Thursday, February 5, 2009

Kilos

"Walang masama kung minsan tayo ay makipagsapalaran para sa gusto natin sa buhay."

KILOS
Ni: Arvin U. de la Peña

Karamihan o halos lahat ng tao ay takot na mabigo. Sa madaling salita takot na masaktan o makaramdam sa sarili na hindi nila gusto. Lalo na iyong mga nag-aapply ng trabaho. Dahil kapag hindi natanggap ay mag-aapply na naman. Sa isip rin nila ay mahihirapan na sila na makaahon muli sa pagkabigo. Pero batid nila na ang kabiguan ay kasama na sa buhay. Hindi exciting ang buhay sa mundo kung lahat ng tao ay professional o may trabaho na maganda at sumasahod ng malaki. Dahil kung ganoon ay walang magpapaalipin o magpapautusan sa iba.


Sabi nga sa english "we have all up and down". Sa madaling salita lahat tayo ay puwede na tumaas at puwede rin na bumaba. Ngunit may mga tao na laging nasa itaas. Sila iyong mga tao na ng magtagumpay ay lalo pang nagtagumpay. Umasenso lalo ang buhay nila. At sa mga tao na iyon hindi tayo dapat na mainggit. Bagkus ay gawin natin silang inspirasyon para sa mithiin natin sa buhay. May mga tao din na ng tumaas na ang antas ng buhay nila ay unti-unti ay bumagsak ang kabuhayan nila. At iyon ay ang mga tao na hindi nag-ingat o pinahalagahan ang naging hanap-buhay o trabaho.

Muli lagi sanang isipin na huwag matakot na mabigo. Harapin ang agos ng buhay na dumadaloy sa iyo. Maging ikaw man ay ipinanganak na mayaman o mahirap. Dahil dito sa mundo ay duwag lang ang natatakot na humarap sa suliranin. Kakambal na ang problema sa buhay ng tao. Pero lahat ng problema ay may solusyon. Nasa iyo na lang kung paano mo lulutasin ang problema na kinakaharap.

Ang pakikipagsapalaran ay hindi masama. Ito ay subukan dahil wala naman mawawala sa ating sarili. Dahil mahirap kung hindi tayo kikilos para sa gusto natin sa buhay.

Kilos na kung ikaw man ay may hangarin sa buhay. Huwag mo balewalain ang iyong pangarap na mula noon pa man ay inaasam mo ng makamit. Kung ikaw man ay mabigo ay huwag maging malungkot. Bumangon at magpursige ulit na abutin ang pangarap. Dahil sa dulo ng kabiguan ay kasiyahan ang naghihintay.

Tuesday, January 13, 2009

Sapatos

"Habang sinsulat ko ito ay nakaramdam ako ng lungkot sa sarili."


SAPATOS
Ni: Arvin U. de la Peña

Madalas sa kanilang paaralan ay pagtawanan si Cedric. Siya ang madalas punahin ng kanyang mga kaklase. Iyon ay dahil sa kanyang suot na sapatos. Paano kasi ang sapatos niya ang nabubukod tangi sa iba. Bukod sa ito ay luma na ay ito pa ang sapatos ng kanyang tatay noon. Bukod na malaki sa kanya ng konti ay halata na kupas na talaga ang sapatos niya. Gustuhin man niya na magpabili ng bagong sapatos ay wala silang pera para sa sapatos. Palibhasa ay 4th year high school na at siya ang panganay na anak ay madalas sabihin niya sa sarili na matatapos na rin ang pagsusuot niya ng lumang sapatos dahil hindi na siya kaya pang papag-aralin ng kanyang mga magulang sa kolehiyo.

Mabait at masipag si Cedric na estudyante sa paaralan. Isa siyang working student. Siya lagi ang huling umuuwi na mag-aaral dahil sa marami pa siyang ginagawa pagkatapos ng klase. Minsan habang kausap niya ang kaklase na si Tessie sa may canteen habang recess bigla ay sinigawan siya ng kanyang mga mapagbirong classmate ng "Cedric ang sapatos mo ay palitan mo na." Agad ay napatingin si Tessie sa suot na sapatos ni Cedric at agad ay napatawa si Tessie. Akala agad ni Cedric ay minaliit ni Tessie ang sapatos niya. Nagulat siya ng magsalita si Tessie sa kanya ng " huwag mo na lang sila papansinin. Gawin mong inspirasyon ang sapatos mo para ikaw ay magtagumpay sa buhay." Naantig ang puso ni Cedric sa sinabi na iyon ni Tessie. Gusto niya itong yakapin pero di niya magawa. Sinabihan na lang niya si Tessie ng "maraming salamat."

Pag-uwi ni Cedric sa kanilang bahay ay dala-dala pa rin niya sa isip ang sinabi ng kaibingan niyang si Tessie. Tiningnan niya ang kanyang mga magulang, mga kapatid, at ang bahay nila. Nasabi niya agad sa sarili na sana nga magtagumpay siya para naman umangat ang buhay nila.

