"Ang buhay ay patungo sa kung saan lahat tayo pupunta."
HULING HANTUNGAN
Ni: Arvin U. de la Peña
May nauunang pumanaw, may naiiwan muna pero ang pagpanaw ay darating din. Ganyan ang buhay sa mundo, ang kamatayan ay hindi alam. Bawat tao ay lumilisan sa mundo na ang dahilan ay kapareho din ng iba. Hindi lahat ng namamatay ay pare-pareho ang dahilan.
May mga tao na namamatay dahil walang pera sa pagpagamot. Dinadala sa hospital para magpagamot. Pero minsan dahil walang pera ang pasyente para sa ikagagaling ayon sa rekomendasyon ng doktor ay namamatay ang pasyente. Kawawa talaga ang tao na namamatay dahil walang pera panggamot dahil ang sakit tinitiis na lang hanggang sa mawalan ng buhay. Ang hospital ay nagpapagaling ng pasyente, pero may mga pagkakataon din minsan na ang hospital ay pumapatay ng tao.
Nakakatawa na may mga tao na mayaman talaga na ang pera nila ay masyadong hinigpitan. Kahit alam na nila na may kapamilya, pinsan o anu pa na kailangan ng pera para sa hospital ay hindi tutulong. Hahayaan lang nila kung anuman ang kalagayan. Pero kapag namatay na ang tao ay tutulong na, magbibigay ng pera sa mga naiwan na mahal sa buhay. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
Sila na mga tao na mayayaman at mahigpit sa pera ang akala nila ang pera ay madadala nila sa kabilang buhay. Ang akala nila ay hindi sila mamamatay dahil may pera na kapag na admit sa hospital ay gagaling dahil may pera. Kung ano ang kailangan ng doktor ay makakabili dahil may pera. Pero hindi nila alam ang buhay ay may hangganan. Pero hanggat hindi pa dumarating ang katapusan nila ay pera pera lang sa kanila.
Kung may mga tao man na mayaman at madamot, kuripot na matatawag ay may mga tao din naman na mapagbigay. Hindi nagdadalawang isip na magbigay ng tulong pinansyal para sa pagpapagamot sa isang tao na malapit sa buhay nila. Hindi nila hinahayaan na lumala pa ang kalagayan ng kapamilya, pinsan o anu pa sa hospital. Okey lang sa kanila na magbigay tulong na pera dahil alam nila na maibabalik pa ang pera, pero ang buhay ay hindi na.
Sa huling hantungan lahat tayo doon ay pantay-pantay. Walang mayaman, walang mahirap. Sana habang narito pa sa lupa ituring natin ang bawat isa na kapantay.
Friday, December 30, 2016
Monday, December 19, 2016
Maligayang Pasko
"Ang pasko ay para sa lahat ng tao, mayaman man o mahirap."
MALIGAYANG PASKO
Ni: Arvin U. de la Peña
Ang pasko ay malapit na. Ang araw na kung saan ang pagmamahalan ay umiiral. Makikita sa lansangan ang mga bata, ang iba ay medyo matanda na rin na namamasko. Ang pera, candy o ano bagay na natatanggap kahit paano ay nagdudulot ng kasiyahan. Labis ang saya ng mga bata lalo na kung nakakatanggap ng medyo malaking halaga ng pera mula sa kanilang mga ninong at mga ninang.
Kung ang ibang mga pamilya ay masaya sa pasko dahil may mga sapat silang pinagkakakitaan, trabaho o pinapadalhan ng pera ng miyembro ng pamilya na nagtratrabaho sa ibang bansa ay may mga pamilya din na masasabi na malungkot ang pasko dahil sila ay mahirap lang. Ang buhay nila ay isang kahig, isang tuka. Minsan natutulog sila na walang makain, umiinom lang ng tubig sapat na sa kanila.
