Friday, April 27, 2012

Paalam Kaibigan


Naisulat ko ito dahil ang ka batch naming ito sa high school ay nag ungroup sa group namin sa facebook.



"Years will pass and soon the people we meet will just be a part of our memory. But when we grow old, we would be glad to look back. Because we know, that once in our life we got to know you."

PAALAM KAIBIGAN
Kay: Alexis Negado
Ni: Arvin U. de la Peña

Maraming salamat sa iyo na minsan nakasama ka namin sa grupo. Kapag ikaw na ang nagsasalita lahat ay nakikinig. Nagkakaroon ng iba't ibang reaksyon sa bawat bigkas mo. Dahil ang iyong mga salita ay may karisma. Nakakatawag ng pansin sa kapwa. Katulad ng karisma mo pagdating sa pagpapaibig ng kung sinu-sino lang na babae. Na kahit nakilala mo sa chat o text ay kinakatagpo mo. Naaalala ko pa nga noon pinakita mo sa amin ni Aljun ang private friendster account niyo ng babae na nakilala mo sa chat yata na sa call center sa Makati nag trabaho at pinakita mo sa amin mga 4am sa ABC internet cafe dahil nagpaumaga na lang tayo dahil nag inuman ang mga pictures niyo sa Puerto Galera ng babae na meet mo pag uwi mo galing Saudi. Scandal iyon na mga pictures. Nasaan na kaya iyon.

Sa pagkawala mo hindi na magiging masaya ang grupo. Dahil halos lahat ng katuwaan na nangyayari ay ikaw ang nag-uumpisa. Mga nakaraan noong high school lalo na kung patungkol sa pagliligawan kapag inuungkat mo ay nauungkat na lahat. Halos lahat parang alam mo kung sila sino ang nagkagustuhan noon. Halos lahat alam mo kung sino ang crush ng isang tao. Higit sa lahat sa mga naging pangyayari noon at ngayon na naroon ka ay hindi mo nakakalimutan.

Malungkot nga lang isipin na dahil may ka batch tayo na nagtatayo ng sariling grupo kung alumni ay ma disappoint ka dahilan para hindi ka na makiisa sa amin. Pati rin sa kanila hindi ka makikiisa dahil ang gusto mo dapat isang grupo lang tayo. Ilang taon kang nagtrabaho sa Saudi. Kinaya mo ang buhay doon. Hindi ka natakot sa mga Arabo. Ang mga arabo pa ang natakot sa iyo,hehe. Pero sa kanila na nagtatayo ng sariling grupo parang natakot ka dahil hindi na magiging buo ang grupo. Wala kang tiwala sa original group.

Kumbaga sa isang malaking bato sila ay tipak lang. Buo pa rin ang malaking bato. Kaunti lang sila, tayo ay marami. Hindi sila malaking kawalan. Malaki na siguro sa kanila ang sampu. Hindi mangyayari na magiging superior ang grupo nila pagdating sa usapin tungkol sa alumni dahil sila ay B at tayo ay A. Ang tumitiwalag sa original group ay maituturing na taksil. Mga pang gulo lang silang maituturing. Isa pa nasa ating side ang Presidente ng batch natin at ang mga official. Karamihan na magpapadala ng pera para sa alumni ay sa grupo natin. Hindi sa kanila na nagtatayo ng sariling grupo dahil baka sa sariling bulsa lang malagay ang perang ipapadala. Alam mo naman kung sino ang naroon. Maraming members ang nasa likod mo. Ngunit bakit nagkaganun ka. Magiging masaya ka rin naman sa amin dahil kung anuman ang mayroon sila ay mas lalong mayroon ang grupo natin. Kung kaya nilang bumili ng San Miguel Beer kung party ay mas lalong kaya natin. Kahit ilang case pa.

Oo nauunawaan ko ang sinabi mo sa akin na wala ng kasiyahan sa batch natin dahil may ibang grupo na. Higit sa lahat nasisira ang pagkakaibigan. Pero gusto ko malaman mo na dito sa mundo ay walang permamente. May pagbabago ang lahat. Dapat tanggapin ang ganun na pangyayari. Maging sapat sana sa isipan mo na minsan nakasama mo sila at nakabiruan. Higit sa lahat nakasama minsan sa tagay.

Sa huli umaasa kami na sasali ka uli sa grupo. Naniniwala kami na hindi mo pa tinutuldukan ang pakikisama sa grupo. Kung maituturing ngang tuldok ang katapusan.

Saturday, April 21, 2012

Suwerte


"To work all the time is to be incredibly lucky."

SUWERTE
Ni: Arvin U. de la Peña

Umaga pa lang ay nasa pantalan na si Melchor. Ganundin din naman ang iba pa. Sa pantalan ang ginagawa ay namimingwit ng isda. Minsan ay marami ang nabibingwit na isda, minsan naman ay kaunti lang. Suwertihan lang talaga. Sa hapon ay ganundin ang ginagawa ni Melchor. Ang mga nabibingwit na isda ay iyon ang ulam nila. Kung konti lang ang nabingwit at kulang sa kanila ay bumibili siya ng ibang makakain.

Kapag tapos na siya sa pantalan sa umaga ay uuwi sa kanila at ang asawa niya na lang ang bahala sa pagluluto. At siya ay mag sideline para sa pamamasada ng tricycle. Isa lang ang anak nilang mag-asawa at iyon ay tatlong taong gulang na babae. Kapos sila sa pera kaya kumakayod talaga si Melchor. Ang asawa niya  ang nag-aalaga sa kanilang anak.

Para sa anibersaryo ng kanilang lugar ang kasalukuyang butihing Mayor nila ay nagpatimpalak. Sa patimpalak kung sinuman ang makakahuli ng maraming isda sa loob ng dalawang oras ay siyang panalo. Ang premyo ay 10, 000 pesos para sa mananalo.
Lahat na mahilig mamingwit ng isda ay tuwang-tuwa dahil ang patimpalak na iyon ay una pa lang sa kanilang lugar. Ang mga nagdaang Mayor ay hindi iyon ginawa.

Araw ng patimpalak ay marami na ang nasa pantalan na mahilig mamingwit. At iba naman ay titingin lang. Ang mga pinasali sa patimpalak ay iyong mahilig lang talagang mamingwit ng isda na halos araw-araw ay nasa pantalan. Hindi pinasali ang bago lang na mamimingwit. Dahil may alam ang organizer kung sila sino ang dapat kasali, sa pakikipagtulungan  sa mahilig mamingwit kung sinu-sino sila lagi sa pantalan.

Sa pag-umpisa ng patimpalak ilang minuto lang ang nakakalipas ay nakabingwit na agad si Melchor. Nasundan pa iyon ng nasundan na lagi siyang nakakabingwit ng isda. Hindi katulad noong walang patimpalak na bihira lang siyang makahuli. At sa pagtapos ng oras para sa patimpalak ang itinanghal na panalo ay si Melchor. Umuwi si Melchor sa kanila na may dalang trophy at perang 10, 000 pesos. Labis ang tuwa ng kanyang asawa sa kanyang pagkapanalo dahil matutupad na rin ang pangarap niya na makapagtayo ng munting tindahan sa kanilang bahay.

Ang suwerte ay minsan lang dumating sa buhay ng tao. Kung datnan ng suwerte ay dapat bigyan ng halaga ang nakamit. Kung sinuwerte at nagkaroon ng maraming pera dapat ingatan na hindi maubos. Huwag maging maluho. Ilaan ang pera para sa maganda. At kung sinuwerte naman dahil tumaas ang posisyon sa trabaho ay huwag magyabang. Panatilihing maayos ang pakikutungo sa kapwa ng sa ganun kung ikaw ay bumaba sa puweso ay papansinin ka pa rin nila na nasa ibaba.

Sunday, April 8, 2012

Salamat Sa Minsan

Una sa lahat nais kong magpasalamat kay Umma sa pag send niya uli ng bayad na $30 para sa pag lagay ko ng badge ng dalawa niyang blog sa sidebar ng blog ko.

"There will be a time you need to give up a person inspite of your Great Feelings. Because love is not enough to maintain a relationship. Sometimes you need to pull yourself back to a normal life. No risk, No sacrifices, No heartache. A person once said, Love is like a basketball, you need to call Time out when you know it's time to Rest."

SALAMAT SA MINSAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Salamat sa minsan minahal mo ako
Araw at gabi ako ay masaya
Walang masyado na dinaramdam
Dahil ikaw ay nasa tabi ko lang.

Salamat sa minsan pinaglaban mo ako
Magulang mo ay sinuway para sa akin
Sa kabila na ako ay ganito lang
Mas pinili mo akong pakisamahan.

Salamat sa minsan sinamahan mo ako
Ginabayan pagharap sa mga pagsubok
Hindi man ako perpektong tao
Nagtiis at nagtiyaga ka para sa akin.

Salamat sa minsan binigay mo ang lahat
Kahit marami mas guwapo na nanligaw sa iyo
Ako ang sinagot mo araw ng mga puso
Wala kang pagsisisi sa pasya mong iyon.

Salamat sa minsan naging tayong dalawa
Batid ko ang lahat sa atin alaala na lang
Kung bibigyan pa ako ng isang pagkakataon
Puso mo hindi ko na sasaktan.

Sunday, April 1, 2012

Walang Hanggan (by request)

Sa post ko pong Tunay Na Ganda noong December 03, 2011 ay nag comment ang babae na blogger na makita sa larawan na ilagay ko raw ang picture niya para sa isang sinulat ko. Narito ang sinabi niya.

farjah said...

Hi Kuya Arvin ako'y napadaan na naman ulit dito sa tinaguriang kong tambayan na blog. Ang kagandahan ay tila hindi naman nasusukat sa kapanglabasan na anyo ng isang tao at ang isang ngiti ng isang nilalalang ay mahirap sukatin ng kagandahang loob. Pero "infairness" ha naka swerte ka yata maganda siya at nakakalesbi sana ako naman maipost dito sa blog mo hehehe. yung pic ko lang, joke!

December 3, 2011 2:16 PM

blog niya ay http://piefae.blogspot.com








"Ang tunay na pag-ibig iyong hindi mo alam kung bakit mo siya nagustuhan. Pero minahal mo siya sa hindi mo maipaliwanag na dahilan."

WALANG HANGGAN (by request)
Ni: Arvin U. de la Peña

Pag-ibig ay ibinigay
Katawan pinagkaloob
Sakripisyo ay hinarap
Ang pagluha pinipigil.

Mahal gusto mang iwanan
Sarili ay palayain
Puso kusang humaharang
Taksil ayaw na iwanan.

Walang hanggan magtitiis
Pagmamahal di bitawan
Iniibig mamahalin
Gumabi man at umaraw.

Tutol hindi pakikinggan
Magulang ay hindi sundin
Maging kapalit man poot
Lahat ng iyon tanggapin.

Mundo man maging kalaban
Pagkaisahan ng lahat
Sino man di makahadlang
Para sa puso ay tibok.