Sunday, July 5, 2009

May Bukas Pa

"Ang pagsubok ay parte na ng buhay ng tao. Huwag mawalan ng pag-asa dahil lahat ng suliranin ay mayroon kalutasan. Magpakatatag lang ng loob at harapin kung anuman iyon na dumating dahil sa hamon ng buhay ang pagsubok ay kakambal na."


MAY BUKAS PA
Ni: Arvin U. de la Peña

Kung sa tingin mo ay wala ka ng pag-asa
Lubog ka na sa kahirapan
Nahihirapan ka ng tumayo at bumangon
Huwag ka mawawalan ng pag-asa
Sa iyong buhay ay may maganda pang mangyayari
May bukas pa.

Hindi mo dapat dibdibin masyado
Ang mga problema na dumarating
Tandaan mo na hindi lang ikaw
Ang binibigyan ng pagsubok ng ating panginoon
Lahat tayo ay nagkakaroon ng suliranin
Pero lahat ay nalalampasan din
Sapagkat sa bawat isang tao
Ay may magandang bukas na naghihintay
May bukas pa.

Huwag kang susuko sa hamon ng buhay
Tatawagin kang duwag o mahina
Kung hindi mo haharapin
Ang unos na dumarating sa iyo
Harapin mo iyon at pilitin na maresolba
Dahil sa dakong huli
Ay naghihintay sa iyo ang kasiyahan
May bukas pa.

Napakasarap ng pakiramdam kapag nakakaahon
ka sa problema o suliranin
Para kang lumilipad
Walang bumabagabag sa iyong isipan
Masayang-masaya talaga
Laging tatandaan lang na pagkatapos ng ulan
sa buhay ng tao
Ay sisikat ang araw para sa kanya
May bukas pa.

35 comments:

eMPi said...

tama ka... may bukas pa!

Deth said...

nice...korek ka dyan.

magtiwala ka lang kay Bro:D

Life Moto said...

it is truly inspiring post. btw thanks sa visit. I will add you to my other blog life moto http://lifemoto.blogspot.com/

Suggestion lang bro dapat meron ka rin out going links, blog list. para magkaroon ka ng exchange links. mas interactive ito.
see you around have a nice day!

Francesca said...

it is inspirational.
One thing though, God do not try anybody. What problemes we have is because of our own flaws,our bad decisions or someone inflict the problems to us.

God has nothing to do with it.
When we decide, we carry the consequences.

But God is willing to help those who ask him for help to make a better decision.

I ask HIS Spirit and Guidance when I quit my work. And He blessed me to do because a better one is coming my way.

KEEP the good works,

ACRYLIQUE said...

DARATING DIN ANG UMAGA. :)

Anonymous said...

may bukas pa.. nice! tomorrow is another day, never say die :)

Led said...

hindi nakakamit ang paglaya sa isang magdamagan lamang XD haha...kaya, tama ka...may bukas pa!

SEAQUEST said...

Habang may Santino may Buhay...

Rcyan said...

May bukas pa. Tama nga. Meron ako nu'n. Pero wala akong maaninag na kinabukasan.

Camil said...

nice!! pwede pero pano kung ang bukas ay walang katapusan? puro bukas na lang?

Ching said...

may bukas pa na mangyayari kung madilim o maliwanag....

ching

=supergulaman= said...

yes..bro... :)

inspiring... thanks thanks ...:D

ROM CALPITO said...

magaling ka rin gumawa ng poem
nice post arvin

J.D. Lim said...

Bibihira na lang talaga ang sumusulat ng mga tulang gaya nito. At nakakatuwa na nageffort ka pa para sa tinatawag ng marami na 'blog post lang.'

Mabuhay ka kabayan! Isulong ang panitikang Pilipino! ;D

Reagan D said...

habang may buhay...

ay, ibang kanta pala yun..hehe.

astig ka!

The Pope said...

Great post, very inspiring, this reminds us na wag mawawalan ng pag-asa, have faith and keep on believing...

Life is Beautiful.

Chronicler said...

nice poetry bro...keep it up.

Jepoy said...

NIce! baket walang comment si Chikletz?! Anu kayang masasabi nya? :-D

Anonymous said...

si jepoy umaapila o.. kaw jepoy ah. haha! :P

nice poem. tama may bukas pa! kaya tulog lang ng tulog. hahaha!

eden said...

so true naman. nice poem Arvs. this is a great inspiration to all of us.

shykulasa said...

malaking tsek!

habang may buhay may pagasa :)

Hari ng sablay said...

santino ikaw ba yan? ang galing nman ng post mo pre. :)

Eli said...

soooo true..

Wildan Arief said...

nice info... thnks 4 share..
nice to meet u.. i'm from indonesia, hope u visit me back.. :)

lesa said...

may bukas pa... but for me kapag sobra-sobra na, if feels na parang walang ng bukas.It's so depressing lang.parang ayoko ng sikatan ng panibangong araw dahil for sure I'll die again.

ORACLE said...

Totoo na may Bukas Pa. Maganda itong kunsepto na ito ngunit mapaninlang.

Marami ang nalulunod sa Bukas na hindi naman darating kung hindi natin mapagtagumpayan ang Ngayon.

Ang iba, sa kakaisip ng bukas, hindi na nakaalis sa Ngayon, at paulit ulit lang ang takbo ng buhay.

La lang. Gusto ko lang kumontra. Salamat sa pagdaan... :)

batang narS said...

habang may buhay, mag pag-asa:D

SHARQUE said...

Nice poem.. may tag para sau http://sharque1009.blogspot.com/2009/07/bonggang-award.html

gesmunds said...

hi! pasyal pasyal po sa blog mu...
cool spot here huh?
so heart warming and poetic...
keep it up!
i'll always visit this spot for your wisdom! gb!

Grace said...

Ang ganda ng tula. Nakaka-inspired. :)
Have a blessed Sunday, Arvin.

desza said...

TRUE!

Bukas, walang kasiguruhan kung anong pwedeng mangyari.
pero isa lang ang sigurado..
sa lahat ng bukas na darating, nariyan lang si Bro para sa atin:D

Glenda is the name. =) said...

love ettt!

Patz said...

ganda ng poem mo. Naaalala ko si Santino :D

Patz said...

Ganda po ng mga posts/ poems niyo, inspiring! :D God bless po.

Mai Yang said...

kaya lang ang daming bukas eh..