Sunday, April 5, 2009

Paglayo

"Minsan ang pag-alis sa lugar na kinalakihan ay nagpapaganda din sa buhay ng isang tao."

PAGLAYO
Ni: Arvin U. de la Peña

Ako ay lalayo hindi para iwan kayo
Kung hindi ay para hanapin ko
Kung ano ang buhay para sa akin
Na naghihintay sa hinaharap.

Sa una alam ko mahihirapan kayo
Na ako ay wala sa inyo
Dahil noon pa man
Lagi niyo na akong nakikita at nakakasama.

Itong paglayo kong ito
Ay hindi rin lang para sa akin
Para din ito sa inyo
Lalo kapag ako ay nagtagumpay.

Mga minamahal ko sa buhay
Unawain niyo sana ako
Kung bakit gagawin ko ito
Ang lumayo sa inyo pansamantala.

Babalik din naman ako pangako
Kung kailan ay di ko alam
Ang mahalaga ay gawin ko
Ang unang hakbang sa aking pangarap.

No comments: