Monday, February 27, 2012

Paaralang Corrupt

"Power corrupts. Knowledge is power. Study hard. Be evil."

PAARALANG CORRUPT
Ni: Arvin U. de la Peña

Malupit! Ganyan kayo na paaralan na naniningil ng pera sa pamamagitan ng sekyu bilang multa sa mga nahuhuli sa pagpasok sa paaralan na mga estudyante sa umaga. Mahal na nga ang tuition fee niyo ay ginaganun niyo pa ang mga nahuhuli sa pagpasok na estudyante. Anong klase kayong paaralan.

Sa ginagawa niyo sa pagsingil ng pera kung may nalelate ay nagpapakita kayo ng pagka corrupt. Parang kulang pa sa inyo ang perang tuition fee ng mga estudyante. Hindi nakapagtataka na may mga taong nagiging kurakot talaga kung makapagtrabaho na dahil naranasan ng sa paaralan pa lang habang nag-aaral pa ay kinucorrupt na. Hindi kayo magandang halimbawa na paaralan.

Kayo na paaralan isipin niyo sana na may mga estudyante na may ginagawa pa bago pumasok sa paaralan. May mga estudyante na mula pa sa malayong lugar. Mayroong mga estudyante na pinapaaral, na bago pumasok sa paaralan ay tatapusin muna ang gagawin sa umaga sa bahay kung saan siya nakatira. Dahil doon ay hindi maiwasan ang hindi ma late minsan. Pero kayo na paaralan, ano ang ginagawa niyo? Hindi niyo iyon iniisip. Maki pera kayo na paaralan. Ang perang pinapasingil niyo sa sekyu ay baon na iyon na puwedeng makabili ng kung ano.

May panahon na tag-ulan talaga. Umaga pa lang ay umuulan na. Dahil doon ay kulang ang mga sasakyan o kaya mahirap ang makasakay papunta ng paaralan. Oo, ang iba ay may payong at naglalakad na lang papunta sa paaralan iyon ay dahil malapit lang ang kanilang bahay. Pero paano ng mga nasa malayong lugar talaga. Hindi puwedeng maglakad dahil aabuin ng baka sobra isang oras. Ang mga estudyante na iyon ay naghihintay muna ng masasakyan. At sa paghintay ay umaabot ng ilang minuto bago makasakay dahilan para ma late.

Kayo na paaralan baguhin niyo na sana ang patakaran na iyon. Nagpapakita iyon ng pagka sakim. Nagpapakita ng pagkagahaman sa pera. Hayaan niyo ng ang mga estudyante na malelate ay makapasok sa paaralan ng hindi sisingilin. Nang sa ganun ay hindi kayo pagdudahan na hangad ay makalikom ng maraming pera. Dahil hindi iyon mabuti para sa inyo lalo at relihiyoso ang namamahala sa inyo.

Tuesday, February 21, 2012

Waiting Shed

"Success in life can never be an accident. It is the result of right decisions at the right time. Champions are not the people who never fail, but the people who never quit."

WAITING SHED
Ni: Arvin U. de la Peña

Araw-araw ay laging sa waiting shed si Jeremy. Isang labing dalawang taong gulang na bata.Hiwalay ang kanyang magulang. Siya ay nasa pangangalaga ng kanyang ina na isang labandera sa kaninong bahay lang. Hanggang grade 5 lang siya sa elementarya.

Sa waiting shed ang ginagawa niya ay nagpapasakay ng mga pasahero. Kapag pumapara ang jeep sa waiting shed ay papasakayin niya agad ang mga tao na sasakay. Ang iba naman minsan hindi nakakasakay dahil walang bakanteng upuan. Minsan siya ay binibigyan ng kaunting pera ng driver ng jeep at minsan naman hindi. Ayos lang sa kanya kung hindi man bigyan ng pera sa pagpapasakay. Mayroon din naman siyang mga paninda na iba't ibang klase ng candy at sigarilyo. Kahit paano ay kumikita siya sapat para may maibigay sa ina at ng may makain sila.

Kung tag-ulan naman siya ay may payong na para sa mga sasakay na pasahero. Kapag hihinto ang jeep sa waiting shed ay papayungan niya ang tao na sasakay para hindi mabasa. Sa ginagawang pagpapasalamat ng pasahero doon ay naaantig ang damdamin niya. Nasisiyahan siya kapag pinapasalamatan. Minsan ang pasahero na pinapayungan niya para sumakay ay inaabutan siya ng pera kapag nakaupo na.

Sa araw-araw na ginagawa iyon ni Jeremy na nagpapakita ng magandang ugali at kabaitan umulan man at umaraw ay may nakapansin sa kanya na mag-asawa na mayaman pero walang anak. Kinumbinsi siya na sa kanila tumira at papag-aralin pa hanggang sa kolehiyo. At ang ina niya ay sa kanila na rin titira at magiging katulong sa bahay ng sa ganun ay hindi sila maghiwalay. Susuwelduhan pa ng malaki ang ina niya. Walang pag-aalinlangan na si Jeremy ay pumayag sa alok dahil pangarap din niya ang makaahon sa hirap. Ganundin din naman ang ina niya.

Bawat isa sa atin ay may ambisyon. Kung ang ating hangad ay mistulang nasa waiting shed at hindi nasisikatan ng araw. Hindi nagkakaroon ng liwanag para iyon makamit ay huwag lang mag-alala. Dahil darating din ang araw na makakamit iyon basta maging masipag at desidido lang na iyon ay makamtan. Huwag lang panghinaan ng loob. Sapagkat sa pagbiyahe sa tagumpay ay hindi lahat nakakasakay agad.

Monday, February 13, 2012

Mukhang Pera

"Honesty is the best policy - when there is money in it."

MUKHANG PERA
Ni: Arvin U. de la Peña

Kailangan ba na magmukhang pera ang isang tao para sa lalong ikararangya ng buhay niya? Nakakalungkot isipin na may mga tao na nasa gobyerno ang kailangan pang mangurakot o pumasok sa isang transaksyon na ang pagpayag nila ay kapalit ng napakalaking halaga.

Halimbawa na lang ay sina dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo, dating first gentlemen Jose Miguel Arroyo, dating COMELEC chairman Benjamin Abalos, at dating DOTC secretary Leandro Mendoza. Sila ay mayaman na. Mayroong pera na kung anong gustuhin nila pati mga anak ay maibibigay. Kayang kumain ng masasarap na pagkain na ang mga iyon na pagkain ay pangarap lang ng mga mahihirap. Kayang pumunta sa iba't ibang lugar at magpakasarap doon na ang mga lugar na iyon ay sa panaginip lang naaabot ng mga taong walang masyadong pera dahil dukha. Pero sila ay nasangkot sa NBN-ZTE scandal.

Hindi lang naman silang apat. Kundi marami pang iba na nasa gobyerno o ahensya ng gobyerno, lalaki man o babae ang mga mukhang pera. Hindi pumipirma kapag walang perang binibigay. Hinuhuli ang isang tao pero pakakawalan naman kung magbigay. Tatakutin ang isang tao lalo na kung may negosyo na ipasasara dahil may kaunting violation sa pagtayo ng negosyo pero kung magbigay ng pera ay hindi na. Marami pang iba na pagkakaroon ng pera na hindi pinaghihirapan ng nasa gobyerno o ahensya ng gobyerno na salita lang ang gamit o ballpen. Sobrang pera ang napapasakamay nila kaysa sa kanilang suweldo bawat buwan.

Natitiis nila na mapakain ang kanilang pamilya na galing sa masama ang perang binili. Kinakapalan ang kanilang mukha na humarap sa mga kaibigan na mabubuti lalo na kung may okasyon at nagpapakita ng pagkagalante. Walang pakundangan kung gumasto sa inuman kasi galing sa pangungurakot ang pera, hindi pinagpawisan. Higit sa lahat kung mahilig magsugal ay sugal ng sugal ang mga taong mukhang pera.

Sila na mga mukhang pera ang dahilan kung bakit hindi umuunlad ang ating bansa. Ang ibang taga ibang bansa na tao na dayuhan din kung tawagin na gustong magnegosyo dito sa Pilipinas ay hindi na lang itinutuloy ang balak. Paano itutuloy ang balak na pagnenegosyo kung hindi pa man nag-uumpisa ay maraming pera na ang nailalabas para sa mga taong dapat bigyan ng pera. Gayong wala naman kasiguraduhan kung talagang magtatagumpay ang itatayong negosyo.

Kung sino man ang taong naniniwala na may pag-asa pa na umunlad at umasenso lalo ang bansang Pilipinas ay dapat na sigurong ibahin ang paniniwala niya. Dahil ang mga mukhang pera na tao sa gobyerno o ahensya ng gobyerno ay hindi mawawala. Ang mga matanda na ngayon na mga mukhang pera sa gobyerno o ahensya ng gobyerno kapag wala na sa serbisyo ay mayroong papalit na bagong sibol na mga mukhang pera. Tatakbo ka ba sa halalan. Maglalabas ng maraming pera para ibigay sa mga botante kung hindi mo iyon babawiin kung makaupo ka na sa posisyo na tinakbuhan.

Oo nga magsusumbong kung may makilala na mukhang pera sa kinauukulan o dapat pagsumbungan. Pero paano kung ang pagsusumbungan ay mukhang pera din. Tiyak ay walang mangyayaring maganda para sa pagsusumbong. Birds of the same feather flock together. Silang mga corrupt ay magkakampihan . Ayaw ilaglag ang kapwa corrupt dahil baka sila ay ilaglag din. Kung mayroon man corrupt na nilalaglag ang kapwa corrupt ay bihira lang. Minsan lang iyon nangyayari.

Monday, February 6, 2012

Tanging Ikaw Lamang (a song for jhengpot)

Ang una ko talagang hilig ay mag compose ng kanta. Mula 1995 hanggang 2006 ay umabot ng sobra 200 ang na compose kong kanta na ang mga iyon ay nasa akin pa. At mula 2006 hanggang sa ngayon ay hindi na uli ako nag compose ng kanta dahil kinalimutan ko na ang hilig ko sa kanta. Hindi na nga rin ako umaawit sa videoke kung may inuman ang barkada kahit pinipilit nila ako na umawit. Malaman niyo ang tungkol doon kung titingnan niyo ang post ko noong December 9, 2009 dito sa blog ko na ang pamagat ay KANTA KO (reveal). Kung nagsusulat man ako ng kuwento, poems, o tula noon ay may kaugnayan lang iyon sa pag-aaral at iyong pag submit para sa newspaper na kung ma publish ay marami ang makakabasa ng sinulat ko kasi nationwide ang diaryo. Na ang mga iyon ay nakamit ko naman. Ayaw ko na sanang mag post ng kanta dito sa blog ko pero gagawin ko ulit kasi dito sa blog world ay may nakilala akong isang babae na mayroon silang banda. Maraming beses na rin silang tumugtog sa entablado. Sumali na rin sa mga competition. Kaya ko ito post na kanta dahil ang kantang ito na sinulat ko ay ibibigay ko sa kanya. Ang pangalan niya po dito sa blog world ay jhengpot. Sa iyo jhengpot binibigay ko sa iyo ang compose kong ito na kanta. Kung hindi man ikaw ang umawit ay ang vocalist niyo. Ang hiling ko lang ay kung sakali na aawitin niyo na ito ay pangalanan lang ako at kung may baguhin man kayo sa lyrics ng konti ay pangalanan pa rin ako. Higit sa lahat kung ma discover ang banda niyo at magkaroon kayo ng album na kasama ang bigay kong ito na kanta ay sana kahit pang inom ay padalhan mo ako. Kahit ang halaga ay para sa sampung bote ng San Miguel Beer pale pilsen ay sapat na iyon. Malalasing na ako niyan na minsan sa buhay ko ay maraming nabuo sa isipan ko na kanta habang nag-iinuman. Ang blog po ni jhengpot ay http://heavenknowsmj.blogspot.com

"Compose ko ang kantang ito noong December 2, 2005 na kaarawan ko at handog ko ito para sa mga tao na sa kabila na iniwan ng kanilang mahal ay patuloy pa ring umaasa na babalikan."


TANGING IKAW LAMANG
compose by: Arvin U. de la Peña

Intro:

Noon at ngayon laging ikaw pa
rin sa puso
Di magawang limutin
Di magawang ipagpalit
Sa isipan lagi ka pa ring
naaalala
Muli nababalik tanaw nakaraan natin


Chorus:

Tanging ikaw, ikaw lamang
ang aking mahal
Wala ng iba pa na hahanapin
Kahit na magbago pa ang panahon
Ikaw at ikaw pa rin
Patuloy akong aasa na ikaw
ay magbabalik
Sa piling ko


do stanza chords
Pag-iibigan na kayganda
Pagsasama na kaysarap
Bakit bigla ay magwawakas
Lalayo ka at iiwanan ako
Hahayaan na lamang na mag-isa


repeat chorus

Bridge:

Malaman ko man na ikaw
ay may mahal ng iba
Maghihintay pa rin ako
Naniniwala ako sa ating
sumpaan


repeat chorus

INSTRUMENTAL

repeat chorus
repeat chorus

coda:
sa piling ko
sa piling ko

Wednesday, February 1, 2012

Pagkakaibigan (by request)

Sa post ko pong MAGDALENA (by request) noong August 30, 2011 ay nagrequest ang blogger na si Shydub. Sa iyo Shydub pasensya na kung natagalan bago kita napagbigyan. Hindi ko naman talaga nakakalimutan ang mga nagrerequest kapag post ako ng by request kasi copy paste ko iyon sa email ko sa draft at save na naroon din sa draft ang lahat na narito sa blog ko at hindi pa napopost.

☆♥Shydub♥☆ said...

bilis talaga ng utak mo gumana Arvin pagdating sa tula, kakabilib. pwedi mag request ako ng Friendship

September 1, 2011 4:51 PM







"The hardest part about being friends, is loving you so much."

PAGKAKAIBIGAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Kung mayroon problema nagdadamayan
Suliranin sa isa't isa may karamay
Todo suporta bawat isa binibigay
Kahit na ano basta sa kaibigan.

Pagdadamayan ay walang katapusan
Sumpaan pinagtibay na ng panahon
Pagkakaibigan hindi basta magtatapos
Kaya o hindi pilitin na makatulong.

Pag magkasama sinusulit ang araw
Para bang hindi nagkita ng matagal
Walang sawang kuwentuhan at usapan
Nangyayari sa pagkikita na minsan lang.

Nagkakalayo man sa puso naroon
Pag-alala bawat isa araw-araw
Kamustahan hindi nakakalimutan
Dinadaig pa ang isang magkapatid.