"Gawa-gawa ko lang ang kuwento na ito katulad ng iba pa."
MARICAR
Ni: Arvin U. de la Peña
"Sige pa, gumiling ka pa. Ayan sige ganyan nga. Wow ang sarap naman. Galingan mo pa ang pagsasayaw. Hubarin mo na ang damit mo." Iyon lagi ang naririnig ni Maricar kapag siya nasa entablado at sumasayaw na seksi ang pananamit hanggang sa unti-unti ay tanggalin ang saplot sa katawan. Gabi- gabi niya iyon ginagawa sa club na kanyang pinagtratrabahuan. Pagkatapos pa niyang sumayaw ay kinukuha pa siya para itable. Ayaw man niya na siya ay itable ng kustomer ay di siya makatanggi dahil kailangan niya na kumita ng pera. Siya kasi ang breadwinner sa kanilang pamilya. Siya ang panganay sa limang magkakapatid. At ang sumunod sa kanya na kapatid niyang lalaki ay dose anyos at di na nag-aaral. Tumutulong na lang sa paglalaba ng kanyang nanay. Ang tatay niya naman ay isang basurero. Ang pangatlo nilang kapatid na babae ay siyang nag-aaral at nasa grade two pa lang. Ang pang-apat at pang-lima na kapatid niya ay di pa nag-aaral. Kulang talaga ang kinikita ng mga magulang niya para sila ay mabuhay.
Palibhasa ay ipinanganak na maganda at nasa labing walo na ang edad ay di siya tumanggi ng kumbinsihin siya ng kaibigan niyang dancer na magsayaw rin sa club. Hindi kasi bababa sa limang daan ang kikitain niya sa isang gabi basta hindi lang siya magpakipot sa mga kustomer. At iyon nga ang ginawa niya. Hindi siya nag-inarte sa loob. Kapag may nais siyang itable ay di siya tumatanggi. Nabibigyan pa siya ng pera.
Minsan isang gabi habang siya ay sumasayaw sa entablado ay pansin niya ang isang tao na malagkit ang tingin sa kanya. Tingin pa lang ay parang hinuhubaran na siya. Kinikindatan pa siya minsan.
Pagkatapos niyang sumayaw at pumunta sa dressing room ay sinundan siya ng isang waiter sa loob at pinabasa ang nakasulat sa papel. "Gusto kita makatable ngayong gabi, ....... Alexis." Tinanong siya ng waiter kung payag daw ba siya. Nang pumayag siya ay sinamahan na siya ng waiter doon sa kinauupuan ng lalaki.
Laking gulat niya ng makita niya ang lalaki na nais siyang makatable. Iyon kasi ang lalaki na malagkit ang tingin sa kanya at kinikindatan pa habang siya ay sumasayaw sa entablado. Pagkaupo niya ay agad pina order siya ng nais niya. Sa kanilang pag-uusap doon ay nalaman niya na siya ay kursunada ni Alexis. Hindi lang basta kursunada kundi ay nais pa siyang pakasalan. Ang bilin kasi ng mga magulang ni Alexis ay di siya bibigyan ng kayamanan kapag hindi siya nakapagbigay ng apo sa kanyang mga magulang. Sa apat na magkakapatid ay siya na lang ang wala pang kayamanan na bigay ng kanyang mga magulang. Sa edad niya na dalampu't pito ay di pa siya nagmamadali para sa ganun. Pero dahi nais na niya na magkaroon ng kayamanan mula sa mga magulang niya ay naghahanap na siya ng babae na magiging asawa.
Pag-uwi niya sa kanila ay balisa ang isip niya. Nagdadalawang isip siya kung tatanggapin ba ang alok ni Alexi na kasal o hindi. Pag ikasal kasi siya ay sa bahay na nila Alexis siya titira. At malayo sa bahay nila, malayong-malayo. Kinunsulta niya ang mga magulang niya sa problema na iyon. At sinabihan siya ng mga magulang niya na basta huwag lang silang kakalimutan ay payag sila. Magpadala na lang daw ng pera bawat buwan para makatulong sa gastusin nila.
Pagkalipas ng ilang araw na nagkita muli sila ni Alexis sa club ay pumayag na siya. Laking tuwa ni Alexis ng sabihin iyon ni Maricar. Agad ay sinabihan ni Alexis ang mga magulang niya na natagpuan na niya ang babaing pakakasalan niya.
Araw ng kasal nila ay excited pareho ang mga magulang nila. Pero may halong lungkot din para sa mga magulang ni Maricar. Dahil pagkatapos ng kasal ay magkakalayo na sila.
Noong una naging masaya ang pagsasama nila. Bawat buwan ay nagpapadala siya ng pera para sa magulang niya dahil binibigyan siya ng pera ni Alexis. Pero ng magkaroon na sila ng anak at si Alexis ay nabigyan na ng mana ng kanyang mga magulang a unti-unti nagbago na ito. Hindi na naging mabait. Halos gabi-gabi ay lasing ito kung umuwi. Hanggang sa umabot ng dalawang taon ang kanilang anak ay ganun pa rin si Alexis. Pakiwari ni Maricar ay lumabas na ang tunay na ugali ni Alexis. Di na rin siya nakapagpapadala ng pera sa kanyang mga magulang. Dinadahilan na lang niya sa sulat na marami silang ginagamitan ng pera.
Isang gabi na umuwi si Alexis ay kinumpronta niya ito. Dahilan para sila ay mag-away. Minura ang pagkatao niya ni Alexis. Pasalamat raw siya at siya ay pinakasalan kahit ang trabaho ay sa club. isang dancer. Doon ay nasaktan si Maricar sa sinabi ni Alexis. Lalo siyang nasaktan ng sabihin ni Alexis na nagsasawa na siya sa kanya. Nang sabihin ni Maricar kay Alexis na lalayas siya kasama ng anak nila ay di siya pinigilan. Lumayas raw siya kasama ang anak kung nais niya. At dahil doon ay napag-isip-isip ni Maricar na kayamanan lang pala ang habol ni Alexis kung bakit niyaya siya na magpakasal sila. Para pag magkaroon na sila ng anak ay magkakaroon na ng mana mula sa mga magulang niya si Alexis. Mayaman kasi ang pamilya nila.
Pagkabukas agad ay umalis si Maricar kasama ang anak. Sinabihan pa siya ni Alexis na huwag na bumalik. Pagkalipas ng pitong oras ay nakauwi na si Maricar sa bahay nila. Nagulat ang mga magulang niya at mga kapatid kung bakit siya umuwi. Sinabi niya ang totoo kung bakit siya lumayas. Naunawaan naman siya ng kanyang mga magulang.
Pagkalipas ng ilang araw ay muli bumalik si Maricar sa pagsasayaw sa club para makatulong sa kanyang pamilya at para rin sa anak niya. Hindi na rin siya aasa na babalikan pa siya ni Alexis.
"Tanggalin mo na ang saplot mo. Wooh, sige sayaw ka pa.Gumiling ka Maricar, na miss ka namin. Ayan sige, maghubad ka na. Galingan mo, nakakalibog ka talaga. Sige, sayaw ka pa." Ilan lang iyan sa mga salita na naririnig ni Maricar sa una niyang pagsasayaw sa club, mula ng siya ay bumalik para maging isang dancer uli.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
teka, ito lang ba? :) bitin ata ah. i hope may kasunod pa. masyado namang tragic yung story ni maricar! i'll wait for the next part! :)
Post a Comment