ELEKSYON NA NAMAN
Ni: Arvin U. de la Peña
Parang kailan lang ang tatlong -taon na nagdaan. Heto, eleksyon na naman. Muli na naman na natin maririnig sa mga pulitiko ang mga matatamis na salita. Mga salita na kung may matupad man siguro kaunti lang. Minsan pa nga walang natutupad.Naaalala ko nga ang mga pangako ng isang pulitiko. Kapag siya raw ang nanalo ipapatigil niya ang mga pasugalan, magkakaroon lagi ng curfew para maiwasan ng mga kabataan ang gumala sa gabi, at ang droga sisiguraduhin niya raw na walang makakapasok sa lugar.
Puro ka pangako lagi namang napapako. Iyan ang nasabi ko para sa pulitiko pagkalipas ng anim na buwan dahil nanalo siya. Bakit may pasugalan pa rin? Dahilan para ang pera na kinikita na dapat para sa pamilya ay sa sugal lang napupunta. Bakit ang curfew apat na beses lang nangyari? Dahilan para gumala na ulit sa gabi ang mga kabataan na para sa kanila ay delikado. At bakit may droga pa rin? Dahilan para dumami pa ang malulong sa bawal na gamot at dumami pa ang mga adik. Kasi hindi nababawasan ang adik sa halip dumarami.
Kaya ngayon na eleksyon di ko na siya iboboto.Sa mga katulad ko na botante. Sana ang iboto niyo ngayong eleksyon iyong karapat-dapat talaga. Huwag masyadong magtiwala sa pangako. Dahil ang pangako paraan lang iyon para sila ay hangaan kahit na hindi dapat.Ang may tunay na layunin at adhikain para sa ikabubuti at ikauunlad ng bayan ang dapat na iboto.
Friday, October 10, 2008
Pulubi
PULUBI
Ni: Arvin U. de la Pena
Bago pa man sumikat ang araw
Handa ka na sa bagong umaga
Upang harapin na naman
Ang buhay na kaysaklap.
Bakit nga ba naman
Naging isang mahirap ka
Iyon lagi ang sinasabi mo
Nagtitiis sa palimos para mabuhay.
Kahit dinadaan-daanan ka pa
Hindi ka nahihiya
Sapagkat iyon ang ikinabubuhay mo
Ang manghingi ng pera sa kapwa.
Mga kakilala mo noon
Na naging kaibigan mo pa
Di ka man nila pansin
Hindi ka nagdaramdam.
Dahil nabatid mo na
Na ang buhay ay sadyang ganyan
Kapag nasa taas na ang isang tao
Wala nang kinikilala.
Ni: Arvin U. de la Pena
Bago pa man sumikat ang araw
Handa ka na sa bagong umaga
Upang harapin na naman
Ang buhay na kaysaklap.
Bakit nga ba naman
Naging isang mahirap ka
Iyon lagi ang sinasabi mo
Nagtitiis sa palimos para mabuhay.
Kahit dinadaan-daanan ka pa
Hindi ka nahihiya
Sapagkat iyon ang ikinabubuhay mo
Ang manghingi ng pera sa kapwa.
Mga kakilala mo noon
Na naging kaibigan mo pa
Di ka man nila pansin
Hindi ka nagdaramdam.
Dahil nabatid mo na
Na ang buhay ay sadyang ganyan
Kapag nasa taas na ang isang tao
Wala nang kinikilala.
Sa Tabing Dagat
SA TABING-DAGAT
Ni: Arvin U. de la Peña
Sa aking pagpunta sa tabing-dagat. Napansin ko na hindi lang pala ako ang tao. Marami rin pala kami. Ngunit may kanya-kanyang puwesto sa pagmumuni-muni. Ang iba ay may hinahawakan na bato at itinatapon sa dagat. Ang iba naman ay nakatingin lang sa hampas ng alon, pero alam ko na malalim ang iniisip. Nasabi ko tuloy sa aking sarili " bakit kaya ito ang madalas na pinupuntahan ng ilang tao kapag sila ay galit ".
Akma na akong pupuwesto sa isang tabi ng ako ay lapitan ng isang tao. " Pare dito mo rin ba sa tabing-dagat ibubuhos ang iyong galit ". Takang-taka talaga ako sa tanong niya. Dahil mahirap ang magkunwari sinabi ko na lang sa kanya ang totoo." Oo pare galit ako kaya dito ko na lang sa tabing-dagat pahuhupain ang aking galit "." Ako rin pare galit ako kaya naisipan ko na dito na lang sa tabing-dagat pumunta para makaiwas pa sa gulo ", sabi niya sabay na puwesto sa isang tabi.Naisip ko sana lahat ng tao kapag may kinagagalitan sa tabing-dagat na lang pumunta.
Bukod pa sa sariwa ang hangin, hindi ka pa makakasakit sa kapwa o di kaya ikaw pa ang masaktan.Ang pag-inom ng alak para mawala ang galit sana ay itigil na rin iyon.Bukod pa sa magagastusan ng pera ay malalasing ka pa. Baka maging dahilan pa para mag-init ang ulo at maging sanhi ng pakikipag-alitan. O di kaya makapag-isip pa ng masama dahil lasing na nga.Ang paggamit ng ipinababawal na gamot para lang mawala ang galit. Sana ay itigil na rin iyon. Tuluyan lang na masisira ang utak.
Dahil sa pagtikim ng bawal na gamot ay hindi mapipigilan ang sarili na di na ulit iyon tikman.Pumunta na lang sa tabing-dagat kung ikaw ay galit. Galit sa sarili o di kaya galit sa isang tao. Wala pang masasaktan o kaya mawawala sa iyo.Sa tabing-dagat mo na lang ibuhos ang iyon galit.

