"Love your work. Mahalin mo ang iyong trabaho. Dahil sa pinagtratrabahuan mo ay doon ka nagkakaroon ng pera para pang gasto sa sarili at sa pamilya."
ENDO
Ni: Arvin U. de la Peña
Hanggang ngayon usapin pa rin ang tungkol sa ENDO o end of contract. Nais ng gobyerno na matigil na iyon. Kung ako naman ang tatanungin ay hindi ako pabor sa ganun. Gusto ko na may end of contract pa rin. Depende kung ilang buwan ang patakaran ng kompanya, pabrika, o establisiyemento. Kahit may ENDO ay may mga nareregular naman lalo kung mabuti ang performace at nagustuhan ng namamahala.
Simple lang ang dahilan ko kung bakit hindi ko gusto matigil ang ENDO. Kawawa ang mga estudyante na mag graduate ng college o gusto na mag trabaho kung wala na ang ENDO. Halimbawa na lang sa isang lugar ay may 50 na kompanya, pabrika, o establisiyemento. Kung ang lahat na nagtrabaho doon ay maregular ay wala ng pupunta doon para mag apply ng trabaho kasi bawat kompanya, pabrika, o establisiyemento ay mga manggagawa na o trabahador. Ang bawat pinagtratrabahuan ay may limit kung ilan ang magiging empleyado. Dahil kung sobrang dami ang empleyado ay malugi din sila.
Bakit hindi iyon maisip ng gobyerno na paano na ang ibang mga tao na gusto magtrabaho na wala ng matrabahuan dahil may mga trabahador na. Ang paghintay naman na may mga mag retire para mabakante ang puwesto ay matagal. Kung sabihin naman na may mga bagong kompanya, pabrika, o establisiyemento na magbukas at makakakuha ng maraming trabahador ay ganun din ang mangyayari. Darating ang araw na wala na rin mag apply kasi wala ng bakante. Kung magkaroon man ng bakante ay matagal muna kasi maghintay na may mag retire o huminto na sa pagtrabaho dahil napapagod na o gusto ng ibang trabaho.
Ang mabuting dapat gawin ng gobyerno ay ipatigil na sa mga kompanya, pabrika, o establisiyemento ang age limit sa mga aplikante o kaya taasan ang age limit. Hindi po kasi mabuti na may mga job hiring na ang age limit ay 18-30 years old, 18-35 years old o ano pa. Ang mga tao na ang edad ay 40-50 dapat puwede pa rin na mag apply as long na kaya niya ang gawain, physically fit.
Sa buhay, kailangan na handa tayo sa hamon. Nakahanda na harapin anumang pagsubok. Kapag natapos na ang kontrata o na ENDO sa pinapasukang trabaho ay mag apply uli sa iba. Marami naman ang puwede na pag trabahuan. Mahirap ang ganun sa umpisa pero kung matanggap sa inaplayan ng trabaho ay kasiyahan naman ang dulot. Napakaraming kompanya, pabrika, o establisiyemento na puwede pagtrabahuan. Kahit bawat buwan iba-ibang kompanya, pabrika o establisiyemento ang pagtrabahuan ay hindi lahat mapapasukan dahil sobrang dami. Kaya hangga't maaari ay magpakabuti sa pagtrabaho saan ka man na kompanya, pabrika, o establisiyemento, malay mo magustuhan ka at gawing regular.
1 comment:
Magaganda ang mga punto mo dito. Pabor sana ako sa ENDO kasi akala ko nakakabuti ito sa mga nagtatrabaho para maging dalubhasa sila sa iisa na kakayahan, pero sa pagkabasa ko sa iyong komposisyon, nakikita ko na hindi pala ito nakakabuti sa mga hindi nakapag tapos, o ganun din sa mga fresh graduates, dahil bihira na ngayon makapag timing sa job vacancies, at hindi basta-basta nagtatanggap ng mga trabahante ang mga kumpanya. Sana nga bago ito ipapasa sa gobyerno, naghain sana sila ng alternatibong pangkabuhayan sa mga nag de-depend sa kontraktwal na trabaho.
Post a Comment