"Lasing ako. Nakainom ng ilang bote ng san miguel beer ng pumasok sa isipan ko ang mga salita na narito sa tulang ito. Sa buhay ko ay marami akong naisulat na minsan nabubuo ko dahil sa kalasingan, hehe."
TUNAY NA PINOY
Ni: Arvin U. de la Peña
At ako ay naglakbay
Iniwan ko ang lugar na pinagmulan
Sa mga nagmamahal sa akin
Nagpaalam na ako sa kanila.
Masakit rin sa akin ang ginawa ko
Kung kailan ako ay malaki na
At napamahal na sila sa akin
Saka ako ay aalis.
Sa pinuntahan ko ay hinananap ko
Ang tunay na mundo para sa akin
Mundo na kung saan
Nakasalalay ang kinabukasan ko.
Maraming beses na ako
Nagpaikot-ikot at nagpabalik-balik
Para ko iyon makamtan
Ang hirap pala ng ganun.
Nakapagtrabaho ako sa wakas
Kahit paano ay sumaya ako
Nagkaroon ng bunga
Ang paghahanap ko ng mapagkakakitaan.
Nagkaroon ako ng pera
Na pinagpapawisan ko muna
Nakakakain na ako ng sapat sa isang araw
Nabibili ko pa ang nais ko.
Akala ko ay wala ng katapusan
Ang kaligayahan kong natamo
Hindi pala habang-buhay
Nasa iyo nakamit mong tagumpay.
Kahit gaano pa ang iyong pagkatapat
Sa pinili mong trabaho
May araw din pala na mawawalan ka
Nang pinagkakakitaan sa buhay.
Naunawaan ko tuloy bigla
Kung bakit ganito ang buhay ng tao
Hindi pantay-pantay
Para mayroong kikilos para sa isang bagay.
Nawalan ako ng trabaho
Nawalan ng pinagkakakitaan
Kahit ganun ang nangyari
Hindi pa rin ako sumuko.
Linabanan ko ang agos ng buhay
Na nangyayari sa akin
Naging malakas ang loob ko
Harapin lahat ng pagsubok na dumating sa akin.
Muli ginawa ko ang dati kong ginawa
Naranasan ko muli ang mag-umpisa sa simula
Dahil para sa pangarap ko
Gagawin ko ang lahat.
Ang tulad ko ay mayroon pa naman pag-asa
Kung kailan ay hindi ko pa alam
Basta malalaman niyo na lang
Kung hanggang saan ako makakarating.
At kung sakali ako ay mabigo uli
Hindi ako basta-basta susuko
Dahil ako ay isang pinoy, tunay na pinoy
Matapang sa suliranin na dumarating.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
10 comments:
keep it up you have talent thanks for visit
Pinoy na pinoy ang dating!Thumbs up,pare!
Have a great weekend to you and your family!^_^
SMB, miss that already..hehehe.. bitaw, my hubby loves our SMB.. nice post. have a good Sunday
wow mister Arvz galing ah. You sure have the talent on writing.
Thanks nga pala sa comment about my daughter, I really appreciate it.
Oh yeah- I miss San Miguel Beer. One time naka bili ako ng SMB dito grabeh ang mahal 15 bottles i paid over $25. Hindi na ako bumili mag antay na lang ako pag maka bakasyon dyan. :-)
enjoyed visiting here. exlink tayo?
Pinoy, mabuhay ka!
kip writing!
visit my blog
barttolina.blogspot.com
tnx!
nice tula. keep up the brown man thing! :)
tagay!
tagay tagay na... ako ang gunner.... shot mo na!!!!!
hahaha this is funny but well written. thanks for sharing!
mabuhay ka, kaibigan! gandang writeup! iba pala 'pag makapag-SMB ha? hehe...
[but i guess you write better if di nakainom! well, just my opinion. i am "no" to drinking (and driving) kasi! lol]
regards!
Post a Comment