Habang papalapit na ang graduation ay lalong nagiging excited si Cedric. Iyon ay dahil pipilitin niya na makapag-aral siya sa kolehiyo. Sa isip niya ay kung nagawa niya na maging isang working student sa high school ay magagawa niya rin iyon sa college. Para naman kahit paano ay makapag-aral siya sa kolehiyo na hindi nagawa ng mga magulang niya. Sa isip rin niya na kapag siya ay nagtagumpay ay papag-aralin din niya ang apat pa niyang kapatid.

Lalong napalapit sa isa't-isa sina Cedric at Tessie. Madalas na silang magkasama. Ang iba nga niyang mga kamag-aral ay naiinggit sa kanya dahil bakit daw ang mayaman na si Tessie ay napalapit ang loob kay Cedric na isang mahirap lang. At muli kapag napapadaan o nadaraanan sila ng mga kaklase niyang mapagbiro ay pinaparinggan agad siya na magpalit na nga sapatos.

Isang araw bago ang graduation ay pinuntahan si Cedric ni Tessie sa bahay nila. Nag-usap sila ng masinsinan. Naging seryoso ang kanilang pag-uusap. Halos mapaluha si Cedric ng sabihin ni Tessie na pagkatapos ng graduation ay pupunta na siya sa Amerika at doon na papag-aralin ng mga magulang niya at doon na rin daw siguro titira. Mamimiss daw niya si Cedric at muli ay sinabihan siya na gawing inspirasyon ang sapatos para sa pagtatagumpay. Nang aalis na si Tessie ay sinabihan niya ito ng " I Love You" na agad ikinatawa ni Tessie at saka umalis na.

Araw ng graduation ay kita ni Cedric na halos lahat ay bago ang suot na mga sapatos ng mga kasabay niyang gragraduate. Lahat ay makikintab bukod sa sapatos niya. Pansin niya na ang sapatos lang talaga niya ang luma. Gusto niyang mapaluha na kahit sa graduation na pinakahihintay ng lahat na mag-aaral ay ganun pa rin ang sapatos niya pero hindi niya magawa. Wala rin siyang karapatan na pilitin masyado ang mga magulang niya na bumili ng bagong sapatos sa araw ng graduation dahil wala talagang pambili.

Nang isa-isahin na ang pagtawag sa pangalan ng gragraduate ay lalong na excited si Cedric. Lalo na ng tawagin na ang pangalan niya. Paghawak niya ng diploma agad ay napalingon siya sa mga kaklase niya lalong-lalo na kay Tessie.

Pagkalipas ng ilang araw at ng makuha na ang mga dapat na kunin sa paaralan para gamitin pag enroll sa college ay agad napaluwas ng Manila si Cedric sa tulong ng kanyang tiyuhin.. Doon ay nagtrabaho muna si Cedric ng dalawang taon sa isang kompanya at pagkatapos ay nakapag-aral na siya sa isang unibersidad bilang isang working student sa kursong civil engineering. Muli habang siya ay nag-aaral ay ang lumang sapatos pa rin ang kanyang suot. Nasanay na kasi siya na iyon lagi ang isuot kapag nag-aaral.

Madaling lumipas ang apat na taon. Nang maging ganap ng engineer si Cedric agad ay nakapagtrabaho siya sa isang construction firn. Nagpapadala na lang siya ng pera para sa mga magulang niya at mga kapatid na nag-aaral. Dahil maabilidad at magaling dumiskarte si Cedric unti-unti ay nagkaroon siya ng sarili niyang construction firm. Tinawag niya itong SAPATOS CONSTRUCTION FIRM na naging sikat naman at marami ang kumukuha para magpagawa ng kung ano.

After 12 years, class reunion nila ay umuwi si Cedric na dala ang napakaraming sapatos para ibigay sa kanyang mga naging kaklase. Hinangaan siya sa pagtagumpay nito sa buhay. At ng tinanong siya kung bakit namigay ng mga sapatos ay sinabi niya na ang sapatos na suot-suot niya noong nag-aaral pa ng high school ang naging inspirasyon niya sa paalala na rin ni Tessie. Napagtatawanan na lang nila ang mga dating pagbibiro noong high school days pa nila.

Habang sila ay nagkakasiyahan at nag-iinuman bigla ay may pumarada na isang magarang kotse. Pagbukas ng pinto agad ay nakilala nila si Tessie na 12 years ring hindi sumali sa class reunion nila. Doon ay kinumusta nila agad si Tessie. Gayundin si Tessie ay kinumusta ang mga ka batch niya sa high school. Pagtingin ni Tessie kay Cedric agad ay binati niya ito sa pagkakaroon ng SAPATOS CONSTRUCTION FIRM.

Habang tumatagal ang kasiyahan at ang iba ay mga lasing na agad ay nakiusap si Cedric kay Tessie na mag-usap sila na malayo ng kaunti sa mga ka batch nila para hindi marinig ang pag-uusap nila. At pinagbigyan naman siya ni Tessie. Nagkuwento sila sa isa't-isa sa pangyayari sa buhay sa loob ng 12 years. Pinasalamatan ni Cedric si Tessie sa sinabi nito noon na gawing inspirasyon ang sapatos para magtagumpay dahil iyon ay ginawa niya talaga.

At ng aalis na si Tessie para pumunta sa mga ka batch niya ng bigla ay hawakan siya ni Cedric sa balikat at sinabihan si Tessie ng "I LOVE YOU" na agad ay sinagot ni Tessie ng "kailan mo ako pakakasalan."

Hindi nila mapigilan ang sarili na hindi tumawa sa isa't-isa.

My Words (to my love)

MY WORDS (to my love)
By: Arvin U. de la Peña

I was so happy when you
came to my life
After how many years
that my life is dim
Now it has brightness
You can look at me
Just like a sun
Ready to give light to all.

I don't want you to lose
I will make a promise to you
That as long I am here
I always beside you
When your life need comfort.

My friend, my love I know
It is not easy
Going like this
We have different life
But I hope you would not change.

The way you treat to me
Make it until last
Because you make my life meaningful
I tell you now
You will always in my mind forever.

Sana Kaibigan

"Kung tayo ay malungkot, minsan ay may susulpot na tao na hindi natin inaasahan na bigla ay siyang magbibigay kasiyahan sa atin."

SANA KAIBIGAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Di ko akalain na bigla ay darating ka
Sa buhay ko na ito
Na mula noon pa man
Kadalasan ay nag-iisa lang.

Alam ko na bago pa lang tayo
Naging isang magkakilala at magkaibigan
Sana itong sa ating dalawa ngayon
Ay maging pang habambuhay na.

Mangyari man na tayo ay abala
Dahil sa trabaho o ano pa
Huwag sana natin makaligtaan
Na hindi isipin ang bawat isa.

Kaibigan, o aking kaibigan
Sumaya ako nakilala kita
Nagkaroon ng sigla at kulay
Ang aking buhay na dati ay matamlay.

Magpakailan pa man
Sana walang pagbabago sa atin
Iturin natin na tayo ay magkadikit
Walang hugis kapag ang isa ay naalis.

Dagat

"Napakalaki ng naitutulong ng dagat sa mga tao. Kaya dapat lang na alagaan at panatilihin na ito ay malinis dahil marami ang umaasa dito."


DAGAT
Ni: Arvin U. de la Peña

Namamasyal ako sa tabing dagat
Nang maisipan kong umupo
At sa dagat ay pinagmasdan ko
Ang mga nasa bangka na ang lulan mangingisda.

Pumasok agad sa isip ko
Na iyon talaga ang hanap-buhay nila
Nanghuhuli ng isda para ipagbili
Para naman magkaroon sila ng pera.

Naisip ko rin na dahil sa kanila
Ang mamamayan ay nakakakain ng isda
Na mas mainam na kainin
Kumpara sa karne na mas mahal ang presyo.

Sa malayo sa akin ay napansin ko
Ang mga bata ay nagtatapon
Nang mga basura sa dagat
Bigla naawa ako sa mga nabubuhay sa dagat.

Hanggang ngayon pala ay di pa sinusunod
Ang mga paalala sa tao
Na panatilihing malinis ang dagat
Dahil ito ay likas na yaman.

Ligaya

"Hindi dahil palaging ngumingiti ang isang tao ay masaya siya sa buhay niya. Malay natin kung sa likod ng kanyang mga ngiti ay puno ng kalungkutan."

LIGAYA
Ni: Arvin U. de la Peña

Hanapin mo ang ikaliligaya mo
Huwag ka ng mag alinlangan
Ang kasiyahan sa buhay
Ang siyang tunay na kayamanan.

Mahirapan at mapagod ka man
Sa paghahanap nito ay tiisin mo
Dahil ang kapalit naman ng lahat
Sa iyo ay walang kapantay.

Lakad at huwag umupo na lang
Masarap ang pakiramdam kapag nagtagumpay
Hindi mo lang ba naisip
Balewala ang buhay kung malungkot naman.

Kaawaan mo ang sarili mo
Madami ang nanghihinayang sa iyo
Bakit hanggang diyan ka na lang
Ayaw na makipagsapalaran sa buhay.

Kaibigang Minahal Ako

*Minsan sa buhay di natin akalain na ang kaibigan pala natin ay may pagtingin din pala sa atin. Hanap pa tayo ng hanap at nandito lang pala sa ating tabi ang handang magmahal sa atin.* Ganun talaga iyon kung minsan.*

KAIBIGANG MINAHAL AKO
Ni: Arvin U. de la Peña

Madaming pagkakataon na ako'y nabigo
Nasaktan at lumuha ng labis
Sa bawat iniibig ko
Walang maganda na nangyayari.

Minsan sinabi kong di na ako magmamahal
Hahayaan na lang ang nararamdaman
Ngunit ako ay nahihirapan sa ganun
Dahil kaibigan ko'y nagbigay ng pahiwatig.

Ang kaibigan ko mahal pala ako
May tinatago pala siyang pagtingin sa akin
Minahal ko rin siya
Kagaya ng pagmamahal niya sa akin.

Puso ko ay sumaya na
Naging makulay na ang mundo ko
Ako ay nagkaroon na ng tiwala sa sarili
Salamat talaga sa kaibigan na minahal ako.