
TUNAY NA PINOY
Ni: Arvin U. de la Peña
At ako ay naglakbay
Iniwan ko ang lugar na pinagmulan
Sa mga nagmamahal sa akin
Nagpaalam na ako sa kanila.
Masakit rin sa akin ang ginawa ko
Kung kailan ako ay malaki na
At napamahal na sila sa akin
Saka ako ay aalis.
Sa pinuntahan ko ay hinananap ko
Ang tunay na mundo para sa akin
Mundo na kung saan
Nakasalalay ang kinabukasan ko.
Maraming beses na ako
Nagpaikot-ikot at nagpabalik-balik
Para ko iyon makamtan
Ang hirap pala ng ganun.
Nakapagtrabaho ako sa wakas
Kahit paano ay sumaya ako
Nagkaroon ng bunga
Ang paghahanap ko ng mapagkakakitaan.
Nagkaroon ako ng pera
Na pinagpapawisan ko muna
Nakakakain na ako ng sapat sa isang araw
Nabibili ko pa ang nais ko.
Akala ko ay wala ng katapusan
Ang kaligayahan kong natamo
Hindi pala habang-buhay
Nasa iyo nakamit mong tagumpay.
Kahit gaano pa ang iyong pagkatapat
Sa pinili mong trabaho
May araw din pala na mawawalan ka
Nang pinagkakakitaan sa buhay.
Naunawaan ko tuloy bigla
Kung bakit ganito ang buhay ng tao
Hindi pantay-pantay
Para mayroong kikilos para sa isang bagay.
Nawalan ako ng trabaho
Nawalan ng pinagkakakitaan
Kahit ganun ang nangyari
Hindi pa rin ako sumuko.
Linabanan ko ang agos ng buhay
Na nangyayari sa akin
Naging malakas ang loob ko
Harapin lahat ng pagsubok na dumating sa akin.
Muli ginawa ko ang dati kong ginawa
Naranasan ko muli ang mag-umpisa sa simula
Dahil para sa pangarap ko
Gagawin ko ang lahat.
Ang tulad ko ay mayroon pa naman pag-asa
Kung kailan ay hindi ko pa alam
Basta malalaman niyo na lang
Kung hanggang saan ako makakarating.
At kung sakali ako ay mabigo uli
Hindi ako basta-basta susuko
Dahil ako ay isang pinoy, tunay na pinoy
Matapang sa suliranin na dumarating.