Friday, July 31, 2009

Baliw Na Pag-ibig (by request)

"Ang babae na ito ay nakachat ko matagal na sa yahoo messenger. Last year pa siguro kami nag chat. Ewan basta matagal na. Tapos add ko siya sa contact at hiningi ko ang friendster account niya. At two weeks na ang nakaraan sa di inaasahan ay muli naka chat ko siya. Tapos inimbita ko siya na tingnan ang blog ko. Nang makita niya ang blog ko ay nag sabi siya sa akin na siya rin daw ay handugan ko ng isusulat ko. Sabi ko naman ay okey payag ako at pag ipost ko ay kasama ang picture niya. At ayos sa kanya na kasama ang picture niya kapag ipost ko. Hiningi ko rin ang cellphone number niya para pag ma post ko na ang handug ko para sa kanya ay etetext ko siya para matingnan niya. At ito po ang handug kong tula para sa kanya. Ang friendster profile niya po ay http://profiles.friendster.com/11629386"

BALIW NA PAG-IBIG
Kay: Norilyn Villamora
Ni: Arvin U. de la Peña

Mas pinili ko ang magpakalayo na lang
Kaysa pilitin ko ang sarili ko sa iyo
Na ayaw mo naman sa akin
Lalo lang akong masasaktan.

Ibinaling ko ang pagtingin sa iyo sa iba
Hindi naman ako nabigo
Nagmahalan kami ng babaing ipinalit ko sa iyo
Ngunit ikaw pa rin ang nasa isip ko.

Walang araw na hindi ko siya kasama
Na ikaw ay hindi ko naaalala
Sabihin man na ako ay tanga
Tatanggapin ko dahil iyon ang totoo.

Talagang ikaw ang tunay kung pag-ibig
Ang masakit nga lamang ayaw mo sa akin
Kaibigan lang ang turing mo
Hindi mo ako kayang mahalin.

Kung hanggang kailan itong kabaliwan ko sa iyo
Ay hindi ko alam
Sana ay hindi magtagal
Dahil may tapat naman na nagmamahal sa akin.

Monday, July 27, 2009

Pagsisisi

"Huwag mong sisihin ang sarili mo kung ang ipinagpalit mo sa una mong minahal ay hiniwalayan ka. Dahil kung siya man ang dahilan kung bakit malungkot ka ngayon ay siya naman ang dahilan kung bakit masaya ka noong di ka pa niya iniiwanan."


PAGSISISI
Ni: Arvin U. de la Peña

Madalas ko pa rin ikaw naiisip
Kahit alam kong sa puso at isipan mo
Ay wala na talaga ako
Wala ka ng pag-ibig sa akin.

Inaamin ko naman at di ipinagkakaila
Nasaktan ko ang damdamin mo
Habang tayo ay nagmamahalan
Nahulog ang loob ko sa iba.

Napakasakit dahil ng ako ay iwan mo
Pagtagal ay iniwan din niya ako
May nahanap siyang iba
Na mas higit pa raw sa akin.

Sa nangyari ay para na akong isang basang sisiw
Na walang masilungan at mapuntahan
Giniginaw ako palagi
Patuloy na pinagsisisihan ang pagkakamali.

Panahon man ay lumipas
Mag iba man ang takbo ng buhay natin
Gusto kong ipabatid sa iyo
Isa ka pa ring magandang alaala sa akin.

Thursday, July 23, 2009

Pusang Gala

"Mahirap sa isang nilalang kapag alam niyang siya ay ng walang patutunguhan."



Pusang Gala
Ni: Arvin U. de la Peña

Pusang gala saan ka patutungo
Palakad-lakad ka ng walang direksyon
Ano ba ang hinahanap mo
Pagkain po ba?

Bakit hindi ka magpermamente
Sa iisang lugar lang
Sadya bang ganyan ka?
O baka naman itinakwil ka kaya ganyan ka.

Wala ka bang kapaguran?
Sa kalalakad mo araw-araw
Halos buong lugar ay nadaanan mo na
Pero wala pa ring halaga paglalakad mo.

Hanggang kailan ka ganyan pusang gala?
Wala kang pinagkaiba
Sa mga taong nabubuhay sa lansangan
Katulad mo rin sila walang patutunguhan paglalakad.

Isang araw sana ay malaman ko
Hindi ka na ganyan
Dahil alam mo ba?
Bawat dinadaanan mo ay pinag-uusapan ka.

Thursday, July 16, 2009

Sabay Na Pag-ibig

"Mula ng makilala ko ang dalawang blogger na ito ay hindi ko na sila makalimutan. Talagang nagkagusto ako sa kanilang dalawa. Malakas ang tama nilang dalawa sa puso ko. Sa kanila ko po hinahandog ang tula kong ito. Ang blog po nila ay http://www.dollxhie09.blogspot.com/ at http://www.myorangevest.blogspot.com/"















SABAY NA PAG-IBIG
Ni: Arvin U. de la Peña

Mula ng makilala ko kayong dalawa
Lagi na kayong nasa isip
Hindi ko na kayo nakakalimutan
Minsan napapanaginipan ko pa kayo.

Kaysarap ng pakiramdam paggising sa umaga
Ay kayong dalawa agad ang naaalala
Sumasaya ang araw ko
Dahil sa inyo inspirado ako.

Sa sobra kong pagmamahal sa inyong dalawa
Pati relihiyon ko na katoliko ay papalitan ko na
Gusto ko ng maging muslim
Para kayong dalawa ay puwede kong maging asawa.

Sabay ko kayong mamahalin
Sabay na pag-ibig ang aking ipadadama
Sabay ko kayong paliligayahin
Hindi ko kayo pababayaan.

Tayong tatlo ay nais kong mabuhay ng masaya
Hindi kayo dapat magkaroon ng inggit sa isa't isa
Tutugunan ko ang inyong pangangailangan
Para hindi kayo magalit sa akin.

Pag-ibig ko sa inyong dalawa
Sana ay hindi niyo biguin
Ipinapangako ko magiging tapat ako sa inyo
Hindi ko kayo bibigyan ng sama ng loob.

Sunday, July 5, 2009

May Bukas Pa

"Ang pagsubok ay parte na ng buhay ng tao. Huwag mawalan ng pag-asa dahil lahat ng suliranin ay mayroon kalutasan. Magpakatatag lang ng loob at harapin kung anuman iyon na dumating dahil sa hamon ng buhay ang pagsubok ay kakambal na."


MAY BUKAS PA
Ni: Arvin U. de la Peña

Kung sa tingin mo ay wala ka ng pag-asa
Lubog ka na sa kahirapan
Nahihirapan ka ng tumayo at bumangon
Huwag ka mawawalan ng pag-asa
Sa iyong buhay ay may maganda pang mangyayari
May bukas pa.

Hindi mo dapat dibdibin masyado
Ang mga problema na dumarating
Tandaan mo na hindi lang ikaw
Ang binibigyan ng pagsubok ng ating panginoon
Lahat tayo ay nagkakaroon ng suliranin
Pero lahat ay nalalampasan din
Sapagkat sa bawat isang tao
Ay may magandang bukas na naghihintay
May bukas pa.

Huwag kang susuko sa hamon ng buhay
Tatawagin kang duwag o mahina
Kung hindi mo haharapin
Ang unos na dumarating sa iyo
Harapin mo iyon at pilitin na maresolba
Dahil sa dakong huli
Ay naghihintay sa iyo ang kasiyahan
May bukas pa.

Napakasarap ng pakiramdam kapag nakakaahon
ka sa problema o suliranin
Para kang lumilipad
Walang bumabagabag sa iyong isipan
Masayang-masaya talaga
Laging tatandaan lang na pagkatapos ng ulan
sa buhay ng tao
Ay sisikat ang araw para sa kanya
May bukas pa.

Friday, July 3, 2009

Ang Buhay

"Minsan ay mahirap ipaliwanag ang mga nakikita natin sa ating buhay"




ANG BUHAY
Ni: Arvin U. de la Peña

Tumingin ako sa kalangitan, napakalawak
Nakita ko ang mga ibon, lumilipad
Napakatahimik sa itaas, walang gulo
Masarap siguro ang pakiramdam kapag laging ganun.

Nagawi ang tingin ko sa kapaligiran, magulo
May nagsusuntukan at mayroon namang nagsusumbatan
May mga bahay na sira at kalsadang marumi
At ang tao di masyadong nagkakaisa.

Higit nakapagbigay pansin sa akin
Talagang nagtratrabaho para magkaroon ng pera
Ang iba ay gumagawa pa ng masama
Magkaroon lang ng pera.

Muli tiningnan ko ang itaas
Ganun pa rin walang pinagkaiba
Nasabi ko tuloy sa aking sarili
"Kailan kaya magiging payapa ang kapaligiran?"

Sa huli naunawaan ko na lang
Talagang ganun ang buhay sa mundo
Kailangan magsakripisyo at magtiis
Higit sa lahat harapin ang mga pagsubok na dumarating.