Nang bisitahin ko ang blog ng mahal kong blogger na tatlong tula na ang naihandog ko para sa kanya ay nalungkot talaga ako. Kasi dahil sa magkasunod niyang post tungkol sa kanyang naging boyfriend. Ang una niyang post na A LOVE THAT FADES AWAY at ang I CAN SMILE WITHOUT YOU na apat ang naging comment ko na talagang nasaktan ako. Pinakita pa ang picture with her ex boyfriend. Masyado akong nagselos sa post na iyon. Dahil sa ganun ay nag-isip ako na tumigil na lang siguro sa pag blog. Isa siya sa mga naging inspirasyon ko sa pagsulat mula ng makilala ko siya. Kapag naiisip ko ang kagandahan niya ay ganadong-ganado ako magsulat. Bisitahin niyo po ang blog niya at basahin niyo ang mga comments doon sa post niya na I Can Smile Without You na kahit ang ibang bloggers sa comment ay nagsabi na talagang apektado ako. Talagang nasaktan ang puso ko sa dalawa niyang post. Masyado ko kasi itong mahal. Hiwalay na raw sila pero sa isip ko ang tulad niya na napakaganda ay iiwanan. Parang di ako makapaniwala na hiwalay na talaga sila. Pero kung talagang hiwalay na nga ay mabuti. Pero nasugatan na ang puso ko at naisip ko baka tumigil na sa pag blog para unti-unti ay makalimutan ko siya. Hanggang tatlong post na lang siguro ako. May nakalinya na kasi akong ipost. Ang Barko Ng Buhay, Love Card, at ang Kanta Ko. Pag matapos kong ipost ang tatlo na iyon as i said ay baka huminto na ako sa pag post pa. Tingnan niyo po ang blog niya at basahin ang mga comment. Ang blog niya po ay http://www.dollxhie09.blogspot/
PAALAM
Ni: Arvin U. de la Peña
Paalam na sa inyo mga kaibigan
Alam ko masakit sa inyo ang pag-alis ko
Pero kailangan ko itong gawin
Dahil ito ang ikasasaya ko.
Masakit rin naman sa akin
Ang hindi ko na kayo makakasama
Makakasama sa iisang mundo
Sa daigdig ng mga bloggers.
Nang makilala ko kayo
Marami akong natutunan at nalaman
Sa iba't-ibang istorya ng buhay
Na ibinabahagi sa blog.
Marami rin akong nabasa
Na mga kuwento, tula, at poems
Na mga sinulat niyo
Na nagbigay din inspirasyon sa akin na magsulat pa.
Ngayon na iiwan ko na kayo
Hindi ko alam kung babalik pa ako
Sana hindi niyo makalimutan ang tulad ko
Dahil kayo ay laging nasa isip ko.
Saturday, August 8, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
18 comments:
aalis ka na kaibigan? wag mo sanang damdamin masyado ang mga nangyari sapagkat darating din ang araw na matatagpuan mo ang babae na magkukumpleto sa iyong pagkatao... :)
"it's a heartache.. nothing but a heartache..." hihihi.... match yung song sa blog mo sa post mo...hehe
hmm..
Arvin... wag ka naman hihinto sa pag ba-blog... isa ka sa mga inspirasyon nila... hindi lang ako ang magiging inspirasyon mo...
huhuhu.. ka cheapan naman kapag ako ang dahilan.
pare wag kang aalis malulungkot ako, ang sarap kasing abangan ang pagiging muslim mo,marami pa namang iba diyan,hehe
tsaka marami akong natutunan sa mga banat mo sa cbox,hahaha pag nababasa ko mga banat mo nababaliw ako sa kakatawa,haha iba ka talaga idol kita!
kua view mo nman blog ko
www.bangzunlimited.blogspot.com
hmmmm..
add mo din akong folower hehhe
kapal..
aun naun lng ako npasyal dito
tnx
ganda naman niya.
www.rosamuth.com; www.babyko.info; www.istarblog.com; www.pink-precious.com; www.lifeinpalawan.com; www.express-liife.com; www.chikkablog.net; www.pinay-ako.info
I was curious abt. the message you left at my cbox. Oo nga don't give up blogging naman. Sayang. Maybe all you need is some time off, or probably use writing as a means of therapy, I don't know, I can see you have a lot of blogger friends who support you mami-miss mo sila at ang pagbo-blog I'm sure. Don't leave the scene for good. Kaya mo yan 'tol.
hi arvin, ngano moundang man ka ug blog tungod sa babae? ayaw ug undang dong oi naunsa baya ka. naa pay daghan mga girls natural lang na masakitan ka kay na in love man ka pero mahupas ra nang tanan. mobiya ka sa imomga friends tungod lang sa iyaha. ayaw oi padayon. regards :-)
Pag-ibig na makapangyarihan... wag mong sirain ang puso sino man... huwag kang magdaramdam sapagkat pag ibig na tapat ay yung makakamtan.......
arvin leave me some comments too i like your poems its real and comes from with in..... keep posting dude
arvin ang cute mo naman.. i remember tuloy nung high school ako.. ganyan din masyadong nasasaktan.. pero eventually you'll get over it.. sa totoo lang madaming babaeng magkakagusto sa iyo with your kind heart and talent in writing ;) ipagpatuloy mo lang pag boblog mo... malay mo dito mo makita yung tao na para sa iyo ;)
ngek.. wag mo naman ipagpalit ung blogging dahil sa bigong puso...
di naman un ang katapusan e..
maraming ibang tao/bagay na pwede mong inspiration para mag-compose ng samu't saring tula/story...
Anu ka ba?! Pag nagstop ka sa pagpopost, paano ka pa makakaipon ng asawa nyan? -.- Sayang naman. Papa-convert ka pa diba? HUUUUU.
natawa naman ako kay BIYENG hehehe... ginawa mo namang saving ang MGA asawa.. este asawa lang pala..
pero may point si ateng BIYENG, di ka pa nabibinyagan sa pagkamuslim mo. Kukunin mo bang ninang si chikletz at si doxie doll if ever?
ahihihi
aus lng nman oh cge gwan mo ko hahaa..
bzta mgnda ha..
eto nga pla ead ko
simpleng_aburido@yahoo.com..
hahaha natawa ako kay sablay...^^
@Sablay, pareho tayo!=)
Hala bakit ka na aalis?
hmmm
gnun tlgah
hahaha..
geh bshin ko tnx s mgging effort muh
Pre nagulat ako! yan lagi mong sinsabi na magugulat ako, ngayon totoo na ito na gulat ako. Wag ka namang umalis andyan pa naman si Chikletz e, hayaan mo ilalakad kita sa kanya close kame nun ahahaha diba chikletz?!
I thought you love blogging..sana di mo ito e close. ganyan talaga ang love life. huwag kang masyadong padala sa feelings mo. be strong..
Post a Comment