Wednesday, August 19, 2009

Patalastas

Patalastas muna. Ayoko sana mag post ng mga ganito kasi wala sa vocabulary ng gawin ko ang blog na ito pero kailangan. Ang blog ko na ito ay para lang kasi sa mga kuwento, tula, at poems kong isusulat. At umaasa ako na di na ako uulit ng katulad ng post kong ito. Lately lang ay may mga bloggers na bumibisita sa blog ko at nagsasabi ng di maganda sa sinulat ko. Ewan kung ano ang motibo nila. Para po sa inyong kaalaman kung sino man kayo ay hindi kayo ang magiging dahilan ng pagtigil ko sa pag blog. Ako ang makapagdedesiyon kung titigil na ako. Nagreact talaga ako kung bakit niyo kinukutya ang inihandog ko na sinulat ko para sa blogger din. Para sa akin ay hindi kayo marunong magsulat ng kagaya ng mga sinusulat ko. Kasi kung marunong kayo ay gagawa kayo ng ganun at ipost niyo sa blog niyo o kaya maghandug din. Gusto ko rin malaman na kung ang pakay niyo ng pagsasabi ng di maganda sa shout box ko ay para ko tanggalin iyon ay nagkakamali kayo. Hinding-hindi ko iyon tatangalin kahit ano pa ang sabihin niyo dahil kapag may nag message ng bago ay maiilalim rin naman ang ginawa niyong messages. Ang mga bumibisita sa blog ko ay di naman binabasa ang mga nakasulat sa shout box kundi iyong post ko.

Katuwaan lang ang ginawa kong paghandog sa mga bloggers ng sinulat ko. Na kahit paano ay maalala nila na may isang Arvin na nakilala lang sa mundo ng blog na humahandog ng isang sinulat. Iyon po ang purpose ko. Sa mga nanlalait din ay sana bago niyo gawin iyon ay subukan niyo munang magsulat at ipadala sa isang column ng diaryo kung mapipili ang sinulat niyo. Hindi biro ang mga pinagdaanan kong pagpapadala ng mga sinulat ko para lang magnais na mapublish. Iyong sa bagong sibol na column sa Pilipino Star Ngayon na diaryo ay bawat linggo o kaya lunes lang iyon. Exclusive iyon para sa mga mag-aaral na may talento ng pagsulat ng kuwento o tula.

Mula lunes hanggang sa sabado ay marami ang nagpapadala na mga estudyante at nagbabakasakali na mapublish ang sinulat nila. Kasi may bayad rin iyon pag mapublish. Pupunta lang sa opisina at ipakikita ang school ID at ang newspaper na andun ang sinulat. Kung di ako nagkakamali ay almost 50 na o kaya lampas pa ang naisulat kong kuwento para isubmit at lahat ng iyon ay nandito na sa blog ko post na matagal na. At ang napublish ko lang na kuwento ay 3 lang. So sad sa akin ang ganun. Ganun kahirap ang higpit ng kompetisyon sa pagpadala ng sinulat kasi kung alin ang karapat-dapat para sa editor ng diaryo ay iyon ang pipiliin niya. Iba't ibang kurso ng mga estudyante na nagpapadala. May mga kumukuha ng journalism, mass communication at iba pa. Pero sa isang linggo sa rami ng nagpadala ay isa lang ang pipiliin. Masuwerte ka talaga kung ang ipinasa mo ang napili. Masaya ako kapag nalalaman ko na ang sinulat ko ay nandoon at naipagmamalaki ko iyon sa mga nakakakilala sa akin. Kapag nag-iinuman kami ay ipinapakita ko iyon sa kanila minsan. Ang sa tula ay marami akong napublish. Lahat ng iyon na newspaper clip ay narito sa blog ko post na matagal na.

Sa mga bumibisita sa blog ko siguro ay ang pagkakaalam niyo ay tula lang ang alam kong gawin dahil iyon ang mga na popost ko lately. Nagkakamali kayo kung iyon ang nasa isip niyo. At para rin po sa inyong kaalaman ay dalawa na lang ang paghahandugan ko ng tula na blogger. Pagkatapos niyan ay hindi na ako maghahandug kasi madami ang naiinggit na kapwa blogger din. Madami ang kumukontra pag nag popost ako ng para sa blogger. Sa side ko never akong nainggit sa mga achievements ng mga blogger na pinapakita o sinasabi nila sa blog nila. I have my own life. May sarili akong mundo. Sana di na maulit ang mga panlalait sa sinulat ko at kung may manlalait man ay tatanggapin ko dahil iyon ang kagustuhan niyo pero konsensya na lang ang sa akin.

Dalawa na lang po ang paghahandugan ko ng sinulat ko. Kasi nakapangako na ako sa kanila. Mahirap naman kung di ko iyon tuparin. May isa kasi akong salita. Dalawang blogger at pagkatapos niyan ay hindi na ako maghahandog sa mga blogger. Kasi marami ang kumukontra pag naghahandog ako ng sinulat ko lalo kapag para sa blogger din. Mula ng maghandog ako ng para sa blogger at di ko na sabihin sila sino sila ay marami ng di magagandang mensahe sa shout box ko. Natatawa ako bakit kinaiinggitan ako pag naghahandog ng para sa blogger din. Di naman masama ang ginagawa ko. Kasi bago ko sila handugan ng sinulat ko at ipost sa blog kasama ang picture nila ay pinapaalam ko muna sila. At pumapayag naman sila. Kung di sila pumayag ay okey lang sa akin. Pero pumapayag sila. Dapat pa nga silang maging proud kasi sinulatan ko sila at nalaman na blogger din sila. Pero hindi talaga naging maganda ang mga paghahandog ko para sa blogger. Parang sayang lang ang ballpen at papel na nagamit ko. Pero wala akong pinagsisisihan at nagawa ko iyon. Naghandog pala ako ng mga sinulat ko sa mga blogger din na may mga nakapaligid sa kanila na gusto ang atensyon ay sa kanila lang. Di lang pala ang daigdig ang magulo. Pati rin pala sa blog world ay magulo.

Salamat uli sa mga nagpanggap na nagmessage sa shout box ko na di maganda ang sinasabi. Welcome na kayo ngayon magsabi ng kung ano kasi nakalimutan ko na ng maglagay ako ng shout box ay sinabi ko doon na tatanggapin ko anuman ang sabihin sa akin, maganda man o hindi. At kung may magrequest man na sulatan ko ay di na ako papayag. Pag umabot na po ng 5,000 ang naisulat kong kuwento, tula, at poems ay titigil na ako sa pag blog kasi ipalimbag ko iyon para maging libro. At ang mga tao na malapit sa puso ko ay bibigyan ko ng libro ng mga sinulat ko para mayroon silang alaala sa akin. Iyon po ang isa kong pangarap. Ang mailagay sa isang libro ang mga sinulat ko. Matagal pa bago mag 5,000. Marami pang ballpen ang mauubos at papel na magagamit. At ang libro ko ang pamagat ay WRITTEN FEELINGS.

Maraming salamat.

40 comments:

kani said...

hi friend blog walking.I smiled at you .Now its u r turn to smile me back on my chat box.Thank you

eMPi said...

good luck arvin... sana makamit mo iyon!

ACRYLIQUE said...

ASTEEG! I am sure you will achieve it! APPLAUSE!

=supergulaman= said...

ahehehe...sa mga nagawa mo...napansin ko lang parekoy...masyadong mapuso, emosyonal...mapagmahal ang laman.... walang masama dun...karamihan sa atin yung ang gusto... keep penning! ^_^

Hari ng sablay said...

pare sabi mo gagawan mo kami ng tula ni jepoy,pero wag mong lalagay picture ko kay jepoy nalang,haha

sino bang nangaaway sayo?bat andami mo atang kaaway?bumalik kana kasi sa pagkakatoliko,tsaka yung barko pabalikin mo naiwan ako,

RaYe said...

goodluck sa target mong 5000 na poems, stories, etc.

ipagpatuloy mo lang yan. wag mong isipin yung mga nega na comments. treat them as a way to perfect your craft. :)

patola said...

naadd na po kita sa blog list ko. haizzz.. di ko maintindihan kung bakit nag iwan ka ng comments na ganun sa ibang bloggers pero anyway,... this time, make evrything right ok?

yung mga comments sayo, wag mo nalang pansinin.. cheers :)

Arvin U. de la Peña said...

Ito ang mensahe ko para sa nagsabi ng di magaganda sa shout box ko..natukoy ko na siya dahil sa aking detector..

Paano iyan lordcm mayroon na akong Live Traffic Feed, ang aking detector..at nagulat ako ng malaman ko dahil sa pag message sa shout box ko na ikaw, si diyos ng blogsperyo, si bazooka, anonymous, at anonymous 2 ay iisa ang pinanggalingan.

ang blog mo na lordcm ay may ibig sabihin na panginoon..at ang diyos ng blogosperyo ay ganun din parang sa panginoon..nahuli na kita..wala ka ng kawala sa akin..ang tanong ko bakit mo ako ginanito? may masama ba akong nagawa..mula ng maghandog ako ng tula kay chikletz at doll, at sa isa pa ay may mga sinabi ka ng di maganda laban sa akin at dinadaan mo sa ibang pangalan..nagkukunwari ka pa..

dahil doon ibig sabihin lang na may pagnanasa ka kay chikletz, kay doll, at sa iba pa na hinandugan ko..nagseselos ka dahil hinandugan ko sila..hindi ka pala tapat sa iyong asawa..sabagay hindi rin natin alam kung ang asawa mo ay tapat sa iyo. malay natin baka habang wala ka ay kinakaliwa ka dahil ganun ka rin naman sa kanya..tama ba ako lordcm?..

may anak ka na aspiring writer..ewan ko lang kung makaya niya na magsulat ng tungkol sa iyo..humanga pa naman ako sa sinulat ng anak mo..pero sa iyo parang nawala na ang pagtitiwala ko sa iyo..damay damay na lang ito lordcm..humingi ka ng tawad sa akin at sa lahat kung nais mong wala akong masabi na di maganda sa iyo..

lordcm para sa iyong kaalaman di ako takot sa iyo at sa iba pang bloggers..alam ko pinagtutulungan niyo akong pabagsakin..di niyo ako kaya..para sa inyong kaalaman para kayong pumasok sa isang kuweba na nandoon pala ang isang tigre na handang lumapa sa iyo..

bakit? how come you do that to me? bakit sinasabihan mo ang mga bloggers lalo na iyong mga kapwa mo OFW ng di maganda laban sa akin..isa kang taksil na KABLOGS..ikaw nga ang pasimuno pero para kang balimbing..katulad ka rin ng ibang mga politiko na kapit tuko talaga mas maimpluwensya..

lahat na nagsabi ng di maganda sa akin ay mula sa iyo..nalaman ko dahil dito sa aking detector..mahirap kitang mapatawad lordcm..sobrang masakit ang idinulot mo sa akin..ipinahiya mo ako kaya dapat lang na mapahiya ka rin..
matindi pala ang iyong pagkagusto sa mga hinandugan ko ng sinulat kaya gayon na lang ang panlalait mo sa sinulat ko..sinabi mo na maganda si chikletz, at si doll pero ang problema ay ang tula..nandiyan iyan sa shout box ko huwag ka magsinungaling sinabi mo iyan..isa kang hunyango na mapagpanggap..

inumpisan mo ito ikaw na rin ang tumapos..nais kong magsisisi ka at humingi ng tawad sa nakakarami at dito sa shout box ko..kawawa naman ang asawa mo di ka pala tapat..siguro diyan marami kang babae na iyong pinaparausan dahil wala nga ang asawa mo..ayoko ko sanang sabihin ito dahil offensive pero isa itong blog..malayang isabi ang nais sabihin..di po ba lordcm?

Lahat ng magsasabi ng di maganda ay ikaw na ang suspek..dahil pwd ka na mag utos sa mga blogger na mula ibang bansa para siraan ako..isa kang maninira na tao..

mag sorry ka para mapatawad kita..

2ngaw said...

Aakuin ko na lahat brod dahil di ka patas lumaban, pati pamilya ko dinamay mo kahit wala kang maipakitang patunay na ako ang nanggulo sa blog mo...

Sorry brod kung yan ang hinihingi mo, wala kasing kinalaman pamilya ko dito..

PABLONG PABLING said...

HULI KA SA AKIN BALBON

2ngaw said...

Inaamin ko lahat brod dahil dinamay mo pamilya ko, kung ako lang sana walang problema pero di ka patas lumaban eh...

kaya sorry

Arvin U. de la Peña said...

oh nagmalinis ka naman lordcm.. nais kong ipaalam sa iyo na patas ako lumaban..ikaw ang hindi patas lumaban..bakit ka nagpanggap na bazooka, anonymous, at anonymous 2..andiyan pa ang diyos ng blogosperyo..maipapaliwanag mo ba iyan..sa lahat na may magsasabi ng di maganda sa blog ko ay ikaw na ang suspek..dahil ikaw ang lider ng kablogs na ipinagmamalaki mo..ikaw ang lider ng kablogs pero bakit ikaw mismo ang naninira sa kapwa blogger..di ka patas lumaban..kung di pa ako naglagay ng detector ay patuloy mo akong aalispustahin..patuloy mong lalaitin ang mga sinulat ko..ngayon handa na ako anuman sabihin ko dito ng hindi natatakot dahil isa itong blog at malaya anuman sabihin..ikaw ang dahilan bakit naging matapang ako dito sa blog..mahirap kitang mapatawad dahil ngayong araw na ito halos buong oras ko ginugol ko sa pag computer..madami akong pinaalam na mga bloggers na ikaw ang may kasalanan..kung sa text ay send to many ang ginawa ko na mensahe para ipaabot sa iyo..

di ko dinadamay ang pamilya..sinabi ko lang na ang katulad mo ay hindi tapat sa asawa..bakit ka nagseselos kapag humahandog ako ng sinulat ko sa isang blogger..bawat handog ko sa isang blogger ay nagpapanggap ka ng anong pangalan para laitin ang sinulat ko..tama ba na maging lider ka ng kablogs..di ka mapagkakatiwalaan na tao..

dapat lang na aminin mo ang kasalanan mo dahil huling huli ka na sa detector ko..kanina ng magpa message message sa shout box ko ay halos magkasabay ang oras mo at ng kay bazooka..ikaw at si bazooka ay iisa..

lahat ng blog na walang live traffic feed ay nilalait mo..pinagsasabihan mo ng di maganda dahil di ka mahuhuli..pero sa akin nagkamali ka..bistado ko na ang kulay mo..dalawa ang kulay mo..dapat kang humingi ng tawad sa mga blog na sinabihan mo ng di maganda..isa kang selosong blogger..

di kita uurungan lordcm tandaan mo iyan..pinatapang mo ako..malinis ang blog ko pero dinudumihan mo..ikaw ang magiging dahilan kung may ma post man akong di maganda tungkol sa mga OFW..

dahil sa iyo lordcm may naisip na akong isulat na ang istorya ay tungkol sa mga OFW..kung anuman ang nasa kuwento ko ay pasensyahan na lang..sa kuwento kong isusulat ngayon pa lang ay humihingi na ako ng pasensya sa mga OFW dahil sa kuwento kong gagawin ay ikabibigla niyo..kung bakit ko iyon gagawin ay dahil kay lordcm..di lang tula ang alam kong sulatin lordcm baka nagkakamali ka..si arvin ako ako lordcm..kilalanin mo iyan..

Sa mga OFW na katulad ni lordcm na sinira ang blog ko ay ngayon pa lang humihingi na ako ng dispensa sa inyo dahil sa next kong post ay tungkol sa mga OFW..isa iyong kuwento..isang kuwento na ikabibiglay niyo..nasa isip ko na iyon..iformalize ko na lang kapag humawak na ako ng ballpen at papel..

ayoko ko po ng away pero inaaway ako..para sa kaalaman mo lordcm I was train to do good and bad..

sana ay sincere ka sa pag ako mo ng iyong kasalanan..ikaw naman talaga dahil huling-huli ka na sa detector ko..

para kang pumasok sa isang kuweba na mayroon pa lang tigre na handang lumapa o kumagat sa iyo..at ako ang tigre na nasa kuweba..mali ang pinasok mong kuweba kasi mapapahamak ka..

umaasa ako na wala ng magsasabi ng di maganda sa blog ko..kapag may nagsabi pa ay ikaw lang ang suspek kasi puwede ka na umutos ng mga kablogs mo na tapat sa iyo..pero alalahanin mo may mga bloggers ng unti-unti ay isinusuka ka kasi balimbing ka..

bakit mo ako siniraan..saguti mo ako..bakit mo ako siniraan?..bakit ka nagsabi ng di maganda sa mga sinulat ko..

Anonymous said...

arvin itatanong ko sayo..bakit pareho ang ip address mo, ni anonymous, at ni vincent? eh samantalang ang ip address ay unique per computer. at lahat kayo taga tacloban.

pag may naisagot kang matino sakin, titigilan na kita.

Kosa said...

tama si Chiklelz parekoy...

ito lang ang masasabi ko, hindi ka namin inaaway pero parang sobrang OA naman na nga ginagawa mong pagmumudmod ng propaganda sa blogosperyo.

Ang bawat post ng kahit isa sa atin eh may may positibo at negatibong kritiko. Kung tinatanggap mo ang mga positibo dapat tanggapin mo din ang mga negative. constructive critisism parekoy. para maimprove mo pa yung talento mo.

Una, anong magagawa ng isang blogger kapag siniraan nya ang katulad mo?

pangalawa, Hindi lahat ng live traffic feed eh nagsasabi ng totoo.. pwede itong ibahin ng blogger mismo na gumagamit.

pangatlo, sabihin mo kung anu ang IP address nung sinasabi mong basooka at anonymous 1 at 2.

pangapat,
hindi mo na dapat isa-isahin ang mga achievements mo. mabuti. ang tunay na achievements, hindi binibilang at lalong hindi ipinagyayabang.

panglima.
hndi naman yata maganda parekoy na tinitira mo ng ganun ganun si Pareng CM..lols
inumpisan mo ito ikaw na rin ang tumapos..nais kong magsisisi ka at humingi ng tawad sa nakakarami at dito sa shout box ko..kawawa naman ang asawa mo di ka pala tapat..siguro diyan marami kang babae na iyong pinaparausan dahil wala nga ang asawa mo..ayoko ko sanang sabihin ito dahil offensive pero isa itong blog..malayang isabi ang nais sabihin..di po ba lordcm?
wataword..lols
Hindi ko alam parekoy kung anung problema mo.. wala naman akong nakikitang hndi maganda sa mga comments at sa blog mo.

pang-anim,
wag kang manggugulo sa blog ko..parang awa mo na. lols

yun lang..
mapoging araw parekoy.

glentot said...

sana po magsuntukan kayo po suggestion ko po para po may world peace po salamat po.