Sa darating na pasko sana ang lahat ng tao pairalin sa buhay nila magpakailanman ang pagiging disiplinado. Lalo na ang mga tao na nagsisimbang gabi na umaga pa lang ay gumigising na. Dahil kung tayong lahat na mga Pilipino ay may disiplina sa sarili ay walang problema ang gobyerno, walang problema ang bayan.
Korapsyon ay problema ng sino mang nagiging pangulo ng bansa. Dahil halos lahat ng sangay ng gobyerno ay may korap na opisyal. Ang korapsyon ay nagdudulot ng hirap sa mga tao. Kahit hindi sangay ng gobyerno ay may mga korap din. Pero kung may disiplina ang tao ay hindi sila magnanakaw o mangingikil ng pera. Hindi sila na mga opisyal hihingi ng pera kapalit ng hinihinging pabor ng isang tao.
Droga ay mas lalong problema din ng sino mang nagiging pangulo ng bansa. Dahil ang tao na naging adik ay gumagawa minsan ng pagnanakaw para lang may pambili ng droga. Nagbebenta ng materyal na bagay para may pantustos sa pangangailangan ng katawan. May mga tao na adik na kapag inagaw ang bag na may laman na pera at lumaban o mag ingay ang inagawan ng bag ay pinapatay ang tao. Pero kung ang isang tao bago pa maging adik ay disiplinado na ay tiyak hindi gagamit ng bawal na gamot. Kung sakali man na gumamit ay hindi na uulit kasi may disiplina.
Maligayang pasko sa inyong lahat.

Wednesday, November 23, 2016
The Greatest Love (The Leila de lima and Ronald dela Rosa, love story)
"Kung talagang mahal mo ang isang tao ay mamahalin mo talaga siya maging anuman ang buhay at pagkatao niya."
THE GREATEST LOVE
( The Leila de lima and Ronald dela Rosa, love story)
Ni: Arvin U. de la Peña
Sa umpisa pa lang manligaw sa kanya batid na ni Leila de lima na kung sila ang magkakatuluyan ni Ronald dela Rosa ay hindi magiging maganda ang buhay niya. Iyon ay dahil si Ronald dela Rosa ay lasenggo at sugarol. Pero paano siya talaga ang tibok ng puso niya. Kahit maraming manliligaw sa kanya na mayayaman din kagaya nina Jaybee Sebastian, Peter Co, at Herbert Colangco ay hindi niya pinapansin. Mas gusto niya talaga si Ronald dela Rosa na anak mahirap lang.
Nang yayain siya ni Ronald dela Rosa na magtanan ay hindi siya nagdalawang isip. Agad ay tumugon siya sa gusto ng lalaking mahal niya. Iniwan ni Leila de lima ang marangyang buhay. Iniwan ni Leila de lima ang posibleng pamamahala sa mga negosyo ng mga magulang niya. Sa edad na 21 years old at katatapos lang mag graduate ng college ay nagpaalam na siya sa kanyang mga magulang na mag aasawa na. Pinayagan naman siya.
Sa malayong probinsya ng Davao ay nagsama sina Leila de lima at Ronald dela Rosa sa isang maliit na bahay. Hindi man sanay si Leila de lima sa ganun na bahay dahil ang bahay nila ay mansion at may condominium pa ay kinaya niya. Tiniis niya ang matulog sa banig alang-alang sa lalaking mahal niya.
Dahil pagtatanim ng mga gulay at prutas ang kinabubuhay ng mga tao sa kanilang lugar at ibinebenta ay nagtanim na rin siya katulong ng asawa niya para mabuhay din sila.
Nang magkaroon na sila ng anak ni Ronald dela Rosa ay lalo pa siyang nagsikap. Hindi siya humihingi ng pera sa mga magulang niya dahil nahihiya siya. Minsan kapag wala pang puwede na maibenta sa kanilang mga pananim ay umaangkat siya ng mga gulay at prutas sa mga kakilala at ibinebenta niya sa palengke. Ang hirap at pagod, ang ulan at sikat ng araw ay hindi niya alintana basta para sa kanilang pamilya.
Minsan nasasaktan siya kapag umuuwi galing pagtinda sa palengke dala ang anak ay nakikita niya na ang kanyang asawa na si Ronald dela Rosa ay nakahiga dahil lasing. Gustuhin man niyang sumbatan na huwag lagi maglasing dahil maliit lang ang kita nila ay hindi niya magawa dahil mahal na mahal niya talaga si Ronald dela Rosa. Ayaw niyang magsalita ng nakakasakit ng kalooban.
At minsan din kapag umuulan ay nalulungkot siya kapag nakikita na may tumutulo sa kanilang bahay. Dahil noong nasa kanyang mga magulang pa siya walang ganun na pagtulo sa kanilang bahay kung umuulan. Hindi nga maramdaman ang pag ulan dahil malaki ang bahay nila at maayos ang pagkakagawa.
Taon ay lumipas, nagkaroon na sila ng tatlong anak. Habang lumalaki ang kanilang mga anak ay lumalaki rin ang gastusin sa bahay lalo at may nag aaral na ng elementarya. At sa pagkakataong iyon ay naisipan ni Leila de lima na magtrabaho sa ibang bansa. Humingi siya ng tulong sa kanyang mga magulang para makapagtrabaho sa ibang bansa. Kahit pinagsabihan si Leila de lima ng kanyang mga magulang na huwang mangibang bansa at asikasuhin na lang ang mga negosyo nila ay hindi siya pumayag.
Sa ibang bansa ay naramdaman ni Leila de lima ang lungkot dahil sa unang pagkakataon hindi niya kapiling ang kanyang mga anak at ang pinakamamahal niya na si Ronald dela Rosa. Ganun pa man ay tiniis ni Leila de lima ang ganun na sitwasyon. Ang pighati at kirot habang nasa ibang bansa nagtratrabaho ay kinaya ni Leila de lima.
Buwan-buwan ay laging nagpapadala ng pera si Leila de lima para sa kanyang pamilya. Lagi niyang sinasabihan ang kanyang asawa na si Ronald dela Rosa na alagaan mabuti ang kanilang mga anak. At higit sa lahat pinapaalalahanan na huwag ng maging sugarol at lasenggo dahil walang magandang maidudulot sa pamilya.
Friday, October 7, 2016
Blog 8th Anniversary (Ang pag blog ay parang pag exchange ng cellphone number)
"Minsan huli ang lahat para sa akin. Kasi gusto ko na hingin ang cellphone number ng babae sa larawan habang nag iinuman kami ng San Miguel Beer bago pa pumunta diyan na banda para magpa souvenir picture para sa Grand Alumni Homecoming kaso naunahan ako, hehe. Sa unang larawan makikita ako sa gitna na nakaturo ang kamay ko sa nag exchange ng cellphone number na pareho ko silang ka batch sa high school."
Walong taon na ang blog ko. October 8, 2008 ng umpisahan ko ang pag post ng mga sinulat ko dito. Sa walong taon ng blog kong ito masasabi ko na "Ang pag blog ay parang pag exchange ng cellphone number." Kapag hiningi natin ang cellphone number ng isang tao at ibinigay naman ay ibig sabihin magkakaroon ka ng kaalaman tungkol sa kanya. Ganun din naman siya may malalaman patungkol sa iyo. At kung ikaw naman ay lalaki at nagkainteres ka na hingin ang cellphone number ng isang babae lalo at maganda ay isa lang ang ibig sabihin, CRUSH MO SIYA.
Sa blog ay may tinatawag na exchange link. Ang blog site mo ay ilalagay sa blog niya at ang blog site niya ay ilalagay mo rin sa blog mo. Sa ganun na paraan ay malalaman mo kung ano ang latest sa blog niya. Malalaman mo kung ano ang bago niyang post o sinulat. Sa buhay ay ganun din malalaman mo kung ano ang latest sa kanya kung mag teks ka.
Ang mga naging kasabayan ko noon ng mag umpisa pa lang ako na mag blog o mas nauna sa akin ngayon ang karamihan ay hindi na masyadong aktibo. Marahil ay busy sa buhay nila o kaya ay tinatamad na rin na mag blog. Makikita naman sa naka exchange link ko kung kailan huli silang nag post o nag sulat. Ganun pa man masasabi ko na salamat sa inyong lahat na naging bahagi ng blog ko. Hindi naman kayo aktibo sa ngayon ay maraming salamat pa rin sa inyo na minsan sa buhay niyo habang aktibo pa sa pag blog ay nakilala niyo ako at nakilala ko rin kayo. Hindi ko kayo makakalimutan at umaasa ako na darating din ang araw na muli ay maging aktibo kayo sa pag blog.
At sa mga aktibo pa sa pag blog na nakilala ko noon pa at mga bago na nakilala na tumitingin sa blog ko ay maraming salamat din sa inyo. Hindi man ako minsan nakakabisita sa blog niyo dahil busy din ako ay hindi ko rin kayo makakalimutan.
Muli happy 8th anniversary ng blog kong ito na Written Feelings.
Wednesday, September 14, 2016
Never Give Up
"Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ang di umaayaw."
NEVER GIVE UP
Ni: Arvin U. de la Peña
Never give up. Ganyan dapat tayo sa buhay. Ang mga problema ay hindi maiiwasan. Pero sa bawat problema ay mayroon solusyon. Nariyan ang mga magulang, kapatid, at mga kaibigan na puwede makatulong kung may problema man. Huwag panghinaan ng loob kung may suliranin.Dahil kung gagawin iyon ay mananaig ang kabiguan. Mas masarap ang tagumpay.
Never give up. Sakali mang may talento ka at kinutya o pinintasan ang ginagawa mo huwag lang magalit. Ngumiti lang at ang sinabi sa iyo gawin mong motivation factor para pagbutihin ang ginagawa. Sa buhay, likas ng mayroon kang makakasalamuha na tao na mahilig pumuna sa ginagawa ng ibang tao. Ang mga iyon ay hindi lang pinapansin. Dahil kung papansinin mo sila ay lalo ka lang maaasar sa kanila. Kasi hindi ka nila titigilan.
Never give up. Mabigo ka man sa pag-ibig dahil ang minahal mo ay hindi ka gusto ay humanap na lang ng iba. Hindi mo mapipilit ang isang tao para ikaw ay mahalin. Masarap ang pakiramdam kapag pareho kayong nagmamahalan na nagsasama sa buhay. Nariyan lang sa tabi-tabi ang tao na puwede mong mahalin at maaari kang mahalin. Kung hindi man ay nariyan ang computer, sa facebook na marami ng nagmahalan dahil dun.
Never give up. Kung lagi ka mang talo sa number game kagaya ng jai-alai o suwertres ay mananalo ka rin. Hindi bawat araw ay talo ka. May araw talaga na mananalo ka basta tataya ka. Huwag lang magnakaw o magbenta ng kung ano na bagay para itaya kasi masama iyon. Mag alaga lang ng numero na iyon lang lagi ang tatayaan at tiyak lalabas iyon. Kung kailan ay iyon ang hindi alam. Puwede rin na mag compute kung ano ang magandang tayaan na posible na manalo.
Never give up. Kung sakali mang bumagsak ka sa klase sa isang subject ay enroll uli ang subject na iyon at pagbutihin na ang pag aaral. At higit sa lahat ituwid ang mga pagkakamali mo sa subject na iyon. Sa pag-aaral para makamit ang ambisyon ay sadyang mahirap pero kapag natupad na ay sulit naman.
Never give up, never give up.

Wednesday, August 17, 2016
Kabataan
"Sa ating pagiging bata nagsisimula ang tinatawag na pag-ibig."
