Friday, December 30, 2016

Huling Hantungan

"Ang buhay ay patungo sa kung saan lahat tayo pupunta."


HULING HANTUNGAN
Ni: Arvin U. de la Peña

May nauunang pumanaw, may naiiwan muna pero ang pagpanaw ay darating din. Ganyan ang buhay sa mundo, ang kamatayan ay hindi alam. Bawat tao ay lumilisan sa mundo na ang dahilan ay kapareho din ng iba. Hindi lahat ng namamatay ay pare-pareho ang dahilan.

May mga tao na namamatay dahil walang pera sa pagpagamot. Dinadala sa hospital para magpagamot. Pero minsan dahil walang pera ang pasyente para sa ikagagaling ayon sa rekomendasyon ng doktor ay namamatay ang pasyente. Kawawa talaga ang tao na namamatay dahil walang pera panggamot dahil ang sakit tinitiis na lang hanggang sa mawalan ng buhay. Ang hospital ay nagpapagaling ng pasyente, pero may mga pagkakataon din minsan na ang hospital ay pumapatay ng tao.

Nakakatawa na may mga tao na mayaman talaga na ang pera nila ay masyadong hinigpitan. Kahit alam na nila na may kapamilya, pinsan o anu pa na kailangan ng pera para sa hospital ay hindi tutulong. Hahayaan lang nila kung anuman ang kalagayan. Pero kapag namatay na ang tao ay tutulong na, magbibigay ng pera sa mga naiwan na mahal sa buhay. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.

Sila na mga tao na mayayaman at mahigpit sa pera ang akala nila ang pera ay madadala nila sa kabilang buhay. Ang akala nila ay hindi sila mamamatay dahil may pera na kapag na admit sa hospital ay gagaling dahil may pera. Kung ano ang kailangan ng doktor ay makakabili dahil may pera. Pero hindi nila alam ang buhay ay may hangganan. Pero hanggat hindi pa dumarating ang katapusan nila ay pera pera lang sa kanila.

Kung may mga tao man na mayaman at madamot, kuripot na matatawag ay may mga tao din naman na  mapagbigay. Hindi nagdadalawang isip na magbigay ng tulong pinansyal para sa pagpapagamot sa isang tao na malapit sa buhay nila. Hindi nila hinahayaan na lumala pa ang kalagayan ng kapamilya, pinsan o anu pa sa hospital. Okey lang sa kanila na magbigay tulong na pera dahil alam nila na maibabalik pa ang pera, pero ang buhay ay hindi na.


Sa huling hantungan lahat tayo doon ay pantay-pantay. Walang mayaman, walang mahirap. Sana habang narito pa sa lupa ituring natin ang bawat isa na kapantay. 

4 comments:

Nancy Chan said...

Thank you, Arvin for your visit to my blog. I am sorry I couldn't find a "Translate Language" gadget on your blog because I can only understand English. Happy New Year to you!

Ishmael F. Ahab said...

Naalala ko tuloy sa post na ito yung mga namatay naming kamag-anak last year. Marami rin ang nauna na sa kabilang buhay noong 2016.

May the Lord grant them entry into His Kingdom.

jonathan said...

May nabasa nga ako once, na kailangan nating magtrabaho at mag-ipon para sa ating pagtanda, pambili ng gamot at kalusugan dahil sa ating pagpapakapagod ng mga nakaraang mga taon. Oo at lahat tayo ay hahantong sa kamatayan kaya habang may buhay, gawin natin ang mga mabubuting gawain para naman maging masaya tayo sa mundong ito at maging masaya ang iba dahil sa ating mga tulong.

Happy New Year!

SADLOVE said...

Thank you, Arvin for your visit to my blog. I am sorry I couldn't find a "Translate Language" gadget on your blog because I can only understand English. Happy New Year to you!
บาคาร่า online
gclub online