Saturday, November 24, 2018

Bye

Inihahandog ko ang sinulat kong ito para sa babaeng makita sa larawan.


BYE
Ni: Arvin U. de la Peña

Bye. Lahat tayo ay nakakapagsabi at nasasabihan ng bye. Minsan kung ikaw ay pagsabihan ng bye ay nakakaramdam ka ng lungkot lalo kung ang nagsabi ay minsan mong minahal. Pagsasabihan ka ng bye para sa nangyaring relasyon na hindi na muling mauulit dahil tapos na. Iyon ay dahil nagkaroon ng alitan, hidwaan, o hindi pagkakaintindihan. Magiging alaala na lang ang lahat.

Subalit sa buhay ay napagsasabihan ka rin ng bye na ang dulot sa nagsabi ay bilang inspirasyon sa iyo at sa buhay niya. Magsasabi sa iyo ng bye dahil aalis na siya papunta ibang lugar o bansa para magtrabaho ng sa ganun ay matupad niya ang pangarap sa buhay at pangarap para sa iyo na sinabihan ng bye. Maganda ang ganun na pag bye. Dahil sa bawat pawis na lumalabas sa katawan, sa bawat pagsusumikap sa pagtrabaho ay mabuti ang dulot. May magandang kahihinatnan.

Bye, bye. May bye din na masakit iyon ay dahil sa pag bye ay wala ng balikan. Hindi na muling makikita, makakausap, at makakasalamuha sa lungkot at saya, sa inuman at kantahan ang isang tao. Iyon ay ang pag bye na pamamaalam sa mundo. Hindi maikakaila na lahat tayo ay may katapusan. May pagwawakas ang ating buhay. Sa una ay hindi natin matanggap ang ganun na bye. Pero kalaunan ay unti-unti nating matatanggap na ang buhay ay sadyang ganun. Darating ang araw na kukunin na tayo ng Diyos na siyang nagbigay buhay sa atin.

May mga lugar o pasyalan tayong napupuntahan. Pero hindi tayo nagtatagal doon. Ilang araw lang o kaya oras ay aalis na. Mag bye na sa lugar o pasyalan pero isang kasiyahan ang hatid dahil ating napuntahan. Samantala ang ibang tao ay hindi makapunta dahil walang panahon o walang panggasto.

Bye, bye, bye. Anumang uri ng bye ang maranasan natin dapat lang tayo maging handa ng sa ganun hindi tayo masaktan masyado. Oo mahirap ang pag move on dahil may nag bye sa atin pero dapat din natin isipin at mahalin ang ating sarili. Tanggapin ang katotohanan na sadyang may pag bye.

Life is all about moving on.

Wednesday, October 24, 2018

The Leela Show

This post is all about Leela. She loves to travel different places practically and cheap. You can contact Leela on her social media account. If you like to follow her she's active on instagram and facebook page.

FB Page: https;//www.facebook/-officialtheleela show

Instagram: www.instagram.com/theleela show

Email: leelaforbush@gmail.com














>





















































Thursday, October 18, 2018

Mga Payo Ni Kuya Arvin ( Episode 1 )

"Minsan ang problema ay nabibigyan ng solusyon sa pamamagitan ng mga salita. Kung mayroon problema ay mangyari na magtanong lang sa akin baka makatulong ang aking mga salita."


1.) Kuya Arvin, may bf po ako ngayon.  Magdalawang taon na kami. Mahal ko siya at mahal niya rin ako. Ang problema ko po ay hindi ko makalimutan ang kababata kong crush. Na noong bata pa kami gusto ko talaga na sana pag dalaga na ako ay ligawan niya ako. Hindi po nangyari iyon dahil sa pag high school namin ay sa Maynila na sila naninirahan ng pamilya. Magka friend kami sa facebook at tuwing nakikita ko mga upload niyang pictures kasama ang gf niya ay nasasaktan ako. Ano po ang mabuti kong gawin. Payuhan mo sana ako. Salamat.......Melody S.

-----Sa iyo Melody ang masabi ko lang ay past is past. Mga bata pa kayo noon. Hindi naman naging kayo o kahit panligaw sa iyo hindi nangyari. Walang dahilan para ka masaktan. Selos na walang dahilan ang nangyayari sa iyo. Oo, normal lang ang magselos. Pero sa pag selos dapat naging kayo ng tao na mahal mo, kasi ayaw mo na maagaw siya ng iba. Mag focus ka na lang sa bf mo ngayon. Mahalin mo siya ng lubos kagaya ng pagmamahal niya sa iyo. Darating din ang araw na makakalimutan mo ng tuluyan ang kababata mong crush lalo na kung nakabuo na kayo ng pamilya ng bf mo at mayroon ng anak na sinusubaybayan ang paglaki.

2.) Kuya Arvin, bakit sa kabila na ako ay maganda, may magandang trabaho ay iniwan pa rin ako ng bf ko. Nagtataka ako bakit pinagpalit pa ako sa iba......Jelyn M.

-----May mga lalaki na sadyang di makuntento sa isang babae. Ang naging bf mo Jelyn ay ganun. Ang mabuti mong gawin ay mag move on ka. Ipakita mo sa kanya kung sino ka talaga o anu pa ang mangyayari sa buhay mo na pagsisisihan niya bakit ka iniwan. Day by day, time will heal wounds. Darating ang araw na ang sakit na dinulot niya sa iyo ay mapapalitan ng kasiyahan. Lalo at maganda ka at may trabaho. Malay mo may mga lalaki sa paligid mo na naghihintay na maging available ka para ligawan. At handa silang mahalin ka na hindi lolokohin katulad ng ginawa ng naging bf mo. 

3.) Kuya Arvin, may bf po ako. Nagbabalak na po kaming magpakasal. Pero natatakot ako kasi minsan sumpungin ang bf ko. Kapag may hindi nagustuhan na ginawa ko ay inaaway ako. Minsan nga ay sinampal ako at sinaktan. Ano mabuti kong gawin. Magpapakasal ba ako sa kanya o hindi lang muna.......Irene T.

-----Ang mag syota ay humaharap talaga ng mga pagsubok. Ang pagsubok na iyon ang magiging batayan kung gaano katatag ang pag iibigan. Sa sinabi mo tungkol sa bf mo ang maipapayo ko ay huwag ka munang magpakasal. Girlfriend ka pa nga lang ay sinasaktan ka na. Ano pa kaya kung kayo ay mag asawa na. Pagsabihan mo ang bf mo tungkol sa ugali niyang ganun. Baka magbago pa ang ugali niya. Hindi pa naman huli ang lahat. Mahirap kung kasal na kayo at di magbago ang ugali niya at maging dahilan para hiwalayan mo siya. Magasto ang pag annul sa kasal. At isa pa it will take years para mawalan ng bisa ang kasalan na naganap. Obserbahan mo muna ng mabuti ang tunay na ugali ng bf mo. Nasa huli ang pagsisisi.

Monday, October 1, 2018

Blog 10th year anniversary

"Sa pag-ibig huwag mag expect ng 100 percent para sa isang minamahal o gusto na tao. Dapat ay 
50-50 lang para sakali kung mawala man siya sa buhay mo o hindi mangyari ang ini expect mo sa kanya para sa inyong dalawa ay hindi ka masyadong masaktan. Mahalin din natin ang ating sarili. Huwag magpakatanga para sa iisang tao lang. Sayang ang mga pagkakataon na puwede kang maging masaya dahil sa ibang tao."


Parang kailan lang ang halos bawat araw ay nakakadalawa o tatlo ako pumunta ng internet cafe para mag post ng sinulat ko at pumunta ng mga ibang blog. Alaala na lang ang lahat ng iyon. 
October 2008 ng gawin ko ang blog kong ito.

Nakakapagod rin ang palaging nag-iisip ng isusulat na kuwento, tula, at lalo ang pag compose ng kanta para e post. Kaya sa ngayon ay bihira na lang ako mag sulat. Pero ganun pa man ay hindi ko nakakalimutan ang pag blog. Dahil sa pag blog marami rin akong nabasa na mga sinulat ng mga ibang bloggers at nalaman ang istorya ng buhay nila. Mga nakitang mga pictures sa mga lugar na pinuntahan nila.

Sa 10 years ng blog kong ito napansin ko na marami ring pagbabago. Maraming bloggers na ka exchange link ko ang hindi na aktibo sa pag blog. Ilang taon ng walang latest post. Ganun pa man alam ko masaya sila sa buhay nila kasi may pinagkakaabalahan sila na makatulong talaga sa buhay nila. At alam ko na kahit wala na sila panahon sa ngayon pag blog ay nasa isip pa rin nila ang kanilang blog. Naniniwala ako na babalikan din nila ang pag blog.

Kung napapansin ninyo ay paminsan-minsan na lang ako mag post. Hindi katulad ng mga nakaraan na taon na sa isang buwan ay marami akong post. Kung noon kapag may naisip ako na kuwento kapag naumpisahan pagsulat sa papel ay tapusin talaga. Malaki na ang dalawang araw na hindi matapos. Sa ngayon kapag may naisip ako na isulat na kuwento kahit naumpisan ng isulat sa papel ay di ko agad matapos iyon ay dahil may pinagkakaabalahan din ako. May mga iniisip din ako at ginagawa na para sa buhay ko. Alam ko ganun ang ibang mga bloggers sa ngayon na hindi na aktibo sa pag blog.

Sa huli nais kong magpasalamat sa lahat ng mga bloggers na naging bahagi ng blog ko. Salamat sa inyong mga pagbisita sa blog ko. Pagtingin at pagbasa ng sinulat ko. 

Muli happy 10th year anniversary ng blog ko, Written Feelings.

Monday, September 17, 2018

Sino Ako (Hiram Sa Diyos)


Sino Ako (Hiram Sa Diyos)
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa ngayon na buhay pa tayo kapag may patay na inililibing minsan pinatutugtog ito Sino Ako (Hiram Sa Diyos). Nakakalungkot kapag naririnig natin ang kantang ito dahil lahat tayo ay may mahal sa buhay na pumanaw na. Darating din ang araw na tutugtugin ito na hindi na natin naririnig iyon ay dahil tayo na ang pintutugtugan dahil patay na tayo. 

Hiram sa Diyos ganyan ng buhay natin. Darating ang araw na tayo ay mamamatay. Kung ano ang mayroon tayo lahat ng iyon ay hindi madadala sa kamatayan. Maiiwan natin sa lupa ang mga bagay, ari-arian, pera o anu pa sa ating pagkamatay. Lahat ng mga iyon ang makakatamasa ay ang mga mahal sa buhay na naiwan na buhay pa, pero darating din ang araw ng kanilang paglisan sa mundo.

Marami ang nagkakasakit ng malubha. Sakit na kailangan ng malaking halaga para sakali ay magamot. Kung gumaling ay nadugtungan lang ang buhay. Nabigyan uli ng pagkakataon na makapiling ang mga mahal sa buhay. Nabigyan uli ng panibagong buhay para magawa pa ang dapat gawin sa mundo. Ngunit iyon ay may wakas din katulad ng mga tao na ng magkasakit ng malubha ay umasa lang sa mga herbal medicine dahil walang pera pero gumaling din. 

Masaya ang mabuhay. Nakakaramdam tayo ng kasiyahan lalo kung nagagawa natin ang gusto. Nakakamtan ang mga pangarap. May nagmamahal at minamahal tayo. Masarap ang ganun dito sa lupa. Pero walang hihigit sa kasiyahan na nadarama kung kapiling na natin ang Diyos na siyang nagbigay buhay sa atin sa lupa. Dahil sa kabilang mundo naroon ang tunay na kasiyahan Walang away, walang gulo, walang problema na mararamdaman doon kapag kasama na ang Diyos.

Lord, marami akong kasalanan sa iyo. Hindi man ako katulad ng iba na laging nagsisimba ay naniniwala pa rin ako sa'yo. Sinisisi man kita minsan sa mga pagsubok na dumarating sa akin ay nais kong humingi ng tawad. Alam ko may araw din na mamamatay ako, kukunin mo na ako para mapunta sa mundo mo. At kung sakali man na kukunin mo na ako ay nais kong magpasalamat sa iyo na minsan binigyan mo ako ng pagkakataon na mabuhay. Makita, magmahal, mahalin, maramdaman, at malaman ang mga kaganapan sa lupa.

Tuesday, September 4, 2018

Bus Terminal

"Kung ang dalawang nag ibigan ay tunay na nangako na magmamahalan talaga habang buhay kahit magkalayo ay hindi hahanap ng iba."


BUS TERMINAL
Ni: Arvin U. de la Peña

1970: Sa isang bus terminal ay naghihintay na umalis na ang bus na sinasakyan ang mag asawang Ismael at Samantha kasama ang 3 taon gulang na anak na lalaki ang pangalan ay Jimwel. First time na pupunta ng Mindanao si Ismael sa bahay nina Samantha para magbakasyon dahil mula ng magka asawa sila ay umuupa lang sila ng isang kuwarto. Sapat lang ang kita nilang pera sa trabaho hindi makapagbakasyon sa kani-kanilang lugar. Ganunpaman ay nagsumpaan sila na magmahalan hanggang pagtanda at hindi na iibig ng iba.

Dahil hindi pa umaalis ang bus ay nagpaalam muna si Ismael kay Samantha na bibili muna ng slice bread para may makain sila habang nagbiyahe. Sa kabilang kalsada siya nakabili ng slice bread. Nang ibigay na sa kanya ang sukli ng tindera at aalis na ng bigla ay napagtripan siya ng isang lalaki na saksakin sa tiyan, mabuti hindi siya napuruhan. Tinulungan siya ng mga tao at dinala sa ospital. Nang matapos na ang operasyon agad ay sinabi niya sa doktor na kailangan niyang pumunta sa terminal ng bus dahil naroon ang asawa at anak niya naghihintay pero hindi siya pinayagan. Magpagaling daw muna, umiyak na lang si Ismael.

Samantala ng mga sandaling iyon si Samantha ay sakay na ng bus papunta ng Mindanao. Labis ang kanyang pagtataka bakit hindi na bumalik ang kanyang asawa. Nasabi niya na lang sa sarili na magkikita rin naman uli sila dahil magbabakasyon lang siya sa kanilang lugar.

Ilang araw na lang at babalik na si Samantha sa Maynila ng lusubin ng mga rebelde ang kanilang bayan. Sinunog ang mga kabahayan at dinala ang mga ari arian na puwede mapakinabangan. Walang nagawa ang mga nakatira kundi ang lumikas at tumira na lang sa ibang lugar sa takot na baka bumalik uli ang mga rebelde. Tinulungan ng gobyerno silang mga apektado na magkaroon ng matitirhan at mapagkakakitaan. Ang naging kabuhayan nilang mga apektado ay pagsasaka at pagtatanim ng iba't ibang klaseng gulay na maibebenta. Hindi na pinayagan si Samantha ng kanyang mga magulang na bumalik pa ng Maynila. Tumulong na lang daw sa kanila para sa ikabubuhay.

Si Ismael naman ay patuloy lang sa masipag na pagtrabaho. Umaasa pa rin siya na muli ay makikita ang asawa niyang si Samantha at ang anak na si Jimwel. Paminsan-minsan ay pumupunta rin sa bus terminal na huli silang nagkasama ng asawa at anak para tumambay at sariwaan ang mga nakaraan.

1990: Si Ismael ay isa ng supervisor sa SM Supermarket Manila. Sinabi niya na kung sakali ay may mag apply na ang pangalan ay Jimwel Bagante ay sabihan agad siya. Dahil gusto niyang makita ng personal at makausap.

Ilang buwan lang ay may nag apply nga na ang pangalan ay Jimwel Bagante. Agad ay tinawagan sa telepono ang supervisor na si Ismael. Ilang sandali ng ituro ng tauhan ni Ismael kung sino si Jimwel Bagante agad ay sinabihan niya na sumama sa kanyang opisina. Sa loob ng opisina ay tinanong ni Ismael si Jimwel kung tagasaan at ano ang pangalan ng mama niya. Nang sabihin ni Jimwel na siya ay taga Mindanao at ang pangalan ng mama niya ay Samantha Ibarta agad ay niyakap ni Ismael si Jimwel. Sinabi na anak niya siya at asawa ang mama niya na matagal ng hinihintay na makasama uli. Ikinuwento lahat ni Ismael ang mga nangyari bakit nagkalayo. Ganundin ay ikinuwento ni Jimwel sa ama niyang si Ismael ang kabuhayan nila sa Mindanao at kung bakit siya lumuwas ng Maynila para magtrabaho.

Kinabukasan agad ay pumunta sa bus terminal ang mag amang Ismael at Jimwel para pumunta ng Mindanao. Ang bus terminal na kung saan doon sila nagkahiwalay na mag asawa. Nang umalis na ang bus para Mindanao ay sabik na agad si Ismael na makasama uli ang pinakamamahal niyang si Samantha.

Lumuluhang nilapitan at niyakap ni Samantaha na sa mga sandaling iyon ay kumukuha ng mga gulay para ibenta sa palengke ng makita ang mahal niyang si Ismael kasama ang anak na si Jimwel. Mahigpit na niyakap ni Samantha si Ismael na siya lang niyang mahal. Ganundin din si Ismael niyakap ng mahigpit si Samantha.

Kinuwento ni Samantha kay Ismael ang mga nangyari bakit di na siya nakabalik ng Maynila. Naunawaan at naintindihan naman ni Ismael si Samantha. Ikinuwento din ni Ismael kay Samantha ang nangyari sa kanya ng bumili ng slice bread. Ang mahalaga sa ngayon ay magkasama uli sila. 

Pagkaraan ng ilang linggo ay nakapag pasya si Samantha na muli ay manirahan sa Maynila kasama ang asawa at anak. Malugod naman na tinanggap ng mga magulang ni Samantha ang desisyon. Magpapadala na lang lagi ng pera bawat buwan.

Muli pagkalipas ng 20 years ay nagsama muli sa iisang tirahan ang mag asawang Ismael at Samantha kasama ang malaki na nilang anak na si Jimwel.

Thursday, June 14, 2018

My Spoken Poetry # 1 ( Aking Inspirasyon )

Minsan may pag-ibig na darating na gusto talaga nating ipaglaban. Gustuhin man natin na bumitaw hindi natin magawa dahil siya ay nagbibigay kaligayahan sa atin.



MY SPOKEN POETRY # 1
(Aking Inspirasyon)
Ni: Arvin U. de la Peña

Tomorrow is another day
Bakit sa kabila na ibang araw na ay sakit
pa rin sa dibdib ang nararamdaman ko
Sakit sa puso, pighati na dulot mo
Dahil mahal kita, labis kitang mahal
Pero sa kabila ng lahat balewala ako sa'yo
Hindi mo pansin ang tulad ko
Kung bakit ay ikaw lang ang nakakaalam.

Nagpakalayo ako, pumunta ng ibang lugar
Nagbabakasakali na malimutan ka
Nagbabakasakali na may pumalit sa iyo
Pero bigo talaga ako
Bawat tingin ko sa mga babae
Mukha mo lagi ang nakikita ng puso at isip ko
Ikaw at ikaw pa rin ang sinisigaw ng aking damdamin.

Minsan nagpapapansin pa rin ako sa'yo
Tiniteks ka, mini message sa facebook
Baka sakali may kaunti na akong puwang sa puso mo
Pero minuto, oras, araw, lingo, buwan at taon ang lumilipas
ay walang reply mula sa iyo
Napakasakit
Sa bawat pagtrabaho ko, sa bawat pawis na lumalabas 
sa aking katawan
Ikaw ang inspirasyon, kahit ramdam ko na wala akong
maaasahan mula sa'yo
Hindi mo yata ako matututunan na mahalin.

Sa bawat paglalaro ko ng basketball
Sa bawat pag dribol ko
Sa bawat pag shoot ko ng bola para sa iyo iyon
Dahil sa bawat galaw ko, sa bawat pag ikot para sa buhay
Ikaw ang inspirasyon ko, walang iba
Lumipas man ang panahon
Hindi mag-iiba ang pagtingin ko sa'yo
Lagi pa rin akong aasa na may oras, may araw
Ang mga pagpaparamdam ko sa'yo ay bibigyan mo ng halaga.

Inspirasyon, ang inspirasyon sa iba ay nagbibigay kaligayahan
Nagiging dahilan para matupad ang mga pangarap, na mula 
pagkabata ay inaasam
Sana itong sa akin na inspirasyon ay may magandang mangyari
Sabihin man na baliw ako sa'yo ay aking tatanggapin
Hindi bale ng baliw ako sa inspirasyon
Basta hindi lang ako baliw.

Saturday, April 28, 2018

IKAW (a song)

"Ito ang bago kong compose na kanta. At compose ko ito para kay Ping Gomez na siyang nasa larawan na nagtrabaho sa Tourism Office sa Mandaue City."


IKAW
Compose by: Arvin U. de la Peña

Intro:

Sa pag-ibig ilang beses na rin akong nabigo
Ilang beses na nasaktan
At sa bawat kabiguan ko
Isa lang lagi ang hiling sa maykapal
Matagpuan ko tunay na nagmamahal
Matagpuan ko iibigin kung sino ako.

(do stanza chords)
Nais ko ring lumigaya katulad ng iba
Magkahawak kamay sa paglakad
Kapwa dinadama ang pag-ibig na kaysarap
At ngayong natagpuan ko na
Sana ay maging pang habambuhay.

chorus:

Ikaw na ang ligaya ko
Sa iyo ay lumalakas ako
Sana ay hindi ka magbago
Dahil ikaw na ang mundo kong
kaytagal na hinihintay.

(do stanza chords)
Mga pagsubok sa pag-ibig at
sa buhay
Kapwa natin mararanasan habang tumatagal
Sana ay hindi ka bumitaw
Pangako mo sa akin ay tuparin
Dahil ako ay masasaktan kung ako
ay iiwanan mo.

repeat chorus

bridge:

Inspirado ako lagi dahil sa'yo
Palagi kang laman ng isip
Kahit saan ako magpunta.

repeat chorus

*Instrumental*

repeat chorus

repeat chorus

coda:

dahil ikaw na ang mundo kong
kaytagal na hinihintay.....

Thursday, April 5, 2018

Ibigin

Inihahandog ko ang sinulat kong ito kay Ping Gomez. Nagtrabaho po siya sa tourism office sa Mandaue City.


IBIGIN
Ni: Arvin U. de la Peña

Ibigin natin ang lahat
Pag-ibig na walang kapalit
Lahat na narito sa mundo
Tao, hayop, bagay, at kalikasan.

Sa bawat araw marami tayong nakakasalamuhang tao
Anumang pag-uugali mayroon sila
Ipagpasensya at unawain dapat
Katulad ng ginagawa sa mahal sa buhay.

Hindi natin sila kauri
Pero sila ay nakakaramdam din ng sakit
Nagbibigay naman sila ng saya sa atin
Kaya pakainin at alagaan ng mabuti.

Minsan mahal, minsan mura ang halaga mayroon tayo
Anuman iyon naging makabuluhan sa atin
Hindi naman magkaroon ng saysay
Itago o kung hindi ibigay sa nangangailangan.

Nang mamulat ang ating isipan nariyan na iyan
Malaking parte sila sa buhay natin
Huwag hayaan na masira ang kalikasan
Dahil tayo na tao rin lang ang maaapektuhan.

Friday, March 9, 2018

Pag-ibig Na Hinintay

"Sa buhay, darating ang tao na para sa iyo talaga. Hindi napunta sa iba dahil nakalaan sa iyong puso para mahalin mo ng lubos."


PAG-IBIG NA HININTAY
Ni: Arvin U. de la Peña

1990. Pagkatapos mag graduate ng kolehiyo ni Emerson Mondera ay sumama siya sa kanyang tiyuhin sa Manila na may trabaho bilang electrician. Napa wow si Emerson sa kanyang unang salta sa Manila. Nasabi niya sa sarili ganito pala ang lugar na pangarap puntahan ng mga taga probinsya na gustong mag trabaho.

Sa ilang araw na pananatili ni Emerson sa Manila ay sinubukan niyang mag apply ng trabaho sa isang agency. Pagkatapos ng interbyu ay sinabihan siya na tatawagan na lang sa kontak number ng telepono na nakasulat sa biodata. Sa ganun ay umasa na si Emerson na matatanggap. Hindi na siya nag apply pa sa iba.

Habang hindi pa tinatawagan si Emerson ng agency ay nag trabaho lang muna siya bilang konduktor sa jeep. Sa ganun na uri ng trabaho ay nakakabisado niya ang lugar sa Manila.

Minsan habang bumibiyahe sila ay nakita niya na may babae na nagpapasaklolo dahil may hinahabol at ang hinahabol ay papalapit sa jeep na pinag konduktoran niya. Bigla ng mapalapit ang hinahabol ay sinunggaban niya at sinuntok at kinuha niya ang bag na inagaw sa babae. Laking pasasalamat sa kanya ng babae na nursing student dahil naroon sa bag ang mahalagang gamit at pera. Labis na nagandahan si Emerson sa babae. Nahulog agad ang kanyang damdamin at nasabi niya sana maging kasintahan niya. Sobra siyang nasiyahan ng makipag kamay ang babae dahil aalis na at nagpakilala na siya si Kyle Ortega.

Araw at gabi ay laman na ng isip ni Emerson si Kyle Ortega. Lagi niyang sinasabi na kung muli ay makita niya ay makipagkilala siya at imbitahin na mamasyal. Sa pag konduktor ni Emerson at pagtawag ng maging pasahero ay lagi siyang tumitingin sa paligid. Nagbabakasakali na muli makita si Kyle Ortega pero lagi siyang bigo.

Nang tawagan na si Emerson ng agency para mag trabaho ay napunta siya sa plantasyon ng
Coca-Cola. Naging masipag si Emerson sa kanyang trabaho. Inspirasyon niya si Kyle Ortega. Hanggang siya ay ma promote bilang supervisor. Maraming magagandang babae rin ang nakatrabaho niya pero hindi siya nanligaw dahil si Kyle Ortega pa rin ang laman ng puso at isip niya.

Samantala, si Kyle Ortega ay isang nurse sa Makati Medical Center. Bawat nagiging boyfriend ni Kyle Ortega ay nagkakahiwalay din sila. Nakailang boyfriend na rin siya. Hindi niya maintindihan kung bakit kasal na lang ang kulang ay nagbabago ang isip ng lalaki at minsan siya, dahilan para di magkaintindihan at maghiwalay.

Nang mauso na ang cellphone agad ay bumili si Emerson. Sa bawat paghawak niya ng cellphone ay nasasabi niya sa sarili sana may cellphone number siya ni Kyle Ortega para matawagan o ma teks.

Sa paglipas pa ng ilang taon ng magkaroon na ng facebook ay nabuhayan ng loob si Emerson na makita uli si Kyle Ortega. Nang magkaroon na siya ng facebook account agad ay search niya ang pangalang Kyle Ortega. Sa result ay marami ang Kyle Ortega pero ng makita niya ang isa ang damit ay sa nurse ay nasabi niya sa sarili na ito na ang matagal na niyang hinahanap mahigit 20 years.

Tiningnan ni Emerson ang mga pictures. Hindi nga siya nagkamali dahil naroon din ang mga pictures ni Kyle Ortega noong nag aaral pa ng kolehiyo. Agad ay nag message si Emerson. Nagpakilala na siya ang konduktor ng jeep noon na tumulong sa kanya ng inagaw ang bag niya ng snatcher. Sinabi rin ni Emerson na isa na siyang supervisor sa Coca-Cola Company. Hiningi niya ang cellphone number ni Kyle Ortega na ibinigay din naman. Tinawagan ni Emerson si Kyle Ortega. Sinabi niya ang lahat kay Kyle Ortega lalong lalo na ang kanyang nararamdaman mula pa noong 1990 ng makilala siya. Naantig ang puso ni Kyle Ortega sa mga sinabi sa kanya ni Emerson.

Naging madalas ang pagkikita nina Emerson Mondera at Kyle Ortega. Lagi silang namamasyal. Kalaunan ay naging magkasintahan sila.

Taong 2010 ng ikasal silang dalawa.

Friday, February 2, 2018

Night Club Dancer (The Rodrigo and Mocha, love story)

"Sa tamang panahon, may isang taong magpapatunay sa'yo kung bakit para ka sa kanya. At kung bakit hindi ka para sa iba."


NIGHT CLUB DANCER
(The Rodrigo and Mocha, love story)
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa isang sulok sa loob ng night club. Habang unti-unting tinatanggal ni Mocha ang kanyang saplot ay napapaluha si Rodrigo. Sa musika na nakakaakit, alam niya na halos lahat ng mga lalaki na nasa loob pinagnanasaan ang maganda niyang kasintahan. Nang tatanggalin na ni Mocha ang kahuli-hulihang saplot sa katawan na inaabangan ng mga nag-inuman bigla ay umalis na si Rodrigo.

Habang nag drive ng kanyang sasakyan lungkot ang nararamdaman niya. Dahil masakit man sa kalooban ay kailangan niyang tanggapin ang uri ng pagkatao ng kasintahan.

Mula sa mayaman na pamilya si Rodrigo. Maraming magandang babae ang nakilala at nakaibigan niya. Marami ring babae ang sa kanya ay nagpaparamdam. Pero lahat sila ay hindi niya nagustuhan. Si Mocha lang ang nagustuhan niya ng di sinasadya nakabanggaan habang naglalakad.

Isang gabi habang naglalakad si Rodrigo papunta sa resto bar para mag inom at abala sa pag teks ng bigla mabangga siya sa balikat ng isang babae na umiiyak. Nang pulutin ni Rodrigo ang kanyang cellphone agad ay murahin sana ang babae dahil bago at mahal ang halaga ng cellphone. Pero ng nagkaharap na sila ay hindi niya nasabi dahil agad ay nakaramdam siya ng pagmamahal. Doon lang siya nakaramdam ng ganun sa isang babae. Na love at first sight siya.

Nang humingi ng sorry ang babae agad ay sinagot niya ng okey lang. Nakipagkilala si Rodrigo at doon nalaman niya na Mocha ang pangalan ng babae. Inanyayahan niya na kumain sila at pumayag naman ang babaeng si Mocha.

Sa kanilang pag-uusap doon ay nalaman ni Rodrigo ang uri ng trabaho ni Mocha na isang club dancer. Nang makabanggaan siya ay umiiyak daw siya dahil gusto na niyang tumigil sa pagsasayaw sa club pero ayaw ng may ari dahil tatlong taon ang usapan na bawat linggo ay may tatlong araw na sasayaw siya sa club. Dahil ang may ari ng club ang gumasto ng malaki ng magkasakit ang nanay niya na kinailangan ng operasyon. Kaibigan daw ng tatay niya ang may ari ng club. Binabayaran naman daw siya kung sumasayaw. Marami na rin daw mga politiko, parokyano o dayuhan ang gusto makasama siya sa buhay. Babayaran na lang daw ang perang nagasto ng may ari ng club sa ospital para sa nanay niya pero hindi pumapayag dahil siya raw ang pinaka star  dancer sa club. Nagpapalakas ng kita sa night club.

Sa paglipas ng mga araw ay naging magkasintahan sina Rodrigo at Mocha. Sinabihan niya na sakali man na kailangan ng pera ay magsabi lang. At kung sakali na muli magkasakit ang magulang niya ay siya na ang bahala sa gasto. Higit sa lahat sinabihan ni Rodrigo si Mocha na huwag ng magpa take out sa mga lalaki. Pumayag naman si Mocha dahil mahal rin naman niya si Rodrigo.

Nang matapos na ang tatlong taon na kontrata ni Mocha sa night club ay tumigil na siya sa pagsasayaw. Ikinasal silang dalawa ni Rodrigo. Bumuo sila ng pamilya.