Thursday, February 5, 2009

Kilos

"Walang masama kung minsan tayo ay makipagsapalaran para sa gusto natin sa buhay."

KILOS
Ni: Arvin U. de la Peña

Karamihan o halos lahat ng tao ay takot na mabigo. Sa madaling salita takot na masaktan o makaramdam sa sarili na hindi nila gusto. Lalo na iyong mga nag-aapply ng trabaho. Dahil kapag hindi natanggap ay mag-aapply na naman. Sa isip rin nila ay mahihirapan na sila na makaahon muli sa pagkabigo. Pero batid nila na ang kabiguan ay kasama na sa buhay. Hindi exciting ang buhay sa mundo kung lahat ng tao ay professional o may trabaho na maganda at sumasahod ng malaki. Dahil kung ganoon ay walang magpapaalipin o magpapautusan sa iba.


Sabi nga sa english "we have all up and down". Sa madaling salita lahat tayo ay puwede na tumaas at puwede rin na bumaba. Ngunit may mga tao na laging nasa itaas. Sila iyong mga tao na ng magtagumpay ay lalo pang nagtagumpay. Umasenso lalo ang buhay nila. At sa mga tao na iyon hindi tayo dapat na mainggit. Bagkus ay gawin natin silang inspirasyon para sa mithiin natin sa buhay. May mga tao din na ng tumaas na ang antas ng buhay nila ay unti-unti ay bumagsak ang kabuhayan nila. At iyon ay ang mga tao na hindi nag-ingat o pinahalagahan ang naging hanap-buhay o trabaho.

Muli lagi sanang isipin na huwag matakot na mabigo. Harapin ang agos ng buhay na dumadaloy sa iyo. Maging ikaw man ay ipinanganak na mayaman o mahirap. Dahil dito sa mundo ay duwag lang ang natatakot na humarap sa suliranin. Kakambal na ang problema sa buhay ng tao. Pero lahat ng problema ay may solusyon. Nasa iyo na lang kung paano mo lulutasin ang problema na kinakaharap.

Ang pakikipagsapalaran ay hindi masama. Ito ay subukan dahil wala naman mawawala sa ating sarili. Dahil mahirap kung hindi tayo kikilos para sa gusto natin sa buhay.

Kilos na kung ikaw man ay may hangarin sa buhay. Huwag mo balewalain ang iyong pangarap na mula noon pa man ay inaasam mo ng makamit. Kung ikaw man ay mabigo ay huwag maging malungkot. Bumangon at magpursige ulit na abutin ang pangarap. Dahil sa dulo ng kabiguan ay kasiyahan ang naghihintay.

No comments: