Tuesday, August 30, 2011

Magdalena (by request)

Ang sinulat kong ito ay pagbibigay daan para sa request ng isang blogger. Ang pagrequest niya po ay dinaan sa tagboard ng blog ko. Narito po ang kanyang sinabi at ang blog niya ay http://thecoffeechic.blogspot.com/






algene: pwede magrequest ng isang tula?














"Prostitution is the oldest profession."

MAGDALENA
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa pagtugtog ng nakakaaliw
Pagsayaw mo ng nakakaakit
Mga manonood ay takam na takam
Sa alindog mong kabigha-bighani.

Habang unti-unti tinatanggal ang saplot
Pilit pinapahumaling mga kalalakihan
Pagkatao mo ay nadudurog
Pagkat ginagawa labag sa kalooban.

Hindi man gusto ganun na trabaho
Walang magawa kundi tanggapin
Iyon lang ang tanging paraan
Magkaroon ng mapagkakakitaan.

Balewala na lang sa iyo
Pagpiyestahan ng mga mata ang pinakatago
Mahalaga matugunan lang ang pangangailangan
Kahit kapalit masilayan hubad na katawan.

Batid mang mababang uri ng pagkatao ang tingin
Walang magawa kundi ang tanggapin
Dahil kung may ibang paraan lamang
Mas gustuhin pa rin disenteng trabaho.

Saturday, August 20, 2011

Sabungan (by request)

"Sinulat ko ito dahil kay Councilor Dennis "dodong" Narido Garay, author-cockfighting ordinance."


"Umaasa ako na sa sinulat kong ito ay magkakaroon na uli ng sabungan sa aming lugar. Hindi sabungan na kung saang barangay lang ginagawa dahil para sa nalalapit na fiesta na kung tawagin ay tupada. Eh sobra 50 ang barangay sa aming lugar. Minsan pa pasabong lang ng kung sinong tao. Mahirap para sa mga sabungero ang magbiyahe ng malayo para lang sumabong. Mas maganda talaga kung may isang puwesto na sabungan lang. Sa mga tao na may katungkulan para magkaroon uli ng sabungan ay iwasan na sana ang pamimirsonal. Iwaksi na ang personal na galit. Higit sa lahat alisin ang tungkol sa politika. Kung bakit ko ito nasabi ay dahil noon sa aming lugar ay may sabungan. Pero ng mag-iba na ng administrasyon ay nagsara na. Ilang taon na rin na ganun. Samantala noon ay ayos lang kung may sabungan. Hindi pa nga ako isinisilang ay may sabungan na sa aming lugar."

SABUNGAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Ang sabungan ay maituturing na isang bahay-aliwan. Hindi ito ang bahay-aliwan na inaakala natin na kung saan doon ay puwede makaraos. Mailabas ang init sa katawan. Bagkus ang sabungan ay isang bahay-aliwan na kung saan halos mga lalaki lang ang naroon. Halo-halong uri ng pagkatao ang naroon. Mayroong professional, non professional, high profile, low profile, o kung ano pa na kung saan ang dalawang manok ay pinupustahan ng may ari ng bawat manok. Ang mga tao naman na nanonood na may pera ay pipili sila ng manok na nais pustahan. Sa "meron" ba o sa "wala".

Hindi nagwaldas ng pera na matatawag ang isang tao kung siya ay natalo man sa sabungan. Kundi siya ay nag-aliw lang. Katulad ng pag-aliw na kung saan pumunta siya sa ng beerhouse. Katulad ng pag-aliw na kung saan siya ay nakipag-inuman at siya ang gumasto. Higit sa lahat pera niya naman ang ginamit sa pagpunta sa sabungan. So, walang anong masama doon? Isa pang dahilan ang pagpunta sa sabungan hindi lahat ng araw ay talo ang tao. Mayroon araw na siya ay panalo naman. Dahil sa pagpunta sa sabungan ang tao ay maaaring matalo o kaya manalo. Kaya hindi maganda na kinokondena ang pagpunta sa sabungan o ang mayroong sabungan.

Malaking tulong para sa mamamayan kung may sabungan ang kanilang lugar. Dahil kung may sabungan ang mga tao na mahilig sa manok ay napupuwersa siya na maghanap ng pera para pambili ng pagkain ng manok. Siyempre bukod sa pagkain sa manok na binibili ay iyong para din sa sarili at sa pamilya. Dahil din sa mga manok ang isang tao na nag-aalaga ay natututo siyang mag apply sa sarili ng tinatawang na " time management". Ibig kong sabihin kung ang isang tao ay nakasanayan na niya na ang pagpapakain sa mga manok niyang alaga sa umaga ay dapat 7:00 am to 7:30 am at sa hapon naman ay 4:30 pm to 5:00 pm ay iyon lagi ang kanyang gagawin. Sa mga oras na iyon dapat napakain na niya ang kanyang mga alagang manok. Kung ang isang tao na may alagang manok ay inaantok pa dahil nalasing o ano pa ay babangong talaga siya sa oras na iyon sa umaga para mapakain ang alagang manok. Ganundin din po sa hapon. Kahit gaano pa kasarap ang pagkain o kaya pulutan sa inuman ang isang tao na may alagang manok ay uuwi talaga sa kanilang bahay para mapakain ang manok. Minsan pa gumigising ng maaga ang tao para sa pagpapakondisyon sa manok na isasabong. Lalo na kung isasali sa tinatawag na derby.

Kung may sabungan din ang isang lugar lalo na kung malakas talaga ang hatak sa mga sabungero pati na sa ibang lugar. Ang mga tao na may pera talaga dahil sa negosyo o trabaho ay nagtatayo ng manukan o farm para sa mga manok panabong. Dahil doon sila ay kumukuha ng tao na susuwelduhan nila para mag alaga sa mga manok. Hindi lang isa ang kinukuha na tao kundi dalawa. Minsan pa nga ay tatlo. May tao na ang trabaho ay tagapakain lang ng mga manok at pagpapainom. At may tao din na ang trabaho ay magkondisyon lang ng mga manok para sa pagsabong. Sa ganun na paraan dahil sa sabungan nakakatulong ng tao na walang trabaho para magkaroon ng trabaho. Magkaroon ng mapagkakakitaan kahit paano dahil sa farm ng mga manok panabong. Na doon sa farm ay libre na ng pagkain. Hindi nga lang masarap palagi pero may laman ang tiyan.

Kumikita din ang munisipyo dahil sa sabungan. Kaya nararapat lang na ang sabungan ay pahalagahan. Bigyan ng halaga katulad ng ibang establisiyemento na bumabayad ng buwis sa munisipyo. Dahil sa sabong minsan ang tao na walang pera ay nagkakapera. Iyon ay dahil sila ang inuutusan ng kanilang amo sa sabungan na pumusta ng pera para sa kursunada na manok ng amo. Kapag uwian na at may panalo ay binibigyan ng pera ang tao na kung tawagin din ay kristo. Minsan pa nga kahit talo ay binibigyan pa rin ng amo ng pera. Sa ganun na pangyayari na walang pera ay nagkapera ay kahit paano ay may pambili na. Malaking tulong din ang sabungan para sa mga tao na nagsisilbi sa sabungan kasi binabayaran sila. Katulad ng siya ang nagbebenta ng ticket, bumabantay sa mga pumapasok, namamahala sa paghawak ng pera kung ilan ang pusta sa manok, tagalinis sa sabungan, ang sentensyador sa sabong, at iba pa na sa sabungan kahit paano ay nagkakapera sila. Higit sa lahat malaking tulong ang sabungan para sa mga nagtitinda doon. Kumikita ang mga nagtitinda at kumikita din ang mga binibilhan ng mga paninda.

Kung ang fiesta na iniwan sa atin ng ating mga ninuno ay tinatangkilik. Nagkakaroon ng selebrasyon. Ang sabong na ganun din namana pa sa mga ninuno ay nararapat lang din na tangkilikin. Kasi kung walang pera ang tao ay hindi naman siya pupusta. Manonood lang naman siya ng sabong. Pero sa fiesta minsan ang isang tao ay nangungutang pa ng pera para lang may maihanda dahil sa may mga bisita na darating na pagkabukas ay magproblema kung kailan makakabayad. Alin ang masama doon? Ang mangungutang ka ng pera para may maihanda sa fiesta o ang manonood lang ng nagsasalpukang manok dahil walang pera.

Ang sabong ay bisyo na may maganda ring patutunguhan. Kasi kung maglabas ka ng pera para sa pagpusta sa manok ay maaari iyon na maibalik sa iyo. Hindi katulad ng bawal na gamot na kapag naglabas ng pera pambili ng droga ay wala ng maibabalik. Dahil ang bisyong droga ay sariling kapakanan lang ang iniisip. Hindi iniisip ang ibang tao. Hindi inaalintana ang magiging epekto na kung lumala ay apektado ang mga mahal sa buhay lalo na ang pamilya. Samantalang sa sabong ang pera na inilabas para ipusta sa manok ay maaari na lumago lalo na kung suwertihin talaga.

Nasa modernong panahon na tayo. Kaya dapat nasa modernong pag-iisip na rin. Walang masama kung ang isang lugar ay may sabungan. Kaya nararapat na sa bawat lugar ay may SABUNGAN.

