Wednesday, May 11, 2011

Yapak

"Ang bawat isa ay mayroon pag-asa. At ito ay malaman kung saan siya patutungo."
YAPAK
Ni: Arvin U. de la Peña

Magpakalayo ka
Sundin ang gusto mo
Hayaan lang sila
Pagtagal uwi ka.

Lasapin ligaya
Sa kanila wala
Isipin bukas mo
Makamtan ginhawa.

Huwag mag-alala
Sila di makita
Papel ay marami
Puwedeng sulatan mo.

Sa buhay ng tao
Pag-iwan kasama
Habang buhay hindi
Kapiling mo sila.

Yapak mo paglayo
Pagbalik pareho
Kayabangan wala
Pagkat iwasan ka.

49 comments:

Azumi's Mom ★ said...

Kaya nga sabi nila, gawin mo ang magpapasaya sa yo :) Habang may buhay, may pag-asa :)

w0rkingAth0mE said...

Agree ako dyan ... Kung san ka liligaya don ka :)

Akoni said...

hehehe..hindi ako nakafocus sa tula...nakuha ng picture mo ang attention ko..hehe.astig!

Anonymous said...

tama..kung san ka masaya go!

nagulat ako s kanta hehehe

Umma said...

To each his own..ika nga..so kon saan ka happy.. go for it.

emmanuelmateo said...

wonderful poem kuya..
good am.done following you

Unknown said...

bigla ko na nman naalala ang mga taong malalapit sa puso ko na kamakailan lamang ay yumao...
ang buhay tlg...may aalis na kailanman ay dna babalik:(

madalas ko tuloy itanong...bakit ba ganon, parang madaya...

kikilabotz said...

masasab ko lang astig ng bagong header. ayos

Mel Avila Alarilla said...

Lahat nang tao ay nagpapasiyang lumayo paminsan minsan. Ito ay para tuklasin ang kahulugan nang buhay. Salamat sa makabuluhang tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

=supergulaman= said...

ummm...post holyweek post...ahehehe..puro post ako ah... :)

pero yun yung una kong naisip ng makita ko yung picture...si annie batongbakal..ayun nagulat na naman ako..saan ba ako magkokoment..sa background music..sa picture..sa tula...

ahhh..hindi...sa lahat na lng...

Si Annie Batongbakal hindi talaga mahilig sa disco..sa beach sya mahilig..footprints nya yan... ahehehe...

pero seryoso..kahit saan ka man tumungo...may bakas at alaala kang maiiwan... para sa iyo at sa mga nakibahagi sa buhay mo... :)

Arvin U. de la Peña said...

@Bambie dear..........tama ka diyan..may mga tao na kahit pigilan sa nais nila ay hindi nagpapaawat..kasi susundin nila talaga ang tawag ng puso nila na magpakalayo at hanapin ang kung anuman ang gusto nila sa buhay..

Arvin U. de la Peña said...

@wOrkingAthOmE.........salamat sa pag agree..at sa pag alis para sa tingin niya doon ay sasaya siya ay may malulungkot naman sa kanyang iiwanan..ganun ang buhay..mahirap ipaliwanag..

Arvin U. de la Peña said...

@Akoni...........haha...ganun ba..ilang taon din bago ko pinalitan ang header ng blog ko......ayos naman at may mga nagkagusto sa ibang style na ang makikita..

Arvin U. de la Peña said...

@JaY RuLEZ..........yup..maganda kung sa pag alis para tumuklas ng bago sa buhay ay walang kumukontra..kasi kung may hindi sasang ayon ay may makakasamaan ka ng loob..

Arvin U. de la Peña said...

@Umma...........tama ka diyan..kahit na ba alam mong sa pag alis ay may maiiwan kang tao na mamimiss ka....pero sa ngayon ay ayos lang kung umalis man pansamantala sa lugar kasi madali na ang communication..may cellphone na..internet..webcam at kung ano pa..

Arvin U. de la Peña said...

@emmanuelmateo.......salamat sa pag follow mo sa blog ko.....ikinagagalak ko iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@imriz..............ang buhay natin sa mundo ay hiram lang..sa kabilang buhay doon ay magkikita kita din naman..may hangganan ang lahat sa daigdig..

Arvin U. de la Peña said...

@kikilabotz...............hindi lang ikaw kundi pati pa ang iba ay ganun din ang reaksyon sa bagong header ng blog ko..hindi ako nagkamali na pinalitan ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla...........so true ang iyong sinabi..minsan nga lang ay pera ang dahilan para kung nais mang lumayo para tumuklas sa bagong buhay ay hindi nagagawa..masuwerte ang mga tao na may pera talagang nakalaan para kanila sakali mang pumunta sa ibang lugar..mahirap sa ngayon ang makipagsapalaran lalo na kung wala kang pera..isa pa delikado sa mga taong masasama..hindi ka safe sa ngayon kung maglakad lakad ka sa ibang lugar kasi madami ang nag tritripings..

Arvin U. de la Peña said...

@SuperGulaman...........tama ka diyan..kasi sa lugar na iiwan ng isang tao doon ay may mag alala siya.....may mga nakaibigan na tao na hindi alam kung sa pag alis ay makikita pa sa kanyang pagbalik..at hindi rin alam kung sa pag alis ay hindi na makakabalik..maraming salamat sa sinabi mo tungkol sa bagong header ng blog ko..sa kanta na annie batongbakal..maganda ang kanta na iyon lalo na kung nasa inuman o kaya sa party..

MJ said...

wala pa ko nag-basa kasi nag blogg walk lang po ako...anyway exchange link? why not..add ko links mo...add mine too...happy weekend...

Mel Avila Alarilla said...

Alam kong nakapag comment na ako dito kaya lang baka nabura dahil sa problema nang Blogger. Anyway, lahat tayo ay lumalayo paminsan minsan lalo na't ang mga pangyayari sa ating buhay ay hindi na natin makayanan at maunawaan. Kailangan ang pansamantalang paglayo para mapagmuni muni ang mga pangyayari. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Ishmael F. Ahab said...

Ang gand ng tula mo. Will share this on FB. ^_^

Arvin U. de la Peña said...

@Bambie dear..................tama ka..kasi buhay ang pinag uusapan..kaya lang minsan sa pag alis may nalulungkot kasi hindi na makikita ang mga tao na naging malapit sa puso mo..

Arvin U. de la Peña said...

@wOrkingAthOmE................salamat sa pag agree.....minsan ginagawa talaga ang pag alis sa isang lugar para sa ibang pupuntahan ay mahanap ang saya na wala sa unang lugar..

Arvin U. de la Peña said...

@Akoni..............ganun ba..ilang taon din bago ko napag isipan na palitan ang header ng blog ko....di ko alam kung ibabalik ko pa ang dati..

Arvin U. de la Peña said...

@JaY RuLEZ..............pero sa pag alis ng isang tao para sa kasiyahan niya ay may nalulungkot..kasi may naiiwan siya..madami din talaga ang nakapansin sa kanta na annie batongbakal....

Arvin U. de la Peña said...

@Khim................ok....sige add ko ang blog mo sa blog list ko..tingnan ko sa blog mo ang blog site ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla............maraming salamat sa sinabi mo at sa pangalawa mong pag comment..nabura nga po..di ko alam bakit ganun minsan..siguro last year ay nangyari din ang ganun..tama ka diyan..sa lugar na nais puntahan ay doon baka talaga mahanap ang ikasasaya..may mga tao din na kapag nabibigo sa kanilang nais ay lumalayo talaga dahil sa hindi matanggap na kabiguan at sa lugar na pupuntahan doon ay subukan baka makamit ang hangad..

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab..........salamat at nagandahan ka sa tula kong ito na sinulat..okey share mo sa facebook..

Anonymous said...

ang galing mo talaga gumawa ng tula..

Kim, USA said...

Pero ang yapak ay hinde dapat kalimutan. Minsan ito din ay dapat tingnan. Dahil ito minsan ay nakapagdala nang walang hatid na kaligayahan lol!! Naka pag tula na ba ako? Hahahaha! Thanks sa bisita!

Yen said...

ikaw ba yung nasa header na picture? hehe, nice. Lapit na ko umuwi ng tac, yehey! kita tayo.busy ang lola mo this fast few weeks kaya ngayon lang ako nakadalaw sa site mo, anyway makapag comment na sa tula mo, hehe.. Yapak - habang maaga pa at may time pang gawin ka ang mga panagarap mo, do it now, para maiwasan ang pang hihinayang sa bandang huli, na sana ginawa mo na to at yun ng kaya mo pa. :-)

isp101 said...

Mahalaga na gamitin natin ang buhay na hiram natin sa DIYOS! Habang may buhay, may magagawa pa tayo... Tnx for sharing, bossing! =)

eden said...

Galing mo Arvs.. nice poem again. Sorry for the late visit. may problema yong internet connection namin at kanina pa na ayos.

Have a good week.

Arvin U. de la Peña said...

@mommy-razz.........maraming salamat mommy sa iyong sinabi..it makes me inspire..

Arvin U. de la Peña said...

@Kim, USA...............tama ka..may kasabihan nga na ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan..kahit paano kung man ay narating na ang nais sa buhay mas mabuti pa rin na lingunin ang ating pinagdaanan..ang mga naging kaibigan sa lugar na iniwanan ay paminsan minsan ay bisitahin pa rin..kahit minsan lang..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen..........oo ako ang nasa header..ginawa ang pag picture niyan ng kaibigan ko sa socian night ng pag alumni namin..mga 2 am ay lumabas na kami ng school at pumunta sa boulevard na nasa gilid ng dagat..kumain at nag inom uli..ilang araw ka sa tacloban..

Arvin U. de la Peña said...

@isp101............unang una salamat sa pagbisita mo sa blog ko at pag comment sa sinulat kong ito..di ko alam kung kaninong blog ka dumaan at napadpad sa blog ko..oo nga..pero mas maganda talaga kung ang buhay natin na hiram sa diyos ay pawang sa kabutihan ginagamit..kaso hindi eh, may mga tao na ang buhay nila ay sa kasamaan ginugugol at doon ay nakakaperwisyo ng kapwa..

Arvin U. de la Peña said...

@eden...........thanks..dito din noong isang araw nagkaproblema..mahina din ang connection..pati na ang sa blogger..nawala ang ibang mga comment sa post kong ito..

Unknown said...

Salamat sa pag bisita sa site ko. magandang tula. Tamang sundin ang magapapasaya sa iyo. :)

iya_khin said...

hanglalimmmmmm.....sisirin...

kung saan ka masaya suportahan taka!

Unknown said...

Wow, ganito ba talaga ang buhay.. Sana nga..

Unknown said...

Hey Arvin: Pwede kitang tulungan mag tweak sa blog mo.. or let's make it more presentable.. Assure you walang mawawala sa post mo.. and friends..

Arvin U. de la Peña said...

@mayen..............walang anuman iyon...salamat rin sa iyo at pinuntahan mo ang blog ko..tama ka..kung saan masaya ay doon pumunta..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu...........kumusta ka na..siguro busy ka lagi diyan..

Arvin U. de la Peña said...

@iya_khin............hehe...hindi naman masyadong malalim......kung magaling sumisid ay tiyak hanggang sa kaibuturan ay kayang masisid..salamat naman kung ganun..masarap pala ang maging kaibigan ang tulad mo kasi sumusuporta ka talaga..

Arvin U. de la Peña said...

@tim..............salamat po..tingnan ko lang po..

Dhemz said...

tamaaaaa! kaya wag malaman nang pag asa....there's always a light at the end of the tunnel.