SABAY NA PAG-IBIG
Ni: Arvin U. de la Peña
Mula ng makilala ko kayong dalawa
Lagi na kayong nasa isip
Hindi ko na kayo nakakalimutan
Minsan napapanaginipan ko pa kayo.
Kaysarap ng pakiramdam paggising sa umaga
Ay kayong dalawa agad ang naaalala
Sumasaya ang araw ko
Dahil sa inyo inspirado ako.
Sa sobra kong pagmamahal sa inyong dalawa
Pati relihiyon ko na katoliko ay papalitan ko na
Gusto ko ng maging muslim
Para kayong dalawa ay puwede kong maging asawa.
Sabay ko kayong mamahalin
Sabay na pag-ibig ang aking ipadadama
Sabay ko kayong paliligayahin
Hindi ko kayo pababayaan.
Tayong tatlo ay nais kong mabuhay ng masaya
Hindi kayo dapat magkaroon ng inggit sa isa't isa
Tutugunan ko ang inyong pangangailangan
Para hindi kayo magalit sa akin.
Pag-ibig ko sa inyong dalawa
Sana ay hindi niyo biguin
Ipinapangako ko magiging tapat ako sa inyo
Hindi ko kayo bibigyan ng sama ng loob.
Mula ng makilala ko kayong dalawa
Lagi na kayong nasa isip
Hindi ko na kayo nakakalimutan
Minsan napapanaginipan ko pa kayo.
Kaysarap ng pakiramdam paggising sa umaga
Ay kayong dalawa agad ang naaalala
Sumasaya ang araw ko
Dahil sa inyo inspirado ako.
Sa sobra kong pagmamahal sa inyong dalawa
Pati relihiyon ko na katoliko ay papalitan ko na
Gusto ko ng maging muslim
Para kayong dalawa ay puwede kong maging asawa.
Sabay ko kayong mamahalin
Sabay na pag-ibig ang aking ipadadama
Sabay ko kayong paliligayahin
Hindi ko kayo pababayaan.
Tayong tatlo ay nais kong mabuhay ng masaya
Hindi kayo dapat magkaroon ng inggit sa isa't isa
Tutugunan ko ang inyong pangangailangan
Para hindi kayo magalit sa akin.
Pag-ibig ko sa inyong dalawa
Sana ay hindi niyo biguin
Ipinapangako ko magiging tapat ako sa inyo
Hindi ko kayo bibigyan ng sama ng loob.
47 comments:
wow pakilala mo naman ako sa chiks mo parekoy :-D
Lol. :D
hala... lol bakit sabay? T.T
naku kelangan mong mag redbull nyan
salamat ulit sa handog mo. naks na naman! :D
Matindi nga ang pag-ibig na nararamdaman mo, sabay na pag-ibig sa dalawang magagandang dilag at handa kang magpalit ng relihiyon para mabigyan hustisya ang pag-ibig na inihahandog mo sa kanila.
Nawa'y magtagumpay ka sa malinis na hangarin mo sa kanila kaibigan.
Pinupuri kita.
Naks. I like your taste dude. :)
hehehe chicki andito ka ulit avah ibang level na yan..yung autograph ko ha?..
Aba grabe na yan arvin ah...mas marami mas masaya. Lolz.
hahaha! pumayag na ba sila? balitaan mo kami ha! :)
Hehehe :D Bago ka pa convert pre eh siguruhin mo munang papayag sila sa gusto mo, baka walang patunguhan kung magpa convert ka agad :)
Boom Boom pow XD
Master arvin, 'wag kang mag-alala kung di sila papayag ay i ji-jihad natin sila. Saka suggestion lang, hanap ka pa...kulang ata yung dalawa eh XD
wow! ayos ah! ahahaha
"Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."
Sabi ni Bob Ong :)
hello Arvin..
anjan na naman yung mukha ko sa blog mo.. ehehe!...
Anyways.... thnx nga pala...
eiii... san ka ba sa cebu?..
i'll be staying for 1 night there!...
alam mo ang isang tao ay kaya nga namang magmahal ng dalawang tao or more pero ang hindi niya kayang gawin ay mahalin sila ng patas. Meron at merong isa na lamang sa isa. n_n
no comment. :D
Hala Totoo ba ito or kathang isip mo lang?
Pero talagang kakatuwa sya ha....