I'm like, what's happening? Lordcm did to you what you did to paps ganun ba?

darkhorse said...

hi Arvin muzta na? hope ok na kaung lahat...salamat sa pagbisita parekoy! lam mo sumakit ulo ko dahil di na nga ako marunong sa blog taz traffic at kung ano ano pa nabasa ko - prang complicated!...hahaha...tawa n lng ako - be cool ikaw din sayang yun cool image mo sa chikas! hahaha...tc Dre!

Goryo said...

ano ba an kaguluhang ito? pati sa blog ko may ni post si pareng arvin na comment para kay lordcm, ni-delete ko na kasi di nmn para sakin un...

ipaliwanag nyo to!!! gusto kong malaman ang scoop..

help!!!

Deth said...

grabe arvin...
grabe ang pang-iinsulto mo kay CM...pati asawa at anak niya na walang kamalay-malay dito sa blogosperyo dinamay mo...

you have just crossed the line...
enough na, please. tigilan mo na si CM at tigilan mo na ang KaBlogs.

PinkNote said...

Tsk, tsk...tigilan na natin to, ok? parang wala nang nangyari... nagsorry na si LordCM sa kasalanan na di nya ginawa so anu pa bang gusto mo..

Peace na Arvin...Marami na nadadamay, and please wag ka na magmention ng about sa family.kungsakali mang magka asawa't anak ka, malalaman mo yung pakiramdam...Okay?

God bless you

Arvin U. de la Peña said...

para po sa inyong kaalaman ang ip address ni bazooka, si anonymous, anonymous 2, at ni lordcm ay iisa..na detect ko iyan sa aking detector..binuksan ko rin ang account ng tag-board ko at doon nalaman ko ang mga nag message kung sino-sino sila..

nilait ako ng mga OFW na blogger sa pamumuno ni lordcm na nagpapanggap ng ibang pangalan..dahil doon sa next ko ay pagsabay-sabayin ko ang OFW sa isang kuwento na pag nabasa mo niyo ay malalaman niyo ang katotohanan..mabibigla kayo sa kuwento ko.pasensya na sa inyo mga OFW na tumulong kay lordcm para ako siraan..

nahuli na kita lordcm dahil sa aking detector..gusto ko na humingi ka ng tawad iyong sincere..may nababasa pa ako sa ibang blog na di sincere ang pag amin mo..ginawa mo lang iyan pero di mo daw ako mapapatawad..di ba may sabi ka niyan sa isang message mo..palagay mo ba mapapatawad kita lordcm sa ginawa mo..mahirap para sa akin ang mapatawad ka..ewan kung sa ibang panahon..

binuksan ko ang account ng tag-board ko at nalaman ko na iisa lang sina bazooka, si anonymous, anonymous 2, at lordcm.......

2ngaw said...

Ano ang IP Address ko at IP Address ni Bazooka? Ipakita mo sa kanila para paniwalaan ka

Screenshot ha, at hindi edited..

Saka wala akong pakealam kung patawarin mo man ako o hindi dahil wala akong ginawang mali sayo..

at kaya ka pinagtutulungan ng mga yan kasi naglagay ka sa mga comment box ng comment na hindi naman related sa entry nila..

Inaako ko na nga lahat para tumigil ka na eh, ayaw mo pa rin...

Bi-Em Pascual said...

hoy kupal magsulat ka na lang ng tula. wala akong pakialam sa mga panlalait sayo kc kalait-lait ka naman talaga. puro ka dakdak! kakairita mga message mo paulit ulit! dete-detector ka pang nalalaman jan leche! walang ganun! puro ka kakupalan! suntukan na toh! mess with my friends and u mess with me, got it?!ASSHOLE!!! CGE BURAHIN MO TOH! DWAKANG!

