Thursday, February 12, 2009

Love

"Ang short poem na ito ay para po sa kaibigan ko na si Jelyn Hernando. Mabuti at pumayag siya na post ko ang picture niya."

LOVE
For: Jelyn Hernando
By: Arvin U. de la Peña


You know I love you


Nothing more to prove


I showed to you


My very best of love


Sweetheart my dear


It's worth of loving you


Because you make my


world complete.

Tuesday, February 10, 2009

Hinaing

"Bihira lang talaga na ang isang politician ay maganda ang record sa mamamayan. Di ko na lang sabihin dito kung sinong politician ang tinutukoy ko at iniisip habang sinusulat ko ito kasi baka pag initan pa ako ng kanyang mga tagahanga, hehe."

HINAING
Ni: Arvin U. de la Peña

Tama ba na pinasok mo ang mundo na ito?
Sa pag-aakalang ikaw ay makakatulong
Para ano pa ikaw ay nailuklok
Gayong taumbayan ay naghihirap pa rin.

Ilang taon ka na ba sa puwesto
Hindi ba matagal na?
Hindi ka ba nahihiya?
Maraming tao na ang ayaw sa iyo.

Hayok ka ba sa posisyon?
O sadyang makapal ang mukha mo
Nakakaya mo pang sa publiko ay magsalita
Na hindi naman lahat natutupad.

Nakakahiya ka na, hindi mo ba alam?
Kung may tao man na gusto ka
Iyon ay katulad mo rin ang ugali
Pero kaunti lang kayo.

Hanggang saan, hanggang kailan ka diyan?
Sana ay di na magtagal
Dahil pati pangalan ng bansa
Nadadamay dahil sa iyo.

Tsinelas

"Kung bakit naisulat ko ang kuwento na Tsinelas ay dahil nakapagsulat ako ng kuwento na ang pamagat ay Sapatos. Iyon po ang dahilan kung bakit nakapagsulat ako ng ganito ang pamagat."


TSINELAS
Ni: Arvin U. de la Peña

Naglalakad ako isang araw ng may madaanan akong isang batang babae at umiiyak siya. Malakas ang kanyang pag-iyak. Siguro siya nasa sampung taong gulang, katulad ko. Dahil naawa ako sa kanya ay nilapitan ko siya para tanungin bakit siya umiiyak.

Kinuha daw ng limang bata rin ang isa niyang tsinelas. Pinagtulungan daw siya para kunin ang isa niyang tsinelas at saka umalis. Natatakot daw siya na umuwi sa kanila dahil papagalitan siya. Palibhasa ay may pera ako ng araw na iyon ay sinabihan ko siya na bibili na lang ako ng bago. Laking tuwa niya ng marinig ang sinabi ko.

Habang papunta kami sa tindahan na bibilhan ng tsinelas ay ikinuwento niya sa akin ang pagkatao niya at ano ang pangarap niya sa buhay. Sheryl Reyes daw ang pangalan niya. Paglaki daw niya ay nais niyang maging isang lawyer para experto sa batas. At ako naman ay sinabi ko sa kanya na paglaki ko ay nais kong maging isang pulis para makatapagtanggol sa mga naaapi. Kulay asul ang pinili niyang kulay ng tsinelas. Nang tanungin ko siya kung bakit iyon ang pinili niya ay dahil daw iyon ang paborito niyang kulay. Ibinigay niya na lang sa akin ang tsinelas niya na wala ng kapares para hindi daw malaman ng mga magulang niya ang nangyari. Pinasalamatan niya ako sa pagbili ko ng bagong tsinelas para sa kanya. Pinasakay ko pa siya ng tricycle pauwi sa kanila.

Nang nasa amin na ako ay iniisip ko kung ano kaya ang nangyari sa kanya kung hindi ko siya binilhan ng tsinelas. Papaluin kaya siya ng kanyang mga magulang o pagagalitan lang kung bakit nagpa-api sa mga bata ring katulad niya. At ang tsinelas na binigay niya sa akin ay inilagay ko sa supot at ito ay itinago sa pagbabakasakali na pag lumaki na kami at muling nagkita ay ibibigay ko sa kanya ang tsinelas.

Labing-limang taon ang lumipas habang ako ay nasa departamento ng mapansin ko ang nasa headline sa diaryo. List of new lawyers. Nang basahin ko ang nasa top ten ay nabasa ko ang pangalan na Sheryl Reyes. Agad ay natanong ko sa sarili kung ito kaya ang binilhan ko ng bagong tsinelas noon. Sinabi niya kasi na paglaki niya ay gusto niyang isang maging lawyer.

Palapit na ang pasko ng ako ay magbakasyon sa aming lugar. Nang makausap ko ang aking kaibigan agad ay naitanong ko kung kilala niya ang bagong lawyer na si Sheryl Reyes. Hindi naman ako nabigo dahil kilala daw niya. At ang kanyang opisina ay malapit lang daw. Itinuro pa niya sa akin kung saan ko matatagpuan ang opisina niya.

Bigla isang araw ay naglakas loob akong puntahan siya dala ang tsinelas. Nang makaharap ko siya agad ay kinumusta ko at nagpakilala na ako ang bata din noon na bumili sa kanya ng bagong tsinelas dahil kinuha nga sa kanya ang isang kapares ng tsinelas niya. Ipinakita ko pa sa kanya ang tsinelas niya noon. Agad ay napatawa siya at nagsabi na kaybilis talaga ng panahon at ito kapwa na kami malaki.

Nagkuwentuhan kami sa mga pangyayari sa buhay. At kung paano natupad ang pangarap na binuo mula pa pagkabata. Habang kausap ko siya ay nasasabi ko sa sarili na maganda siya at nais kong ligawan balang araw.

Nasa kasarapan kami ng pag-uusap ng bigla sumingit ang katulong niya at nagsabi na si Alexis raw ay nasa telepono at nais siyang makausap. Agad ay naitanong ko sa sarili kung sino ang Alexis na iyon.

Ilang minuto pagbalik niya ay kita ko sa mukha niya ang kasiyahan. Nang tanungin ko siya kung sino si Alexis agad ay sinabi niya na kasintahan daw niya at pupunta daw pagkatapos ng pasko para mamanhikan sa kanila. Ipinakita pa niya sa akin ang engagement ring nila.

Nanghina agad ako ng sabihin niya iyon. Parang di ko matanggap na huli na pala ako sa buhay niya. Nangarap pala ako ng maaga para sa kanya na sa wala lang mapupunta.

Nang magpaalam na ako para umalis ay dinala ko ang tsinelas niya noon. Di ko na lang ibinigay sa kanya. Sinabihan pa niya ako na kung ikasal daw siya ay imbitahin niya ako.

Habang naglalakad ako ay napakalungkot ko. Kaya naisipan kong pumunta sa tabing dagat para doon ay mag isip-isip. Nang nasa tabing dagat na ako ay kinuha ko ang tsinelas sa supot at pinagmasdan. Doon ay inalala ko kung bakit napunta ito sa akin. At ilang sandali ay itinapon ko ang tsinelas sa dagat.

Habang kita ko na naaanod palayo ang tsinelas ay nasasabi ko sa aking sarili na palayo na rin ang puso ko kay Sheryl dahil may kasintahan na pala siya. Wala na palang pag-asa na siya ay maging akin at alagaan ng mabuti. Katulad ng pag-aalaga ko sa tsinelas niya na di mawala sa akin.

Nang di ko na makita ang tsinelas saka ako ay tumalikod para umalis na. At ewan ko lang kung dadalo ako sakali na siya ay ikasal na.

Thursday, February 5, 2009

Yes I Do (by request)

"Nag request ang nakilala ko sa chat na magsulat daw ako ng poem para ilagay niya sa wedding invitation sakali na ikasal siya. Ito ang naisulat ko at sabi niya ay maganda naman daw. Ewan ko lang kung ilagay niya ito para sa wedding invitation para sa kanyang kasal. Baka kasi magbago pa ang isip niya, hehe. Pero masaya ako kung ilagay niya itong sinulat ko."

YES I DO
By: Arvin U. de la Peña

Today is our day

After many years of being lovers

We are now here

The waited moment of our life

Witness by parents, relatives, and friends

We would bow to say

"Yes I Do"

Bigong Pangako

"Masakit ang pakiramdam kapag nalaman mo na ikakasal na ang tao na minsan pinangarap mo na maging kasama sa buhay."

BIGONG PANGAKO
Ni: Arvin U. de la Peña

Sabi mo sa akin ay babalikan mo ako. Pupunta ka lang sa malayong lugar para doon hanapin ang buhay na siyang nais mo. At pagtagal ay babalik ka para muli ay idugtong ang naputol nating relasyon. At iyon ay inasahan ko. Sampung taon na hindi ako nagmahal ng iba dahil umaasa ako sa pangako mo. Dahil ikaw lang at wala ng iba ang mahal ko. Alam mo iyon di ba?

Heto at umuwi ka. Akala ko makakaasa ako sa pangako mo. Pero hindi pala dahil ikaw ay umuwi para ikasal. Masakit sa akin ang ganun. Para akong tanga na naghintay sa wala. Di mo man lang inisip na masasaktan ako.

Bakit naging ganun ka sa akin. Lagi ko tuloy natatanong sa aking sarili. May mali ba ako? Kung may mali man ako bakit hindi mo sabihin sa akin. Para mapag-isip-isip ko ang kamalian. Pero hindi mo ako sinasagot.

Ilang araw na lang ay ikakasal ka na. Habang papalapit ang iyong kasal unti-unti nanghihina ako. Dahil ikaw ang sigla ko noon pa man. Halos araw-araw mula ng umuwi ka at malaman na ikakasal ka sa iba ay napapaluha ako habang tinitingnan ang mga larawan natin noon. Mga larawan noong tayo pang dalawa at laging masaya. Di ko alam kung itatapon ko ang mga larawan pagkatapos ng iyong kasal.

Hiling ko na lang sana ay lalo ka pang sumaya sa kanya. Hindi ka niya bigyan ng mga problema. Dahil tiyak na masasaktan ako kapag nalaman ko na may nangyari sa iyo na di maganda.

At pagkatapos ng iyong kasal ay aalis rin ako sa lugar na ito. Para unti-unti makalimutan ko ang lahat na may kaugnayan sa atin. At sa aking pag-alis ay dala ko ang tanong kung bakit ako ay ipinagpalit mo sa iba na hindi ko man lang alam ang dahilan.

Bulaklak

BULAKLAK
Ni: Arvin U. de la Peña

Hagkan mo ang tigang kong bulaklak
Dampian mo ng iyong labi
Hanggang sa umagos ang nektar
Na siyang magdidilig sa akin.

Huwag kang mabahala
Walang nagmamay-ari sa akin
Sakali man ano ang gawin mo
Para ako ay lumigaya.

Hindi mo ba alam
Ako ay nasa paraiso
Hindi ako madaling puntahan
Nang mga taong hayok sa laman.

Paligayahin mo ako
Hanggang sa ikaw ay magsawa
Siyempre ganundin ako
Para kapwa tayo sumaya.

Magdamag nating pagsaluhan
Ang tunay na kaligayahan
Hanggang sa mapitas
Ang birhen kong bulaklak.

Kilos

"Walang masama kung minsan tayo ay makipagsapalaran para sa gusto natin sa buhay."

KILOS
Ni: Arvin U. de la Peña

Karamihan o halos lahat ng tao ay takot na mabigo. Sa madaling salita takot na masaktan o makaramdam sa sarili na hindi nila gusto. Lalo na iyong mga nag-aapply ng trabaho. Dahil kapag hindi natanggap ay mag-aapply na naman. Sa isip rin nila ay mahihirapan na sila na makaahon muli sa pagkabigo. Pero batid nila na ang kabiguan ay kasama na sa buhay. Hindi exciting ang buhay sa mundo kung lahat ng tao ay professional o may trabaho na maganda at sumasahod ng malaki. Dahil kung ganoon ay walang magpapaalipin o magpapautusan sa iba.


Sabi nga sa english "we have all up and down". Sa madaling salita lahat tayo ay puwede na tumaas at puwede rin na bumaba. Ngunit may mga tao na laging nasa itaas. Sila iyong mga tao na ng magtagumpay ay lalo pang nagtagumpay. Umasenso lalo ang buhay nila. At sa mga tao na iyon hindi tayo dapat na mainggit. Bagkus ay gawin natin silang inspirasyon para sa mithiin natin sa buhay. May mga tao din na ng tumaas na ang antas ng buhay nila ay unti-unti ay bumagsak ang kabuhayan nila. At iyon ay ang mga tao na hindi nag-ingat o pinahalagahan ang naging hanap-buhay o trabaho.

Muli lagi sanang isipin na huwag matakot na mabigo. Harapin ang agos ng buhay na dumadaloy sa iyo. Maging ikaw man ay ipinanganak na mayaman o mahirap. Dahil dito sa mundo ay duwag lang ang natatakot na humarap sa suliranin. Kakambal na ang problema sa buhay ng tao. Pero lahat ng problema ay may solusyon. Nasa iyo na lang kung paano mo lulutasin ang problema na kinakaharap.

Ang pakikipagsapalaran ay hindi masama. Ito ay subukan dahil wala naman mawawala sa ating sarili. Dahil mahirap kung hindi tayo kikilos para sa gusto natin sa buhay.

Kilos na kung ikaw man ay may hangarin sa buhay. Huwag mo balewalain ang iyong pangarap na mula noon pa man ay inaasam mo ng makamit. Kung ikaw man ay mabigo ay huwag maging malungkot. Bumangon at magpursige ulit na abutin ang pangarap. Dahil sa dulo ng kabiguan ay kasiyahan ang naghihintay.