Sunday, March 11, 2012

Ober Da Bakod

"Ang showbiz ay mundo ng walang katapusang intriga."










OBER DA BAKOD
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa showbiz ay uso talaga ang lipatan, lipatan ng istasyon. Sa madaling salita ay ober da bakod. Maraming dahilan kung bakit sila lumilipat. Nariyan ang hindi nabibigyan ng magandang break. Nariyan ang hindi kuntento dahil isa o ilang show lang ang nilalabasan. Minsan hindi kuntento sa talent fee.

May mga artista na sumikat talaga dahil sa istasyon na naroon sila. Nabigyan ng show. Ibig sabihin nabigyan ng palabas na bida siya at napapanood tuwing lunes hanggang biyernes na kung tawagin ay teleserye. At hindi lang sa teleserye napapanood kundi may iba pa. Ang iba naman tuwing sabado o linggo napapanood ang palabas nila. Higit sa lahat sila ay nagkaroon ng mga pelikula dahil sa istasyon nila. Nagkaroon ng mga tagahanga. Dahilan para lalo silang sumikat.

Sa pagsikat nila ay natupad ang kanilang pangarap kung bakit gusto na maging artista. Ang iba gusto na maging artista dahil para magkaroon ng sapat na pera at maiahon ang pamilya sa kahirapan sa buhay. Ang iba naman dahil may pera na ay pumasok sa showbiz para makilala ng publiko. Ang iba naman gustong sundin ang yapak ng pamilya dahil pamilyang artista. At ang iba naman dahil sumikat sa pagiging artista ay pumapasok sa politika.

Bago lumipat ang isang artista para sa isang kabilang ay may mga negatibong natatanggap muna. At ang madalas na negatibong natatanggap ay sasabihin na walang utang na loob. Masakit ang ganun na salita. Pero isipin sana ng mga nagsasalita ng walang utang na loob na kung siya man ay sumikat dahil sa istasyon ay may naibigay din naman siya na kabayaran. Kabayaran na baka malaki pa ang kinita ng istasyon kaysa sa kanya. Kung ang artista ay binabayaran ng istasyon sa pamamagitan ng pera ay naghahatid din naman ng pera ang artista para sa istasyon.

Sa mga artista na nag oober da bakod ang masasabi ko sana hindi mali ang desisyon niyo. Mangyari ang gusto niyo sa istasyon na nilipatan niyo.

Kung ang pag ober da bakod niyo ay dahil gusto niyo na laging may show na mapapanood ay isipin niyo sana na maraming artista ang hawak ng istasyon. Hindi lang kayo ang artista nila na binibigyan ng pagkakataon para mapanood ng publiko at maipakita ang galing sa pag akting.

Kung ang pag ober da bakod niyo naman ay dahil bihira na lang kayo mabigyan ng show dahil medyo matanda na ay isipin niyo sana na talagang ang tao ay tumatanda. Dahilan para kumupas ang popularidad. Makuntento na minsan sa buhay ay sikat talaga at tinitingala sa daigdig ng showbiz.

24 comments:

Yen said...

ganun talaga kaming mga taga showbiz, career oriented kasi kami. hehe. Grab lahat ng opportunity dahil unpredictable ang mundo namen. >;)

YANI said...

That is life..roll lang ng roll until magparamdam ang big break :))

Spanish Pinay said...

sa tingin ko ok lang yun. ganun talaga one has to try things out... pwedeng magkamali pero ok lang kasi kung hindi forever ka na lang mag-iisip ng what-if. Magkamali man ok lang dahil may lessons naman na matutunan.

Spanish Pinay

heyoshua said...

kaya ako sa likod na lang ng camera hehe ay may intriga din dun..mas malala pa nga hehehe

dimaks said...

ganun talaga, minsan kelangan mangibang bayan para umunlad at kumita. personal growth at loyalty, minsan hindi automatic na magkasama sa isang pagkakataon.

Mel Avila Alarilla said...