Arvin U. de la Peña said...

nagandahan ako sa sinulat na tula ni chikletz para kay lordcm at kay paps na mayabang..hindi iyon para sa akin kasi hindi naman ako makata..kahit kailan di ako nagsabi na makata ako..baka si lordcm pa at si paps na mayabang..

para sa iyo lordcm mahirap kitang mapatawad..kung tinitira mo ako sa post mo ngayon sa susunod kong post ay patungkol na rin sa iyo at sa mga kablogs mo pa na sinasabihan mo na laitin ako..

bistado ko na ikaw lordcm na ikaw rin si bazooka, si anonymous, anonymous 2 dahil sa binuksan ko ang account ng aking tag board..wala ka ng kawala pa lordcm..

ikaw dahilan kung bakit sa next post ko ay tungkol sa mga OFW..patatagalin ko lang muna ang patalastas na post ko para malaman nila ang di mabuti mong ginawa sa akin lordcm..

lordcm bakit ka nagseselos ng maghandog ako ng mga sinulat ko para sa blogger..dahil ba gusto mo sila..dahil ikaw ang presidente ng sinasabi mong kablogs ay kaya mo na silang paibigin..kung ganun lordcm ay di ka tapat sa iyong asawa..gaya ng sabi ko may anak ka na magaling magsulat..ewan kung makasulat siya ng tungkol sa iyo..

lordcm alam ko ikaw ang dahilan kung bakit may mga blogger ng nagsusulat ng di maganda laban sa akin..sige ipagpatuloy mo iyan..lordcm sabihan mo pa ang mga blogger na magsulat ng di maganda sa akin dahil iyan ang gawain mo..
ikaw ang presidente kaya susundin ka nila..

nagselos ka talaga mula ng maghandog ako ng sinulat..ewan ko lang kung ang asawa mo ay nagseselos na ganyan ka..who knows pag wala ang pusa naglalaro ang daga..

magpakatino ka na lordcm kung ayaw mo na lumaki pa ang gulong ito..di ka sincere sa iyong paghingi ng sorry..

Paps na mayabang nais kong malaman mo na na ang internet cafe na ginamitan ko ng mag message ako ng ganun ay may mga kasama ako..mga kaibigan ko..sinabi nila sa akin na ano gaganti ka..sabi ko ay sige kayo ang bahala......at doon ginawa nila ang pag gamit ng ibang pangalan..pero hindi ako..ang mga kaibigan ko paps na mayabang ang gumawa ng ganun..3 kami na nag internet sabay sabay..kaya nga iisa ang ip add..sa isang internet cafe paps na mayabang ay iisa ang IP address kaya ganun ang nangyari..nambibintang talaga kayo ng wala sa lugar katulad ni lordcm..palibhasa paps na mayabang ay gawain mo rin iyan dati ang manlait..tama ba ako paps na mayabang?

di ba paps na mayabang sa isang internet cafe ay iisa ang IP address? ang mga kaibigan ko ang gumawa ng ganun dahil gumanti sila para sa akin na nilait ng tinatawag niyong diyos sa mundo ng blog na walang iba kundi si lordcm..

whatever! said...

Ang angas naman ng dating. Here are some points for you, sick blogger from hell…

1. Don’t blog if you don’t want to be criticized. Public blogging simply means that you are opening a window for everyone to read your posts – which means, some would praise while others criticize. To be honest, just to be honest, your poems are no good – that is soooo ‘grade school’ to be précised. So, why not work for improvement instead of talking too much with the negative feedback?

2. You are overacting. You should not attack other bloggers by hitting their lowest point – their families or their professions. Why not stop and ponder? The mistake is with you.

3. Don’t love your works too much and (again) be open to criticisms. Do not expect that everyone will shower you with praises every time they read your ‘so-grade-school’ poems and stories. Remember that some people are ‘far more’ intelligent than you.

4. Do not dwell so much on the praises. Some people praised you because they don’t want to hurt, some people praised you because they are plastic, and most importantly, some people praised you because they want you to love and improve your craft. Instead of improving and loving your craft, YOU TURNED OVERCONFIDENT.

5. “Dahil sa iyo lordcm may naisip na akong isulat na ang istorya ay tungkol sa mga OFW..kung anuman ang nasa kuwento ko ay pasensyahan na lang..sa kuwento kong isusulat ngayon pa lang ay humihingi na ako ng pasensya sa mga OFW dahil sa kuwento kong gagawin ay ikabibigla niyo..kung bakit ko iyon gagawin ay dahil kay lordcm..di lang tula ang alam kong sulatin lordcm baka nagkakamali ka..si arvin ako ako lordcm..kilalanin mo iyan.. YOU ARE SO OA, FAROUT, AND SICK! There is no point of doing that… I don't get the logic.

6. Some bloggers are pestered by you because every time you have post, ipinangangandalakan mo sa buong blogesperyo by visiting their cbox and flaunting it in a farout way. Your poems and stories are no good so don’t be overconfident (I wonder what the standard is of that paper that you are referring). Again, don’t be overconfident. Wait for bloggers to visit your blog.

Let me clarify that I am not connected to any of your detractors. I am just a concerned blogger and it is only up to you how to deal with this.

Kablogie said...

walang ibang dapat sisihin dito kundi si Chiklet! hahaha..*Peace!*

Pre, tama sabi ni whatever, wag mo expect lahat ng magco-comment sa posting mo eh puro papuri, accept mo din meron negative comment, from there learn to improve your talent. Ganun talaga ang mundo ng blogista, kaya ka nga nag blog eh para makuha mo ang ibat ibang opinyon nang bawat tao na makakabasa ng topics mo.

