Monday, July 27, 2009

Pagsisisi

"Huwag mong sisihin ang sarili mo kung ang ipinagpalit mo sa una mong minahal ay hiniwalayan ka. Dahil kung siya man ang dahilan kung bakit malungkot ka ngayon ay siya naman ang dahilan kung bakit masaya ka noong di ka pa niya iniiwanan."


PAGSISISI
Ni: Arvin U. de la Peña

Madalas ko pa rin ikaw naiisip
Kahit alam kong sa puso at isipan mo
Ay wala na talaga ako
Wala ka ng pag-ibig sa akin.

Inaamin ko naman at di ipinagkakaila
Nasaktan ko ang damdamin mo
Habang tayo ay nagmamahalan
Nahulog ang loob ko sa iba.

Napakasakit dahil ng ako ay iwan mo
Pagtagal ay iniwan din niya ako
May nahanap siyang iba
Na mas higit pa raw sa akin.

Sa nangyari ay para na akong isang basang sisiw
Na walang masilungan at mapuntahan
Giniginaw ako palagi
Patuloy na pinagsisisihan ang pagkakamali.

Panahon man ay lumipas
Mag iba man ang takbo ng buhay natin
Gusto kong ipabatid sa iyo
Isa ka pa ring magandang alaala sa akin.

15 comments:

The Pope said...

Masakit talagang lasapin ang kabiguan sa pag-ibig pero wala kang dapat na pagsisihan, bagkus pasalamatan ang sarili na ang iyong puso'y marunong palang umibig.

Maghihilom din ang sugatang puso at darating ang panahon ikaw ay makakatagpo ng babae na nakalaan sa iyong puso.

Pagpalain ka kaibigan.

RaYe said...

hmnn, pagdating sa love, radical ako mag-isip e.

"with loving comes pain"... personal mantra ko pag in a relationship ko yan.. in a way, it speaks of the connection between love and being hurt by it.

you're still young. marami ka pang mae-experience when it comes to love. kung ano man ma-feel mo, blog it. blogging is a good way to let go of the pain.. :)

Mommy Kharen said...

aray naman...

Unknown said...

love is pain!

aejhehhe!

Hari ng sablay said...

bagong pelikula ba yan pare? kaya pala naging katoliko kana ulit kasi ayaw mo msaktan,mabuti yan,hehe

OHMYGUMS said...

NAks, puno tlaga ng damdamin... bahagi na talaga ng pag-ibig yung nasasaktan tayo pero masarap pa rin isipin na minsang lumigaya rin tayo dahil sa pag-ibig...

Chyng said...

at eto ang advantage ng pagkakaroon ko ng ugaling "walang pakialam".

nwey, see the good sides after para wala ng pagsisisi. after all pag ginawa mo na lahat, ano pba dapat pagsisihan?

rich said...

hmm? natakot ko dun sa pic... lol oh well, kapag di pa para sayo yung isang tao talagang mahuhurt ka muna...

darating din yung right one...^^

=supergulaman= said...

kanta na lng tayo...la la la la la... ;)

“To love at all is to be vulnerable. Love anything, and your heart will certainly be wrung and possibly be broken. If you want to make sure of keeping it intact, you must give your heart to no one, not even to an animal. Wrap it carefully round with hobbies and little luxuries; avoid all entanglements; lock it up safe in the casket or coffin of your selfishness. but in that casket - safe, dark, motionless, airless - it will change. It will not be broken; it will become unbreakable, impenetrable, irredeemable. The alternative to tragedy, or at least to the risk of tragedy is damnation. The only place outside Heaven where you can be perfectly safe from all the dangers and perturbations of love is Hell."

pero masarap talagang magmahal...lalo na kung tunay at walang nasasaktan ^_^

Kosa said...

awwwww..

basta ito ang alam ko,
ang pagsisisi ay laging nasa HULI

Rcyan said...

suicidal ka ba, kuya? hahaha! may hawak kasing baril 'yung lalaki sa larawan.

maraming taong nagpapakamatay dahil sa pag-ibig. pero ang hindi nila alam, dapat matuto tayong maging malakas sa kabila ng lahat ng pagsubok.

padayon, kaibigan! mag-ingat ka palagi!

bea trisha said...

pagsisisi..
parte na buhay yan,,,

ok lang..
bsat move on na lang kuya.

Anonymous said...

aku madami pagsisise. sana nakapag aral aku. galeng mo pala gomawa tula. napadaan at magtatanung kung pwede maki link ex? tnx

Ako pala si Chimmie

lesa said...

hindi ko kinaya ang drama... at ang tema ng pananagalog mo.nalunod ako!

Anonymous said...

aw. katoloko kn uli? haha..
nice post! :] knino mu iniaalay yan?