Monday, March 12, 2012

Noon at Ngayon

"Hindi porke't lagi kaming umiinom ay
tatawagin na kaming lasinggero/lasinggera. Hindi naman lagi iyong lasa ng alak ang aming hinahanap kundi iyong pagkakaibigang nakukumpleto, problemang nakakalimutan, samahan na tumitibay, at pangarap na nabubuo sa bawat tagay."

























































































































































































































Noon at Ngayon
Ni: Arvin U. de la Peña

Ganito kami noon, ganyan rin sa ngayon. Ang pagkakaiba lang noon ay bata pa kami at ngayon ay hindi na. Sa bawat taon ay nagkakaroon ng selebrasyon ang aming pinag-aralan noong high school. At iyon nga ang Grand Alumni Homecoming na dinaraos ng tatlong araw mula linggo hanggang martes pagkatapos ng holy week. Marami ang nagtratrabaho mula sa ibang lugar o bansa ang umuuwi para lang maki celebrate sa nasabing event at makiisa sa kanilang batch.

Bago pa mangyari iyon ay nagkakaroon kami, ganun din sa ibang batch ng mga pagmemeeting patungkol sa Grand Alumni Homecoming na ang theme ngayon ay 80's Mania, the very best of the eighties. Bagamat may kanya-kanya na kaming mundo na tinatahak ay nariyan pa rin ang aming dedikasyon para sa meeting at mapag-usapan ang mga plano. Nakakalungkot nga lang ang iba ay hindi na nakikiisa sa amin dahilan para maging kaunti lang kami at dahil doon ay mag parade na lang kami. Hindi katulad noon na sumasali kami sa mga competition. Mayroon kaming float, may mga dancers sa pag parade na sila rin ang mag perform sa stage presentation pagka gabi. Ganun pa man ay inuunawa namin sila. Dahil sadyang ganun, kasabay ng paglipas ng panahon ay ang pagbabago din ng tao. Kung noon may mga member na active para sa Grand Alumni Homecoming pagtagal ay hindi na dahil nagbago na nga.

Kahit sila ay hindi na active, kami na active ay patuloy pa rin sa kung anuman ang aming nasimulan. Hindi kami nagbago dahil wala sa amin ang ganun. Patuloy kami sa pagtakda ng kung anong araw muli ay mag meeting dahil kaya naman namin na mag meeting kahit wala sila. Mahirap pilitin sila na ayaw na kahit panay na ang pag text o kaya nakakausap pa ng harapan ay ayaw talaga mag attend. At sa bawat pag meeting ay bumabalik din sa aming alaala ang nakaraan noong high school. Ang katuwaan, ang kalungkutan, ang mga biruan, ang tungkol sa mga naging crush, ang mga pagliligawan at kung ano pa na ang mga iyon ay nakalipas na lang. Masarap ang pakiramdam na minsa sa isang taon ay magkikita-kita kami na naging kasabayan sa pag-aral ng high school.

Pero sa huli umaasa kami na ang mga ibang member na hindi na active sa ngayon ay muling makikiisa sa amin. Sasamahan kami para muling mabuo ang nawasak na samahan.

37 comments:

Armored Lady said...

guilty ako..hndi kasi ako masyado nakakasama sa mga reunion..nakakamiss sila!

michymichymoo said...

Good thing there's facebook, it's so easy to get in touch with anyone. :)

http://www.dekaphobe.com/

michymichymoo said...

Put you on my blog roll. Thanks! ;)

http://www.dekaphobe.com/

Mai Yang said...

hahahah! iba na tlaga no pag mdyo aging na, may mga nuon at ngayon na tayo. hahahaha! I miss my friends :(

eden said...

Ganda naman you are still active to organise. Miss na miss ko ang mga ganitong tipon tipon.

jhengpot said...

huwaw. tama ka dun sa first line mo! apir! naisip ko tuloy yung tropa sa mga darating na panahon. hehe

jedpogi said...

sarap ng ganyan get together...

Kristeta  (kalokang Pinay) said...

Ang sarap naman ng palaging nagkikita at nagkakaron ng chance na makapagbonding ulit. Kung iisipin mo apat na taon kayong nagsama, ang tagal nun at maraming nangyari sa mga panahon na yun na masarap balik-balikan.
Keep it up and I'm sure yung mga iba ay maiinganyo ding maki-participate next time.
Have fun sa next reunion.

Arvin U. de la Peña said...

@Clai Estabillo...........bakit hindi ka sumasama sa kanila na mga naging kaklase mo.....ano pinagkakaabalahan mo......dapat sumasali ka kasi minsan lang naman iyon...

Arvin U. de la Peña said...

@michymichymoo.............oo nga eh....ang mga iba na wala dito sa aming lugar ay sa facebook na lang nakikipag communicate about sa Grand Alumni Homecoming.....nagpapadala rin ang iba ng pera para sa batch..salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo....

Arvin U. de la Peña said...

@Mai Yang...........siyempre naman.....kasi hindi lagi tayong bata..........lahat maramdaman iyon.....

Arvin U. de la Peña said...

@eden............opo.....isa po akong active sa aming batch......nag tetext ako sa kanila o kaya pinupuntahan ang bahay nila para sa meeting na gagawin.....encourage them to join...

Arvin U. de la Peña said...

