Wednesday, November 7, 2012

Lumang Damit

"Ako ay nagbabalik mula sa isang buwan na bakasyon sa pag blog. At ito ang una kong handog sa inyo na laging bumibisita sa blog ko kung may post akong bago. Mula pa rin sa mapaglaro kong imahinasyon."

LUMANG DAMIT
Ni: Arvin U. de la Peña

Mula ng mag-aral si Enrique ay laging lumang damit na ang suot. Mga damit na pinagdaanan ng suotin na hiningi ng nanay niya sa mga kakilala. Iyon ay dahil wala silang pambili ng mga bagong damit. Ang nanay niya kasi ay isang labandera. Minsan pa may araw na wala siyang pinaglalabhan kaya walang pera. At ang tatay niya ay isang konduktor ng pampasaherong jeep. Kaya ang kita nila sa isang araw ay sapat lang.

Ang lumang damit na sinusuot niya ang dahilan kung bakit hindi siya nakikipagbarkada sa kapwa niya bata sa elementarya. Iyon ay dahil tinutukso siya sa kanyang suot. May mga bata kasi na kaklase niya at hindi na binigyan ng damit ang nanay niya ng magulang nila dahil humingi.

Hanggang sa pag high school ay ganun din ang mga kasuotan ni Enrique. Mga lumang damit na hiningi ng nanay niya. Iyon ang dahilan kung bakit ang crush niyang si Kristine ay hindi niya malapitan. Dahil ramdam niya na iiwasan siya. Higit sa lahat ay kilalang may kaya sa buhay sina Kristine at matapobre ang pamilya. Nakakaramdam siya ng selos kapag si Kristine ay nakakasama ng ibang ka school mate niya na may kaya rin sa buhay ang pamilya at higit sa lahat hindi luma ang suot na damit. Wala siyang magawa kundi tanggapin na ganun ang kalagayan niya.

Pagkatapos mag graduate ng high school ay nag-apply siya sa SM Department Store dahil walang pera ang magulang niya para pagpaaral sa kolehiyo. Habang nakapila siya sa pag-aapply ay kita ng dalawa niyang mata na siya lang ang may damit na luma. Nasa ganun siyang sitwasyon nakatayo dahil mahaba ang pila ng mga gustong mag apply ng bigla lapitan siya ng isang lalaki para lumayo ng konti at mag usap na sila lang.

Doon ay tinanong siya kung bakit lumang damit ang suot at may mantsa pa para sa pag apply. Walang pagkukunwari na sinabi niya ang totoo. Hinangaan siya ng lalaki na nakaranas din ng ganun na laging luma ang suot na damit noon na mataas pala ang katungkulan sa SM Department Store lalo na ng sabihin niya na "hindi naman nasa damit nakikita ang tunay na kakayahan ng isang tao. Kung ikaw ay nagpapakita ng pagiging maginoo at mabait kahit pa punit ang damit ikaw ay hahangaan."

Walang kahirap hirap na nakapasok siya sa trabaho sa tulong ng lalaki. Naging checker siya. Nakatulong siya sa kanyang magulang sa mga pangangailangan. Higit sa lahat nakabili siya ng mga bagong damit.

Sa buhay, huwag nating husgahan ang isang tao kung hindi man maganda ang kanyang kasuotan. Unawain natin siya at intindihin ang kalagayan. Marahil ay mayroon siyang pinagdaraanan kung bakit ganun ang pananamit niya. Higit sa lahat minsan ang magandang kasuotan ng isang tao ay balat kayo lang para sa gagawing hindi maganda sa kapwa.

Monday, October 8, 2012

Blog 4th anniversary

"We have only one birthday, all the rest are anniversary."


Ito ngayon ang pang 4th anniversary ng blog ko. Pagkatapos kong magkaroon ng blog war ay nakaugalian ko na kung sino man ang madalas mag comment sa blog ko bukod sa ka exchange link ay nilalagay ko ang pangalan at site ng blog nila sa e-mail ko. Kapag may bagong blogger na mahilig din mag comment sa post ko ay copy paste ko ang nasa e-mail at ilagay ang bago at send sa e-mail ko rin. Kapag gusto ko mag punta sa mga blog ay madalas sa e-mail ako dumaraan. Mula sa sent items ay doon click ko ang bloggers list at kung click ko ang isang nasa lista ay makita na ang blog niya. Minsan lang ako mag punta sa isang blog na sa blog list ako dumadaan. Kung bakit ko ginawa na isave sila na mahilig mag comment sa blog ko ay dahil tumatanaw ako ng utang na loob sa kanila sa mga pagbisita nila sa blog ko lalo na sa pag comment nila.

Visit me and I will visit you. Ganun ako sa blog world. Mas inuuna kong bisitahin ang mga nasa lista ko sa e-mail na mga bloggers kaysa sa iba. Noong October 8, 2010 ng mag post ako para sa 2nd anniversary ng blog ko ay 112 pa lang iyan na mga bloggers. Nasa comment sila nakalagay. Ngayon ay 315 na at ang masabi ko ay marami ang nadagdag. Pero sa mga iyan na makita niyo na mga bloggers list ko ang ilan sa kanila ay hindi na aktibo sa pag blog. Ang iba naman ay di na makita ang blog. Higit sa lahat marami sa kanila ang hindi ko na ramdam ang pagpunta nila sa blog ko. Ganun pa man ay nauunawaan ko sila. Siguro mauunawaan din nila ako kung bakit bihira na rin lang ako magpunta sa blog nila. Wala akong sama ng loob na hindi na sila katulad ng dati. Kasi mayroon din naman bloggers na masasabi kong hindi ako tinalikuran at alam ko naman na may mga iba pang darating na masasabi kong magiging kaibigan sa blog.

Para sa 4th anniversary ng blog kong ito ay nais kong pasalamatan ang lahat na bloggers na nasa lista. Salamat at naging bahagi kayo ng blog kong ito. Sakali mang  dumating ang araw na magsasawa na kayo sa pagpunta sa blog ko ang masabi ko lang ay salamat at minsan naging bahagi kayo ng Written Feelings.

At nasa comment po ang lista ng mga bloggers na nais kong pasalamatan.

Wednesday, October 3, 2012

Cybercrime Law


CYBERCRIME LAW
Ni: Arvin U. de la Peña

Mainit na usapin ngayon ang tungkol sa pagsasabatas ng Cybercrime Law dahil sa pagkakasingit ng libel. Hindi nga naman tama iyon. Dahil labag sa saligang batas under bill of rights. Higit na masakit ay dahil mas mabigat pa ang magiging kaparusahan sa ilalim ng Cybercrime Law sa libel case kumpara sa nasa saligang batas.

Ninais ni Ninoy na mapatalsik si Marcos para din maging malaya ang mga Pilipino. Magkaroon ng freedom of expression, freedom of speech. Nagtagumpay iyon ng mapatalsik si Marcos at maging pangulo si Cory. Bumalik sa pagiging demokrasya ang bansang Pilipinas. Ngayon nasaan ang pagiging demokrasya ng ating bansa kung mayroon Cybercrime Law na puwede doon makasuhan ng libel. Kung buhay lang si Ninoy at Cory siguro hindi iyon matutuwa na pinirmahan ng anak nila na pangulo ng bansa para maging ganap na batas ang Cybercrime Law.

Tuwid na daan ganun ang sinusulong ng kasalukuyang gobyerno, ang gobyerno ni Pnoy. Ngunit tuwid na daan ba ang pagkakatatag ng Cybercrime Law? Hindi ang sagot, dahil sa baluktot na daan iyon. Pagkat masyadong naging madali ang Cybercrime Law kumpara sa RH Bill o kaya ang Freedom of Information Bill na mas nauna pa pero hanggang ngayon hindi pa nagiging batas. Mabilis na naisabatas ang Cybercrime Law, kasingbilis ng kidlat. Kung gusto na maging batas ay madali maaprubahan pero kapag hindi ay mabagal. Ganun ba ang tuwid na daan? Kung nasa tuwid na daan ang Cybercrime Law ay hindi masyadong marami ang kokontra.

Dito sa Pilipinas masyadong marami ang gumagamit ng computer. Masyado ring marami ang may facebook. Kung mag like o share ka sa post na libelous ay kasama ka ng makakasuhan. Ano pa kaya kung mag comment ka. Paano pa kung hindi naman ikaw ang nag like, nag share, o kaya nag comment kundi ay ginamit lang ang pangalan mo. Ikaw ang madidiin o makakasuhan sa kasalanan na hindi mo naman ginawa lalo kung maimpluwensya ang kalaban. Hindi yata napag aralan ng mabuti para iyon maging batas.

Masyadong mahigpit ang batas na iyon. Hindi maganda para sa isang demokrasya na bansa. Daig pa ang Martial Law ng batas na Cybercrime Law. Ayaw ni Ninoy at Cory ng Martial Law pero gusto yata ng anak nila na si Pangulong Noynoy Aquino ng Martial Law ngunit sa ibang paraan nga lang.

