot ng mga taong walang masyadong pera dahil dukha. Pero sila ay nasangkot sa NBN-ZTE scandal.

Hindi lang naman silang apat. Kundi marami pang iba na nasa gobyerno o ahensya ng gobyerno, lalaki man o babae ang mga mukhang pera. Hindi pumipirma kapag walang perang binibigay. Hinuhuli ang isang tao pero pakakawalan naman kung magbigay. Tatakutin ang isang tao lalo na kung may negosyo na ipasasara dahil may kaunting violation sa pagtayo ng negosyo pero kung magbigay ng pera ay hindi na. Marami pang iba na pagkakaroon ng pera na hindi pinaghihirapan ng nasa gobyerno o ahensya ng gobyerno na salita lang ang gamit o ballpen. Sobrang pera ang napapasakamay nila kaysa sa kanilang suweldo bawat buwan.

Natitiis nila na mapakain ang kanilang pamilya na galing sa masama ang perang binili. Kinakapalan ang kanilang mukha na humarap sa mga kaibigan na mabubuti lalo na kung may okasyon at nagpapakita ng pagkagalante. Walang pakundangan kung gumasto sa inuman kasi galing sa pangungurakot ang pera, hindi pinagpawisan. Higit sa lahat kung mahilig magsugal ay sugal ng sugal ang mga taong mukhang pera.

Sila na mga mukhang pera ang dahilan kung bakit hindi umuunlad ang ating bansa. Ang ibang taga ibang bansa na tao na dayuhan din kung tawagin na gustong magnegosyo dito sa Pilipinas ay hindi na lang itinutuloy ang balak. Paano itutuloy ang balak na pagnenegosyo kung hindi pa man nag-uumpisa ay maraming pera na ang nailalabas para sa mga taong dapat bigyan ng pera. Gayong wala naman kasiguraduhan kung talagang magtatagumpay ang itatayong negosyo.

Kung sino man ang taong naniniwala na may pag-asa pa na umunlad at umasenso lalo ang bansang Pilipinas ay dapat na sigurong ibahin ang paniniwala niya. Dahil ang mga mukhang pera na tao sa gobyerno o ahensya ng gobyerno ay hindi mawawala. Ang mga matanda na ngayon na mga mukhang pera sa gobyerno o ahensya ng gobyerno kapag wala na sa serbisyo ay mayroong papalit na bagong sibol na mga mukhang pera. Tatakbo ka ba sa halalan. Maglalabas ng maraming pera para ibigay sa mga botante kung hindi mo iyon babawiin kung makaupo ka na sa posisyo na tinakbuhan.

Oo nga magsusumbong kung may makilala na mukhang pera sa kinauukulan o dapat pagsumbungan. Pero paano kung ang pagsusumbungan ay mukhang pera din. Tiyak ay walang mangyayaring maganda para sa pagsusumbong. Birds of the same feather flock together. Silang mga corrupt ay magkakampihan . Ayaw ilaglag ang kapwa corrupt dahil baka sila ay ilaglag din. Kung mayroon man corrupt na nilalaglag ang kapwa corrupt ay bihira lang. Minsan lang iyon nangyayari.

41 comments:

Lady_Blue said...

TAMA!... hnd lang ang binanggit mo ang mga mukhang pera napakadami pa nila, sa batasan, sa senado, mga cabinet members, mga politico.. basta madami..

Share ko lang my fren akong ka-blog na katetxt lang bakit ung package dw niya hnd niya makuha sa post office, pinababayad dw siya ng isang _____ officer ng tax sumthing.. hay! simple corruption un.. bayad na kaya un ng nagpadala.. actually pareho kaming may gnun package, ung akin natanggap ko naman na wala akong binigay kc dini-liver ng post man dto sa ofis namin.. bakit ung sa kanya magbibigay pa ng pera.. haist! mukhang pera talaga ____ officer na assignaed sa post office na un.

Tal said...

Naniniwala akong hindi naman lahat ng tao sa gobyerno ay mukhang pera at kurakot. Sana lang, sa mga natitira pang matino, wag kayong magpa-impluwensya sa mga kurakot, maging matatag sa mga pagsubok at ipagpatuloy ang mabuting gawain upang maging huwaran ng mga susunod na henerasyon.

Albert Einstein☺ said...

this is such a thought-provoking post arvin.... our government officials should be aware of this one.

jhengpot said...

hai pera! napakamakapngyarihan!

Teng said...

hehe - isa lang masasabi ko, ang cute ng 500 :)

Yen said...

hay tagal ko din di nakadaan dito ah. hehe.

