Thursday, January 1, 2009

Driver


DRIVER
Ni: Arvin U. de la Peña

Ang hanap buhay ko ay mamasada
Isang jeep ang minamaneho ko
Ito ang trabaho ko
Na bumubuhay sa aking pamilya.

Umaga pa lang ay gumigising na ako
Halos sabay sa pagtilaok ng mga manok
Para maaga pa lang
Ako ay magkaroon na ng pera.

Ayos na sa akin ang trabaho na ito
Masakit nga lang minsan sa ulo
Kapag masyado ang traffic
O kaya ay di nagbabayad ang pasahero.

Kahit ito ang trabaho ko
Nakakatulong ako ng malaki sa kapwa
Dahil naihahatid ko sila ng di naglalakad
Sa kung saan nila nais pumunta.

Jeepney driver kung ako ay tawagin
Sweet lover din daw ako
Sabi ng iba na totoo naman talaga
Dahil mahal ako ng aking asawa at mga anak.

No comments: