Tuesday, August 18, 2009

Wagas Na Pag-ibig

Hindi ko muna ipost ang Love Card at ang Kanta Ko. Unahin ko muna ang para sa mga bloggers na nang sabihan ko sila na kung puwede ay sulatan ko ng tula at post ko kasama ang picture nila ay pumayag sila. Marami po sila at isa-isa lang muna.

"Kung ang pag-iibigan ng bawat nagmamahalan ay wagas ay wala sanang maghihiwalay at masasaktan. Ang tula na ito ay handog ko para sa blogger na ang blog niya ay www.akosipatola.blogspot.com

Font size
WAGAS NA PAG-IBIG
Ni: Arvin U. de la Peña

Pinagtagpo tayo ng panahon
Sa di inaasahan nagkita tayo
Magkapareho ang hangarin at kagustuhan
Dahilan para tayo ay magmahalan.

Hinarap natin ang mga pagsubok
Kinaya natin ang mga problema sa buhay
Hindi tayo nagpatangay sa mga suliranin
Kapit-kamay nating ginawa iyon.

Lumipas man ang ilang taon
Marami pa mang bagyo at unos ang dumapo
Sana ay di matinag
Itong wagas na ating pag-iibigan.

Tuparin natin ang ating pangako sa isa't isa
Na tayo ay magsasama
Sa hirap at ginhawa
Kahit ano pa ang mangyari.

11 comments:

Jepoy said...

Aba aba ang ganda pala ni Patola at according to her Single sya. Pwede! LoLz

Anonymous said...
This comment has been removed by the author.
Anonymous said...

loko ka talaga jepoy. haha!

darkhorse said...

hahaha...iba na naman flavor?! hahaha...tc

patola said...

wahahahaha.. salamat sa tula.. dapat po kumuha ka nalang ng pix ng sponge gourd para masaya.. ehehehehehe... ^_^

Hari ng sablay said...

lagi nalang wagas ang pag-ibig mo,iba talaga magmahal ang muslim,haha

pare yung barko iniwan ako,bumaba lang kasi ako para umihi tas biglang umandar,

PinkNote said...

@Sablay mabuhay ka talaga!^^

ACRYLIQUE said...

Si Binibining PATOLA pala ito. Kakain na nga ako ng miswa na may patola. :)

gege said...

pag-ibig. :P

Meryl (proud pinay) said...

ang ganda naman ng tula mo! ^_^ ang galing. isa kang magaling na manunulat na umiibig sa kagandahan ng mga pinays! ^_^ ang se-swerte nila at nahandugan mo sila ng matamis mong tula ^_^ hindi kaya magselos,selos ang lahat ng kababaihan dito na hinahandugan mo ng tula? dami mong chiks...hehe...hinay hinay lang arvin! ^_^ pero nakakaaliw ang post mo hehe...

egat said...

ok ka lang tol? d ako kaaway mo uh?