"Ang pasko ay para sa lahat ng tao, mayaman man o mahirap."
MALIGAYANG PASKO
Ni: Arvin U. de la Peña
Ang pasko ay malapit na. Ang araw na kung saan ang pagmamahalan ay umiiral. Makikita sa lansangan ang mga bata, ang iba ay medyo matanda na rin na namamasko. Ang pera, candy o ano bagay na natatanggap kahit paano ay nagdudulot ng kasiyahan. Labis ang saya ng mga bata lalo na kung nakakatanggap ng medyo malaking halaga ng pera mula sa kanilang mga ninong at mga ninang.
Kung ang ibang mga pamilya ay masaya sa pasko dahil may mga sapat silang pinagkakakitaan, trabaho o pinapadalhan ng pera ng miyembro ng pamilya na nagtratrabaho sa ibang bansa ay may mga pamilya din na masasabi na malungkot ang pasko dahil sila ay mahirap lang. Ang buhay nila ay isang kahig, isang tuka. Minsan natutulog sila na walang makain, umiinom lang ng tubig sapat na sa kanila.
Sa darating na pasko sana ang lahat ng tao pairalin sa buhay nila magpakailanman ang pagiging disiplinado. Lalo na ang mga tao na nagsisimbang gabi na umaga pa lang ay gumigising na. Dahil kung tayong lahat na mga Pilipino ay may disiplina sa sarili ay walang problema ang gobyerno, walang problema ang bayan.
Korapsyon ay problema ng sino mang nagiging pangulo ng bansa. Dahil halos lahat ng sangay ng gobyerno ay may korap na opisyal. Ang korapsyon ay nagdudulot ng hirap sa mga tao. Kahit hindi sangay ng gobyerno ay may mga korap din. Pero kung may disiplina ang tao ay hindi sila magnanakaw o mangingikil ng pera. Hindi sila na mga opisyal hihingi ng pera kapalit ng hinihinging pabor ng isang tao.
Droga ay mas lalong problema din ng sino mang nagiging pangulo ng bansa. Dahil ang tao na naging adik ay gumagawa minsan ng pagnanakaw para lang may pambili ng droga. Nagbebenta ng materyal na bagay para may pantustos sa pangangailangan ng katawan. May mga tao na adik na kapag inagaw ang bag na may laman na pera at lumaban o mag ingay ang inagawan ng bag ay pinapatay ang tao. Pero kung ang isang tao bago pa maging adik ay disiplinado na ay tiyak hindi gagamit ng bawal na gamot. Kung sakali man na gumamit ay hindi na uulit kasi may disiplina.
Maligayang pasko sa inyong lahat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Nice work and very detailed,wow you did a really nice job with this one bro,you provided a gold mind of information.
เว็บย่อลิ้ง
เว็บย่อลิ้งค์
ย่อลิ้ง
ย่อurl
ย่อเว็บ
Post a Comment