@jhengpot.......salamat sa sinabi mo.....at tiyak ganun din para sa iyo......maaalala mo rin minsan mga ka batch mo sa high school.....ma miss mo sila kapag natapos ang bonding niyo....kasi next year naman uli..

Arvin U. de la Peña said...

@jedpogi.........talagang masarap ang pakiramdam kasi makita uli sila...ang maganda noon ay sa kasalukuyan medyo hindi na dahil hindi na bata at sexy.....isa pa ang inuman ang masarap....

Arvin U. de la Peña said...

@Kristeta.............oo nga eh......isa pa during graduation ay nanumpa na magiging member na ng alumni tapos ay hindi na sasali....pero inuunawa na lang ang ganun kasi baka may dahilan siya o sila....pag parade ay makikita sila namin minsan na hindi sumasali....pinipilit na sumama sa parade....may iba na sumasama at ang iba nanonood na lang..

Spanish Pinay said...

bigla kong namiss ang aking mga kababata...

Spanish Pinay

Sam D. said...

Ang saya naman! Ako wish ko rin na one day meron akong matanggap na invitation for alumni especially high-school. Sobrang nakakamiss mga unang friends ko.

tndcallphilippines said...

buti pa kayo! :) keep on with the bonding! kailangan yan. :)

anney said...

Sarap talaga pag nagkakasama sama ang magkakaibigan. Walng tigil na kwentuhan ang ngyayari pag may prendsyip bonding ako with my high school and college buddies!

Tal said...

wow, kainggit naman at kahit pano eh napanatili nyo pa rin ang taunang reunion nyo, kahit nabawasan at kumunti na ang nakakasama. I miss my high school friends too, pero ganon talaga ang buhay, naiiba ang gusto natin kaya naiiba rin ang priorities, baka ganon din ang nangyari sa iba mo pang mga kaklase. :)

Mitch said...

kasiyanhan lang! Wag lang sobra. Ingatan ang atay para humaba ang buhay! CHEERS!

Arvin U. de la Peña said...

@Spanish Pinay..........kahit sino siguro kapag nangibang bayan o bansa ay mamiss talaga ang mga naging kababata......lalo na iyong mga naging kasabayan sa pag aral.....

Arvin U. de la Peña said...

@Sam D..........kung sakali makatanggap ka ay makakaya mo bang magbakasyon dito at the same time ay makisali sa kanila......ang iba ay ganun.....umuuwi para magbakasyon din at magkaroon ng reunion para sa mga ka batch sa high school....

Arvin U. de la Peña said...

@tndcallphilippines........yah, kailangan din talaga kasi kahit matapos na ang grand alumni homecoming ay tuloy pa rin ang communication.....sa pag memeeting din kasi nag uumpisa ang magandang samahan.....

Arvin U. de la Peña said...

@anney............tama ka diyan.....ang mga biruan ay hindi pa rin naiiwasan........ang mga nangyari sa high school ay muling nauungkat.....

Arvin U. de la Peña said...

@Talinggaw.........oo kasi bawat taon ay may grand alumni homecoming......madaming umuuwi para maki celebrate.....tama ka diyan kasi ang iba ay may negosyo na hindi puweding iwan kasi hindi masyado maka join sa meeting...ang iba naman may ginagawa pa....

Arvin U. de la Peña said...

@Mitch............oo naman....di naman kami masyado nagpapakalasing talaga......isa pa mahal ang beer ngayon,hehe...

eden said...

Salamat sa dalaw ARvs. Have a great weekend.

kimmyschemy said...

korek, ka dyan, Arvs! meron naman talagang social drinkers na kagaya natin, hehe.. anyway, isa ako sa mga active sa reunion, uma-attend pa rin ako yearly. ang saya, diba?

a visit from The Story Teller!

Yen said...

Hehe, ang saya nyo naman. Di ko man lang ma experience ang makajoin sa mga homecomings. Buti ka pa.
Dami nyo pichure a. bongga! dami chicks, wee wiit.. ^^

Sendo said...

reunions --- memories never get old ... :) at naka-laptop pa talaga during inuman :) saya

Dhemz said...

awwwwwwww...this post made me miss all my friends in high school and college....tagay buddies! hehehe...joke...:)

Arvin U. de la Peña said...

@eden...........walang anuman iyon....salamat din sa pagbisita mo uli sa blog ko...

Arvin U. de la Peña said...

@simply kim..........hehe.....masarap pa rin talaga pag inom ng beer, kaysa minsan iyong tuba....iyon bang galing sa niyog....masarap din naman siya....iyon minsan iniinom namin kasi mahal ang beer...

Arvin U. de la Peña said...

@Yen.........kung mag alumni ang pinag aralan mo ng high school at malaman mo ay uwi ka....try mo mag join....

Arvin U. de la Peña said...

@Sendo............taon taon ay may reunion kami........kasi laging may Grand Alumni Homecoming.....minsan marami kami, at minsan naman kaunti lang....sunday ang umpisa ng celebration.....parade iyon na ang mga makikipag compete ay may float, may mga dancers at costumes din at ang hindi na batch ay mag parade.....malaki ang premyo....tapos sunday night ay may stage presentation......pagka lunes ng gabi ay party and awarding sa mga nagwagi sa kung anong category with prizes.......tapos pagka martes ay beach party......

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz...........kaya pag uwi mo dito sa pag bakasyon ay makipagkita ka sa ilan sa kanila......hehe...