Wednesday, August 12, 2009

Barko Ng Buhay

Ang tula pong ito ay handog ko kay Chikletz na blogger din. Ito ang ikatlo kong sinulat na tula para sa kanya. Chikletz nais kong malaman mo na marami pa akong paghahandugan ng mga sinulat ko. Pero sa lahat ay ikaw ang pinakagusto ko. Ang pinakaespesyal at pinakapaborito ko. Kaya kong isakripisyo ang pagiging muslim ko. Kakayanin ko na hindi na magmahal ng marami. Isa na lang at ikaw iyon. Ang hirap pala kapag maraming minamahal. Sa ngayon ay nakaplano na ang buhay ko na kasama ka. Kapag nawala ka ay hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin. Hindi man tayo magkita nais kong ipaalam sa iyo na hindi ko ikaw makakalimutan. At kung sakali man dumating ang panahon na malungkot ka at nalaman mo na masaya ako ay pagsabihan mo lang ako. Dahil handa kong iwan ang kasiyahan sa mundo upang samahan ka sa iyong kalungkutan.

(ang blog niya po ay http://www.myorangevest.blogspot.com/)















BARKO NG BUHAY
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa patuloy mo pa na pakikipagsapalaran
Marami ka pang dadaanan na pagsubok
Mga pangyayari na puweding magpatibay sa iyo
At puwede rin na magpahina.

Anuman ang dumating sa iyo
Hatid man nito ay lungkot at saya
Hindi sana magbago ang ugali mo
Para walang magtampo sa iyo.

Magmamahal ka, iibig ka
Sana ang mapili mo iyong karapat-dapat
Walang pagsisisi sa iyo pagtagal
Kung bakit siya pa ang napili mong pakisamahan.

Kung maging matagumpay ka na
Sa pipiliin mong propesyon
Huwag mong ipagyayabang
Dahil maganda kapag simple lang.

Higit sa lahat huwag kang maiinggit sa iba
Tanggapin mo kung ano ang mayroon ka
Dahil sa barko ng buhay kapag nakasakay ka na
Iba't iba ang pagkatao ng mga pasahero.

19 comments:

2ngaw said...

Yan din ung sinabi mo kay dahlchie eh :D

Pero nagulat ako pre hehehe

Grace said...

Ang ganda ng tula mo, Arvin.
Ang swerte naman ni Chickletz. :)

Unknown said...

ayos kapatid sa sining. magaganda ang iyong sinasabi

Anonymous said...

onga yan din sinabi mo kay dahlchie. LOL!

anyway salamat ulit :)

Hari ng sablay said...

iba ka talga magmahal pare,

namamarko sa maraming ilog,lols

Anonymous said...

hehehe.. anu ba yen boy?! lols =))
barko. barko. isang barko sa maraming ilog! (inulit ko lng snbe ni HNS) hehehe

OHMYGUMS said...

talaga naman... mukhang inspired masyado gumawa ng tula. It's good.

Jepoy said...

Honestly, ito ang pinaka nagustuhan ko sa tula mo. tama ang pambungad na salita mo sa cbox ko "magugulat ka pag nabasa mo ang tula ko..", Kaya eto nagulat ako. Pero maganda ang tula mo I'm sure ma tatats si Chikletz at bibigyan ka nya ng bagong pix para naman maiba naman ang looks nya sa blog mo :-D Diba chikletz?!

darkhorse said...

mabagsik dito! talagang emosyun ang dating...ok yan express urself minsan di natin alam yun na ang huling pagkakataon dba? Sabi nga nila mas masarap mabigo ng nagtatapat kaysa nabibigo ng di nagtatapat - naks! tc Dre!

RHYCKZ said...

CHAYO!!!!!(sa tagalog, GO! gO! Go!)
Bant lang ng banat tol
pasasaan bat mamahalin k din ni chikletz....lheheh....nice one

Superjaid said...

hehehe di ko alam kung ano ang dapat kong sabihin,Ü pero dapat kasi isa lang kuya, wag marami..

dÖLL said...

hahai....


lakas ng tama.. parang COLT 45! ahahha

Meryl (proud pinay) said...

wow naman ang ganda ng tula mo! ang sweet mo naman arvin! ^_^ talagang igi-give up mo ang pagiging muslim para sya lang mahalin!naks naman! pero teka fren muslim ka na nga ba? baka catholic ka pa din? anyway, salamat sa complment mo sa cousin ko ^_^ oo maganda sya..sayang at di sya blogger..baka nahandugan mo na rin sya ng tula ^_^ joke lang ha ! ^_^ peace tayo! ^_^

Goryo said...

hmmmm... i think i saw a hole in the wall here (anong hole in the wall ?)

Nabutas ang puso ng ating kaibigang muslim to be dahil sa nabasa nya sa blog ni doxie doll, kayat naghanap cya ng pantakip sa butas...

chikletz papayag ka bang maging spare tire lamang? isang panakip butas?

Ipaglaban ang iyong karapatan.. makibaka!!! ibagsak!!! patalsikin!!! tama na.. sobra na... palitan na.. KBL

ahihihi

Anonymous said...

Lucky Chickletz..
Heje...
Nice Poem!

BIYENG said...

Walangya. XD Ang bangis!

ACRYLIQUE said...

Ang swerte ni CHIKZ! Naks! Saludo ako sayo Dude!

patola said...

uy sorry ngayon lang ako nakapunta.. hahahaha... naiwan ako ng barko eh... nagswiming nalang ako.. hihihihi...

Anonymous said...

Sobrang sweeeeeeettttt!!! OO nga mahirap talaga kapag maraming minamahal.