Tuesday, January 13, 2009

Dagat

"Napakalaki ng naitutulong ng dagat sa mga tao. Kaya dapat lang na alagaan at panatilihin na ito ay malinis dahil marami ang umaasa dito."


DAGAT
Ni: Arvin U. de la Peña

Namamasyal ako sa tabing dagat
Nang maisipan kong umupo
At sa dagat ay pinagmasdan ko
Ang mga nasa bangka na ang lulan mangingisda.

Pumasok agad sa isip ko
Na iyon talaga ang hanap-buhay nila
Nanghuhuli ng isda para ipagbili
Para naman magkaroon sila ng pera.

Naisip ko rin na dahil sa kanila
Ang mamamayan ay nakakakain ng isda
Na mas mainam na kainin
Kumpara sa karne na mas mahal ang presyo.

Sa malayo sa akin ay napansin ko
Ang mga bata ay nagtatapon
Nang mga basura sa dagat
Bigla naawa ako sa mga nabubuhay sa dagat.

Hanggang ngayon pala ay di pa sinusunod
Ang mga paalala sa tao
Na panatilihing malinis ang dagat
Dahil ito ay likas na yaman.

No comments: