Tuesday, September 4, 2018

Bus Terminal

"Kung ang dalawang nag ibigan ay tunay na nangako na magmamahalan talaga habang buhay kahit magkalayo ay hindi hahanap ng iba."


BUS TERMINAL
Ni: Arvin U. de la Peña

1970: Sa isang bus terminal ay naghihintay na umalis na ang bus na sinasakyan ang mag asawang Ismael at Samantha kasama ang 3 taon gulang na anak na lalaki ang pangalan ay Jimwel. First time na pupunta ng Mindanao si Ismael sa bahay nina Samantha para magbakasyon dahil mula ng magka asawa sila ay umuupa lang sila ng isang kuwarto. Sapat lang ang kita nilang pera sa trabaho hindi makapagbakasyon sa kani-kanilang lugar. Ganunpaman ay nagsumpaan sila na magmahalan hanggang pagtanda at hindi na iibig ng iba.

Dahil hindi pa umaalis ang bus ay nagpaalam muna si Ismael kay Samantha na bibili muna ng slice bread para may makain sila habang nagbiyahe. Sa kabilang kalsada siya nakabili ng slice bread. Nang ibigay na sa kanya ang sukli ng tindera at aalis na ng bigla ay napagtripan siya ng isang lalaki na saksakin sa tiyan, mabuti hindi siya napuruhan. Tinulungan siya ng mga tao at dinala sa ospital. Nang matapos na ang operasyon agad ay sinabi niya sa doktor na kailangan niyang pumunta sa terminal ng bus dahil naroon ang asawa at anak niya naghihintay pero hindi siya pinayagan. Magpagaling daw muna, umiyak na lang si Ismael.

Samantala ng mga sandaling iyon si Samantha ay sakay na ng bus papunta ng Mindanao. Labis ang kanyang pagtataka bakit hindi na bumalik ang kanyang asawa. Nasabi niya na lang sa sarili na magkikita rin naman uli sila dahil magbabakasyon lang siya sa kanilang lugar.

Ilang araw na lang at babalik na si Samantha sa Maynila ng lusubin ng mga rebelde ang kanilang bayan. Sinunog ang mga kabahayan at dinala ang mga ari arian na puwede mapakinabangan. Walang nagawa ang mga nakatira kundi ang lumikas at tumira na lang sa ibang lugar sa takot na baka bumalik uli ang mga rebelde. Tinulungan ng gobyerno silang mga apektado na magkaroon ng matitirhan at mapagkakakitaan. Ang naging kabuhayan nilang mga apektado ay pagsasaka at pagtatanim ng iba't ibang klaseng gulay na maibebenta. Hindi na pinayagan si Samantha ng kanyang mga magulang na bumalik pa ng Maynila. Tumulong na lang daw sa kanila para sa ikabubuhay.

Si Ismael naman ay patuloy lang sa masipag na pagtrabaho. Umaasa pa rin siya na muli ay makikita ang asawa niyang si Samantha at ang anak na si Jimwel. Paminsan-minsan ay pumupunta rin sa bus terminal na huli silang nagkasama ng asawa at anak para tumambay at sariwaan ang mga nakaraan.

1990: Si Ismael ay isa ng supervisor sa SM Supermarket Manila. Sinabi niya na kung sakali ay may mag apply na ang pangalan ay Jimwel Bagante ay sabihan agad siya. Dahil gusto niyang makita ng personal at makausap.

Ilang buwan lang ay may nag apply nga na ang pangalan ay Jimwel Bagante. Agad ay tinawagan sa telepono ang supervisor na si Ismael. Ilang sandali ng ituro ng tauhan ni Ismael kung sino si Jimwel Bagante agad ay sinabihan niya na sumama sa kanyang opisina. Sa loob ng opisina ay tinanong ni Ismael si Jimwel kung tagasaan at ano ang pangalan ng mama niya. Nang sabihin ni Jimwel na siya ay taga Mindanao at ang pangalan ng mama niya ay Samantha Ibarta agad ay niyakap ni Ismael si Jimwel. Sinabi na anak niya siya at asawa ang mama niya na matagal ng hinihintay na makasama uli. Ikinuwento lahat ni Ismael ang mga nangyari bakit nagkalayo. Ganundin ay ikinuwento ni Jimwel sa ama niyang si Ismael ang kabuhayan nila sa Mindanao at kung bakit siya lumuwas ng Maynila para magtrabaho.

Kinabukasan agad ay pumunta sa bus terminal ang mag amang Ismael at Jimwel para pumunta ng Mindanao. Ang bus terminal na kung saan doon sila nagkahiwalay na mag asawa. Nang umalis na ang bus para Mindanao ay sabik na agad si Ismael na makasama uli ang pinakamamahal niyang si Samantha.

Lumuluhang nilapitan at niyakap ni Samantaha na sa mga sandaling iyon ay kumukuha ng mga gulay para ibenta sa palengke ng makita ang mahal niyang si Ismael kasama ang anak na si Jimwel. Mahigpit na niyakap ni Samantha si Ismael na siya lang niyang mahal. Ganundin din si Ismael niyakap ng mahigpit si Samantha.

Kinuwento ni Samantha kay Ismael ang mga nangyari bakit di na siya nakabalik ng Maynila. Naunawaan at naintindihan naman ni Ismael si Samantha. Ikinuwento din ni Ismael kay Samantha ang nangyari sa kanya ng bumili ng slice bread. Ang mahalaga sa ngayon ay magkasama uli sila. 

Pagkaraan ng ilang linggo ay nakapag pasya si Samantha na muli ay manirahan sa Maynila kasama ang asawa at anak. Malugod naman na tinanggap ng mga magulang ni Samantha ang desisyon. Magpapadala na lang lagi ng pera bawat buwan.

Muli pagkalipas ng 20 years ay nagsama muli sa iisang tirahan ang mag asawang Ismael at Samantha kasama ang malaki na nilang anak na si Jimwel.

2 comments:

jonathan said...

Grabe naman Arvin, napakalungkot na kuwento na maaaring totoong buhay o kathang isip lamang.

Kahit na napakatagal na nagkahiwalay, sila pa rin kung talagang tinadhana. Mabuhay ang mga ganitong pag-ibig!

Rix said...

Hindi ko alam kung sinusubaybayan mo ang pahina ni kwentista magaling din sya gumawa ng kwento gaya nito