Friday, July 3, 2009

Ang Buhay

"Minsan ay mahirap ipaliwanag ang mga nakikita natin sa ating buhay"




ANG BUHAY
Ni: Arvin U. de la Peña

Tumingin ako sa kalangitan, napakalawak
Nakita ko ang mga ibon, lumilipad
Napakatahimik sa itaas, walang gulo
Masarap siguro ang pakiramdam kapag laging ganun.

Nagawi ang tingin ko sa kapaligiran, magulo
May nagsusuntukan at mayroon namang nagsusumbatan
May mga bahay na sira at kalsadang marumi
At ang tao di masyadong nagkakaisa.

Higit nakapagbigay pansin sa akin
Talagang nagtratrabaho para magkaroon ng pera
Ang iba ay gumagawa pa ng masama
Magkaroon lang ng pera.

Muli tiningnan ko ang itaas
Ganun pa rin walang pinagkaiba
Nasabi ko tuloy sa aking sarili
"Kailan kaya magiging payapa ang kapaligiran?"

Sa huli naunawaan ko na lang
Talagang ganun ang buhay sa mundo
Kailangan magsakripisyo at magtiis
Higit sa lahat harapin ang mga pagsubok na dumarating.

12 comments:

lenz said...

buti pa nga ang mga ibon malaya wlang problema sa buhay!

ganun talaga buhay ng tao punong puno ng pakikibaka!..

ACRYLIQUE said...

Sabi nga nila, ang taio nabuhay para magtrabaho. kahit nakakapagod, iyon talaga ang daloy ng buhay. Aayos din lahat, no matter what.

SEAQUEST said...

Lahat ng bagay dito samundo may kanya-knyang buhay at pamamaraan, nilikhang may kanya-kanyang gampanin samundong ibabaw sa himpapawidman, lupa,tubig o kalawakan...ang imprtante mapayapa ang puso dail magugulimihanan ka lang kung ikaw mismo magulo. Godbless

Nanaybelen said...

hi. napa emo ako din bigla sa post mo. bakit nga ba ganyan ang buhay.. may mahirap may mayaman. kung minsan ang mabait at yun pa ang naaapi

shykulasa said...

life is really like that, it's just matter of will and determination to make our lives improve for the better :)

ACRYLIQUE said...

Hehe. Ikaw pala si Arvin ni Chikletz.. :)

Eli said...

ganun tlga maraming problema sa mundo.. nasa mundo pa kasi tayo wala pa tayo sa langit.. darating rin ang panahon na magiging katulad tayo ng mga ibon na nasa kalangitan at walang problema.

Ching said...

tuningin nalang sa langit huwag na titingin sa paligid para di magulo lols...

ang buhay ay buhay at binubuhay para mabuhay...

ching

Anonymous said...

gusto ko maging ibaon :) malaya... hahaha

KESO said...

ganyan tlga ang buhay.

buhay ay buhay.

puno ng pagsubok. :)

eden said...

hi Arvs, that's life sometimes it is up and sometimes it is down.

have a good week ahead

ambot said...

i love the thought of the poem but the words are bad - the poem is bad too. it should have been improved.