Mukhang pera, Naisip ko lang, sakin lang naman to, ewan ko lang sa inyo. Di ba kaya mukha ng tao ang nasa pera kasi para talaga yun sa tao. hehe. Kaya may mukha ang pera. haha.
kidding aside,ipaubaya na lang naten sa mga kinauukulan ang mga nagyayari ngayon.dahil sa huli ang katotohanan ang magpapalaya sa teng lahat. :)
Hapy puso pala. San ang date mo ngayon?

Unknown said...

Happy Valentines Arvin!

naku, nakaklungkot pero totoo.. tama ka, mayaman na nga sobrang nagpapayaman pa buti sana kung pinaghirapan nila. Siguro nga madaling lustayin ang pera na di naman nila pinaghirapan.

hayz.. kailangan nga kaya matatapos ang pangungurakot. Hindi na yan basta problema lang ng bansa kundi tradisyon na o kultura kaya napakahirap na baguhin.

aboutambot said...

nakakalungkot na sa ngayon, ang batayan ng karamihan ngayon sa pakikipagkapwa, paggalang at pakikisama ay ibinabatay sa kung ano ang meron ka (pera) at hindi na ang ano ka. mas marami kang pera ay mas marami kang kaibigan, mas makapangyarihan ka, at mas iginagalang ka. yan ang masakit na katotohanan.

k and k world said...

happy valentines day too!

Sam D. said...

Kahit saan ka naman magpunta Arvs ang mayayaman lalong yumayaman ang mahihirap lalong humihirap talaga dahil sa hindi mga taong nagpapalakad ng government ganun din naman ang problema dito. :-) Sa totoo lang kawawa talaga ang mga susunod na henerasyon wala na silang magandang future ;-(

eden said...

I agree with you, Arvs.

Happy Valentines Day!

anney said...

marami talagang mukhang pera sa mundo at wala na tayong magagawa dyan.

Diamond R said...

nakakalungkot isipin na magagawa ng tao ang kahit na ano basta pera ang pinaguusapan.

Arvin U. de la Peña said...

@Lady Blue..........hindi mabibilang sa dami ang mga ganun....ganun din po ang sa akin ng ako ay padalhan ni Dhemz ay nagbigay din ako sa post office ng pera.....kasi nagsabi ng halaga ng pera...nagbigay naman ako kasi hindi naman malaki ang hiningi....hindi umabot ng 100 pesos....ang sa akin ay sa post office ko kinuha kasi wala ako sa amin ng ibibigay na.....ewan ko lang kung nasa amin ako at hihingan din ako ng pera....

Arvin U. de la Peña said...

@Talinggaw......hindi naman talaga lahat....may mga tao pa rin na hindi habol ang pera talaga.....may dedikasyon sa trabaho........katulad na lang ng mga janitor o security guard na kahit malaking halaga ang napupulot ay isinasauli pa rin sa may ari....

Arvin U. de la Peña said...

@Albert Einstein........hehe...alam ng sinuman na government official na may mga tao talagang corrupt o mukhang pera pero minsan hinahayaan na lang.....

Arvin U. de la Peña said...

@jhengpot........yah, dahil lahat ay puwede mong magawa at mapuntahan basta ba may pera......

Arvin U. de la Peña said...

@Christeen...........sa mga bagong pera ngayon ay naninibago ako.......ganun din siguro sa ibang tao.....

Arvin U. de la Peña said...

@Yen.........busy ka kasi kaya minsan ka na lang mag computer.....para naman talaga sa tao ang pera pero parang hindi tama na kahit para sa ibang tao ay gusto pang maangkin........may mga opisyal kasi gaya ng pulis na kahit kaunti lang ang kinita ng tao ay hihingan pa sa kinita.....iyong datung ba na matatawag......

Arvin U. de la Peña said...

@mayen.........ang ibang mga mayayaman ay nagpapayaman pa talaga dahil may impluwensya sila para makakuha ng pera na hindi nila suweldo.....mga bigay o kinurakot....kung ang tao ay corrupt at mahilig sa sugal ay magsusugal talaga kasi kahit matalo ay parang balewala lang kasi hindi naman niya pinagpapawisan ang perang sinusugal.....hindi matatapos ang pangungurakot ng mga tao...

Arvin U. de la Peña said...

@aboutambot.........tama ang sinabi mo.......kung ang isang tao ay may pera talaga ay kakaibiganin talaga at laging pupuntahan ng mga kaibigan kasi alam mo na dahil may pera ay puwede makahirit na mag inuman......ganun naman talaga....katulad na lang ng kung may kaibigan na umuuwi galing ibang bansa.......bibisitahin talaga ng mga kaibigan at inuman ang mapupuntahan......

