Sunday, April 5, 2009

Baboy

"May mga tao na hayok talaga sa lahat ng bagay o materyal sa mundo."


BABOY
Ni: Arvin U. de la Peña

Napakatakaw mo para kang baboy
Gusto mo ikaw lagi ang nakaupo
Sa posisyon na tinakbuhan mo at nanalo ka
Para lalo kang pang makapangurakot.

Masama ka talaga na tao
Sinira mo pa pangako sa iyong nasasakupan
Mga proyekto na para sa mga kababayan
Ibinulsa mo lang ang pondo.

Mukha ka talagang baboy
Di ka takot sa pag-apak sa iyong dumi
Basta may pagkakakitaan ka
Ginagamit mo ang iyong kapangyarihan.

Kapag tapos na ang iyong termino
Ay bababa ka ng posisyon
Para sa susunod na halalan
Ay maaari ka na uli tumakbo sa nais mo.

Baboy ka, baboy ka talaga
Lahat gusto mo na sa iyo
Ayaw mo na may nakikihati
Sa pansarili mong interes.

No comments: