Thursday, July 23, 2009

Pusang Gala

"Mahirap sa isang nilalang kapag alam niyang siya ay ng walang patutunguhan."



Pusang Gala
Ni: Arvin U. de la Peña

Pusang gala saan ka patutungo
Palakad-lakad ka ng walang direksyon
Ano ba ang hinahanap mo
Pagkain po ba?

Bakit hindi ka magpermamente
Sa iisang lugar lang
Sadya bang ganyan ka?
O baka naman itinakwil ka kaya ganyan ka.

Wala ka bang kapaguran?
Sa kalalakad mo araw-araw
Halos buong lugar ay nadaanan mo na
Pero wala pa ring halaga paglalakad mo.

Hanggang kailan ka ganyan pusang gala?
Wala kang pinagkaiba
Sa mga taong nabubuhay sa lansangan
Katulad mo rin sila walang patutunguhan paglalakad.

Isang araw sana ay malaman ko
Hindi ka na ganyan
Dahil alam mo ba?
Bawat dinadaanan mo ay pinag-uusapan ka.

16 comments:

rich said...

papuntahin mo sa min... aalagaan ko sya! ^^ ayan, di na sya pusang gala... ^^

vhingF said...

..ay! oo nga..kawawa...

galing ahhh, MAKATA ka pala , ipagpatuloy mo yan sa ikabubuti mo pag daan ng araw at sa pagdating ng araw, olryt?

ME said...

salamat sa pagbisita... ang laki naman ng pusa na yan.. nakakatakot na ah...

Ang galing mong gumawa ng tula.. sobrang makata... naku marami kang mabobola na chicks...

Hari ng sablay said...

sino bang pusang gala na yan na tinutukoy mo?

Goryo said...
This comment has been removed by the author.
Goryo said...

Galing mo mag-compose nang tula dre ha. Parang nakikini-kinita ko sayo ang lahi ng mga sinaunang makata..

May naisip akong pwedeng idugtong dito pero katuwaan lang naman.. parang inuman hehehe..

and it goes a little sumthin like this:




Pusang-gala, mukha ka mang kawawa
Dahil sa iyo, marami ang mapagpapala
Ligaya at galak, ay tunay na aapaw
Pagdating ng panahong, ika'y gawing siopao...


(bow)

hehehe biro lang!!!

Nice post parekoy.. keep it up.

Anonymous said...

Ay, may pusang gala nga! Don't worry, hindi ko siya babatuhin :D Magtatago nalang ako, minnie mouse ako eh :D

Chubskulit Rose said...

Lovely wild cat...

RaYe said...

waaaa...

takot ako sa pusa e..

eden said...

hi arvs, don't worry pag nakita ko yan, i will surely welcome him to my home. our house now is likely a pet shop, we have bird, 2 dogs, 4 fish aquariums at 2 guinea pigs..

ME said...

sege add kita... salamat uli sa muling pagdalaw..sana add mo rin ako ha... god bless

Led said...

wow pusa XD naalala ko yung blog sa multiply haha.

Anonymous said...

anong meron at pusang gala ang naging subject mo? :D

Salamat nga pala sa madalas na pagbisita mo sa aking blog. :)

patola said...

pusang gala? dati ba talaga eh yung xiopao gawa sa pusa? totoo ba yun? hehehe.. ala lang curious lang...heheh :)

Rcyan said...

akin na lang yung pusang gala. mahilig ako s amga pusa eh.

wag kang mag-alala, tulad ng mga pusang gala, makakahanap din ng tahanan ang mga tao sa lansangan. =)

sunny said...

hahahah nice sounds bud! nice page!