Saturday, August 22, 2009

Peace

Sa bawat digmaan na nangyayari ay may katapusan. At kapag natapos na iyon ay bumabalik na ang kapayapaan. May kasabihan pa nga na "if there is no war, there is no love". Mga ilang araw din dito sa mundo ng blog na may giyera kami ni Lordcm na marami nga ang nakaalam. Kanina po ay nag-usap kami sa tag-board ko at inayos na namin ang gulo. Tinawagan pa nga niya ako sa cellphone ko. Mayroon na kaming pagpapatawad sa isa't-isa sa mga nangyari.

Mabuti ang ganun napag isip-isip ko kasi walang saysay lang naman ang away na ganito hindi naman nagkikita ng harap-harapan. At isa pa kung ipagpapatuloy ko pa ang away ay masisira ang main goal ko kung bakit ako nag blog. Kasi magpopost din ako ng mga sinulat na parang komentaryo lang na hindi ko iyon gusto. Dahil gaya ng sabi ko kuwento, tula, at poems lang ang post ko dito na sinulat ko. Kasi ang blog ay hindi mawawala. Kasi kung sa papel lang lahat nakasulat ang mga sinulat ko ay puwede pa itong mawala. Nakasave naman ito sa e-mail ko sa draft. Pero iba pa rin pag sa blog ko inilagay kasi madaling mahanap.

Sa iyo Lordcm kung anuman ang nasabi ko sa iyo ay pagpasensyahan mo na ako. Di ko lang mapigilan ang emosyon ko dahil sa mga message sa tag-board ko na ikina buwesit ko. Salamat sa iyo na kahit paano pinatawad mo ako. Ako din pinapatawad na kita sa kung anuman ang mga nasabi mo sa akin.

Bilang panghuli ay nais kong ipaalam na nakipag ayos ako hindi dahil natatakot ako sa asunto. Di po ako takot sa ganun. Dahil iyong mga nagbabalita nga sa diaryo o may column sila sa diaryo at lantaran pa ang pagsasabi ng di maganda sa nais nilang banatan pero hindi nakukulong dahil nasa malaya tayong pamamahayag. May karapatan ang bawat isa sabihin anuman ang nais niya sabihin. Pagtatawanan lang siguro ng hukom na dahil lang sa ganun ay magkakaso. Mababasura lang. May nabasa kasi ako na comment na parang magsasampa daw ng case. Well kung itutuloy man iyon ay narito lang ako nakahanda ako. Kung hindi naman eh di mabuti kasi aksaya lang iyon ng panahon. Ang iba pa nga na nakakabaril ay di nakukulong kahit malakas na ang ebidensya na siya ang bumaril. Dito pa kaya sa mundo ng blog.

Lordcm salamat at ayos na tayo. At sa lahat po na nadamay sa gulo na nangyari sana ay magkapatawaran na rin tayo. Humihingi po ako ng tawad sa inyo at pag-unawa. Peace na po sa inyo lalo na sa buong KABLOGS.

17 comments:

Dhianz said...

itz good to know na ayos na kayo ni kuya CM... ingatz. Godbless! -di

Goryo said...

mabuhay kayo at nagkasundo na kayo.. ito ay magandang balita sa karamihan..

sa ganitong pagkakataon, maaari bang mag request ang mga blogistang katulad ko? maari bang si lordcm naman ang handugan mo ng kathang madam-damin at nag-uumapaw sa pag-mamahal? ache-che.. hehehe

Unknown said...

nah, ni hindi ko alam na me away pala sa blogosper...ang tagal ko pala talagang nawala..

pero good thing na bati na kau ni lordcm..

tama ung ke goryo, tula para ke lord cm..

at more power sau!

Gumamela said...

isa akong OFW, sana ung susunod na post mo about US maging inspirasyon nmin sa hamon n hinaharap nmin sa araw araw...

sana RESPONSABLENG pagsusulat...

salamat & mabuhay ka...

=supergulaman= said...

kung ganun man...aba'y magandang balita yan... ayyyt!... ^_^

Pirate Keko said...

kanina ko lang nalaman na nagkaaway kayo...
ngayon ko lang nalaman na nagkabati kayo..

buti naman..
at sana eh matahimik na ang blogosperyo at isang aral na maging
responsable sa mga sinusulat o sinasabi...


the secret of a true genius is being humble...

dala lang siguro ng emosyon mo kaya mo nagawa 'yun..

stay humble... dahil 'yun ang magdadala sau sa mga pangarap mo.. oki?

Kablogie said...

Ows! Bati na pala ang Iraq at Iran! Buti naman tapos na ang giyera..pero patunayan nga jan..isang kiss sabay hug naman jan oh! hahaha...

Masaya kami dahil pareho kayong nailiwanagan sa payo ni Jepoy! hahaha...Basta lagi natin pagkakatandaan..

Keep Unity Peace And Love (aka K.U.P.A.L) oops! Wag mo delete ito Arvin ha hindi yan bastos! Pag delete mo itong post ko tayo mag aaway hahaha...

Hari ng sablay said...

mabuti naman pare at okay na kayo,sige na ikiss mo na si pareng CM, ayeee...hehe

yung ginawa mo para sa mga ofw punitin mo na baka maraming lumusob na mga naka-barko sa tacloban pag naisipan mong ipost,haha

sige ituloy mo nalang yung pagsusulat, :)

The Pope said...

Ramadan Kareem, nagpapasalamat ako at dininig ang aking panalangin para sa kapayapaan sa ating blogospero.

Nawa'y manatili ang pagkakabuklod ng bawa't Pilipino tungo sa makabuluhang pagsusulat ng blog bilang pagdakila at paggalang sa Panginoon, sa Bayan at sa ating kapwa Kababayan.

Purihin ka kaibigan.

Marlon Celso said...

Parekoy, mabuti naman ayos nato. Swerte ko naman at hindi ko na inabot ang gulo.

padaan dito bro at have a nice weekend

Kosa said...

ok payn!
apiiiiir..lols

gege said...

nakakatuwa naman na napakalawak talaga ng mundo ng blog. May mga nagkakaroon ng kaibigan at may nagkakasamaan din ng loob. Good to know na okei na kayu!

being humble is a way to have a peaceful mind.

:P

shykulasa said...

mukhang nahuli ako sa balita ... pero di na importante yun ang mahalaga peace na ang lahat :)

Meryl (proud pinay) said...

mabuti at ayos na kayong dalawa....so sino sa inyo noon si willie? at sino si joey? hehehe ^_^

Anonymous said...

MAKE LOVE not war.

salamat sa pagtambay sa blog ko.

peace out!

ROM CALPITO said...

tama yan sana wala ng away magkasundo ng lahat

lahat tayo ay mga desenteng tao
wala kong nkikitang desente sa away.

John Bueno said...

This is good =)

I hope you guys have fixed things...

I'm sure marami ang matutuwa...

magkikita din naman tayo sometime soon...

Keep blogging, wag kang tumigil and stay inspired!