Idol kita pagdating sa tula Pare...Hehe...^_^
Maraming salamat pala sa palagi mong pag bisita sa blog ko...
iba talaga ang pag=ibig
buti ka pa arvin
kaya mo yan
agree ako ke elay..
you can truly love 2 persons, but not at the same level..
pero, nakakabilib din yang puso mo ha!tsk! goodluck sa love life mo!
hmmmnnn maganda nga sila... maganda din ang laman ng kanilang blog.
wow..grabeng pag-ibig ere..
ayan, 09052087483..
mamigay ka nga ng load ha..
vanvanny.blogspot.com
wow naman dalawang chickas! akala ko muslim ka na? anong sabi nila sa post mo? sang ayon ba daw sila. excited akong malaman...
talaga naman ang pagibig..wala ka ng magagawa kundi sundin ito...shadan donna..shadan donna..oooooh...napapakanta tuloy ako..
o sya balitaan mo na lang kami ulit
hanep parekoy.
mapapalban ka dyan! :]
wow astig mo pare! sinagut ka naba nila? yan ang problema.. hahahha sana isa man lang sa kanila sasagutin ka nang ooo. lol gud luck!
Ang lupet mo dre!! Hanga ako sa kamandag mo. Naalala ko rin si Senator Mar Roxas sa isang Linya ng tula mo (4th Stanza : 4th Line)
Hindi ko kayo pababayaan
(lalaban tayo) ahihi
Panalo ka parekoy!!!
Arvin:
Bumili ka na ng isang bodegang VIAGRA.
Kakailanganin mo iyan.
Hih-hi-hi-hi-hi-hi...
ano sabi nila sayo?bilib ako sa fighting spirit mo kuya, lumelevel!haha goodluck sayo!
haha iba ka talaga pare, dalawa agad ah ang tindi mo naman,
osiya gudluck sa pagiging muslim mo,haha kulang pa yan pwedi pang dagdagan yan,lols
napabisita tuloy ako sa blog nila.lol.ayos!
no comment muna ako parekoy sa iyong gustong ipabatid..hindi ko ata kinaya ang level nito... ahehehe...
pero sa opinyon ko lng parekoy...ang tunay na pag-ibig ay hindi madamot... nagpaparaya ito para sa tunay na pagmamahal...hindi mali na mahalin mo sila... pero tama din naman siguro na mamili ka lamang na isa sa kanila...isang buong atensyon, isang tamang pagmamahal...
aha! ang pagmamahal ay hindi lang tungkol sa kakayanan mo sa buhay...nasa nararamdaman...
ang pagiging muslim ay hindi lamang dahil sa kagustuhan mong mag-asawa ng dalawa, tatlo, apat o marami pa...nasa pananampalataya...
...pumasok ako noon sa isang relihiyon pra sa babaeng gustong-gusto ko... pero tadhana na din ang nagtakda na hindi ako dapat naroon...umalis ako...at sa aking paglisan...natagpuan ko ang hinahanap ng puso... nasa tabi lang pala...nakakalat... ^_^
Sana nga pag ibig ang nararamdaman mo sa kanila, dahil kung tunay man yan malamang muslim ka na ngayon at may ginawa ka nang hakbang para sa iyong nararamdaman..
WLA NAMAN AKONG MASABI DUN CIA GUDLUCK!
salamat po sa pagdaan sa aking site
kung babae lang ako hindi ako papayag pakasal sa muslim na gaya mo... ano na lang ang sasabihin ng isang babae kung nalaman niyang may mahal ka pang iba liban sa kanya.
hindi kami ni chikletz ayus ba? sintomas ng pagiging hindi isang tunay na lalaki ang asal mo parekoy.
yeah ayt!
pareng pablo, ang tunay na lalaki, madaming asawa hahaha
ang tunay na lalaki din, pabling.
ayos!
sana dalawa ang puso ko.. ang dating! pards binata kana!
ahemmmmmm....
may INIIBIG ka na pala!
SAYANGGG...may ipapakilala pa naman sana ako sa iyo...di bali 'wag na lng din...
be sure LOVE yan...bawal ang salawahan these days. nasa 3D world tayo baka di kana maka 4D nyan ..nyahahaha...
AYOS! gigolo ah! :D
sana dalawa ang puso mo...
yan ang kanta ko para sa iyo ^^
hanep ka :))
2 chiks :))
anyway sana mapagtagumpayan mong parehas na mahalin sila nyahaha
ang graveh naman pati relihiyon isusuko para lang sa pag ibig how sweet..sana ganyan ka nga hindi tulad nang iba jan puro salita kulang naman sa gawa..
korekted by ka jan paps! badet ka ba at napakalandi mo? hmpf! ANG TUNAY NA LALAKI, FAITHFUL.
gwapo neto oh... dmo pa nga cla napapasagot eh magpapalit ka na ng relihiyon?!
chill lang kuya... kulutin ko ngala-ngala mo jan eh!
matakot s karma...
GO!GO!GO LNG...^^
Post a Comment