KABATAAN
Ni: Arvin U. de la Peña
Sa bawat mga kabataan na naglalaro
Lagi kong naiisip ang alaala mo
Alaala ng tayo ay bata pa
Katulad ng mga kabataan ngayon, palagi ring naglalaro.
Araw at gabi man na ating paglalaro
Kasiyahan mong nadarama, kasiyahan ko na rin
Dahil kapag nakikita kitang nakangiti
Kakaibang kasiyahan ang nadarama ko.
Mahaba mong buhok, makinis mong balat, at
mukhang kayganda
Hindi nakakasawa na tingnan
Panahon na tayo ay bata pa
Ikaw na ang inspirasyon ko.
Kung hindi dahil sa magulang mo
Siguro magkasama tayo ngayon
Tunay na nagmamahalan
Pag-ibig na sa kabataan pa nagmula.
Malayo ka man ngayon sa akin
Kapiling ng iba mong mahal
Kailanman sa puso at isipan ko
Mananatili kang nag-iisa, wala ng iba.

Friday, July 22, 2016
Salamat (at tayo'y magkasamang muli)
"Make love, not war."
SALAMAT
Salamat, tayo'y magkasamang muli
Salamat at may gabing nakalaan sa kaunting kasiyahan
"hindi maipagkakaila na sa ngayon na panahon bawat isa sa atin ay mayroon ng pinagkakaabalahan. At ang pinagkakaabalahan na iyon ay maaaring patungkol sa trabaho, obligasyon sa buhay, pamilya, o kung ano pa. Ganun pa man napakasaya na mayroon pa rin mga kaklase na ang pinagkakaabalahan ay pansamantalang iniiwan para sa grupo."
Salamat at tayo'y nagkasamang muli
Salamat at sa pagpawi ng uhaw ay may darating na araw
"sa inyo na mga kaklase ko alam kong mahirap sa inyo ang iwanan ang pinagkakaabalahan sa buhay lalo kung kikita ng pera. Pero iniiwanan niyo pa rin dahil ang nasa isip niyo "Hindi kayo magiging ganito sa ngayon kung wala ang mga naging kaklase. Dahil walang nag gragraduate ng high school na isa o dalawang estudyante lamang. Isa pang dahilan, ang bawat pinagkakaabalahan ay laging ganun bawat araw. Kaya puwede munang iwanan dahil mayroon pa namang bukas."
chorus
Kay tamis ng ating samahan sa lungkot at kaligayahan
Tunay na kaibigan, kasamang maaasahan
Salamat at tayo'y may pinagsamahan
Salamat, tunay kong kaibigan
"salamat, salamat talaga sa inyo na sa bawat pag meeting ay nakikiisa kayo. Ilang oras na pakikihalubilo sa mga ka batch ay sapat na. Nag-iiwan kayo ng magandang alaala para sa grupo na iyon ang dapat. Ang mga iba sana tumulad sa inyo."
chorus
Kaytamis ng ating samahan sa lungkot at kaligayahan (kaligayahan)
Tunay na kaibigan, kasamang maaasahan
"kanya-kanya tayong problema sa buhay, kanya-kanyang istorya ng bawat isa. Ang mga alitan at di pagkakaunawaan noon ay ginagawa na lang natin na katatawanan sa bawat pagtitipon. Ganun dapat, hindi siniseryoso."
Salamat (salamat) at tayo'y may pinagsamahan
Salamat, tunay kong kaibigan
"ating pagiging magkaibigan sana ay hindi magwakas. Minsan man lang magtipon-tipon, sana hindi iyon maging dahilan para magkalimutan. Panatilihin natin sa bawat isa ang pagiging tunay na magkaibigan para sa ikatatagumpay ng ating grupo, ng ating batch."
Salamat (salamat) at tayo'y may pinagsamahan
Salamat, kaibigang walang kapantay
Salamat sa'yo, kaibigan ko
Salamat sa'yo, salamat sa'yo

Saturday, June 4, 2016
Pag-asa at Kinabukasan (tula para kay President Rodrigo Duterte)
"Sa bawat halalan dapat may tiwala tayo sa ating binoboto."