Arvin U. de la Peña said...

@A Mom..........kumusta na po kayo.....

Arvin U. de la Peña said...

@Sam D............eh kasi sa mga tao na mukhang pera na iyon madami silang pinaggagastuhan....dahil kulang ang sahod nila ay iyon nangungurakot........mabuti pa kaya wala na lang sahod sa trabaho,hehe.....boluntaryo na lang ang pagtrabaho......wala naman yata papayag ng ganun na walang suweldo......

Arvin U. de la Peña said...

@eden............thanks.....how are you now....

Arvin U. de la Peña said...

@anney...........oo nga eh....kailangan na lang siguro na tanggapin ang ganun kahit nakakainis....

Arvin U. de la Peña said...

@Diamond R..........oo naman....isipin mo na lang may mga tao na nanghoholdap kahit sa banko, pawnshop o anu pa na dahil doon ay mapanganib kasi puwedeng makipagbarilan sa mga pulis na tutugis sa kanila........tumatapang talaga minsan dahil sa pera.....

Mel Avila Alarilla said...

May pagasa pa naman ang bansa natin Arvin. Mahirap yung maging masyadong pessimistic na lang tayo sa pananaw natin sa ating bansa. At least nakakasuhan na at nakukulong ang malalaking tao. Nakakulong ngayon si PGMA at Benjamin Abalos sa kasong election sabotage at malamang susunod na yung mga binanggit mong mga tao sa ZTE scandal. Si Corona ay me impeachment trial sa Senado. Sina Garcia at Ligot na lumustay sa pera nang AFP ay kinakasuhan na rin. Masyadong malalim lamang ang ugat nang corruption sa ating bansa pero hindi tayo dapat mawalan nang pagasa. Dagdagan na lamang natin ang panalangin para sa ating bansa. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Unknown said...

Ang mga taong nangakong hindi magiging corrupt ay nandun sa golf club nag p-plano kung pano kukunin ang kumpare nya at ipapasok sa gobyerno... hays! Tama ka rito Arvin...

eden said...

Visiting you back, Arvs!

Dhemz said...

waaaaaa...it's hard to admit the fact but you really hit the talking points here Arvin...you are so right....pinas talaga :(

Grace said...

Napakalungkot naman nito. Sana may paraan pang magbago ang ating mahal na bayan.

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla.........maraming salamat sa mga sinabi mo........lahat naman may pag asa pero sa sitwasyon ngayon parang malabo na yata.......bukod sa kanila na mga binanggit na mga corrupt din ay marami pang iba na baka mas corrupt pa sa kanila na hindi mapansin.....hindi makasuhan dahil nananahimik sa ngayon...

Arvin U. de la Peña said...

@Untied Escape..........ganun ba....mga big time nga ang naggo golf.....marami na ring transaksyon na may corruption na sa golf nag umpisa ang usapan....gaya ng sa NBN-ZTE scandal.......nag golf din iyon sila....

Arvin U. de la Peña said...

@eden........thanks for visiting again my blog......

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz...........salamat.....kung may makabasa man nito na corrupt siguro mauunawaan niya......pero hindi iyon maging dahilan para hindi na siya maging corrupt,hehe.....once a corrupt always a corrupt........

Arvin U. de la Peña said...

@Hi! I'm Grace..........kung kailan wala ng corruption na mangyayari ay walang may alam......kahit sino pa siguro ang maging Pangulo ng bansa....

eden said...

Have a great weekend, Arvs!

Unknown said...

corruption in the government is part and parcel of one of the problem of the philippine society, we call that bureaucrat capitalism; nagpapayaman habang nasa puwesto ang mga opisyales ng gobyerno

Arvin U. de la Peña said...

@eden................the same with you.........

Arvin U. de la Peña said...

@reese..............tumpak ang mga sinabi mo.....para sa kanila hindi sapat ang magiging pension sakaling magretiro na sa trabaho.....kailangan ng pangungurakot para madagdagan ang pera para sa paghinto na sa trabaho.....

Ma. Novie Godmalin said...

aGrabe talaga ang impluwensya ng pera. Ma atim pa nila pakainin ang pamilya nila na galing sa kinurakot nila? How pathetic they are! Maawa na man sana sila sa bansa natin. Naghihikahos na ang pinoy! Tama na sana ang pagiging selfish nila. Over na!

http://misexperienciaspersonales.wordpress.com/