Monday, September 17, 2018

Sino Ako (Hiram Sa Diyos)


Sino Ako (Hiram Sa Diyos)
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa ngayon na buhay pa tayo kapag may patay na inililibing minsan pinatutugtog ito Sino Ako (Hiram Sa Diyos). Nakakalungkot kapag naririnig natin ang kantang ito dahil lahat tayo ay may mahal sa buhay na pumanaw na. Darating din ang araw na tutugtugin ito na hindi na natin naririnig iyon ay dahil tayo na ang pintutugtugan dahil patay na tayo. 

Hiram sa Diyos ganyan ng buhay natin. Darating ang araw na tayo ay mamamatay. Kung ano ang mayroon tayo lahat ng iyon ay hindi madadala sa kamatayan. Maiiwan natin sa lupa ang mga bagay, ari-arian, pera o anu pa sa ating pagkamatay. Lahat ng mga iyon ang makakatamasa ay ang mga mahal sa buhay na naiwan na buhay pa, pero darating din ang araw ng kanilang paglisan sa mundo.

Marami ang nagkakasakit ng malubha. Sakit na kailangan ng malaking halaga para sakali ay magamot. Kung gumaling ay nadugtungan lang ang buhay. Nabigyan uli ng pagkakataon na makapiling ang mga mahal sa buhay. Nabigyan uli ng panibagong buhay para magawa pa ang dapat gawin sa mundo. Ngunit iyon ay may wakas din katulad ng mga tao na ng magkasakit ng malubha ay umasa lang sa mga herbal medicine dahil walang pera pero gumaling din. 

Masaya ang mabuhay. Nakakaramdam tayo ng kasiyahan lalo kung nagagawa natin ang gusto. Nakakamtan ang mga pangarap. May nagmamahal at minamahal tayo. Masarap ang ganun dito sa lupa. Pero walang hihigit sa kasiyahan na nadarama kung kapiling na natin ang Diyos na siyang nagbigay buhay sa atin sa lupa. Dahil sa kabilang mundo naroon ang tunay na kasiyahan Walang away, walang gulo, walang problema na mararamdaman doon kapag kasama na ang Diyos.

Lord, marami akong kasalanan sa iyo. Hindi man ako katulad ng iba na laging nagsisimba ay naniniwala pa rin ako sa'yo. Sinisisi man kita minsan sa mga pagsubok na dumarating sa akin ay nais kong humingi ng tawad. Alam ko may araw din na mamamatay ako, kukunin mo na ako para mapunta sa mundo mo. At kung sakali man na kukunin mo na ako ay nais kong magpasalamat sa iyo na minsan binigyan mo ako ng pagkakataon na mabuhay. Makita, magmahal, mahalin, maramdaman, at malaman ang mga kaganapan sa lupa.

1 comment:

jonathan said...

Ganito rin siguro ang aking ipag-darasal kasi hindi rin naman ako pala-simba. Nagdarasal naman araw-araw at nag-papasalamat sa mga biyaya. Ganunpaman, nagtatanong rin kung bakit maraming pagsubok sa buhay.

Darating ang panahon na papanaw din tayo. Sa ngayon, gawin nating masaya ang ating buhay at gumawa lagi ng kabutihan.