Saturday, September 29, 2012

Daang Matuwid (by request)

Itong post kong ito ngayon ay pagbibigay daan para sa request ng isang kaibigan din na blogger sa mundo ng blog. Una po siyang nagparamdam sa by request portion ng blog ko sa post kong Sana'y Laging Magkapiling (by request). At pagkatapos sa post kong Araw (by request) ay nagsabi ulit siya. Narito po ang dalawang comment niya sa dalawa kong post na iyon. At ang blog niya ay http://jhoweiyne.blogspot.com/

Blogger Joanne ;p said...
pwede pa lang by request dito? pero next time na lang, mukhang maraming nakapila e! :)

July 7, 2012 4:51 PM


 Blogger joanne said...
Daya mo, ako ang tagal ko na din nag-request ah? haha, inggitera lang! :D

September 26, 2012 1:31 AM





DAANG MATUWID (by request)
Ni: Arvin U. de la Peña

Isinulat sa papel
Inunawa ng lahat
Nakasulat sinunod
Lahat ay di lumabag.

Problema naiwasan
Nawala ang sigalot
Hustisya naging pantay
Pag-asa ay nakamit.

Pagtulong pinaramdam
Humihingi nabigyan
Kailangan ay anuman
Pamahalaan mayrun.

Pera may napuntahan
Lungsod naging maunlad
Korapsyon ay natigil
Sagana mamamayan.

Batas ayaw labagin
Ramdam ng taumbayan
Ang daan na matuwid
Tagumpay nating pinoy.
Delete

Saturday, September 22, 2012

Araw (by request)

Ang post ko pong ito ay pagbibigay daan para sa request ng isang kaibigan din na blogger dito sa mundo ng blog. Nag request po siya sa pag post ko ng Dukha (by request). Narito po ang sinabi niya ng mag comment at ang blog niya ay http://kulapitot.blogspot.com/







Blogger KULAPITOT said...

arvin namiss kita :) galing galing mo tlga gumawa ng tula :) .. ako papagawa din .. free nmn diba?

August 27, 2012 6:52 PM


ARAW (by request)
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa pagsikat ng araw ay ang pagliwanag
Mula sa madilim na kalangitan
Mga tao ay muling haharapin
Pakikipagsapalaran sa buhay.

Kalsada makikita iba't ibang tao
Naglalakad at ang iba nasa sasakyan
Patungo kung saan sila nagtratrabaho
Ang iba naman humahanap ng mapagkakakitaan.

Mga tindahan at opisina ay makikita ng nakabukas
Mga naghahanap-buhay ay nasisilayan
Ang iba nag-uusap ng kung anong bagong balita
Ang iba naman nakaupo at nakatayo lang.

Umulan man ganun pa rin
Gawain sa araw pinipilit na gawin
Tinatapos hangga't ito ay kaya
Para sa sarili at sa bayan.

Iba't ibang pangyayari ang nagaganap
Sa bawat nilalang nagbibigay kahulugan
Bata man o kaya matanda
Nararanasan ang halaga ng araw. Delete

Friday, September 14, 2012

Reflection

Nagsisisi ako na minsan ang mga babae na naging bahagi ng buhay ko ay hindi ko man lang naiisip. Tiningnan ko ang ibang mga gamit ko noon ng nag-aaral pa at nakita ko ang larawan niya. Napa smile ako ng makita uli ang picture niya. Dahil doon ay pumasok sa isip ko na magsulat ng poem na ang pamagat ay reflection.


REFLECTION
By: Arvin U. de la Peña

So long I didn't see you
Even hear your voice
The days that we are together
Moments and laughters that we shared
Still I remember.

Leaving me alone
Makes me feel empty
For the time that I love you
And you love me too
I never thought it would end.

You and I are meant for each other
That's what I thought
The hug and kisses that we shared
Will remain as sweet memories
That inked inside of me.

Perhaps it is destiny that we've been apart
Despite of our effort that we love endlessly
And hope to be together for the rest of our lives
Became useless, didn't work
Just a reflection of me now.

Though we've already separated
Never be together, never be again
Wish someday we meet again
Reminisce our past
For you are tattooed on my heart.

Wednesday, September 5, 2012

Saksi (by request)

Bago po dito ay lahat ng napagbigyan ko sa by request portion ng blog ko ay puro tula ang naisulat ko para sa kanila. At ito ang unang pagbibigay daan para sa request ng isang blogger din na kuwento ang handog ko. Ginawa niya po ang pag request sa post kong Dukha (by request). Narito po ang sinabi niya at ang blog niya ay  http://www.theluckyblog.info/




Blogger Balut The Lucky Blogger said...

congratulations Arvin for another beautiful piece, napakaganda kahit napaka-lungkot nga lang...

lucky jessica that u granted her wish, ako naman sa susunod ha :)

August 25, 2012 6:36 PM

SAKSI (by request)
Ni: Arvin U. de la Peña

Pagtitinda ng diaryo ang hanapbuhay ni Manuel. Araw-araw ay ubos ang paninda niyang diaryo. Hindi umaabot ng tanghali ay nasa kanilang bahay na siya at may dalang pagkain para sa ina niyang maysakit. Sila na lang dalawa ang magkasama dahil iniwan sila ng itay.

