Sa sinulat kong ito dito ay malaman niyo na si Ferdinand E. Marcos ay hindi masama na naging pangulo ng Pilipinas. Mahal siya ng napakaraming Pilipino. Pagkatapos niyo itong basahin lahat-lahat kasama na ang naka scan na newspaper clip ay umaasa ako na kung may pagkamuhi man kayo sa kanya ay dapat mawala na iyon sa inyong sarili. Dahil kung patuloy niyo siyang kamumuhian ay patuloy niyo rin lang niloloko ang inyong sarili.
Mula sa mga nakakausap ko na tao tungkol kay Marcos at sa mga nababasa sa pahayagan ay naisulat ko ito.
EDSANi:
Arvin U. de la PeñaNapapatawa ako kapag nakikita ko sa tv na binibigyan ng selebrasyon ang Edsa 1. Gayong noong panahon ni Marcos ang mga bilihin ay mura. Sabi ng nakausap ko nakaabot daw siya sa panahon ni Marcos na ang isang piso ay puwede ka ng makabili ng dalawa o kaya tatlong bote ng san miguel beer. Ang gasolina rin daw kapag may 50 centavos ka ay puwede ka ng makabili. At ang tinapay din daw noon kung may 10 centavos ka ay makakabili ka na. Kung may sampung piso ka noon ay malaki na ang halaga. Maaari ka ng makabili ng bigas at kung ano pa. Pero sa ngayon ano na lang ang halaga ng sampung piso?Sa pag celebrate ng Edsa 1 ibig pa lang sabihin hindi dapat na magreklamo ang mga mamamayan sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kasi nagcecelebrate sila. Pero bakit halos lahat ng pinoy nagrereklamo sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Sadya bang plastik ang karamihan na mga Pilipino.
Noong mawala na sa poder si Marcos ay unti-unti ng nagmahal ang mga bilihin. Nawalan ng kontrol ang gobyerno para mapanatiling mura ang mga bilihin. Si Marcos hindi niya iyon hinayaan na magmahal ang binibili ng mga tao. Dahil mahal niya ang mga Pilipino. Gusto niya na abot kaya ng tao ang binibili. Natuwa ang mga negosyante kasi nagagawa na nila ang nais nilang presyo ng walang kumukontra.Sabihin na natin na corrupt si Marcos. Pero kahit corrupt siya sagana naman ang mahihirap. Masagana ang kanilang pamumuhay. Pero ngayon na wala na siya. Napakarami ng corrupt. Nawalan ng disiplina ang ibang mga tao. Nangurakot sila sa kanilang trabaho. Sa panahon ni Marcos marami ang takot na gumawa ng kalokohan dahil tiyak may paglalagyan siya. Ang mga mayayaman lang naman ang galit kay Marcos.
Sa Edsa 1 nakamit nga ang kalayaan. Pero malaya ba tayo ngayon? Ngayon ay nakakulong tayo sa kahirapan. Noong panahon ni Marcos ay nagsusuplay tayo ng bigas sa karatig na bansa. Ngunit ngayon ay hindi na. Umaangkat na tayo ng bigas sa ibang bansa. Baliktad na ang pangyayari. Ang sabi pa nga noong panahon ni Marcos ay pumapangalawa tayo sa Japan na maunlad na bansa sa Asya. Pero ngayon ay hindi na. Pangalawa na tayo mula sa hulihan.Kung may patayan man sa panahon ni Marcos ay ganun din naman ngayon. Masyado pa nga yatang malala ang ngayon. Ilan na bang bomba ang pinasabog, ilan na bang mamamahayag ang pinaslang ng mawala si Marcos. Madami na, hindi na mabilang. Naglipana na ang mga drug lord ng mawala si Marcos. Dumami na ang mga nagtutulak ng droga. Na noong panahon ni Marcos hindi masyado makaporma ang mga iyon. Takot ang mga kriminal at pusakal na tao sa panahon ni Marcos. Dumami na ang mga mamamatay tao dahil wala na ang Marcos na kanilang kinasisindakan. Higit sa lahat dumami ang mga magnanakaw.
Kung marami ngang nautang si Marcos ang mga sumunod sa kanya ay nangutang din naman. Hindi lang si Marcos ang nangutang kaya hindi dapat isisi kay Marcos kung malaki man ang pagkakautang ng ating bansa sa ngayon. Dahil bawat nag prepresidente ay nangungutang.Ang bumabatikos kay Marcos ay hindi tinitingnan ang mabuti niyang nagawa sa bayan. Puro kasamaan lang ang tinitingnan. Iyon ang iminumulat sa mga tao na musmos pa lamang. Hanggang sa pagturo sa mga paaralan ay ganun din na si Marcos ay hindi mabuti na naging pangulo ng bansa. Kung may ginawa man si Marcos na masama sa tao ay iyon ay para disiplinahin lang. Gusto niya na ang tao ay may disiplina sa sarili. Dahil katuwiran niya " ang bansa ay magiging maunlad kung ang mga tao na naninirahan ay may disiplina."Nang hindi na si Marcos maging pangulo ay nawalan ng disiplina sa sarili ang karamihan na mga tao. Dahil may kalayaan na ay malaya na ang iba na mangurakot, malaya ng pumatay, malaya na ang iba na gumawa ng kasamaan. Iyon ay dahil wala na silang kinatatakutan. Oo nga ay may batas. Ngunit ang batas ay para lang sa may pera. Kapag mahirap ang isang tao ay mailap na makamtan ang hustisya. May mga nakakulong na pinagbintangan lang. Hindi niya maipagtanggol ang sarili dahil walang abogado na makuha dahil walang pambayad. Pero kung mayaman ang isang tao kahit pa siya ang may kasalanan ay maaari siyang maabsuwelto. Lalo na ngayon an uso ang lagayan. Ang humahatol ay puwede na masuhulan para hindi madiin ang isang tao.
Tungkol naman sa mga sapatos ni Madam Imelda Marcos ang mga iyon siguro ay binili niya o kaya ang iba ay regalo. Hindi naman iyon ninakaw. Pero ngayon na panahon ang ibang mga tao na nasa gobyerno o kaya nagsilbi sa gobyerno ay marami ang bahay at pera na kaduda-duda. Alin ang mas malala doon. Hindi ba ang may maraming bahay at pera na kaduda-duda na kung pagbabatayan lang ang sahod bawat buwan ay hindi iyon makakamit.
Nabasa ko nga sa pahayagan na ng mawala si Marcos sa malakanyang ang mayaman ay lalong yumaman. Ang mahirap ay lalong naghirap. Kung may mahirap man na yumaman o nagkapera ay nakuha ang pera mula sa pagtrabaho sa ibang bansa. Hindi dito sa bansang Pilipinas.
Kung noong panahon ni Marcos ay may mga rebelde ganun din naman sa ngayon. Lalo pa ngang dumami ang mga rebelde. Hindi maganda na isisi ng mga rebelde sa administrasyon ni Marcos ang ginawa nila na magrebelde. Ang dapat sisihin ng mga rebelde kung bakit sila nagrebelde ay ang kanilang sarili dahil kulang sila sa disiplina. Hindi sila nakiisa sa hangarin ni Marcos. Naging matigas ang kanilang mga ulo. Kaya ayun dumami tuloy ang mga rebelde.
Sa mga sumali sa Edsa 1 ang kawawa ang mga ordinaryong mamamayan. Kasi unti-unti nalugmok sila sa kahirapan. Pero ang mga nagpasimuno ay hindi siguro naghirap. Ang iba ay nagkaroon pa ng ambisyon sa politika at ito naman ay nanalo. Siyempre sa politika may pera. Mahirap pumasok sa politika kung walang pera ang tao dahil mahihirapan na manalo.Sila na taumbayan na sumali sa Edsa 1 sa palagay ko ang nagpahirap sa ating bansa. Dahil sa kanila nagmahalan ang lahat ng bilihin. Silang sumali sa Edsa 1 siguro hindi aabot ng 2 milyon na tao. Pero ang apektado sa ginawa nila noong Edsa 1 ay kung ilang populasyon tayo mayroon ngayon. Siguro ngayon ay umaabot na ang populasyon ng ating bansa sa 90 milyon. Pati hindi pa isinisilang ay damay sa taumbayan na sumali sa Edsa 1. Kung wala ang taumbayan sa Edsa 1 ay hindi magiging matagumpay ang hangarin na mapatalsik si Marcos. Dahil sa kanila ay puro reklamo ngayon ang karamihan na mga Pilipino dahil sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kung alam lang siguro ng mga taumbayan na sumali sa Edsa 1 ang kahihinatnan ng bansa kung mawala na si Marcos nakatitiyak ako na hindi sila sasali doon sa Edsa 1.
Madre at Pari saan na sila ngayon. Ang mga madre ay maayos ang buhay nila. Lalo na ang mga pari. Hindi sila katulad ng mga taumbayan na ngayon puro angal sa buhay. May nabalita na ba kayo na may madre at pari na nagugutom. Wala naman di ba.
Tungkol naman sa martial law ang umabuso ay ang ibang mga alagad ng batas. Masyadong umabuso ang ibang mga alagad ng batas na lingid sa kaalaman ni Marcos. Hindi naman siya nag-utos na abusuhin ang mga mamamayan. Kung ngayon nga na panahon may mga alagad ng batas na umaabuso sa kapangyarihan. Noon pa kayang may martial law. Kalokohan.Sa isang column sa newspaper ay may tanong para sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pagtext. Ang tanong ay ito,
Aling gobyerno ang may pinakamaganda; ang kay Marcos, kay Cory, kay Ramos, kay Erap, kay Gloria, o kay P-Noy ngayon?Alam niyo ba 98% ng mga nagtext ay pabor sa gobyernong Marcos. Sa 300 po na nagtext sa kolumnista ay 298 po ang pabor kay Marcos. Ang isa kay Cory at ang isa kay Erap. Narito ang tatlo na isulat ko na lang sa blog sa napakaraming text na pinablish sa diaryo ng kolumnista na makita at mabasa din sa newspaper clip na gusto nila ang administrasyon ni Marcos. Ang kolumnista po ay officer ng AFIMA at siya ang director ng National Press Club.
-------Sa aking palagay mas maganda ang gobyerno ni dating Pangulong Marcos. Dahil ang tondo, gumanda sa mag-asawang Marcos lalo na yung Pier. Ang mga sumunod na mga gobyerno ay walang kuwenta. Dahil ang mga sumunod na pangulo ay mga plastik. Naaalala lang kaming taga-tondo pag eleksiyon. E ang mag-asawang Marcos kahit 'di halalan talagang laging nasa Tondo. Nung araw, bata pa ako, pag December nakakapasok pa kami sa Malakanyang dahil may ibinibigay na mga regalo ang mga Marcos. Siguro kung hindi hinudas si Marcos, napakaganda na ng Pilipinas ngayon. Mga mayayaman lang naman ang may problema kay Marcos, pero kaming mga mahihirap sagana kay Marcos. Bata pa ako nun pero nakita ko na ang matinding malasakit ni Marcos sa mahihirap. The best ang pangulong Ferdinand Marcos para sa akin. --09234753...
-----Joey, sa palagay ko, mas mainam ang government ni Marcos kaysa mga sumunod na presidente. Kasi walang nakagawa ng panungkulan ng katulad ng kay Marcos. Halimbawa na lang ang mga sumusunod an ginawa ni Marcos: Kontrolado nya ang mga presyo ng bilihin, mga kriminalidad, may takot ang mga sibilyan na gumawa ng masama at natutulungan ang maraming magsasaka.
Ang masakit lang, nangyari lahat sa kanyang panunungkulan sa ilalim ng batas militar. Pero ang 'di alam ng lahat ay para mapabuti tayong mga pinoy. --09103696...
-----Mas maayos pa noong panahon ni Marcos, kasi ang mga dukha isang kahig, isang tuka. Pagkaalis ni Marcos ang mga dukha ngayon tatlong kahig na wala pang matuka. Paano matuka ng dukha e kinakain agad ng mga buwaya. Dati ang buwaya lang ang nasa kalsada. Ngayon pati pating at piranha nasa kalsada na rin. Elcarte JC ng Ozamiz City
(click niyo ang naka scan ng lumaki at ng mabasa niyo ang mga text na 98% pabor sa panunungkulan ng dating pangulong Ferdinand E. Marcos. Para din malaman niyo kung sinong kolumnista ang tinutukoy ko. Pag mag click na kayo ay ulitin uli pag click para lalong lumaki ang mga letra. February 27 at 28 po ito na isyu ng isang pahayagan para sa column na iyan. Ginupit ko at pinagdugtong sa pagpa scan.)