Tuesday, August 16, 2011

Minsan Lang Kita Iibigin (by request)


Wala pa ako facebook noon at friendster pa lang ng makilala ko ang babae na makita sa larawan. Naging ka text ko rin siya noon. Nag request siya sa akin noon na magsulat daw ako para sa kanya at ito ay pinagbigyan ko naman. Iyon ay ang post ko noong October 7, 2009 na ang pamagat ay Sa Tamang Pagkakataon. High School pa lang siya noon. Ngayon ay college na. Sa facebook ngayon minsan ay nagkaka chat kami at muli sinasabi niya na kailan daw uli ako magsulat ng para sa kanya. Matagal na rin ang pagsabi niya ng ganun sa akin at ngayon ko lang siya mapagbibigyan. Isa siya sa magandang babae na mga kaibigan ko sa facebook na taga Antipolo, Rizal.


"Hindi ako mayaman para BILHIN ang kahapon. Pero handa akong UTANGIN ang bukas makasama ka lang maghapon."

MINSAN LANG KITA IIBIGIN
Kay: Janine Quinanahan
Ni: Arvin U. de la Peña

Ang pag-ibig ko sa iyo minsan lamang
Mamahalin kita ngayon ng lubos
Ibibigay ang lahat para sa iyo
Makasiguro lang na ikaw ay akin.

Sakripisyo at pagod na mararanasan
Hindi ko iintindihin ganun ko ikaw kamahal
Ang puso ko sa iyo lang ngayon tumitibok
Hangad ko para sa atin huwag mo sanang sirain.

Sa puso mo ako lang sana
Hindi magkaroon ng kahati
Pagkat kung mayroon kang ibang mahal
Minsan kong pagmamahal sa iyo hindi na mauulit.

Mga yakap mo at halik sa akin
Sa bawat araw na ako ay pinapaligaya
Hindi ko panghihinayangan na mawala
Kung malaman ko man may iba kang iniibig.

Minsan lamang ako ay magkakaganito
Kaya huwag mong sayangin
Dahil ang minsan kong ito na pag-ibig sa iyo
Maaari na maging kailanman.

Wednesday, August 10, 2011

Luha Ng Napaibig (by request)

Hindi ito ang entry ko para sa contest ni iya_khin ng http://susulatako.blogspot.com na magsulat ng poem na ang pamagat ay dapat kalakip ang salitang luha na sa ngayon ay umaabot na po ng sobra 50 ang sumali. Dahil ang entry ko po para sa contest niya ay ang post ko ng Luha. Ang sinulat ko pong ito ay pagbibigay daan sa request ng blogger na si MC. Dinaan niya po ang pagrequest sa pag comment para sa sinulat kong Tinta. Narito po ang sinabi niya.

Blogger MC said...

ang cute nung little girl :) and as always, tumataludtod ka naman, goodjab! kelan mo ko gagawan ng tula? choz! haha

August 5, 2011 5:37 AM

http://marsyconstantino.blogspot.com/

LUHA NG NAPAIBIG
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa kagandahan mo ako ay nagkagusto
Unang sulyap pa lang tumibok agad ang puso
Ikaw na ang hinahanap-hanap
Masilayan ng mga mata kong kumikislap.

Paghiga ikaw ang nasa isipan
Pinapangarap ko ang kagandahan mo
Sa pagkagising ko ikaw pa rin ang naaalala
Sadyang ikaw na ang nais ko.

Kaysakit ng tayo ay magkakilala
Mayroon ka ng tinatangi
Hindi mo na kaya na siya ay palitan
Pagkat naibigay mo na ang lahat sa kanya.

Puso ko bigla na lamang lumuha
Napaiyak ng dahil sa iyo
Napagtanto na pagdating sa pag-ibig
Hindi puwede na ikaw ay mag akala.

Thursday, August 4, 2011

Tinta

"Minsan sa buhay ay sinusulatan natin ang ating kamay. Minsan pa nga sa paaralan sa kamay sinusulat ang maaaring sagot para sa pagsusulit."


TINTA
Ni: Arvin U. de la Peña

Dahil sa iyo may nababasa
Karaniwan ay itim ang kulay
Ngunit mayroon ring asul
Malaki ang tulong mo para matuto ang tao.

Nagdudulot ka rin ng mantsa
Lalo na sa damit
Hindi ka basta na itinatapon
Pagkat malaki ang pakinabang mo.

Paglaruan ka man sa kamay
Hindi ka agad natatanggal
Daig mo pa ang isang tuko
Kung makadikit mahirap maalis.

Tinta sa panulat mahalaga ka
Tulad ng ibang bagay na nakikita
Malaki ang papel mong ginagampanan
Para sa isang babasahin at gamit pagsulat.

Katulad ng ibang kagamitan sa paaralan
Isang dahilan ka bakit nagkaroon ng karunungan ang estudyante
Sa kaalaman na natamo ng isang nilalang
Malaking bahagi ka doon.