"Hindi porke't lagi kaming umiinom ay
tatawagin na kaming lasinggero/lasinggera. Hindi naman lagi iyong lasa ng alak ang aming hinahanap kundi iyong pagkakaibigang nakukumpleto, problemang nakakalimutan, samahan na tumitibay, at pangarap na nabubuo sa bawat tagay."














Noon at Ngayon
Ni: Arvin U. de la Peña
Ganito kami noon, ganyan rin sa ngayon. Ang pagkakaiba lang noon ay bata pa kami at ngayon ay hindi na. Sa bawat taon ay nagkakaroon ng selebrasyon ang aming pinag-aralan noong high school. At iyon nga ang Grand Alumni Homecoming na dinaraos ng tatlong araw mula linggo hanggang martes pagkatapos ng holy week. Marami ang nagtratrabaho mula sa ibang lugar o bansa ang umuuwi para lang maki celebrate sa nasabing event at makiisa sa kanilang batch.
Bago pa mangyari iyon ay nagkakaroon kami, ganun din sa ibang batch ng mga pagmemeeting patungkol sa Grand Alumni Homecoming na ang theme ngayon ay 80's Mania, the very best of the eighties. Bagamat may kanya-kanya na kaming mundo na tinatahak ay nariyan pa rin ang aming dedikasyon para sa meeting at mapag-usapan ang mga plano. Nakakalungkot nga lang ang iba ay hindi na nakikiisa sa amin dahilan para maging kaunti lang kami at dahil doon ay mag parade na lang kami. Hindi katulad noon na sumasali kami sa mga competition. Mayroon kaming float, may mga dancers sa pag parade na sila rin ang mag perform sa stage presentation pagka gabi. Ganun pa man ay inuunawa namin sila. Dahil sadyang ganun, kasabay ng paglipas ng panahon ay ang pagbabago din ng tao. Kung noon may mga member na active para sa Grand Alumni Homecoming pagtagal ay hindi na dahil nagbago na nga.
Kahit sila ay hindi na active, kami na active ay patuloy pa rin sa kung anuman ang aming nasimulan. Hindi kami nagbago dahil wala sa amin ang ganun. Patuloy kami sa pagtakda ng kung anong araw muli ay mag meeting dahil kaya naman namin na mag meeting kahit wala sila. Mahirap pilitin sila na ayaw na kahit panay na ang pag text o kaya nakakausap pa ng harapan ay ayaw talaga mag attend. At sa bawat pag meeting ay bumabalik din sa aming alaala ang nakaraan noong high school. Ang katuwaan, ang kalungkutan, ang mga biruan, ang tungkol sa mga naging crush, ang mga pagliligawan at kung ano pa na ang mga iyon ay nakalipas na lang. Masarap ang pakiramdam na minsa sa isang taon ay magkikita-kita kami na naging kasabayan sa pag-aral ng high school.
Pero sa huli umaasa kami na ang mga ibang member na hindi na active sa ngayon ay muling makikiisa sa amin. Sasamahan kami para muling mabuo ang nawasak na samahan.