Backer
BACKER
Ni: Arvin U. de la Peña
Noong nasa elementarya pa ako, lagi kong natatanong sa aking sarili. Hangang kailan kaya ang pag-aaral ng isang estudyante? Hangang kailan ang isang estudyante ay matutulad na sa ibang mga tao na pumapasok na sa opisina? Sabi naman ng isa kong kaklase pag makatapos raw sa kolehiyo sigurado na makakapasok na sa opisina ang isang naging estudyante para magtrabaho at tumanggap na ng sahod. Sabi ko naman sa kanya "bakit si Manuel na kapitbahay namin tapos ng commerce sa kolehiyo tapos ay walang trabaho". " Baka walang backer kaya di nakapasok", iyon ang sabi niya sabay na alis.
Sa pagkarinig ko sa sinabi niya nanghina talaga ako. Eh, paano? Masasayang lang pala ang pinagpaguran sa paaralan kapag walang backer sa oras ng pag-apply sa trabaho.Nang nasa high school naman ako. Iba naman ang naging tanong ko sa aking sarili. Ano? kaya ang mabuting kurso sa kolehiyo. Ano? kaya ang dapat kong kunin sa kolehiyo. Sabi naman ng kaibigan ko. Dapat ang kunin raw na kurso sa kolehiyo iyong in-demand talaga. Iyong kurso na madali kang makahanap ng trabaho. Sinabi ko naman sa kanya, " bakit ang kamag-anak mo na si Cesar tapos ng computer course walang trabaho". " Wala kasing tumatanggap sa kanya", iyon ang sagot niya. " Di ba in-demand ang kurso niya", tanong ko pa sa kanya. " Oo nga kaso wala talagang backer kaya di tinatanggap", iyon ang sagot niya sabay na nagpaalam sa akin.
Sa pag-alis niya nasabi ko talaga bakit iyon na lang palagi ang sinasagot kapag walang trabaho ang isang tapos sa kolehiyo. Hindi makapagtrabaho dahil walang backer.Ngayong nasa kolehiyo na ako. Iba naman ulit ang naging tanong ko sa aking sarili. Kung makagraduate na ako matupad kaya ang pangarap ko noong kinukuha ko palang ang kurso? Sabi naman ng kaklase ko. Para daw makapagtrabaho tayo dapat magtake ng board exam at makapasa. Sabi ko naman sa kanya. " Di ba? pang nauna sa atin sa pag-aral na si Marlin pasado ng board exam pero wala pa ring trabaho". "Sa kurso natin pare ang dapat mayroon ka talagang backer para madaling makapagtrabaho pag nakapasa na ng board exam". " Inuuna kasi ng mga nagtratrabaho na sa opisina na makapasok ang kanilang kamag-anak, pinsan, kaibigan o kaya anak na makapagtrabaho kaya mahirap kapag walang backer", dugtong pa niya sabay na alis dahil may pupuntahan pa. Sa pag-alis niya inisip ko talaga ang sinabi niya sa akin.
Bakit? kailangan talaga ng backer para makapasok sa nais na pagtrabahuan kahit na kuwalipekado pa. Wala na bang ibang paraan para matanggap ang isang aplikante na walang backer. Nang sa ganun ay makapagtrabaho.Paano na lang kung ang kasabay mo sa pag-apply sa trabaho ay galing sa de kalidad na paaralan, tapos ay wala ka pang backer. Sigurado na mahirap ka na matanggap. Ano sa palagay niyo?

Buwaya
BUWAYA
Ni: Arvin U. de la Peña
Ang mga buwaya akala ko
ay sa tabing ilog lang
makikita at mapapansin
Hindi na pala ngayon
Iba na pala sila.
Nakapagsusulat na pala sila
at pumapasok na sa opisina
Doon ay may ginagawa
silang tungkulin para mabigyan ng sahod.
Ngunit ang buwaya ay buwaya talaga
Kahit saang angulo tingnan
Makikita talaga ang pagkagahaman
Pero hindi sa pagkain
Kundi sa posisyon sa GOBYERNO

Patawad
PATAWAD
Ni: Arvin U. de la Peña
Patawad kung minsan
naisasama ko kayo
sa aking mga sinusulat
na hindi niyo nalalaman
Nais ko lamang ay
maging bahagi kayo
sa aking tagumpay
Patawad din kung minsan
hindi ko kayo pinapansin
Sa mga araw kasi na iyon
ay may naiisip akong
isulat na isang kuwento.
Ni: Arvin U. de la Peña
Patawad kung minsan
naisasama ko kayo
sa aking mga sinusulat
na hindi niyo nalalaman
Nais ko lamang ay
maging bahagi kayo
sa aking tagumpay
Patawad din kung minsan
hindi ko kayo pinapansin
Sa mga araw kasi na iyon
ay may naiisip akong
isulat na isang kuwento.
Pangulo
PANGULO
Ni: Arvin U. de la Peña
Ang pangulo ng isang bansa
dapat ay mayroong karisma
at bumibilib ang mga tao
Sa mga pangyayaring gusot
dapat ay matatag talaga
Katulad ng punong niyebe
Bagyo man ang dumating
di matatangay ng hangin.
Ni: Arvin U. de la Peña
Ang pangulo ng isang bansa
dapat ay mayroong karisma
at bumibilib ang mga tao
Sa mga pangyayaring gusot
dapat ay matatag talaga
Katulad ng punong niyebe
Bagyo man ang dumating
di matatangay ng hangin.
Subscribe to:
Posts (Atom)