Friday, May 25, 2012

Royale Beauty, Melissa Pacheco

"What does goodbye really mean? Is it just letting you go? Telling I can't love you anymore? I guess....but goodbye simply means.....I Love You, but..............where not meant to be."

Mula ng mag graduate kami ng high school ay ilang taon din bago ko uli siya na meet iyon ay dahil sa alumni. At paglipas ng ilang taon muli ay nakita ko siya sa friendster. Hanggang sa facebook. Nang maging friend ko na siya sa facebook halos bawat pag open ko ng account ko ay tinitingnan ko ang profile niya. Kaya nga naging isa ko siyang paboritong model sa blog ko.

"Hinihintay ko na maramdaman mo kung ano ako para sa iyo. Mahirap umasa pero handa ako. Hindi dahil sa matatag ako. Kundi dahil kahit anong pilit ko, ikaw talaga ang mahal ko! Kahit sabihin pang tanga ako.

 
Una ko siyang naging model dito sa blog ko para sa sinulat kong Luha. Sinundan ng sinulat kong Boulevard. Tapos ang sinulat kong Salamat Sa Minsan. Nariyan din siya sa mga larawan para sa sinulat kong Noon at Ngayon patungkol sa batch namin. Hindi nga lang siya nag-iisa sa mga larawan.

"I've been a solo player in the game called love. I did my best and played good but still ended a loser. I then realized that in this game you cannot win without someone who is willing to fight the game with you."


Higit sa lahat inilagay ko siya sa sidebar ng blog ko para lagi din siyang makikita sa bawat titingin ng blog ko maging ito man ay sa mga previous post ko mula pag search sa google, yahoo, o kung ano pang search engine.

"Ang buhay parang gitara. Minsan nasa tono, minsan naman wala. Pero gusto ko malaman mo, nasa tono ka man o wala ay andito lang ako handang makinig sa tugtog ng buhay mo."


Parang naging special na siya sa akin para sa mundo ng blog ko. Kapangalan din kasi siya ng pinakamagandang artista sa akin sa ngayon na si Melissa Ricks.

"Special person are part of my memories that even time can never erase. And when I'm blessed with a person like YOU, my memories are worth keeping forever."


At sa totoong mundo ang masabi ko lang ay halos bawat araw naiisip ko siya.

"Thank you....is all I can say as a sign of my appreciation for your kindness, sweetness, thougthfulness, and for being good to me. Hope nothing will change. Take care always."


Hindi ko nakakalimutan ang mga sandali na nakikita ko siya ng harapan at nakakausap.

"Happiness isn't getting what we want but being satified with what we have. The way to be happy is to be grateful even with the small blessings we receive from God."



May pag-ibig akong nararamdaman sa kanya. Love ko siya. Sino nga ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya. Kaya lang may mga hadlang.


"Kung tutusin magkasama sana tayo. Sabi nga nila lahat ng bagay ay puwede, pero hindi lahat ng puwede ay dapat. Parang tayong dalawa, puwede pero mahirap maging dapat."



At kung hanggang kailan pagkagusto ko sa kanya na bawal naman ay hindi ko alam. Panahon lang ang makapagsasabi.

"Di sinasadya nagmahal ako ng dalawang babae ng sabay. Ang pagkukulang ng una ay napupunuan ng pangalawa. Ang wala sa pangalawa andun sa una. Pero kahit kailan di ko intensyong maglaro at manloko. At di ko rin naiplanong magsinungaling o manggago. Hindi rin naman sa di ako marunong makuntento. Siguro nagkataon lang na talagang tumibok ang puso ko para sa dalawang babae na parehong di ko kayang mawala sa buhay ko."


Basta sa ngayon lagi ko siyang nakakatext. Miss ko kasi siya palagi.

"I wish that one day you will miss me so much. That no matter how hard you look for me you won't find me. Why?, because I want you to miss me the way I'm missing you now."

Saturday, May 19, 2012

Basa

Mayroon po akong ginawang page sa facebook. Kung sino man po ang may sinulat na poems o short story ay puwede niyo po doon ipost kahit na ba naipost na iyon sa blog niyo. Kung mag post po kayo doon ay ilagay niyo ang pangalan niyo bilang nagsulat at sa pinakaibaba ng sinulat niyo ay ilagay niyo ang blog site niyo. Ang page po sa facebook ay ito www.facebook.com/writtenfeelings

"Our prime purpose in this life is to help others. And if you can't help them, at least don't hurt them."

 BASA
Ni: Arvin U. de la Peña

Halos bawat araw ay laging naliligo ng dagat si Elmer na sampung taong gulang. Basta maganda lang ang panahon ay asahan na siya ay nasa dagat. Lahat na uri ng paglangoy ay alam niya. Masayang-masaya siya kapag nakababad sa dagat lalo na kung pumapailalim siya.

Sa kanyang pagkahilig sa paliligo ng dagat iyon ang dahilan kung bakit galit ang kanyang mga magulang sa kanya. Hindi na nga siya nag-aral tapos hindi pa laging tumutulong sa kanyang pamilya dahil ilang oras din ang tinatagal niya sa dagat lalo na kung madami ang naliligo.

Minsan isang araw mainit ang panahon halos siya lang mag-isa sa dagat ng may pumaradang sasakyan. Mga tatlumpung metro din ang layo niya. Kita niya na mula sa sasakyan ay bumaba ang isang ina at anak na siguro kasing edad lang din niya. Kitang-kita niya na ang batang lalaki naligo sa dagat na masaya namang pinapanood ng ina. Habang pinagmamasdan ni Elmer na tuwang tuwa ang ina sa anak na marunong lumangoy ay nakaramdam siya ng lungkot dahil siya ay hindi man lang pinapanood  ng kanyang ina kung nasa dagat man siya. Kusa na lang siyang umuuwi sa kanilang bahay dahil hindi naman siya pinupuntahan  para umuwi na.

Sa ganun na sitwasyon dahil nalungkot siya ay pumailalim siya sa dagat. Mga dalawang minuto siyang nasa ilalim ng dagat ng pumaitaas siya para huminga ng marining niya sumisigaw ang ina ng tulong dahil nalulunod ang anak. Agad ay dali-dali siyang lumangoy para tulungan ang halos kasing edad din niyang bata. At nasagip niya naman ang batang lalaki sa muntik na pagkakalunod.

Pinasalamatan si Elmer ng ina ng bata dahil kung hindi sa kanya ay nalunod na ang anak. Dahil siya na ina ay hindi rin makakasaklolo dahil hindi marunong lumangoy. Binibigyan si Elmer ng kaunting halaga pero hindi niya tinanggap. Sinabihan na lang niya ang ina na sa susunod ay huwag papupuntahin sa malalim na bahagi ang anak kung maliligo man ng dagat.

Napakalawak ng mundo. Malaking bahagi ay dagat. Sa ating pagharap sa agos ng buhay dapat ay mayroon tayong determinasyon. Huwag tayong patatangay sa kawalan ng pag-asa. Tandaan na kung maalon man sa ngayon ang dagat iyon ay hindi palagi. Ang minsan na pagtulong sa kapwa ay nagbibigay iyon malaking utang na loob kahit na ba ikaw ay basa.


Saturday, May 12, 2012

Pagbagsak Ng Popularidad


"Ang isang tunay na politiko ay pagserbisyo sa mamamayan ang tunay na hangarin. Hindi ang pagnanakaw ng pera."


PAGBAGSAK NG POPULARIDAD
Ni: Arvin U. de la Peña
 
Likas na sa pagkatao ni Wilson ang pagiging matulungin. Bata pa lang siya ay ganun na ang pagkatao niya. Matulungin sa pamilya at sa mga nakikita na tao na nahihirapan magdala ng kung ano. Ayaw na ayaw niyang nakakakita ng nahihirapan sa dinadala. Maging sa anumang uri ng pagtulong ay ginagawa niya. Kaya kilalang kilala siya sa kanilang lugar. Masipag pa siyang mag-aral.

Nang siya ay kumandidato bilang SK chairman sa kanilang barangay ay nanalo siya. Bagamat wala siyang pera para ibigay sa ibang mga botante na hindi niya masyadong kilala ay siya pa rin ang nanalo sa pakiusap ng mga magulang ng ibang botante na siya ang iboto. Hindi nagkamali ang mga bumoto sa kanya bilang SK chairman dahil naging maayos ang pamamalakad niya. Maraming events ang nangyari sa pamumuno niya para sa mga kabataan na hindi nagawa ng mga naunang SK chairman. Katulad ng basketball tournament, volleyball, chess, at kung ano pa na ikasasaya ng mga kabataan at paghubog na rin ng natatagong talento.

Pagkatapos ng kanyang termino bilang SK chairman ay nagpasya siyang tumakbo bilang konsehal sa kanilang barangay. Muli siya ay nanalo sa kabila na hindi man lang siya namili ng boto. Mahal talaga siya ng mga tao sa kanilang lugar. Sa loob ng tatlong termino ay maayos ang performance niya bilang konsehal.

Ganundin ng siya ay mahalal bilang Kapitan ng kanilang barangay. Sa loob ng siyam na tao ay tapat ang panunungkulan niya sa kanilang barangay. Lahat na problema at hinaing ay naaayos niya.

Dahil hindi na siya puwedeng tumakbo bilang kapitan sa kanilang barangay ay nagpasya siyang tumakbo bilang Vice Mayor. Doon ay tinulungan na siya ng ibang mga tao na nakakakilala sa kanya para sa kanyang pagtakbo bilang Vice Mayor. Pagkat mahihirapan siyang manalo kung hindi man lang magbigay ng kaunting pera para sa mga botante. Iyon ay dahil lungsod na ang pinag-uusapan. Hindi katulad ng sa barangay na masyado siyang kilala. Kahit hindi bumili ng mga boto ay iboboto pa rin siya. Marami ang tumulong sa kandidatura niya bilang Vice Mayor dahilan para siya ay manalo.

Bumilib ang mga tao sa kanilang lugar sa kanya bilang Vice Mayor. Naging idolo siya ng mga kabataan. Kaya pagkatapos ng tatlong taon na paninilbihan bilang Vice Mayor ay tumakbo siya bilang Mayor. Bago ang desisyon niya sa pagtakbo sa mataas na posisyon ay nakiusap pa sa kanya ang kasalukuyan na Mayor na kung puwede ay mag Vice Mayor na lang muna siya dahil last termna niya at tatakbo pa siya. Ngunit hindi iyon pinakinggan ni Wilson at tumakbo pa rin siya sa pagka Mayor. Sa kabila ng mabuting pamamalakad ng kinalaban niya pagka Mayor ay tinalo pa rin niya ito sa tulong na rin ng mga taong sumusuporta sa kanya.

Naging Mayor si Wilson sa kanilang lungsod. Sa unang termino niya bilang Mayor ay masyadong maganda ang kanyang mga nagawa para sa kanilang lungsod. Naging maunlad ang kanilang lungsod. Madaming proyekto ang nagawa na nakinabang ang taumbayan. Naging bukambibig ang pangalan niya sa kanilang lungsod maging sa malapit na lungsod. Kaya sa muli niyang pagtakbo bilang Mayor ay hindi siya nahirapan. Nanalo siya uli.

Ngunit sa pangalawang termino ni Wilson ay nag-iba na siya. Dahil kampante siya na mahal siya ng mga tao sa kanilang lungsod ay nagpagawa siya ng mga proyekto na overpriced talaga. Siya ang nasusunod sa lahat kahit tutol ang mga konsehal ng lungsod. Pinapangakuan ng malaking halaga ng pera ang mga konsehal para  pumayag sa mga proyekto. Sa mga proyekto na naaaprubahan ay milyon-milyon ang nagiging kita nila Wilson. Yumaman siya dahil sa mga overpriced na mga proyekto. Dahil mayaman na ay nag-iba na ang pakikitungo niya sa mga tao. Hindi na siya gaya ng dati na mahilig pumansin sa mga kababayan. Naging corrupt public official na siya.

At sa pangatlong pagtakbo ni Wilson bilang Mayor ay namili siya ng boto dahil alam niya na ayaw na sa kanya ng mga tao. Malakas din ang hatak sa taumbayan ang kalaban niya pagka Mayor dahil anak mayaman at kilala pang matulungin. Sa kabila na ilang milyon ang nagasto ni Wilson sa halalan siya ay natalo. Doon ay unti-unti ng bumagsak ang popularidad niya. Tumakbo siya ulit pagka Mayor sa sumunod na halalan pero talo pa rin siya.

Tumakbo din siya sa pagka Vice Mayor ng maghalalan uli at hindi pa rin siya nanalo. Kahit sa pagtakbo niya pagka Konsehal ng lungsod ay ganun pa rin ang kinalabasan. Talo pa rin siya. Ayaw na talaga ng mga botante sa kanya. Nagsisi siya sa nangyaring pagbagsak ng kanyang popularidad.

Bilang isang tao dapat nating tanggapin kung ilang pera lang ang dumating sa atin. Maliit man na suweldo o kita ay pagyamanin. Tanggapin natin na iyon lang talaga ang para sa atin. Ang paghangad ng malaki na suweldo o kita ay hindi naman masama basta hindi nakakasakit sa kapwa.
 

Saturday, May 5, 2012

Marahil



"May mga taong minsan lang dadaan sa buhay natin. Minsan makikilala, makakasama, at mamahalin. Pero kadalasan ang minsan na iyon habang buhay na sa alaala natin. Parang SIYA, minsan lang dumaan sa buhay ko pero habang buhay ng nakaukit sa alaala ko."
















MARAHIL
Ni: Arvin U. de la Peña

Marahil hindi tayo ang nakatadhana
Minahal kita ng lubusan
Lahat naibigay sa iyo
Humantong din lang sa paghihiwalay.

Pinaglaban at pinagtanggol ko ikaw
Nagtitiis at naghirap ako
Hinarap ko ang mga pagsubok
Ngunit ako ay iniwan mo pa rin.

Sa ibayong lugar doon pinuntahan ko
Bawat tulo ng pawis ikaw ang inspirasyon ko
Sa gabing malamig na hindi ka kasama
Tinitiis ko ang mag-isa.

Mga nagpaparamdam sa akin iniiwasan ko
Tukso pilit kong nilalayuan
Ayoko na mahumaling sa iba
Pagkat ikaw lang ang tangi kong mahal.

Wala ka naman sa piling ko
Kailanman di naman maging tayo
Alaala mong naibahagi sa akin
Sakit man kapalit isipin ko pa rin.