PAG-ASA AT KINABUKASAN
(tula para kay President Rodrigo Duterte)
Ni: Arvin U. de la Peña
Ikaw ang ginusto na maging pangulo
Bansa ay iyong pamunuan
Pag-asa at kinabukasan ng sambayanan
Umaasa na sa iyong liderato makamtan.
Kamay na bakal man ang pairalin
Sa pagpatupad mo ng batas
Karamihan ay hindi tututol
Dahil mas marami ang mabuti kaysa masama.
Lupang sinilangan mo lugmok na sa kahirapan
Korapsyon, droga, at krimen ay laganap
Ang lahat ng iyon nasa iyo ang kasagutan
Magandang bukas sa iyo nakasalalay.
Anim na taong pagserbisyo
Tuluyang pagbabago sana ay makamtan
Pagkakaisa ng bawat pilipino
Magkaroon na ng katuparan.
Sunday, April 17, 2016
Speech
"When I attended Elementary Grand Alumni Homecoming one of the host class gave a speech. I appreciated what he say and I clapped my hands. That is the reason I also make this speech. I wrote this not for the intention that I'm the one who will deliver the speech when our hosting come."
SPEECH
By: Arvin U. de la Peña
Good evening!
To my fellow graduates in this school, to the teachers, and to my batchmates again good evening. Tonight is not a night of happiness, but a night of reminiscing the past. Tonight in this school we remembered our childhood, we remembered our plays, playing around everywhere. Inside and outside the room. We remembered our teachers, that taught us how to read and right, we remembered our teachers that discipline us when we are out of control.
In this school, the Congressman Alberto T. Aguja Memorial Central School we started our dreams in life. In this school we mold our ambition to what we become in a near future. Because our teachers told us to write down on a piece of paper what do we want when we grew. Some are successful, some are failed. But failures is not a reason to give up.
In this school, the Congressman Alberto T. Aguja Memorial Central School when we are still here that's the time we started to have a crush on classmate or a schoolmate. That's the time we started to admire fellow student, a deep admiration that goes to love. We used stationary paper to express the feelings. Some have a relationship at the exact age and some they got married.
Throughout the years even if we are out already of this school. Even if we are in other places if we saw elementary students or elementary school we remembered this school. Because this is the school we started to study and brought where we are now.
The laughters and joy, the sorrow and pain when we are studying here is hard to forget. This evening ladies and gentlemen let's enjoy remembering our past, when we are kids.
And before I end up my speech. I want to share all of you here a qoute. A quote which I read several years ago.
"Graduation does not mean you will be apart from school, but rather you will always be a part of it."
Thank you very much..........

Thursday, February 4, 2016
Bakit Labis Kitang Mahal
Maraming loveteam ngayon sa tv at pelikula. Pero ang loveteam nina Aga Muhlach at Lea Salonga ang para sa akin the best.
BAKIT LABIS KITANG MAHAL
Ni: Arvin U. de la Peña
Sa buhay ko ay ikaw lang
Maraming tukso ang iniwasan ko
Hindi ko magagawa na ipagpalit ka
Kahit sino pa man sila.
Labis-labis ang pagmamahal ko sa iyo
Kung bakit ay dahil ikaw ang mundo ko
Walang iba na nagpapasaya sa akin
Kundi ikaw lang talaga.
Pilit mang ikaw ay limutin
Sa alaala ko patuloy kang nagbabalik
Mga hadlang sa pag-ibig natin
Inaasam ko na atin malampasan.
Batid ng lahat na para tayong langit at lupa
Karangyaan sa buhay ay taglay mo
Sa iyong pag-ibig marami ang naghahangad
Pero ako na dukha ang pinili mo.
Tibay ng pagmamahalan nating dalawa
Sana patuloy pang maging matatag
Hawak kamay natin laging harapin
Mga hamon at pagsubok sa buhay.
Subscribe to:
Posts (Atom)