Sunday, July 21, 2013

Pagbangon Ni Mama (aka. SANA NGA)

"Sa panahon na may mga napapublish ako sa diaryo na sinulat ko ay ginusto ko rin na ang nakilala kong babae at nakaibigan ay malagay ang pangalan sa diaryo na siyang nagsulat kahit na ako. Sa madaling salita gusto ko rin na ma nationwide ang pangalan niya. Gumawa ako ng ibang email address at pangalan niya ang gamit sa pagpadala ng kuwento o tula at iyon ay napagtagumpayan ko naman. Nang mapapublish iyon ay bumibili ako ng diaryo at ibinibigay sa kanya. Maraming beses rin na napublish ang pangalan niya bilang nagsulat ng kuwento o tula pero ako ang tunay na nagsulat. Sabi nga ng naka text ko na nagsusulat din ng kuwento at may napapublish sa diaryo bakit ganun daw gumanun ako kasi pangalan niya ang narerecognize na siyang nagsulat at hindi ako. Sabi ko naman ay okey lang iyon kasi masaya ako at nakilala ko siya. Kung sino man ang pangalan niya ay makita niyo sa una kong blog na ginawa ko noon. Ito ang una kong blog www.arvinurmenetadelapena.blogspot.com  at higit sa lahat kahit wala na akong communication sa kanya ay kahit paano masaya ako na minsan nakilala at nakakausap ko siya."

Napublish ang kuwentong ito sa diaryo na ako ang tunay na nagsulat.Napublish ito sa Pilipino Star Ngayon para sa column na Bagong Sibol. Taong 2003 o 2004 yata. Ang pamagat ng kuwentong ito pag submit ko ay SANA NGA pero binago ng editor.

PAGBANGON NI MAMA (aka. SANA NGA)
Ni: Arvin U. de la Peña

Kaysarap dati ng buhay ko. Panahon na sina mama at papa ay nagsasama pa. Bawat Sabado at Linggo ay namamasyal talaga kami. Palibhasa kapwa pumapasok sa opisina at mataas pa ang sahod ay ayos lang kung gumasto man ng pera. Basta para sa ikasasaya ng pamilya walang problema. Kung gusto ko naman ng isang bagay o laruan ay naibibili talaga nina mama at papa para sa akin. Kaya nga noon sinasabi ko suwerte ako at nagkaroon ako ng magulang na tulad nila. Hindi katulad sa iba kong mga kaibigan na bukod sa wala pang katulong sa bahay ay nagsasakripisyo pa sila sa bawat araw para mabuhay. Ako ay hindi na. Mayroon ng nag-aasikaso para sa pagkain namin at naglalaba ng maruming damit.

Akala ko talaga ay walang katapusan ang kasiyahan ko sa pagkakaroon ng magulang na tulad nila. Hindi pala, lahat pala ay may katapusan. Nalaman ko na lang isang umaga na pagkagising ko na si mama ay umiiyak. Iyak na masyadong nasasaktan sa pangyayari. Ako na sampung taong gulang noon at musmos pa ang kaisipan ay di ko agad nadama ang kanyang pag-iyak. Ngunit ng sabihin niya sa akin na si papa ay sumama na sa ibang babae at di na magbabalik sa amin ay di ko napigilan ang di umiyak. Paano?, di ko na makakapiling pa si papa. Noon pa raw pala ay may kinahuhumalingan ng ibang babae si papa.

Lumipas pa ang ilang araw napansin ko na lagi na lang malungkot si mama. Kung dati ay di siya tumitikim ng alak ngayon ay umiinom na siya ng alak. Pinalayas na rin niya ang katulong namin. Kung dati ay hindi ako naglalaba ngayon ay nagkukuskos na ako ng maruming damit. Madalas na rin akong utusan ni mama na bumili ng pagkain. Nag-iba talaga ang buhay ko mula ng mawala sa amin si papa. Ang masakit pa ay pinag-uusapan kami lagi ng aming mga kapit-bahay.

Kapag ako naman ay nasa paaralan at tinatanong ako ng mga kaibigan ko kung nasaan si papa ay di agad ako nakakasagot. Nahihiya ako sa mga kaibigan ko na naghiwalay ang mga magulang ko. At kapag nakikita ko naman ang iba kong mga kaibigan na magkasama silang pamilya ay may pagkainggit sa aking sarili. Naaalala ko ang mga sandali na magkasama kami nina mama at papa.


Tuwing sumasapit naman ang Sabado at Linggo ay lagi na lang ako sa bahay. Nasa isip ko na lamang ang aming pamamasyal. Kung humiling naman ako kay mama na kami ay mamasyal ay di siya pumapayag. Masyado talaga siyang naapektuhan sa nangyari.

Minsan isang gabi ay nanaginip ako. Kaming dalawa ni papa ay namamasyal. Masayang-masaya ako habang kami ay namamasyal. Gusto ko sabihin sa kanya kung bakit niya pinalitan si mama pero hindi ko magawa. Paulit-ulit lang niyang sinasabi sa akin na dapat harapin ko ang mga pagsubok na darating sa akin at huwag akong paaapi para di masaktan si mama.

Kinabukasan pagkagising ko at paglabas sa silid ay nakita ko si mama na nagdarasal sa altar. Namangha ako kasi mula ng magkahiwalay sila ni papa ay di na niya iyon ginawa. Pero ng araw na iyon nagdasal ulit siya sa altar. Taimtim na nagdarasal.
Nasa kusina ako ng tawagin ang pangalan ko ni mama. Maghanda raw ako kasi kami ay mamamasyal. Pagkarinig ko na kami ay mamamasyal ay napaluha ako ng kaunti. Nasa isip ko sana nga ay matanggap na talaga ni mama na si papa ay wala na sa amin.
Tuwang-tuwa ako ng araw na iyon.


Wednesday, July 3, 2013

Sana Ay Di Magwakas ( a song )

Noong March 25, 2003 ng ma compose ko ang kantang ito.


"Kapag nakuha mo ang isang babae na gusto mo. Nanaisin mo talaga na di siya mawala sa iyo."


SANA AY DI MAGWAKAS
Composer:  Arvin U. de la Peña

Intro:

Hindi ko sinasadya
Na ikaw ay aking inibig
Kahit na ikaw ay langit
At ako ay lupa.

do stanza chords

Sana ako ay mapatawad
Sinunod ko lang ang tibok
ng aking puso
Asahan mong ikaw lang
Wala ng iba.

chorus:

Aking mahal ikaw ang ligaya ko
Pangarap kong ito na sa'yo ay nakamit
Sana ay di magwakas
Makakaasa kang pagmamahal ko sa'yo
Ay walang hanggan
Hanggang sa katapusan ng buhay ko
Sa'yo lamang ako.

do stanza chords

Nabihag mo ang aking puso
Nang una kitang makita
Ang pakiramdam kong mabigat
Ay biglang gumaan.

do stanza chords

Ikaw rin ang nagbigay sigla
Sa buhay kong matamlay
Kaya't ikaw na lamang
Wala ng iba.

repeat chorus

*Instrumental*

repeat chorus

repeat chorus

coda:

hanggang sa katapusan ng buhay ko
sa'yo lamang ako.

(Sinuman ang magkagusto sa compose kong ito ay pagsabihan lamang ako dahil tiyak magkakasundo tayo. Mag email lamang sa akin at ilagay ang cellphone number. arvin9595@yahoo.com)

also visit http://arvin95.blogspot.com/2009/12/kanta-ko-reveal.html

Saturday, June 22, 2013

Lumang Sapatos

Makalipas ang limang buwan pagkatapos makagraduate ng college ay nagkita ang estudyante at guro sa hindi inaasahan na pagkakataon. 

Teacher: Kumusta na, saan ka pupunta?

Student: Diyan po ma'm sa mataas na building kasi diyan ako mag aapply ng trabaho.

Teacher: Ha! Mag apply ka iyan ang suot mong sapatos, pangit ng tingnan.  Eh noon pa iyon noong nag-aaral ka pa.

Student: Ma'm hindi po ako bibili ng bagong sapatos hanggat wala pa akong nahahanap na trabaho.



LUMANG SAPATOS
Ni: Arvin U. de la Peña

Maraming hakbang kang ginamit
Kung saan lang mapadpad
Sa mga nalaman ko at natutunan
Halos palagi kitang suot.

Tag-araw man o tag-ulan
Hindi kita nakakalimutan
Dahil ikaw ay nag-iisa lang
Walang pambili ng bago.

Anumang okasyon ang daluhan
Hindi ko ikaw ikinakahiya
Humaharap ako sa kanila ng maayos
Magagandang tulad mo ang suot.

Ngunit ngayon ay iba na
Hindi ka na puwede pang gamitin
Dahil masyado ka ng nasira
Sa paglipas ng ilang taon.

Luma kong sapatos maraming salamat
Malaki ang naging tulong mo sa akin
Naging kasama ko ikaw
Maabot mga pangarap sa buhay.

Tuesday, June 4, 2013

Magkadugo

"Umaasa pa rin ako na balang araw magkakaroon ng kapayapaan sa bansa. Kapayapaan para sa lahat. Walang gulo na kasasangkutan ang bawat isa."


MAGKADUGO
Ni: Arvin U. de la Peña

Dugong Pilipino ang nasa inyo
Nananalaytay sa inyong mga ugat
Pag-ibig sa bawat isa
Bakit mahirap para sa inyo.

Walang katapusang away
Hindi matigil na gulo
Sa simula't sapul pagkagising
Iyon lagi ang aking naririnig.

O kailan, kailan matutupad
Pangarap ko para sa inyo
Kapayapaan sa inyong pamilya
Ay maghari sa inyong mga puso.

Nais ko man kayo ay patigilin
Isipan ay pumipigil sa akin
Hindi raw ako dapat na makialam
Sa laban ng magkadugo.

Wednesday, May 22, 2013

Bikini Open

BIKINI OPEN
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa entablado ay rumarampa
Kagandahan pinapakita sa mga manonood
Talento ay ibinabahagi
Kaseksihan ay hindi pinagdadamot.

Hubad man ang nasa isip ng kalalakihan
Pinapantasya na sana kaulayaw
Pagharap sa mga nanonood komportable
Hindi nakikitaan ng pagkahiya.

Sa harapan ng maraming nagmamasid
Isa lamang ang hangad
Tanghaling nanalo sa patimpalak
Maiuwi ang inaasam na korona.

Kahit halos makita na ang lahat
Tinatago sa katawan masilayan ng iba
Ito ay balewala lamang
Pagkat may hangad na nais makamit.

Bikini Open patimpalak kang kakaiba
Nagiging usap-usapan ka pag natatapos
Mga may magandang hubog ng katawan lamang
Sa iyo ay sumasali.

Tuesday, April 30, 2013

Dakilang Ina

"Sa mga wala ng ina alam ko bawat araw naiisip niyo siya. Lalo na kung nakakakita kayo ng bata kasama ang ina. Tiyak maaalala niyo ang kayo ay bata pa. Hindi niyo makakalimutan ang kayo ay pinapaliguan o kaya ay pinapakain."




DAKILANG INA
Ni: Arvin U. de la Peña

Buong buhay pinagsilbihan mo kami
Pagod at hirap balewala sa iyo
Ang makita kami na maayos ang kalagayan
Iyon lagi ang nasa isip mo.

Maaga pa lamang gumigising ka na
Ginagawa ang gawain sa bahay
Hindi ka katulad ng ibang ina
May katulong na namamahala sa lahat.

Dakila ka aking ina
Kailanman hindi mo kami pinabayaan
Sa pamilya mayroon man problema
Nariyan ka upang humanap ng solusyon.

Kahit kailan di ka pinanghinaan ng loob
Hindi man marangya ang ating pamumuhay
Sa iyo ang mahalaga ay makaraos
May makain sa takdang oras.

Wala ka naman sa mundo
Alaala mo ay hindi makakalimutan
Mga nagawa mo sa amin
Mananatili sa puso at isip.


Monday, April 15, 2013

Drama

"Ang BARKADA ay isa sa mga bagay na parte ng ating buhay. Kahit na simpleng samahan lamang basta walang plastikan at kahit anong trip niyo sa daan basta WALANG IWANAN. Pagalitan man ng magulang, kanya-kanyang DAHILAN. Wala lang LAGLAGAN. Minsan nga gumagawa pa ng paraan para maka jamming lang. Iyan ang tunay na SAMAHAN. Iyong tipong WALANG LIMUTAN kahit sa SIMPLENG ALAALA lang."




DRAMA
Ni: Arvin U. de la Peña

Alam ko noon pa man darating ang panahon na makakalimutan mo ako. Sino ba naman ako di ba? Isang ordinaryo lang ako na tao. Hindi katulad ng mga ibang nakasabayan bilang bata. Mayroon silang naipagmamalaki. Hindi katulad ko na wala masyadong naipagyayabang sa iyo.

Kapag dumaraan ako sa bahay niyo noon kapag nakikita mo ako ay tinatawag mo ako. Bata pa tayo noon. Naglalaro tayo sa inyo. Kasi ikaw lang naman ang may mga laruan na magaganda. Play station o kung ano pa. Ingat na ingat ako noon sa mga laruan mo kasi baka masira ay wala akong pambayad.

Ngayon ibang-iba na talaga. Kapag dadaan ako sa tapat ng bahay niyo ay hindi mo na ako pansin. Hanggang tinginan na lang tayo. Siguro akala mo ay hihirit ako sa iyo ng kung ano gayong hindi ko naman iyon magagawa. Dahil kaya ko naman maka survive sa buhay.

Napakasakit na minsan pag dumadaan ako sa inyo at naroon ang ibang mga kaibigan noong bata pa at nag-iinuman kayo kahit nakikita mo ako at sila ay hindi ako pansin. Balewala lang ako sa pag daan. Ayaw niyo na makisali ako sa inyo. Kahit ganun kayo ay inuunawa ko pa rin kayo lalo na ikaw kasi tanggap ko na ganun ang buhay sa mundo. Minsan nagbabago ang tao kapag naging matayog na.

Ang mga nakaraan natin noong bata pa ay patuloy ko pa rin iniisip. Kasi iyon lang ang panahon na may malasakit ka sa akin. Binibigyan mo ako ng kung ano ang kinakain mo. Kasi ikaw lang naman ang may pera talaga. Kapag namamasyal tayo sa kung saan, pumupunta sa plaza, naliligo sa dagat, o naninirador ng ibon ay masaya talaga. Sayang nga at hindi na iyon maibabalik.

Kung kailan ikaw ay ganyan na sa akin ay hindi ko alam. Inuunawa ko ikaw kasi baka iyon ang ikinasasaya mo. Ganunpaman umaasa pa rin ako na ang dating ikaw na nakilala ko at nakaibigan noong bata pa ay magiging ganun sa darating na mga araw.