Sa dalawang daan na kita niya sa pagtinda ng diaryo ay sapat na sa kanya. Nasa bahay na lang siya kung tanghali nagpapahinga. At para rin may kasama ang ina niya.

Minsan isang umaga habang papunta siya para kumuha ng mga diaryo ay nakasaksi siya sa pagpatay sa nasa mercedes benz na sasakyan. Kitang-kita niya na habang mahina ang takbo ng mercedes benz ay bigla pumagitna ang isang toyota innova at bumaba ang dalawang lalaki at barilin ang mga nasa loob ng mercedes benz. Namukhaan niya ang isang bumaril at tinandaan ang plate number ng umalis ang toyota innova.

Agad-agad ay may mga nagresponding pulis. Marami ang umusyoso sa dalawang binaril. Isang lalaki at babae na nasa hustong gulang na. Nagtanong ang mga pulis kung sino ang nakasaksi pero walang sumasagot. At paglipas ng ilang sandali ay umalis na si Manuel para kumuha ng mga ibebentang diaryo. Habang nagtitinda ng mga diaryo si Manuel ay balisa siya kung sila sino ang pinaslang. Nang maubos ang mga diaryo ay pumunta si Manuel sa pinagkukunan niya ng mga diaryo para bumayad. At doon ay usap-usapan na ang pinatay ay anak ng Senador at Congressman. Anak ng Senador ang lalaki at anak naman ng Congressman ang babae. Magkasintahan ang dalawa. Baka raw selos ang dahilan kung bakit sila ay pinaslang.

Kinabukasan ay laman ng mga pahayagan ang nangyari. Anak ng mga prominenteng tao pinaslang. Ang masakit pa malapit na raw ikasal ang dalawa. Gusto ni Manuel na magkaroon ng hustisya ang nangyari. Pagkatapos maubos ang mga diaryo at makabayad sa pinagkukunan ng mga diaryo ay agad umuwi siya sa kanilang bahay. Pagkatapos kumain ay nagpaalam siya sa ina na aalis muna.

Sa pulisya ay isinalaysay niya ang nangyari. Tinawagan ng pulis ang mga magulang ng biktima dahil may testigo na. At agad naman na dumating. Sa mga tinanong ng pulis at ipinakitang larawan ng mga suspek at naituro ni Manuel ang bumaril. Anak ng isang negosyante. Ang kasamang isa ay hindi niya namukhaan. Sinabi rin niya kung anong plate number ng Toyota Innova. At na confirm sa pagberika sa LTO na anak nga ng isang negosyante ang may ari ng sasakyan.

Naging kredible witness si Manuel. Pansamantala siyang pinatira at ang ina niya sa bahay ng Senador. Naging laman ng mga pahayagan si Manuel lalo na ng mag umpisa ang kaso. "Dating nagtitinda ng mga diaryo, ngayon laman ng mga pahayagan." Hindi si Manuel nagpatalo sa mga tinanong sa kanya ng abogado ng akusado. Kahit ano pang panglilito para hindi siya paniwalaan sa korte. Kampante lang siya habang tinatanong. Pawang katotohanan ang lahat ng mga sinabi niya sa korte. Hanggang sa mahatulan ng korte ang anak ng negosyante at ang kasama. Labis ang pasasalamat ng mga magulang ng biktima kay Manuel dahil nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang anak.

Naipagamot ng Senador ang ina ni Manuel sa sakit at sila ay binigyan ng malaking halaga ng pera. At sinabihan sila na kung may kailangan man ay pumunta lang sa bahay dahil handang tumulong.

Ang buhay natin ay hindi pang habang buhay. May araw na tayo ay mamamaalam sa mundo. Habang tayo ay buhay dapat gumawa tayo ng kabutihan sa kapwa. Huwag matakot na maging saksi sa nakita na hindi maganda lalo na kung krimen ang insidente. Dahil ang pagiging saksi ang siyang magiging tulay para sa katarungan. Dahil kung hahayaan lang natin sila sa kanilang ginawa na hindi makatarungan ay gagawin pa nila ulit iyon sa iba.
Delete