Friday, July 22, 2016

Salamat (at tayo'y magkasamang muli)

"Make love, not war."















SALAMAT

Salamat, tayo'y magkasamang muli
Salamat at may gabing nakalaan sa kaunting kasiyahan

"hindi maipagkakaila na sa ngayon na panahon bawat isa sa atin ay mayroon ng pinagkakaabalahan. At ang pinagkakaabalahan na iyon ay maaaring patungkol sa trabaho, obligasyon sa buhay, pamilya, o kung ano pa. Ganun pa man napakasaya na mayroon pa rin mga kaklase na ang pinagkakaabalahan ay pansamantalang iniiwan para sa grupo."

Salamat at tayo'y nagkasamang muli
Salamat at sa pagpawi ng uhaw ay may darating na araw

"sa inyo na mga kaklase ko alam kong mahirap sa inyo ang iwanan ang pinagkakaabalahan sa buhay lalo kung kikita ng pera. Pero iniiwanan niyo pa rin dahil ang nasa isip niyo "Hindi kayo magiging ganito sa ngayon kung wala ang mga naging kaklase. Dahil walang nag gragraduate ng high school na isa o dalawang estudyante lamang. Isa pang dahilan, ang bawat pinagkakaabalahan ay laging ganun bawat araw. Kaya puwede munang iwanan dahil mayroon pa namang bukas."

chorus
Kay tamis ng ating samahan sa lungkot at kaligayahan 
Tunay na kaibigan, kasamang maaasahan
Salamat at tayo'y may pinagsamahan
Salamat, tunay kong kaibigan

"salamat, salamat talaga sa inyo na sa bawat pag meeting ay nakikiisa kayo. Ilang oras na pakikihalubilo sa mga ka batch ay sapat na. Nag-iiwan kayo ng magandang alaala para sa grupo na iyon ang dapat. Ang mga iba sana tumulad sa inyo."

chorus
Kaytamis ng ating samahan sa lungkot at kaligayahan (kaligayahan)
Tunay na kaibigan, kasamang maaasahan

"kanya-kanya tayong problema sa buhay, kanya-kanyang istorya ng bawat isa. Ang mga alitan at di pagkakaunawaan noon ay ginagawa na lang natin na katatawanan sa bawat pagtitipon. Ganun dapat, hindi siniseryoso."

Salamat (salamat) at tayo'y may pinagsamahan
Salamat, tunay kong kaibigan

"ating pagiging magkaibigan sana ay hindi magwakas. Minsan man lang magtipon-tipon, sana hindi iyon maging dahilan para magkalimutan. Panatilihin natin sa bawat isa ang pagiging tunay na magkaibigan para sa ikatatagumpay ng ating grupo, ng ating batch."

Salamat (salamat) at tayo'y may pinagsamahan

Salamat, kaibigang walang kapantay

Salamat sa'yo, kaibigan ko

Salamat sa'yo, salamat sa'yo

9 comments:

kimmyschemy said...

Yo, Alvin! Maraming salamat sa comment. Actually, hindi ko alam na active ka pa sa blogging community. Nakakatuwa naman!

Anonymous said...

Friends talaga ang ma puntahan natin kapag may problema ba sa pamilya or sa love life. Haha :) Looking forward to read more from you naman Alvin :)

Tal | ThePinayWanderer said...

hi Arvin, mukhang aktibo ka na ulit sa blogging, salamat at nadadalaw ka pa rin sa aking lungga.

buti at nagkasama-sama kayong muli nga iyong mga kaklase, sigurado akong naging masaya ang inyong pagkikitang muli. sana ay magkita-kita rin kami ng aking mga kaklase, hanggang plano na lang kase ang nangyayari at hindi na natutuloy dahil nga may sari-sarili nang pinagkaka-abalahan. :(

Ishmael F. Ahab said...

Hello. Long time no see. Buti at alive ka na uli sa blogging.

stevevhan said...

Yung best part dito yung audio ng salamat e, That's the best about music kasi you get to come back to memories whenever you hear the song, esp the people. :)

Lady_Myx said...

i enjoyed the song while on your blog :D

friends are for keeps ika nga :D theyre the ones which money cant buy :)

Love from Myxilog

Verna Luga said...

napakanta ako kaibigan... kamusta kana?.. gosh maraming salamat sa pasyal sa blog ko.. medyo matagal na rin di ba? Yaan mu pag pasyal ka sa Davao :) KIta tayo ... God Bless Arvin :)

jonathan said...

Kahit na ano ang mangyari, kaibigang matatalik pa rin ang kasama natin hanggang sa pagtanda, katulad na sila ng isang pamilya.

SADLOVE said...

Friends talaga ang ma puntahan natin kapag may problema ba sa pamilya or sa love life. Haha :) Looking forward to read more from you naman Alvin :)
goldenslot
gclub online