Pero kung ano man yan sinasabi mo about OFW na topic na pasasabugin mo eh ngaun pa lang sasabihin ko na di ako maapektuhan kasi hindi ako si LordCM ang dios ng blogger na sinasabi mo hahaha!

Ganun pa man, pre wag mong hayaan sirain ng ibang tao ang diskarte mo sa pag sulat ng mga tula na so grade-school na sabi ni Whatever. Basta tuloy tuloy mo lang yan papasaan din at mananawa din yan mga detector este detractors mo!

Go go go!

Chyng said...

what's the commotion all about?

first time ko dito sa blog mo. at pinagkalat mong nilait ka. just so you know wala namang nakabasa nun. tapos pinagkalat mo pa. haha

sana si CM una mong kinausap kung gusto mo talagang maayos to. kung gusto mo talaga ha. OA kasi yung pag-iwan mo ng 6 paragraphs comment sa blogs nameng lahat.

LET GO. Mag-iwasan kayo ni CM. Tapos. Ang drama nyo. (--,)

Chubskulit Rose said...

naku giyera na to

Anonymous said...

ang nakakatawa pa dito ay wala talaga syang maipakitang evidence..

syempre ang irereply nya na paulit ulit ay hindi nya na kelangang magpakita nun... okeyyyyyyy.

Jepoy said...

Pareng Arvin ito ang aking advice bilang isang tunay na kaibigan sa blogosperyo. Hindi b'at ang tunay na kaibigan ay dapat nag sasabi totoo.

Sana ay makinig ka sa akin. Una tigilan mo na ang pag popost sa comment box ng ibang blogger na hindi related sa entry nila, tigilan mo mag post na pag sasabing si LORDCM at si Pablong Pabling ay mayabang or kahit na anong negatibo dahil una sa lahat hidi related yun sa post ng blogger, ikalawa hindi sila ang binibigyan mo ng kahihiyan kundi ang Sarili mo. Napaka Childish kasi Pare. Sa working environment ang mga gumagawa ng ganyan at unprofessional at talagang pag tatawanan ka.

So sana lang Pre Tigilan mo nalang sila. Patuloy ka nalang sa mga sulatin mo na gusto mong ishare sa blogospheryo kasi wala rin lang mangyayari at sa totoo lang nag mumuka kang katawa-tawa. Sana ay wag kang masaktan dahil sinasabi ko lang ang totoo.

Regarding sa IP address, ikaw man o kabigan mo iyon the fact the nasa iisang lugar lang kayo at the same internet shop at iba ibang name ng hate shout out na nangaling narin mismo saiyo e baket sinasabi mo pang si LordCM ang gumagawa nun e inamin mo na ngang mga tropa mo ung gumawa nun. Diba lumalabas na napaka shallow ng reason mo.

So, stop nalang sa mga ganun at maging katulad ng dati na nag susuportahan tayo sa mundong ito kasi bawat istorya ng buhay sa bawat entry na kakatawa man o hindi meron at meron tayong matututunan. Life is too short, kaya mag enjoy lang tayo.

Chill Pre ;-D

Kablogie said...

Oi Jepoy ikaw ba yan talaga? Baka sinasapian ka ki kuya Eddie Ilarde sa galing mo mag payo hahaha..

Arvin, makinig tayo nakakatanda sa atin. Igalang natin ang payo ni Lolo Jepoy dahil sa wala din naman kapupuntahan maganda ang away. Make Love not War at not Making Love ha..lols!

2ngaw said...

Nakiusap naman ako sayo Arvin dba? ayaw mo nga lang...pasensyahan na lang tayo...

Sa lahat ng nadamay, pagpasensyahan nyo na...nakopya ko na ung mga comments ni Arvin at syempre may kopya din kayo,wag nyo burahin o gumawa kayo ng sarili nyong kopya, kayo ang makakatulong ko para magbayad si Arvin...

Tahimik na tayo at may umaasikaso na kung paano kakasuhan si Arvin base sa lahat ng comment nya..dinamay nya pamilya ko ng wlang kinalaman, kung ano ano pinagsasabi ng walang katotohanan, LIBEL daw ang kasong ganyan sabi ng mga artista lolzzz

Sayo Arvin, mali ka ng kinalaban.Ilang beses akong nagsorry at nakiusap na wag ang pamilya ko pero wala kang pakealam sa nararamdaman ko...Puwes!!!Ikaw ang humingi ng tawad...

Remember, kalat ang real name mo, CP#, email address, ang dali para sa amin tukuyin kung nasan ka....

2ngaw said...

Hinahamon kita ngayon!!!Ilabas mo ang sinasabi mong entry para sa mga OFW

Pagtyatyagaan kong basahin yan

2ngaw said...

Isinama mo pa ung mga kaibigan mo sa kaguluhang ito ah...

SIGE ISAMA NATIN SILA!!!

Anonymous said...

MUCH HAS BEEN SAID..

2ngaw said...

Open ako sa pakikipag ayos brod, sabihin mo lang, hindi ako tulad mo...

Arvin U. de la Peña said...

sa august 25 ay ipost ko..as i said blog ko ito..malaya kong sabihin anuman ang nais kong sabihin..inumpisahan niyo na sirain ang tag board ko sa mga pagpapanggap na bazooka..handa kong harapin anuman ang sabihin niyo sa akin..ang sa akin lang bakit niyo ginawa iyon..

mahirap ko tanggapin ang pagsorry mo dahil masyado akong nag alburuto sa mga pagpapanggap niyo..kung sa bulkan ay alert level5 na ako..

bazooka: haha bobo ka talaga! tanga! manyak!

bazooka: ang kapal talaga ng mukha mo. magpakumbaba ka!andami dapat i-overhaul sayo! manyakis na malibog!

bazooka: magsorry ka sa lahat ng binubwisit mo bago ako titigil.kung hindi, mananatili akong mambubuwisit sayo! nyahaha

bazooka: ikaw ang nakakarma sa pamamagitan ko arvin! sana ikaw ang nakakatulog ng mahimbing, ngayong minumulto kana ng bastos mong asal at paguugali!

bazooka: Manyakis! Malibog! Bastos! Bobo! Ikaw Arvin U. Dela Pena! Gago!

bazooka: kaya bago kamanuro ng masamang asal sa iba,tingnan m muna srili mo.tingnan mo,andami pla galit syo,buti nauna na ako magreact.sumosobra kn.

your angel: hinihintay k n ng langit arvin. panahon n pra humimlay!

bazooka: sara mo na yang blog mo wala ka nang friends, kawawa ka naman.nyahahaha PANGIT!

bazooka: ganyan kabastos at walang modo ka arvin.kaya marami nang bwiset sayo.

lahat ba na mga salitang iyan ay nakakasaya..now ipaliwanag mo sa akin kung maganda iyang mga sinabi na iyan na mula sa iyo..sila ang patigilin mo o kung hindi man ay ikaw dahil nabisto na kita..

para naman kay Jepoy ay salamat pare sa sinabi mo pero mahirap na akong mapigilan..ewan kung next month magbago ang pananaw ko pero ngayong buwan ng agosto ay matindi ang galit ko sa tao na minura mura ako sa message board ko..

Admin said...

Good Day to you!!!


Matagal na ako sa Blogosphere at ngayon ay medyo lie low muna... hehe :)

Well, normal ang mga ganyang pangyayari dito...

Pero kung naniniwala ka sa ginagawa mo... at meron ka namang mga followers at natutuwa sa iyo... syempre dapat tuloy tuloy lang...

If totoo man ang sinasabi... wala na tayong magagawa dun... 'Yun ang opinion niya...

If you will see my blog, ang dami doong hindi magagandang opinions dun pero hindi ko inerase kasi that's their opinion e...

Basta tuloy tuloy ka lang...

Admin said...

OMG! May away na pala dito...

Well, iba nang usapan ito...

ARVIN... I think hindi magagawa ni LordCM 'yun...

Baguhan ka pa lang... Matuto kang kumilala at makisama....

JUST BE GOOD!

Arvin U. de la Peña said...

Sa inyo pong lahat na tumingin at naintriga sa nangyari sa amin ni Lordcm ay nais ko pong ipaalam na peace na kaming dalawa..may kasabihan nga tayo na "if there is no war, there is no love"..

sa nagawang ingay ay lalo lang pinagtibay ang samahan ng blog..sila joey de leon at willie revillame ay gumawa rin iyon ng ingay sa showbiz..at ng interbiyuhin si joey ay sinabi niya na lalo lang nila pinagtitibay ang showbiz industry dahil sa ginawa nila..

sa ginawa namin ni lordcm ay lalo lang tumibay ang samahang blog..kasi napatunayan na kahit sa mundo na sa computer lang nagkakakilala ay may pag-unawa talaga at concern sa bawat isa..

sa bawat isa ay may reaksyon..

Mga ka blogs ko ay nais kong malaman niyo na ayos na kami ni lordcm..wala ng sama ng loob sa aming dalawa..

Gumawa lang talaga ng ingay para lalong tumibay ang samahan ng blog..kasi ganun sa showbiz industry..

Mabuhay ang mundo ng blog..

teJan said...

kumusta na arvin... thanks for sharing all your feelings;)

good day my friend!