"You really don't have to be super nice always. Sometimes you have to show your bad side, so that you can sort out who can accept you at your worst mood".

WAKAS
Ni: Arvin U. de la Peña
Sino ang nagsasabi na ang bansang Pilipinas ay mahirap. Na kung ikaw ay dadaan sa bawat kalsada ay may makikita kang nagsusugal. Kung pupunta ka naman sa sabungan ay doon makikita mo ang mga tao na sinasayang lang ang pera. Kung pupunta ka naman sa mga mall makikita mo karamihan ng tao ay bumibili ng mga mamahalin na bagay. Ang iba ay kumakain pa sa mga mamahalin na restaurant. Kung pupunta ka naman sa mga internet cafe ay doon makikita na napakaraming gumagamit ng computer. Napakarami rin ang nagbabakasyon sa iba't ibang lugar. Sa pagbakasyon ay malaking pera ang nagagasto. Kung ang bansa ay mahirap dapat lahat na mga tao ay kayod ng kayod.
Nakakalungkot isipin na kapag halalan ang salitang kahirapan ay ginagamit ng mga politiko. Kung anu-ano ang sinasabi nila tungkol sa kahirapan ng mga pilipino. Samantalang sila na mga nagsasalita tungkol sa kahirapan ay mayayaman. Sila na mayayaman ang umaangal tungkol sa kahirapan. Samantalang ang mga pilipino na sinasabihan nila na mahirap ay hindi nagrereklamo tungkol sa hirap ng buhay. Ang ginagawa nalang nila ay magtiis at gumawa ng hakbang para may makain.
Kung ang lahat dapat na igagasto sa halalan ng bawat politiko ay pagsasamahin ay baka puwede iyon ipambayad sa utang ng ating bansa. Pero hindi nila iyon gagawin dahil masisira ang pansarili nilang interes. Mawawalan sila ng malaking halaga ng pera. Malungkot man isipin pero para sa akin ay pinapaikot lang tayo ng mga politiko. Para tayong mga tanga. Sa tv ay makikita mo at mababalitaan na nag-aaway ang mga politiko. Nagbabatuhan ng kani-kanilang baho. Kung anu-ano ang sinasabi laban sa isa't isa na akusasyon kahit ito ay nakakasakit. Pero pagtagal ay magbabati. Paglipas ng ilang buwan o taon ay magiging magkaibigan na. Tama ba iyon? Para sa akin ay hindi tama iyon. Dahil ang kawawa sa ginawang pagbabati ay ang kanilang mga taga suporta. Ang ipinaglaban noong may alitan pa ang bawat isa na politiko ay biglang maglalaho. Sayang lang ang lahat dahil walang kahihinatnan.
Sa mga matatanda na nakakausap ko ay nagsasabi sila na mas mabuti pa raw noong panahon ni Marcos dahil lahat na mga bilihin ay mura. Hindi mataas ang presyo ng mga paninda. Hindi raw masyadong nagugutom ang mga tao noong panahon ni Marcos. Hindi katulad ngayon na mahirap makahanap ng makakain. Konti lang ang sinusuwelduhan ng gobyerno na politiko. Pero ngayon ay napakarami na ang nakaupo na politiko sa gobyerno. Ang masakit ay kahit marami ng politiko ang nakaupo sa gobyerno ay hindi pa rin umuunlad ang ating bansa. Hindi pa rin umaasenso masyado ang bayan na pinagsisilbihan ng ibang politiko. Marami pa ring krimen na nangyayari. Marami pa ring insidente ng pagnanakaw at pagpatay. Marami pa ring mga alagad ng batas na umaabaso sa kapangyarihan. Ginagamit nila ang kanilang baril at posisyon para abusuhin ang isang tao. Higit sa lahat ay may mga krimen na pangyayari ng dahil sa politika.
Ngayong halalan na darating ay iboto niyo na lang ang kung sino ang nais niyong iboto. Sa pagboto niyo ay huwag niyong isipin na siya ang iboboto niyo dahil kapag siya ang manalo ay aangat ang ating bansa. Kung bakit?. Iyon ay dahil mahirap ng umasenso at umunlad ang ating bansa. Ang mga pangyayari sa ngayon na dulot ng politika na nakakaapekto sa taumbayan ay magpapatuloy pa iyon. Hindi na iyon magwawakas. Magtiis na lang tayo. Mas mabuti pa nga ang isang pelikula, kanta, komiks, nobela, teleserye, tula, at kuwento ay may wakas. Katulad ng sinulat kong ito na ang pamagat ay Wakas. Dito na nagwawakas.