Mas maganda na ang situasyon ngayon sa mundo nang television dahil tatlo na ang naglalaban laban para sa all powerful ratings game. Dati ang AbS-CBN channel 2 at GMA 7 lang ang magkatunggali pero ngayon ay sumabak na rin ang channel 5 ni Manny Pangilinan. Tinatawag silang kapamilya, kapuso at kapatid respectively. Me ugong ugong pa na balak bilhin ni Manny Pangilinan ang channel 7. Kapag nagkataon ay biglang higante ang mga estasyon ni Manny Pangilinan na meron nang GMA 7 at channel 5. Huwag sanang maangyari ito dahil mas maganda para sa mga artista na tatlong tv channels ang nagaagawan sa serbisyo nila. Salamat sa lathalain. Pagapalain ka nang Diyos sa tuwina.

kimmyschemy said...

buti na lang wala ako sa showbiz, hehe! salamat sa dalaw!

visit from the kim!

michymichymoo said...

Well, parang regular na tao lang din naman sila. Kung saan may trabaho, dun sila. :D

http://www.dekaphobe.com/

jelai said...

napakabusy at undecided talaga naming mga nasa showbiz! hehe..

Unknown said...

A really informationrmative post and lots of really honest and forthright comments made!women clothes casual

Tal | ThePinayWanderer said...

Parang ordinaryong buhay din ang buhay nila, kung nasaan ang trabaho dun sila pupunta, katulad din natin. Or else, magugutom/mawawala ang luho natin/nila. :)

Arvin U. de la Peña said...

@Yen..............ganun ba......pero kung ikaw ay naka contract na sa isang film company like viva films, regal, etc...ay hindi ka talaga puwede basta basta gumawa ng pelikula sa ibang company....ganun din sa tv.....iyon ang hindi ko gusto kasi may mga artista na hindi pinapayagan na lumabas sa isang istasyon dahil nakatali na sila sa isa....

Arvin U. de la Peña said...

@YANI.............ganun ang nangyari sa iba.....may mga artista na dati ay kontrabida lang ang role nila.....pero pagtagal ay naging bida........

Arvin U. de la Peña said...

@Spanish Pinay..............maganda ang sinabi mo....may mga artista talaga na lumilipat dahil akala nila sa lilipatan nila ay naroon ang big break nila sa showbiz......pero hindi lahat ng lumilipat ay nagtatagumpay....

Arvin U. de la Peña said...

@Heyoshua..............may mga pangyayari talaga na wala na sa camera......halimbawa na lang iyong mga daring scene....dahil nabitin dahil nag cut ang direktor ay ipinagpapatuloy ng magkapareha sa likod ng camera......marami ang ganun....lalo na nung uso ang mga seksi movie....

Arvin U. de la Peña said...

@dimaks............sa bawat artista na lumilipat ng istasyon ay malaki ang offer sa kanila.....hindi sila basta lilipat kung sa palagay nila hindi sila kikita ng malaki.....

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla...........tama ka...maganda nga na tatlo ang istasyon ngayon na malakas talaga ang hatak sa publiko kasi maraming artista ang nabibigyan ng pagkakataon.....may tatlo silang pagpipilian kaysa dalawa lang.....if the price is right ay ibibenta ang GMA 7 sa may ari ng tv 5......nabasa ko iyon sa diaryo....

Arvin U. de la Peña said...

@simply kim.........hehe...tiyak kung ikaw ay nasa showbiz madaming artistang lalaki ang magpaparamdam sa iyo.....

Arvin U. de la Peña said...

@michymichymoo............may punto....pagkakaiba lang dahil artista sila at sikat ay madalas lalapitan talaga at ang iba magpapakuha ng picture....hindi katulad ng ordinaryong tao na kung ikaw ay nasa mall walang lalapit o mag hi sa iyo o kaya mag pa autograph......

Arvin U. de la Peña said...

@jelai...........ganun ba....siguro may mga alalay ka diyan.....kunin mo ako ng makasama kita lagi na artista....hehe..joke

Arvin U. de la Peña said...

@Willy Chartier.........thanks for visiting my blog......how are you.....can we exchange link....

Arvin U. de la Peña said...

@The Pinay Wanderer............oo nga..pero gaya ng nasabi ko na ay mahirap para sa kanila lalo na kung sikat na ang maglakad sa pampublikong lugar kasi dami ang lalapit sa kanila para magpa autograph....

eden said...

Kaya ayoko sa showbiz..hehehe

Thanks for the visit, Arvs.

KULAPITOT said...

ganun talaga!